42:00 - Crystal Suarez

2719 Words

*** Maingay na tugtuganat sigawan ng mga nag-iinuman, ito ang sumalubong kay Yvan sa pagpasok niya ng club. Idagdag pa ang makukulay na ilaw na tila ba sinusuri ng mabuti ang bawat sulok ng madilim na silid na punong-puno ng tao sa layo ng naaabot na sinag. Mga babaeng maiiksi ang suot na damit at mga lalaking nagtila mandaragit ang mga mata sa katititig sa mga binti nila, punong-puno ng ganitong uri ng mga kabataan ang mga club at bar na pinupuntahan ni Yvan at ng kanyang mga barkada. Ngunit hindi kagaya ng mga kabataang ito na nasa common area lang na bahagi ng club kung tawagin nagsasaya may sariling silid sina Yvan na pinareserba nila. Dire-diretsong naglakad si Yvan sa loob ng club, nilagpasan at hindi niya pinansin ang mga sutsut at pangingimbita ng mga tao na kanyang nadadaanan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD