Gabrielle Nakatulala ako sa chandelier sa may living room ng apartment ko. Hindi maalis sa isip ko ang tungkol sa kambal na pamangkin ni Madison. Napalingon ako sa main door nang bigla iyong bumukas at nakita ko si Celestea na pumasok—she looked frustrated. “Anong nakuha mong impormasyon?” Bungad kong tanong sa kaniya. “Wala akong nakitang info na pamangkin ni Madison. She’s an only child pero possible na pamangkin niya ‘yon though her cousins. Sinubukan kong tignan ang records ni Dahlia with Madison’s surname or even middle name pero wala..” saad ni Celestea. “Pero may nakita ako na sigurado akong interesado kang alamin..” nakangiting saad pa ni Celestea. Nilahad ni Celestea ang isang birth certificate sa harapan ko. “Dahlia Amelie Del Valle.” Iyon ang nakasulat doon at nanlaki

