*** Matapos kumain ay bumalik kaagad sa kanyang kwarto si Yvan. Maliligo at maghahanda na kasi siya para pumasok "Oooh. Lasang gatas ng baka, pero parang medyo hindi? ‘Di ko masyadong maintindihan." Rinig ni Yvan bago siya tuluyang nakalayo sa kusina. Umiinom kasi si Hora ng gatas at base sa inaasta niya, mukhang first time niyang uninom ng powered milk. Naisip tuloy ni Yvan na baka cow milk lang ang iniinom nito dati dahil, siguro, ay ganoon sila sa bukid. Pero naalala rin ni Yvan na walang kaibigan na taga probinsya ang kanyang kapatid. "Or I was wrong about it?" he muttered, saka hinubad ang suot na damit pang-itaas. Sa kabilang banda, malapit nang matapos ni Hora ang kinakain na isda. Halos abutin siya ng siyam-siyam sa bagal niyang kumain, sanhi ng nahihirapan siyang kunin ang m

