*** "Hey! Where's your luggage? Ilalagay ko na sa sasakyan!" malakas na tawag ni Yvan kay Hora na nasa loob pa rin ng kuwarto. Hindi kaagad sumagot si Hora, kaya naghintay ng ilang segundo si Yvan bago niya sinulong ang kuwarto ng walang imik na diyosa. "Hey! I said; where is your lugg—" Hindi na natapos ni Yvan ang sasabihin nang makita ang kuwarto ni Hora na nag-tila dagat ng maruming hangin dahil sa nakalutang na mga gamit dito. Idagdag pa ang gabundok na mga damit sa kama at sahig. "What are you doing?" he loudly asked in disbelief. How could someone make a mess this much early in the morning? "Ah. Hindi ako sigurado kung alin sa mga ito ang dapat kong dalhin," mahinahon na sagot ni Hora ngunit maririnig pa rin ang mapagmataas na tono sa kanyang boses. Ayaw niya kasi na ipagtapat

