Chapter 2

1973 Words
Elle Hingal na hingal akong tumatakbo palabas ng building kung saan ‘yung office ni Gabrielle. Sobrang late na ako sa work! Lintek! Inabala niya ako tapos hindi niya man lang ako pinahatid sa driver niya. Halos mag aalas tres na nga ng hapon oh! Baka mag half day na lang tuloy ako. Nagmamadali akong sumakay ng taxi dahil nung paglabas nung building ay agad itong huminto sa harapan ko. Huminga muna ako at umayos ng upo. Magsasalita na sana ako para sabihin doon sa driver kung saan ang pupuntahan ko nung may matanggap akong tawag mula sa kaibigan ko na ka workmate ko din. “Elle, sabay na tayong pumasok. Kita muna tayo sa coffee shop. Let's review some cases na din, the ones you missed nung one week kang absent last weel.” Sambit ni Michael mula sa kabilang linya dahil nagkasakit nga ako kaya isang linggo kong wala sa work at school. Working student ako, nagta-trabaho ako sa isang law firm habang nag aaral bilang law student. Pinagaasabay ko 'yung work at 'yung studies ko para na din suportahan iyong finacial needs ko, kailangan kong mag ipon at maghanda para sa hinaharap. Alam ko naman kasi na hindi na rin magtatagal itong set up namin ni Gabrielle eh. This marriage won't last forever because there's no love involved. Darating 'yung araw na kahit gaano ko man kagustong mag-stay ay kailangan ko pa rin piliing umalis at bumitaw. Hindi ko gustong itali si Gabrielle sa isang sitwasyong hindi naman siya masaya. Kaya sa kalagayan ko ngayon na walang kasiguraduhan.. I should train my mind to stay still and be strong. Kasi kung hahayaan kong magpatuloy 'yung walang kasiguraduhang pagmamahal ko kay Gabrielle baka ako lang din ang maging dehado sa dulo. Napailing ako at bumalik lang ang ulirat ko nung marinig kong muli ang boses ni Kie mula sa kabilang linya. “Elle, are you still there?!” Alalang tanong niya. “Ah oo, sige. See you>” nakangiting sagot ko sa kaniya bago ibaba ang tawag. “Manong, cafe esspresso lang po.” Nakangiting sambit ko sa driver tapos ay nabaling ang tingin ko sa may bintana. Napangiti ako nung maalala ko si Mivhael. He’s always been a good friend to me, sobrang grateful ako sa kaniya. Lagi kasi siyang nandiyan para tulungan ako at i-cheer up. Isa kasi siyang sa mga friends ko na nakaalam ng tungkol kay Gabrielle. He's right, I should go and see him kasi if pupunta ako sa work na walang kaalam alam tapos late pa ako eh, baka masermunan lang ako ng senior namin. “Ma’am, nandito na po tayo.” Napa angat ako ng tingin nung marinig ko si manong driver at nakita kong nasa tapat na nga kami ng cafe. Inabot ko ang bayad at agad akong bumaba ng taxi. Pagpasok ko pa lang sa cafe ay agad kong natanaw si Michael na kumaway kaya dali dali akong lumapit sa kaniya. "Good afternoon, kumain ka na ba ng breakfast at lunch? I ordered coffee for you na, here.” Nakangiting tanong niya sabay nguso do’n sa kapeng nasa harapan ko tapos ay dali dali siyang tumayo at pinaghila niya ako ng upuan. “Thank you.” Nakangiting sambit ko sa kaniya. Nakangiti si Kie sa akin tapos ay inabot niya sa akin ‘yung pasta na nasa gitna ng table. “Here, eat this din.” Nakangiting sambit niya habang pinagsasandukan niya ako ng pasta. “So, kamusta ka naman?” Nakangiting tanong niya sa akin kaya napangiti din ako. “Okay naman.” Maikli kong sagot kaya napakunot siya ng noo habang nakatitig sa akin. “Anong mukha yan?” Natatawang sambit ko sa kaniya. “You always say, okay lang kahit hindi naman. You were absent the whole week, hindi ka din nagr-respond sa mga messages ko. May problema ka na naman ba? Tungkol ba yo’n kay Gabrielle-“ “Kie, relax.. I didn’t respond kasi I wanna rest. That’s it. Okay lang ako. Okay?” “Tara na, mag review na tayo. Tingin nga ng notes mo.” Sambit ko sa kaniya sabay kuha doon sa notebbok niya. "Okay daw. Tss. Daya.” Rinig kong nakasimangot niyang sambit bago mag-proceed. "So, iyong case na napunta sa team ay about sa isang company, who.. illegally took over a building without the real owner’s permission. Plano daw magtayo ng mall nung company. Ang problema ay hindi naman daw pala alam nung owner na binenta yo’n ng asawa. At ayaw niyang pumayag. Kaya lumapit siya kay attorney.” Paliwanag ni Kie kaya napatango tango na lang ako habang pinapakinggan ang explanation niya. “Paano na ibenta ‘yung lupa withoutthe owner’s knowledge? Forging the documents?” Kunot noo at takang tanong ko sa kaniya sabay tango naman niya na parang sumasang ayon siya sa sinabi ko. Napahinga ako ng malalim at nakuha ng mga babaing nasa likuran namin ang atensyon ko dahil sa lakas ng boses nila habang nag uusap. Lilingunin ko sana sila para tignan pero something caught my attention, a magazine. Nakapatong yo’n sa bakanteng upuan sa table namin ni Kie. Natahimik ako at natulala nung mabaling atensyon ko do’n. Iyong babae sa magazine, she looks familiar.. I took a deep sigh and grabbed the magazine, I keep my eyes locked to that photo. Tama! Kamukha niya 'yung picture na nakita 'ko sa kuwarto ni Gabrielle noon. Magkamukhang magkamukha sila or maybe.. they are the same person? Muling nabaling ‘yung tingin ko sa mga babae kaya napalingon ako sa kanila at doon ko nakitang hawak din nila 'yung kaparehong magazine na hawak hawak 'ko. "Ang ganda talaga ni Ms. Amethyst noh? Balita 'ko uuwi na daw siya ng pilipinas." Rinig kong nakangiti at masayang wika nung babae habang tinitignan ‘yung picture na nasa magazine. "Siya talaga 'yung favorite supermodel 'ko eh. Excited na ako kasi balita ko, magpa-fan meeting siya." Komento pa nung kasama niya na parang sabik na sabik sila. Elle, okay ka lang?!” Bumalik lang ang atensyon ko kay Michael nung marinig ko siyang magsalita. Binaling ko ang tingin sa kaniya pero nanatili akong nakatulala kaya he wave his hands in front of me. Bumalik lang ako sa katinuan nung tinawag niya ulit ako. “Elle.” Mariing sambit niya kaya inayos ko ang sarili ko at ngumiti ako sa kaniya. “Ah, yes.” Nakangiting sambit ko tapos ay napatingin ako sa cellphone ko. “Tara na pala, late na tayo.” Nagmamadaling sambit ko tapos ay dali dali akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Hindi 'ko na hinintay pa ang sasabihin ni Michael at diretso na akong naglakad papalabas ng cafe. Nasa sasakyan na kami ni Kie pero ang utak ko lutang pa din dahil hindi mawala sa isip ko ‘yung litrato nung babaing nagngangalang Amethyst kanina. Siya din kaya 'yung nasa litratong nakalagay sa kuwarto ni Gabrielle? Maybe she's his ex? Hindi ko sigurado kung kaano ano niya yo’n eh pero isang lang ang sigurado ako, it was someone important to him. VERY IMPORTANT to have a special place in his room. Well, kung siya man yo’n, hindi naman nakakapagtaka. She looks so lovely, looks very sophisticated and elegant. Mukha din matalino. Kaya siguro siya nagustuhan ni Gabrielle. Nagulat ako nung biglang magpreno si Kie. “Nandito na tayo. Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa wala sa sarili eh. Ano ba talagang problema?” Nagtatakang tanong niya sa akin at seryoso siyang nakatingin sa akin. “Elle.” Pangungulit pa nito. Kakaisip ko sa Amethyst na yo’n eh para na akong nawawala sa sarili. Ngumiti ako at binaling ang tingin sa kaniya. "Okay lang ako. Madami lang iniisip." Tipid kong sagot at isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya tapos ay muli kong tinignan ‘yung watch na suot ko. “Kie, puwede bang huwag na lag tayong pumasok ngayon?” Nakangiting suhestyon ko sa kaniya kaya tinasaan niya ako ng kilay. “Ha? Bakit. Hoy! Ilang araw ka nang absent-“ Masama pa din kasi pakiramdam ko.” Nakanguso kong reklamo sa kaniya kaya napailing siya. “Magr-report lang naman tayo sa kaniya di ba/ at saka anong oras na din. Mag aalasingko na!” Reklamo ko pa kaya muli siyang umiling at tumawa. “Loko ka talaga! Pero, sige na nga. Tinatamad na din ako.” Maloko niyang sambit kaya natawa ako. “Hatid na lang kita.” Sambit pa ni Kie. Maaga pa naman at suppossedly, eight pa ng gabi ang labas namin pero hapon na din kasi at baka wala na si Sir sa office. Isa pa, wala ako sa wisyo kaya mas gusto ko na lang na umuwi ng mas maaga para makapagpahinga. Tahimik ang naging buong biyahe namin ni Kie. “Sure ka bang ayos ka lang?” Basag ni Kie sa katahimikang namamayani sa pagitan namin. Tumango ako ngumiti habang nakatingin sa kaniya mula sa rear-view mirror. Ayoko na kasing mag rant sa kaniya dahil ayoko nang makadagdag pa sa mga problema niya. Isa pa, kilala ko siya. Sigurado kong aawayin niya na naman si Gabrielle gaya nung huli akong nag open up sa kaniya ay kinumpronta niya no’n si Gabrielle. “Dito na lang, Kie.” Sambit ko kay Kie nung makita kong malapit na kami sa bahay ni Gabrielle. “Basta ha, tawagan mo lang ako kapag may ginawa ‘yung Gabrielle na yo’n sa’yo.” Mariing bilin niya bago ako bumaba kaya napangiti ako. “Oo na! Ingat ka sa biyahe.” Natatawang bilin ko sa kaniya tapos ay dumiretso na ako sa loob ng bahay. Tahimik at madilim ang buong bahay nung makarating ako. As usual, siesta time din kasi ng mga helpers namin dito lalo na kapag wala si Gabrielle. Nauuhaw ako kaya nagdesisyon akong dumiretso sa kusina. Tanging liwanag lang na nagmumula sa chandler sa kitchen counter ‘yung ilaw kaya naman bubuksan ko sana ‘yung ilaw nung magulat ako at mataranta dahil may nakita akong nakaupo sa bar stool chair. It was Gabrielle! He’s holding a glass of champagne. He looks so tired at sa tingin 'ko kanina pa rin siya umiinom dahil mukhang lasing na siya. Muntik na'kong mapatalon sa gulat nung mabaling 'yung tingin niya sa kinaroroonan 'ko kaya nagtama 'yung mga mata namin. Kita ko ang lungkot at pagkadismaya sa mga mata niya. Gusto ko siyang aluin pero alam ko naman na ako ‘yung dahilan ng lungkot na yo’n eh. “She’s back, but I couldn’t see her because of you. Ayokong maging unfair sa’yo, Aliayah.” Mariing sambit niya at doon ko nakita ang mga luha sa mga mata niya. I wanted to take all the blame pero alam kong hindi lang ako to eh. Parehas naming ginusto. Nasasaktan din ako. Nasasaktan akong makita siyang nagkakaganito nang dahil sa'kin. Because of me, he wasn't able to be with his true love. Nasasaktan ako kasi Gabrielle and I, didn't deserve this. And I guess, what Gabrielle said confirmed something, 'yung bagay na kanina pa gumugulo sa isip 'ko. It was Amethyst, he's one and only love. "I want to end this, Aliayah. Pero dahil sa pamilya ko at reputasyong iniingatan nila, hindi ko magawa. Ang hirap panindigan iyong bagay na hindi ko naman ginusto.” Napayuko na lang siya at muling binaling ‘yung atensyon niya sa alak na iniinom niya. I feel guilty and hurt at the same time. I can’t do anything para mawala ‘yung sakit na nararamdaman niya kasi ako ‘yung dahilan no’n. “Sorry, Gabrielle. I’m sorry.” Pabulong kong sambit tapos ay tatalikuran ko na sana siya pero nagulat ako nung hilahin niya ako pabalik dahilan para masubsob ako at mapayakap sa kaniya. “If I can’t leave you, then don’t go. Stay with me tonight, Aliayah ..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD