Chapter 10
"Mauna na kayo, susunod na lang ako" sabi ko sa mga kaibigan pagkatapos naming bumaba ng sasakyan ni peia.
Hindi din naman na sila nagsalita pa o umangal, kaya iniwan ko na sila roon.
Malapit lang ang parking lot sa faculty. Dumaan pa ako ng hallway at ramdam ko ang pagtitinginan ng mga taong madadaanan ko. It was either some teachers or students. They were staring at me questioningly and curiously, pagkatapos ay sa dala-dala ko. But i could careless.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng office ni Sir Auricle.
I knocked. And i immediately heard his voice on the other end. Napangiti ako at inayos muna ang buhok bago pinihit ang pintuan.
He was standing near his table with a cup in hand labeled by the famous coffee shop a few blocks away from here. He has his glasses on at tila may binabasa. Itinaas niya ang tingin sa akin at awtomatikong nagtaas ang kilay niya.
"What are you doing here?" He said in a flat, lazy tone.
Humakbang ako palapit sa kaniya. "Good morning to you too...handsome" i winked.
His frown deepened. "What do you want rebecca?" He sounded like he's too lazy at the moment to receive a s**t from me.
"Well..."
"What's that?" Tanong na niya habang sinusubukang silipin ang kamay kong nakatago sa likod ko.
I giggled. Inilabas ko na sa wakas ang bouquet na roses na binili ko pa talaga kanina bago kami pumunta rito. Pahirapan pa akong kumbinsihin sila calli kanina para lang dumaan sa flower shop!
His lazy eyes darted at me. Bumuntong hininga siya ng malakas na tila nasi-stress. Pagkatapos ay nilapag niya ang cup na hawak sa lamesa. He cooly leaned on the table behind him and crossed his arms.
"Ano na namang pakulo to rebecca?"
Ngumuso ako. I stepped closer to him at tumigil sa harapan niya.
"Para ngumiti ka naman" in attempts to make him smile, ako yung napangiti ng malaki. Hinarap ko sa kaniya ang bouquet. Sa harap ng mukha niya mismo. It slightly blocked my vision to him.
He was just frowning the whole time and he moved the flower to the side.
"Why? Don't you like flowers?" I teased more.
"No"
"But...how about me, do you like me?" Baka sakali ko.
At napatawa ako ng malakas nang hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin at kalaunan ay gumalaw siya para tanggapin ang bulaklak.
Mas lumaki ang ngisi ko.
"What do you want from me rebecca?"
"Your yes. Generally, you. But that can wait. I can wait naman" hirit ko pagkatapos ay kumindat.
Nang hindi pa rin siya nagsalita. Nilibot ko na ang tingin ko sa kabuoan ng opisina niya. Pansin ko na mas may mga gamit na dito ngayon kumpara noon. May mga furnitures na at may mga frames na din sa walls. Hindi naman karamihan. Wala din naman akong pakialam dahil wala naman siyang pictures roon. Tanging paintings lang at mga certificates na wala din akong pakialam.
"It's friday. Kaya wala kang klase mamaya sa amin. And sadly...another weekend. Hindi na naman kita makikita" i pouted dramatically.
Nang balingan ko siya ulit, nakatingin pa rin siya sa akin. Titig na titig siya na tila may hinahanap sa mukha ko. May dumi ba ako sa mukha?
I rolled my eyes. "Okay! Fine! Lalabas na ako"
Hindi niya naman ako pinapalabas pero kung makatitig parang gusto na akong umalis e.
Okay lang naman. Okay lang promise.
"Hays! Ang hirap talaga pag one sided love" parinig ko.
Nasa pintuan na ako nang muli ko siyang nilingon.
"P.e namin mamaya. Dodgeball. Baka gusto mong manuod?" I asked hopeful.
"I have class" he informed minimally.
"Right! Eh goodluck? Wala ba akong goodluck diyan?"
His lips thinned for a moment before he spoke.
"Good luck on your p.e class Rebecca"
"Oh s**t! Kinikilig ako!" Halakhak ko ng malakas. "Good luck mo pa lang kinikilig na ako. Paano na lang kaya kung i love you na yan? Baka hihimatayin ako auricle!"
He just rolled his eyes and tsked. I didn't care though, sayang-saya ako nang lumabas at nakangiti pa ng malaki na tila nanalo sa lotto.
"Alam mo bang umiinit ang ulo ko kapag nakikita kitang nangingiti rebecca?"
Napalitan ng simagot ang ngisi ko. Sinamaan ko ng tingin ang katabing kaibigan.
"Nasisira din ang araw ko kapag nakikita kita calli ellise" i fired back.
Ngumisi siya. "Araw-araw mo akong kasama. Wala kang choice"
"Kaya nga. Wala akong choice kaya araw araw-araw ding nasisira ang araw ko"
Nagkibit-balikat lamang siya pagkatapos ay tumingin na sa harapan. Ilang segundo pa ay natigil ang pagbibiruan ng ibang mga kaibigan namin sa likod nang bumukas ang pintuan ng elevator at bumungad ang isang gwapo pero nakaka intimidating na prof.
Natulala ito ng ilang segundo. Kita sa mukha niya na hindi niya ine-expect na makikita kami rito. Kami din.
Kaagad din siyang nakabawi at tumikhim. He then moved and entered the elevator.
Pansin ko naman ang pagkatahimik ni calli sa tabi ko. Mas lalo siyang sumiksik sa gilid kahit na sa kabilang gilid ko pumosisyon si Sir. Malleus.
"Good morning sir!" we all said in synch. Except for calli of course. Wala pa rin siyang imik sa gilid. Nakalabas na ngayon ang phone niya at nagtitipa na siya roon. Alam kong nagkukunwari lang siya. Napangisi ako.
"Ms. Aventura" sir malleus called minimally. Lahat kami napabaling sa dalawa. Napataas ng tingin si calli at gulat na tumingin sa binatang prof.
"S-sir?"
"Good morning" sabi ni sir habang nakatingin sa harapan.
Umawang ng bahagya ang labi ni calli. Pati din kami nagulat rin na tinawag talaga siya ng prof para lang sa ganon. But maybe it's really a big deal for the prof since he's really strict and formal. Gano'n din naman kasi yung ibang mga prof kapag nakakaligtaan o hindi bumabati sa kanila ang mga estudyante. Sinisita nila.
But in sir malleus' tone, he wasn't harsh or being stern. He was more on calling calli for her attention. I'm just not sure.
"Ah-eh....uh...g-good morning din...sir" pahina ng pahina ang boses ng kaibigan.
Hindi na din tumugon ang binata. Tumango lang ito at nanatiling nakatingin sa harap.
Seconds later, the elevator dinged. Nagpaalam ang binata at walang lingon na lumabas ng elevator. Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan pagkatapos kay calli na siyang tahimik lamang na nakamasid sa papasarang pintuan.
"Hihintayin na lang namin kayo dito. Tapos sabay na tayong mag lunch lahat." Sabi ni shanala.
Both shanala ang adelie doesn't have p.e dahil nga magkaiba kami ng sched. Tanging kami lang ni calli at peia. Supposedly nes too but she was excused dahil may practice sila ng dance troupe.
"Tangina ang init!" Reklamo ko sabay paypay sa sarili.
Narito na kami ngayon sa Roof deck. Sa pinakataas na floor ng callista building. At sobrang iniiittt!!
Hindi kalaunan ay dumating na din si sir. Incus. Yung p.e Teacher namin. Kaagad akong tumayo.
I heard that he's not a cousin but the brother of Auricle! Shet! Hindi ko man lang alam na may kapatid pala si bebe Auricle ko! Nakilala ko na din si sir incus dahil tatlong beses na din kaming nag meet sa kaniya. Pero ngayon ko lang talaga nalaman ang impormasyon na iyon.
"Oh? Ano yan!? Bakit hindi pa kayo nagbihis!?" Sita niya sa mga boys nang makitang hindi pa ang mga ito nakapag bihis ng proper p.e attire.
"Sorry sir. Puno kasi yung mga cr sa baba"
Sir incus glared. "Magbihis na kayo! Sinasayang niyo ang oras natin!"
Bumaling siya sa amin. "The rest, start doing your warm ups!"
Nasa may mini stage pa rin kami, hindi pa nakakaalis. Hinihintay ko pa ang kupad na si calli. Mabuti na lang ay hindi pa kami tinatawag ni sir incus. Si shanala naman nang lingunin ko at nakahalukipkip at nakasimangot.
"He's so bossy! Kala mo naman kagwapuhan!" she commented in a bitter tone.
Peia snickered. "At least hindi englishero katulad ng kapatid niya"
"Hey!" Saway ko.
"Ayan ka na naman rebecca" shanala rolled her eyes.
I just tsked at hinila na si calli at peia. Ang bagal-bagal!
The three of us formed a circle. Nagsimula na kaming mag warm up. At nang matapos ay nilingon ko si sir. Incus dahil medyo malapit siya sa amin. Nakita ko siyang nakatingin sa isang banda.
"Sir? Okay na po ba sir?" Tawag ko ngunit ay hindi ako pinansin.
Kumunot ang noo ko. Siniko ako ni calli kaya napatingin ako sa kaniya. May nginunguso siya at nang sundan ko ng tingin ang nginunguso niya, natanto kong si shanala iyon.
"What?" I asked unpuzzled.
"Patingin-tingin..." pakanta niyang sambit. "Shet! Ang ganda ng kaibigan natin!"
"What do you mean?"
Calli groaned loudly. "Ughh!! Ang slow Rebecca ha!"
"Wha-oh! Oohhh..." mahaba kong sabi nang matanto na.
She was actually referring to sir incus staring at oblivious Shanala near the mini stage. Nakaupo roon ang kabigan at nakikipag-usap kay adelie. She wasn't aware of the stare.
Hindi naman maipagkaila na gwapo nga si sir. He has the same hunky frame as Auricle and the rest of his cousins. Sa suot niyang Staff P.e uniform, nadi-define ang kaniyang muscles sa braso. He was wearing sweatpants and matched with a white sneakers. Ang kulot niyang dark brown na buhok ay bahagyang tumatabon sa kaniyang noo. And he has strong resemblance with Auricle. Kaya lang ay kung ikukumpara, Auricle's features are more hard and his are less. He has the same hooded eyes and thick brows but if you'd completely stare at him, you'll find them soft and angelic.
"Boys! Slow down! Wag niyo masyadong lakasan! Mga babae ang kalaban ninyo!"
We are already starting on our p.e. And i don't know how it is related to our course but we are now performing dodgeball.
May mga lalaki naman kaming kasamahan. We are being grouped randomly actually. And luckily, kasama ko si peia. And unfortunately for calli, iba ang group niya. There are four groups at tapos na ang dalawa. They actually lost and now it is a winner vs. winner.
Apat na lang kami ang natira. Isang lalaki at tatlo kaming girls including peia. Pawis na pawis na ako, hinihingal na din while trying to run my a*s off and avoid the freaking ball! I saw it coming my way kaya umilag ako. Unfortunately for the peia behind me, hindi niya nakita iyon. Natamaan siya sa braso. Narinig ko pa siyang umigik dahil sa sobrang lakas ng pagkabato no'n ng mga kalaban, rinig ang tunog ng paghampas no'n sa balat niya.
"Boys! I said slow down!!" Saway na naman ni sir incus. Medyo napipikon na dahil kanina pa niya sinasabihan ang apat na lalaking thrower ngunit hindi nakikinig.
Ngumiwi ako nang makitang sinasapo ng kaibigan ang braso niya. "Are you okay?"
"Yeah" tango niya pero nakangiwi pa din.
Nang makaalis ang kaibigan, sinamaan ko ng tingin ang dalawang lalaking thrower sa likod ko.
"Oh kalma...wag pikon, Laro lang to" ngisi pa ng isang aso. Sinasawalang bahala ang irap ko.
"You heard the prof. Hinaan niyo lang ang paghagis niyo!"
"E paano yan? Niloloko mo ba kami!? Kung hihinaan namin, edi hindi namin kayo matatamaan!"
"Then don't put much force on it! This is not football!" Pikon ko ng sambit.
Pumagitna na ang isang kasama niya. The angry looking opponent was still glaring at me despite that.
"What is happening there!?" Rinig naming sigaw ni Sir incus mula sa malayo. Siya kasi yung nagso-score.
Bumaling ako ulit sa mga kalaban.
"Pagpasensyahan mo na, sige na R. Hihinaan na namin. Pasensya" sabi ng isang lalaki na mas mukhang mahinahon.
I was still glaring though. Hindi ko papalagpasin yung nangyari kay peia! At kanina ko pa din napapansin na ang rahas nila maglaro! Ang mga natamaan nila ay nagri reklamo din. I am not oblivious na kaya sila ang pinili ng mga ka grupo nila na maging thrower dahil mga basketball player sila. Ibig sabihin ay hindi lamang sila magaling mag aim kundi mga malalakas din. And the ball they are using are volleyball balls. Kahit may foam iyon, masakit pa din matamaan non.
"Calm your f*****g p***y down" banta ko. At tumiim ang bagang ng lalaking pikon. He glared dead at me at tinalikuran ko lang siya.
Nag resume ang laro at tatlo na lang kami ngayon ang natira. Dalawa kaming babae at isang lalaki. Ngunit natamaan yung isang babae. And only the two of us were left; the other boy and me. Pero kahit na may kasama pa ako, and in a cliché happening during a game of dodgeball, yung lalaki ang inuuna at yung babae yung pinapatira. That's how malodorous men views us. Weak.
Pero napapansin ko, that the throwers were aiming at me. No! Yung pikon na lalaki, kahit minsan sa isang lalaki pinapasa yung bola, kinukuha niya at siya ang tumatapon. And everytime that he throws, he throws it at me. Na tila ako ang pinag-iinitan niya!
Ako naman ay hingal na hingal na doon. I was throwing big effort para makailag lang. And our classmates were beginning to cheer for me. And it added to the fury of the guy. He passed the ball to the other side, umilag ako ngunit natamaan ako sa braso. Malakas iyon upang mapaigik ako.
I heard sir incus whistled and calling out my name saying i was out. I knew that of course, that i was out. Sapo-sapo ko pa din ang braso dahil nananakit iyon. Sobrang lakas ba naman nung pagkakahagis! I stepped back involuntarily but what I didn't saw coming was the angry thrower picking up the ball and throwing it at my direction with intense force. Natamaan ako sa sintindo dahilan para umikot ang paningin ko at mabuwal sa kinatatayuan.
Bumagsak ako sa sahig at ang tanging naririnig ko lang ay nagkakagulo na sila roon. Rinig ko ang pagtawag ng mga kaibigan ko sa akin.
"Oh my God R!! Oh my God!" Hindi ko na matukoy kung sino iyon. Their voices were already and ironically blurry for me. Umiikot ang paningin ko at bago ko isara ang mga mata, i heard one of my friends ordering to bring me to the clinic.