*** Mabibigat na paghinga, mabilis na hakbang ng mga paa na natatapakan ang mga tuyot na dahon, at mga masasayang halakhak ng mga bata. 'Yan ang maririnig sa kagubatan na pinaliguan ng sikat ng araw na nasa tapat lang ng bahay nila Simon. Ang dating gusgusing bata na natagpuan ni Simon sa parehong gubat ay masigla na ngayon na nakikipaglaro sa kanya. Hindi naging madali para sa batang babae ang masanay sa pamilyang nakakita sa kanya. Araw din ang binilang bago niya kusang binuksan ang loob sa mga ito. Noong una ay takot pa siya na magsalita, puro iling at iilang ungol lang ang kanyang mga sagot sa bawat tanong na sinasabi ng ama ni Simon. Ayaw din nitong kumain o uminom man lang ng tubig. Nasa sulok lang siya ng kama, nakaupo at yakap-yakap ang kanyang tuhod. Kinabukasan ay tila nagutom

