Chapter 7

1571 Words
CASSIE’S POV My mind is working. Kanina niya pa pinipilit sabihin na magbabayad ako. I know my rights. Ano naman akala nito sa akin? Basta na lang titihaya, bubukaka para maalegro ang problema? I gave him a glance. Magnus Torres is really handsome and hot but a red flag. Tumayo muna ako at nilapitan ang nude painting ng babae at lalaki na n*gtatalik sa wall niya. My gas! Kahit sa painting ay nakikita na ang mga trip nito. Tumayo ako dahil inip na ako sa kontrata ko na mukhang natabunan na ng isang truck na files dahil kanina pa hindi makita-kita. I was just staring at the painting nang pumasok ang secretary niya at binigyan siya ng kape. I was staring at his efficient secretary at naisip ko na maganda at sexy ang secretary niya. Is she also having s*x with her boss in this office? Definitely. Kung iyong artista nga na si Jenna ay nakaraan nandito, eh ‘di sure na kahit itong secretary niya ay naaano niya rin. “What do you want to eat and drink?” he asked at gusto ko mapangiti dahil nakaisip na naman ako ng kalokohan. “Do you serve milk tea here?” Tingnan ko lang kung hindi ka mainis pa sa akin… for sure titigilan mo rin ako. “Rowena, bring milk tea for my visitor here.” Mabilis akong napalingon at nakita ko na kausap niya si Rowena sa phone niya. Sh*t! Did I heard it right?! Malakas talaga yata ang tama sa akin nito? Iuntog ko na lang kaya para matauhan? Bakit hindi na lang si Rowena ang ibili niya ng milk tea. Naningkit ang mga mata ko sa inis. “What flavor?” Hay naku naman talaga! Seryoso? Talagang may pa-flavor pa?! I breathed in deeply na naiinis na talaga at nagsisisi kung bakit pinaabot ko pa ang five minutes kanina. Sana three minutes lang talaga! Three minutes lang kasi dapat ginawa ko na paghintay! “Wintermelon… And if it's alright since you already asked me what I want to eat, would you let me have pizza? A vegetarian pizza?” pananadya ko na. Sige lang Magnus! Huwag ako! Marami ako bala sa kalokohan. Nang makita ko na tapos na sila ni Rowena mag-usap ay muli ako napailing sa inis. Ayaw talaga ako tigilan nito. I need to think of aything to make him let me go. Balewala sa kaniya mga demands ko. Balewala sa kaniya pagtataray ko. Yeah… How could I forget? Sa mga ganitong lalaki ay challenge sa kanila ang pa-hard to get na babae. I should change my moves. “You are really awesome, Mr. Torres. You are so charming with your employees. Are you always like that?” I smiled sweetly at him at tama ang hinala ko, nakita ko siya agad na tumayo palapit sa akin. “Not at all,” he said and gave me stare na aaminin ko na parang tinutunaw ako. I moved my eyes from him. No! I can’t let him seduce me… I didn’t reach this age para lang magkamali. I should focus on how to discourage him. “Stop doing that, Mr. Torres.” I stepped back to sit on the couch. I am not good at flirting but let me try. “Stop doing what?” “You are flirting with me?” I said with a grin. I wanna try to act seductive pero mas mukha pa rin yata akong maton sa kilos ko. “I am flirting and you want me to stop. Why? Can’t you handle me?” he was asking me at lumapit na sa akin at naupo sa tabi ko. Mukhang kakagatin na niya kalokohan ko. Malandi talaga ang Magnus na ito! Red flag talaga!!! “Don’t you think that flirting with someone like me could make you penniless? I am a mother of three and I could make your life miserable by falling in love with someone like me.” “I don’t think that maintaining you could make me penniless,” he said with a seductive lopsided grin on his face. And sh*t he is savoring me already in his eyes. Malagkit na titig pa lang niya ay parang natutukso na ako. I should be really careful. “Mr. Torres, I think w–” “Magnus. Call me with my name if you would not accept the job I am offering you,” he cut me, and then he touched my right cheek and my lips. Oh no! He is burning me… I felt his hotness. One wrong decision and he will surely have me. When his thumb brushed my lips ay gusto ko makaramdam ng kakaiba, I am starting imagining things. Things that I only heard from Ate Claire. I should stop this! “Magnus…” I whispered his