*** Isa na naman na normal na araw sa paaralan ang kailangan na harapin ni Hora. Kagaya ng nakagawian ay maaga silang gumising at naghanda para pumasok. Ngunit sa gitna ng karaniwang gawain nilang ito ay may napansin si Hora na kakaiba kay Yvan. Hindi makatingin sa mga mata niya ang binata pero kahit ganoon ay mabait ang pakikitungo nito sa kanya. Nakapagtataka lang na nagsimula na ang araw pero wala siyang narinig na angal mula sa binata. Kagaya na lang nang nasa hapag sila kanina, nasa tapat lang nila ang isa't isa ngunit pilit na iniiwas ni Yvan ang tingin niya kay Hora. Pero sa kabila ng mga pag-iwas ay sinigurado naman ni Yvan na nasa hapag ang paboritog ulam ni Hora, ang ginataan. Hindi rin nagalit ang binata nang kunin ni Hora ang bag niya gamit ang kanyang kraftaz. Hindi sana pa

