Chapter 35 Gabi na, pero wala pa rin si Azrael. Mag-isa ako sa silid at nakahiga sa kama pero hindi ako mapakali. Kanina pa nagtatanong ang bata kung nasaan si Azrael. Sinabi ko na lang nasa trabaho. Mabuti na lang hindi na si Ryo nagtatanong pa pagkatapos niyon. Dumaan din si Ghijk kaninang hapon. Nagtagal siya sandali pero kahit anong pilit kong ngumiti, hindi ko magawang patawarin siya ng basta-basta. Hindi pa rin nawawala ang sakit na ginawa nila, hindi lang sa katawan kun'di pati sa puso ko. Kahit ilang ulit ko nang sinabing hindi ako ang may gawa, hindi talaga nila ako pinaniniwalaan. Sino nga ba naman ako para paniwalaan nila? Huminga ako ng malalim. Naisipan kong magpahangin sa labas. Tinungo ko ang balcony. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko. Napayakap ako s