name. I was staring at his golden brown deep-set eyes. I am beginning to lose the game. I am beginning to… “Here’s the contract of Miss delos Reyes, Sir Magnus.” Oh, yes! Rowena is such an angel! She saved me from my damnation! Praise her! I was smiling at Rowena pero nakita ko si Magnus na nainis dito at hinanap pa ang milk tea ko. NAKAKUNOT ANG NOO ko na tumitig sa kaniya. Unnecessary raw ang mga pinabili ko kaya dapat bayaran ko. Teka! Anong unnecessary ang sinasabi nito? I asked him kung bakit unnecessary. Hindi ako makakapaniwala na unnecessary ang kotse, phone at lappy na hindi ko pa nga nagamit kahit minsan. He was just using the purchases to make me accept his offer. I gave him a look and then I gulped. I am really tempted to accept his offer now but I am not Cassiopeia delos Reyes kung magpapadala ako sa pang-aakit niya. “Why? Do you think that the next driver-assistant would like to use those items na gano’n ang kulay?” tanong niya sa akin na gusto ko mainis. Sino ba naman kasi ang boss na ang empleyado pa ang mamimili ng color. “Then you should change the color to suit the next employee, at hindi ko maintindihan kung bakit kasi ang empleyado ang magde-decide sa gusto niya. Ibang klase naman kasi talaga itong company niyo.” “I just let you decide dahil gusto kita,” inis na niyang sabi. Oh! Umamin bigla! Good! Kailangan ko na lang siya i-discourage pa at lusot na ako. “But…” “I won’t marry you but I want you to be my woman! Decide now Cassio…peia!” Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Am I hearing it right? Diretso na niyang sinasabi na gusto niya ako maging babae? Sh*t na malagkit! Naloloko na talaga ang taong ito! And he don’t want to marry me! Awesome! Darn the man! G*go talaga eh! Prangkahan na sinabi na gusto lang ako maging babae. Nakaraan sabi niya magpapanggap lang ako pero ngayon ay umamin na rin. He is really serious making me his MILF. Pride ba ‘yon ng mga lalaki ngayon na magkaroon nang matatawag na MILF. Think, Cassiopeia! Huwag ka p*tanga-tanga at matatalo ka! Huwag ka magpapadala at tandaan mo na sugo lang ‘yan ng mga demonyo para akitin ang tulad mong maprinsipyo! Wow! Ang galing ko sermunan ang sarili ko… I am amazing talaga at mabuti na lang nakinig agad ang sarili ko dahil bigla na naman siya naging red flag sa paningin ko. “Decide to be your woman?” naguguluhan ko kunwaring tanong. I need to do some acting again. “I know you are rich and handsome, Mr. Torres… but I don’t want to have another heartbreak. Siguro sa’yo akala mo okay lang sa akin since may mga anak na ako pero kapag napamahal ako sa’yo ay ako ang kawawa…” “I would provide everything for you and your daughters basta kapag kailangan kita ay dapat magawa mo ang gusto ko.” “Wait!” inis ko nang sabi. Hindi talaga kami magkakaintindihan ng ogag na ‘to! Teka nga! Hindi ba niya nasi-sense na ayaw ko nga! “Hindi ko matatanggap ang alok mo, Mr. To–” “Magnus!” bigla niyang sabi at bahagya nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko na inis na niya. Yes! Kaunti na lang! Kaunting push pa at papalayasin mo na ako! “I can’t accept your offer, Mr. To–” “Continue to call me Mr. Torres at sigurado na hindi ka makakalabas ng opisina ko ngayon na walang nangyayari sa atin!” galit na sabi na niya. Napalunok ako. Mukhang hindi mangyayari ang iniisip ko na makakalusot. Baka ma-r*pe ako nito kapag nasagad ko sa inis. Hindi muna ako umimik. My mind is now thinking on how to distract the atmosphere. I need to decide using my brain. Yeah.. walang kwenta itong kausap ko dahil mukhang s*x lang lagi nasa isip nito pero hindi ko pwede balewalain kakayahan niya dahil marami siyang pera at dahil… oo, aminin ko na… sobrang guwapo talaga at mukhang matikas, matigas, at madiin. And I know masarap siya, satisfied nga si Jenna nakaraan. “I am not quitting,” biglang sabi ko na lang. “I will work for you as your driver-assistant, sir.” “You are accepting now my offer?” he smirkingly asked. “The driver-assistant only, sir. Sorry…” sabi ko sabay iling, “sorry, but I can’t be your woman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD