CASSIE’s POV
I was playing with my nieces nang nakita ko na dumating na si Crissa galing sa trabaho. I was smiling at her at naka-smile din siya sa akin na lumapit.
“Ate, sabi ni Sir Magnus eh kung gusto mo raw pa-terminate ang contract ay need mo pa rin daw punta sa office,” sabi niya sa akin habang hinihilot niya ang mga binti niya na obvious na naninigas na dahil sa hilig nitong magsuot ng heels.
Napakamot ako, nakakainis! Ano ba problema ng lalaki na iyon at gusto pa na mag-report ako sa opisina niya. Sabagay at baka sa HR lang naman ako pupunta. Ayoko na kaya makita iyon. Ayaw ko na dagdagan ang kalokohan ko at mas lalong ayoko na magsinungaling pa.
“Kailan daw ako pupunta?” I asked boringly. Tinatamad talaga ako, sana naman kasi ay hindi na ako nag-apply pa doon.
Hindi naman kasi ako tanga. Ayaw na ayaw ko na pagnasaan ako at nakikita ko sa mata ni Magnus iyon. I said na may tatlong anak na ako para sana iwasan niya ako kaso ay mukhang lalo pa na-engganyo. Balak pa yata ako gawin MILF. Loko-lokong ‘yon! Hindi na makontento doon sa artista niya ay balak pa idagdag ako.
“Wala naman sinabi, ate. Ang sabi lang ay kailangan mo pakita sa office para sa termination ng contract para wala ka maging problem,” inaantok na sabi nito at napasandal na sa single couch. Obvious naman na pagod ito sa maghapon kaya gano’n.
“Okay,” I said. Since Saturday bukas ay sa Tuesday na lang ako pupunta at baka sakali wala iyong Magnus sa hotel sa Tuesday. I hope so. I really hope so.
“Sayang…” Crissa said na ikinatingin ko sa kaniya na kunot-noo.
“Ano naman ang sayang? Iyong inalok sa akin na trabaho? Walang sayang doon kasi hindi ko naman gusto gawin akong alalay ng Magnus na iyon!” naiinis kong sabi.
“Sayang kasi sabi niya kanina sa akin ay gusto niya ako ihatid dito sa bahay pero hindi natuloy kasi may dumating siyang kaibigan sa office at niyaya siya lumabas,” sabi nito na biglang napasimangot.
“Sino maghahatid?” curious kong tanong. Mukhang may manliligaw na yata ang kapatid ko.
“Si Sir Magnus, ate…” kinikilig na sabi nito at napaikot naman ang mga mata ko. My gosh… nabuang na yata ang kapatid ko! Nang biglang manlaki ang mga mata ko sa naisip na dahilan kung bakit gusto ni Magnus Torres na iyon ihatid si Crissa. He wants to find me! Baliw na yata sa akin. G*go eh!
“Huwag ka papahatid sa kaniya!” sabi ko na ikinakunot ng noo ni Crissa.
“Ate…” nakasimangot na sabi nito.
“Subukan mo lang dalhin ang lalaking iyan dito at tatamaan ka sa akin!” banta ko.
Hindi pwede makarating si Magnus sa bahay namin. Hindi pwede dahil malalaman niya na sinungaling ako. Pero teka… hindi kaya. Baka naman kursunada niya rin itong si Crissa. Hmm…
“May tinanong ba ‘yong Magnus na iyon kanina tungkol sa akin?” tanong ko. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako.
“He asked kung nandito ka lang sa bahay at nag-aalaga ng mga bata. It’s weird, ate. How did he know na tinutulungan mo si mama sa mga pamangkin natin.”
“What did you say?” kinakabahan na tanong ko.
“Sabi ko eh oo kasi gusto mo tulungan si mama sa mga bata.”
“Nasabi mo ba na nasa ibang bansa ang mother ng mga bata?” nanghuhuli kong tanong.
“Nah!” sabi ni Crissa. “He didn’t ask about the mother of the kids, ang tinanong niya ay kung nasaan ang father ng mga bata.”
“And?”
“I just said na never natin nakilala ang tatay ng mga bata kasi hindi naipakilala sa atin ni Ate Claire,” natatawa na sabi nito. “It was really awkward, Ate Cassie.”
I laughed awkwardly dahil sa sinabi niya. Mukhang nabuking na yata ako ni Magnus pero bakit ba ako papaapekto eh hindi naman ako magtatrabaho pa sa kaniya.
“Can you tell me how your conversation goes on?” try ko pa rin malaman kung nabuking na ba ako o may pag-asa pa.
“Can’t remember the flow of our talking pero I think teka… paano nalaman ni Sir Magnus ang tungkol kay Ate Claire. Actually, he didn’t mention ate’s name. He just asked me kung nag-aalaga ka ba ng mga bata kaya in-assume ko na binanggit mo sa letter mo na hindi ka maka-work kasi tumutulong ka kay mama.”
“Okay,” sabi ko na lang. It seems wala ako problema, hindi nabanggit si Ate Claire kaya ibig sabihin kung nag-usap man sila ay hindi inisip ni Magnus na iba ang ina ng mga bata. I’m safe pa rin kung gano’n.
“Ate, gutom na ako. Kain muna tayo,” sabi na nito at tumayo na mula sa single couch at pumunta na sa kusina.
Hindi ko na rin siya kinulit pa at iniisip ko na lang na pupunta na lang ako agad sa hotel para wala na ako maging problema. Baka sa kalokohan ko ay bigla na lang ako makasuhan.
TUESDAY MORNING. Maaga pa akong dumating sa hotel. Ang sabi ni Crissa ay kadalasan napapansin niya na 10 A.M. na dumarating ang Magnus na iyon. Eight pa lang at siguro naman hindi ako aabutan ng ten ng umaga dito.
Iniwan ako agad ni Crissa dahil may work siya kaya ako na lang ang nasa office ng HR at naghihintay sa kontrata ko na hinahanap nila. Maya-maya ay lumapit na sa akin ang sekretarya ni Magnus na nakilala ko agad.
“Miss, Cassiopeia delos Reyes…” nakangiti niyang tawag sa atensyon ko. “You need to come with me,” sabi niya pa.
Ayoko sana pero ayoko naman magmukhang maleducated kaya sumunod na rin ako sa kaniya. Badtrip! Mukhang sa opisina pa yata ako ni Magnus dadalhin. Kainis!
“Ma’am,” I said. “I’m sorry pero hindi po ako pwede magtagal. Kailangan ko po umuwi agad kasi wala po kasi kasama si mama sa bahay,” drama ko.
Ayoko maabutan ako ni Magnus kaya mabuti na magdahilan na ako. Kung may pipirmahan ako ay siguro bukas handa na rin pagbalik ko.
“Sir Magnus instructed us that you need to see him first,” sabi nito sa akin na gusto ko na ikainis pero I cannot vent out my anger with them at wala naman sila kasalanan at mga empleyado lang naman sila sa hotel.
“Okay,” I said para hindi naman mahalata na nag-iisip na ko agad ng plano. Mamaya after five minutes ay sasabihin ko na pupunta lang ako sa CR at tapos ay aalis na ako. I would text Crissa na lang na ipaalam ako nito na biglang umuwi dahil bigla ako na-LBM. Yeah! What a brilliant idea!
“Just sit here, Miss delos Reyes,” nakangiti na sabi niya pa sa akin at sinunod ko na lang ang gusto niya at naupo sa couch na nakalaan para sa mga bisita.
I was counting the minutes at nang mag-four minutes na ay malapad na ang ngiti ko. Segundo na lang bibilangin ko. Last ten seconds and I count down in my mind. Ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two, wa–
“Good morning, sir!”
Napaangat agad ang tingin ko sa secretary ni Magnus and then there is… a very handsome man with deep set eyes na nakatitig sa akin. Sh*t! Oh, sh*t! I’m screwed!
“COME INSIDE MY OFFICE, CASSIO…PEIA!” he said to me.
Napamura na naman ako sa isip ko. Dapat pala three minutes lang ang itinaning ko kanina. Kung bakit naman kasi naabutan pa ako ng lalaking ito. Kaasar na talaga eh!
Wala naman ako magawa na sumunod na lang sa kaniya sa opisina niya. I was holding tightly my sling bag at umaasa na hindi na niya ako kukulitin habang naglalakad kasunod niya.
Bigla siyang nag-about face at napaharap na siya sa akin na sa gulat ko ay napaatras ako bigla. Buset na lalaki talaga ito at wala na yata idudulot na maganda sa puso ko. Ayoko talaga sa kaniya! Ayoko siya maging boss at ayoko siya maging kaibigan! Ayoko siyang dumikit sa akin at nakaka-allergy ang kagwapuhan niya.
“Bakit ayaw mo tanggapin ang trabaho?” tanong niya.
“Ahm… nasabi ko na ang reason sa sulat ko ‘di ba?” tanong ko naman sa kaniya na nakangiti.
“I talked to the lawyer regarding the contract but I am sorry at hindi pwede ma-terminate unless you pay for the damages of breaching the contract at kailangan mo ibalik ang mga nagastos na,” sabi niya na ikinalaki ko ng mga mata.
Ano pinagsasabi nito na nagsatos na? Wala pa ako kinukuha na pera sa kanila.
“But… but, sir…” I said at napuputol ang thoughts ko dahil nakatitig siya sa akin. Ano ba problema nito at tingin ng tingin? Wait! Hindi siya tumitingin, tinititigan niya ako!
“What?” he asked.
“But I believe na wala pa ako nakukuha sa company na kailangan ko ibalik… kung kakasuhan naman ako ng breach of contract ay okay lang po iyon at haharapin ko,” sabi ko. Hindi naman siguro kalakihan ang hihingiin sa akin dahil hindi pa naman ako nag-report sa work. Kaya pa maareglo ang breach of contract.
“You need to return the money used by purchasing the car, the laptop and the phone the company bought for you.”
“What?!” gulat na sabi ko. Nalintikan na! Upakan ko na lang kaya ito?!