bc

WILD NIGHT WITH HER BOSS

book_age18+
1.1K
FOLLOW
11.4K
READ
contract marriage
one-night stand
HE
escape while being pregnant
heir/heiress
drama
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

‎⚠️ WARNING ⚠️ ‎🔞 ||R-18, SPG|| 🔞

‎‎Dahil sa kataksilan ng boyfriend ni Canna Villegaz. Mag-isang nagtungo sa bar ang dalaga. She drinks a couple of drinks which led to her being tipsy. Ang kanyang papunta sa bar ay nauwi sa mainit na kagabi kasama ang lalaking hindi niya makilala dahil sa kanyang kalasingan.

‎Kinaumagahan, nagising na lamang siyang katabi ang Boss, si Azrael Cervantes. Tinakbuhan niya ito bago pa man magising at makita siya. Ngunit kaagad din itong agad nakagawa ng paraan para hindi siya tuluyang makatakas. Pinipilit ng kanyang Boss na panindigan ang nangyari sa kanila.

‎Nagtagumpay naman si Azrael sa kanyang plano. Ngunit nang mangyari ang hindi inaasahang trahedya, lahat ay biglang nagbago. ‎Kinasusuklaman na siya ni Azrael at pinagbibintangan sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Pinili niyang layuan ang lalaking natutunan niyang mahalin sa maikling panahon upang hindi madamay ang bata sa kanyang sinapupunan.

But fate is cruel and stubborn. When their paths cross again, Azrael meets the son he never knew existed. Secrets unfold. Old wounds reopen. ‎Makayanan niya kayang harapan ang galit ni Azrael? Paano kung ang tingin ni Azrael sa kanya ay isa na lamang babaeng nagpapainit ng gabi nito? Hanggang saan niya kayang magsakripisyo?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Ang lalaking ‘yon talaga…" napailing ako habang marahang isinara ang pinto ng condo ni Rave. Nakakapagtakang nadatna kong bukas ang pinto. Palaging nakasara ‘yon kahit alam kong nasa loob siya. Palagi siyang maingat, paranoid pa nga minsan. Pero ngayon, parang may kakaiba. Tatlong araw na siyang hindi nagparamdam. Hindi sumasagot sa tawag ko, hindi nagri-reply sa mga messages. Kahit sa mga kaibigan niya, wala ring makapagbigay ng sagot sa akin. Hindi daw nila alam kung saan siya. Kaya napagdesisyunan kong puntahan na lang ito sa kanyang condo. Tahimik ang buong unit habang umaakyat ako ng hagdan. Walang tao sa sala. Pero habang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan, may narinig akong tunog mula sa kwarto. Napahinto ako saglit. Kinabahan. “Rave?” mahinang tawag ko. Pero walang sumagot. Napakabilis ng t***k ng puso ko habang tinutungo ang pinto ng kanyang silid. Nanginginig ang kamay kong humawak sa door knob. Sana mali lang ang kutob ko. Pero pagkapihit ko ng seradura, tuluyan nang bumagsak ang mundo ko. Nakita ko si Rave. Nasa ibabaw siya ng babae. Hubad. Pawisan. Nanigas ako sa kinatatayuan. “R-Rave…” Napalingon siya sa akin at gulat na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita akong nakatayo sa pinto. “Fvck!” Mabilis siyang napatayo at nagtaklob ng kumot habang ang babae ay nagtatakip din ng katawan. Hindi ko na kinaya. Pakiramdam ko ay parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Padabog kong isinara ang pinto at halos talunin ko ang mga hagdan pababa. “Canna, wait!” sigaw niya, hinahabol ako. Ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto palabas, naramdaman ko na ang mahigpit na hawak niya sa braso ko. “Bitawan mo ako!” sigaw ko, hinablot ko ang braso mula sa kanya. “Huwag mo akong hawakan, you fvcking cheater!” “Please, pakinggan mo muna ako—” “Ang kapal ng mukha mo, Rave! Pumunta ako dito kasi nag-aalala ako sa 'yo! Ilang araw kang nawala! Tapos ganyan ang madadatnan ko?” “I... I can explain, love.” “Explain?” napatawa ako ng mapakla. “Ano pa bang kailangang mong ipaliwanag sa nakita ko? Nag-aalala ako sayo, Rave. Pinuntahan kita kahit busy ako sa trabaho. Pero ‘yon pala, nagpapakasaya ka sa kandungan ng iba?” Tumango siya at hindi makatingin sa akin. “Hindi ‘yon ang iniisip mo—” “Huwag mo akong gawing tanga! Malinaw na nakita ko ang lahat!” napasigaw ako. “Wala nang paliwanag na makakabura sa nakita ko!” Hindi na siya makapagsalita. Ang bigat ng katahimikan na bumabalot sa amin. At doon ko napagtanto, hindi siya makapagsinungaling kasi totoo ang lahat ng sinabi ko. “Alam mo,” marahan kong sabi, nanginginig ang boses ko, “kaya ko naman sanang maghintay kung naging totoo ka lang. Hindi ko pa nga binibigay ‘yung buong sarili ko sa ‘yo kasi gusto ko, sigurado ako. Pero ikaw... ikaw pala, iba ang habol.” Napaluhod siya bigla sa harap ko. Doon ko siya unang beses nakitang gano’n, wasak at desperado. “Canna, I’m sorry… hindi ko sinasadya.” “Bakit mo nagawa sa akin ‘to?” Napapikit siya. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng suot kong blouse. “Nabuntis ko siya…” Para akong sinabugan ng bomba sa narinig. “Anong sabi mo?” “Nabuntis ko si Saizy. Three months na. One time lang ‘yon, Canna. Nag-away tayo tapos wala ka... and I was drunk. I didn’t mean for it to happen—” Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang huminto ang mundo ko. Bigla akong nabingi. Matagal niya na pala akong ginagago. “P-pero mahal kita. Ikaw ang mahal ko…” Napaatras ako. “Kung mahal mo ako, bakit mo ko niloko?” “Canna, please…” “Pinagtiisan kita, Rave. Hindi mo lang alam kung ilang beses kitang ipinaglaban sa mga taong hindi naniniwala sa ‘yo. Sa pinsan ko. Sa sarili ko. Pero anong ibinalik mo sa akin?” Hindi ko na napigilang umiyak. Tumulo ang luha ko isa-isa, kasabay ng pagbitaw ko sa lahat ng sakit na pinipigilan ko. “You don't deserve me. Hindi ‘to pagmamahal, Rave.” At sa huling pagkakataon, tinalikuran ko siya. Buong lakas kong binuksan ang pinto at nilampasan ang mga alaala namin sa loob ng unit na ‘yon. Pagkalabas ko ng building, agad akong pumara ng taxi. Pilit kong pinipigil ang mga hikbi habang nakaupo sa likod ng sasakyan. Hinaplos ko ang dibdib ko, sobrang sakit niyon. Pinapahid ko ang luha ng dumaloy sa pisngi ko. Mabuti na lang hindi ko tuluyang isinuko ang sarili dito. "One more glass, please," sabi ko sa Bartender. Hindi ko na namalayang naparami na ang inom ko. Habang hinihintay ko ang inumin. Nilibot ko ang paningin sa loob ng bar. Maingay at nakakahilo ang lights sa dance floor. Nilingon ko ang lalaking mag-isang nakaupo sa dulo ng bar. Wearing a button up shirt and tie but I couldn’t get to see his face, nakatalikod ito sa akin. Nag-aalangan akong lapitan ito para kausapin. Baka mapahiya lamang ako lalo’t hindi ko naman kilala ang lalaki. “Here’s your drinks, ma’am.” Binawi ko ang tingin dito at tinuon sa inumin. “Thank you,” napapaos kong sabi. Inubos ko ang alak sa baso at tumayo sa stool. Kamuntikan pa akong matumba, mabuti na lamang at mabilis na nakahawak sa counter ang kamay ko. Umayos ako ng tayo at lumakad sa gitna ng dance floor. Itinaas ko ang kamay at sumayaw. Nagsisigaw pa na parang wala na sa sarili. Nang sinubukan kong tumalon para sabayan ang beat ng music. Bigla na lang akong nawalan ng balanse. Buti na lamang may matitipunong brasong maagap na nahawakan ang aking baywang. “Careful,” rinig kong sabi ng baritonong boses. Umayos ako ng tayo at hinarap ito. Pilit na inaaninag ng mga mata ko ang mukha ng estrangherong lalaki. Ngunit nanglalabo na ang aking paningin. Dagdag pa ang nakakahilong lights. “Canna…” napapaos na bulong nito. Napasinghap ako. Kilala ako ng lalaki? Hinaplos nito ang aking baywang. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kiliti dahil sa ginawa nito sa akin. “Palagi mo na lang akong sinusuway,” anito sa matigas na boses. Kumunot ang noo ko. Maging ang boses nito ay pamilyar. Lasing na nga ako, kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Imposible namang nandito sa bar ang lalaking ‘yon. “Let’s go, bago pa ako makakasuntok ng mga lalaking tumititig sa ‘yo.” “Wait—” naputol ang pagpoprotesta ko nang hilain ako ng lalaki palabas ng bar. “You defy my order,” malamig nitong sinabi matapos kaming huminto sa may madilim na parte ng bar. “Your order” naguguluhang tanong ko. Isinandal ako nito sa pader at dinaganan ang katawan ko upang hindi makatakas. He moves one hand from the wall and brings it closer to my face. Marahan nitong hinaplos ang aking pisngi. “How about I punish you, baby?” napapaos nitong sinabi. Napalunok ako nang wala sa oras. Namumungay ang mga matang tinitigan ko ang lalaki. Gusto kong makita ang mukha nito. “Tell me… how do I punish you?” tanong nito. Kahit lasing ako hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba sa aking katawan sa sinasabi nito, it’s making me feel some kind of inner heat. You can say I have a dirty mind. “Pu-punish me?” bahagyang nanginig ang aking boses. “Yes, I want to punish you, baby. Isang parusang hindi mo makakalimutan,” bulong nito bago ako siniil ng halik.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
163.9K
bc

Daddy Granpa

read
277.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
38.4K
bc

My Cousins' Obsession

read
188.9K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
248.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook