KINABUKASAN, kinausap sila ng kaibigan nilang sina Jho at Khorie. Nasa sala sila habang nagpapahinga nang araw na iyon. Binigyan sila ng dalawang araw na pahinga ng mga binata dahil may mahalagang inaasikaso ang mga ito.
"Nakakita kami ni Khorie ng isang maliit na libro sa lumang kabinet sa pangatlong palapag ng mansiyon na ito. Tingnan niyo!"
Pinakita ng kaibigan niyang si Jho ang maliit na librong iyon. Isa-isang binuklat nito ang bawat pahina at kitang-kita niya at ng mga kaibigan ang mga hindi maintindihan lengguahe.
"Mapapansin niyo sa halos mga hindi maintindihang sangkap ang mga nariyan, Base rin sa mga guhit nga larawan ay pinag-aaralan rito ang mga medical spell. Nag-research rin ako kagabi tungkol sa mga nakapaloob dito at tinanong ko rin ang kapatid ni Hercules na si Athena at tama ang hinala namin ni Jho. Binigyan niya rin kami ng healing spell," wika ni Khorie.
"S-sigurado kayo? Baka mamaya niyan maging palaka tayong lahat," aniya. Mamaya ay manganib na naman ang buhay natin dahil diyan.
"Hindi mag-aabala ang dalawang iyan kung hindi totoo," depensa ni Sam sa dalawa. Alam nitong hindi basta-basta ang mga ito pagdating sa mga impormasyong ibinabahagi sa kanila.
"Okay. Then let's try." Suhestiyon ni Khale. "Wala naman sigurong masama kung susubukan at isa pa magagamit natin ang magic spell. Kung sakaling wala ang mga iyon ay may panggamot na tayo sa sarili natin. At saka may mga kunting galos at pasa kami dahil sa huling training natin kahapon."
"Actually, sinubukan na namin ni Khorie ito kanina. And it's working! Nagkapasa-pasa ako sa training namin ni Zeus at hindi na ako nagpagamot. Alam niyo na at nag-away na naman kami. At ganoon din si Khorie."
Bahagya nilang pinasadahan ng tingin ang dalawang kaibigan. Totoo nga ang mga sinasabi ng mga ito. Nawala na ang kanilang mga sugat sa ibat't ibang parte ng katawan. Pati ang mga galos na natamo ng mga ito ay nawala rin. Umusbong ang pagkamangha niya at ng iba pa sa nakitang resulta.
Tumayo si Sam. ''Sige, subukan natin.''
''Sabay-sabay nating banggitin ang salitang nakasulat dito,'' wikang muli ni Jho.
''Anong nakasulat?'' napatayo rin si Lea.
Nagsitayuan na rin ang iba pa. Ang kaibigan naman niyang si Jho ang nangunguna ng mga sandaling iyon.
''Cura te ipsum. Iyon ang lengguaheng binigay ni Athena sa amin.'' Nakatuon ang atensiyon ng kaibigan niyang si Jho sa maliit na libro. "Bigkasin natin ito ng tatlong beses."
"Parang isang latin ang lengguahe na iyan," sambit ni Anna.
"Pakiramdam ko parang nasa Hogwarts na talaga tayo at tayo iyong mga batang nag-aaral ng mahika," biro ni Jingky.
Hogwarts na naman! Napapailing siya sa biro ng kaibigan.
"Sabayan niyo kami," utos ni Khorie sa kanila.
Nagkatinginan sila sa bawat isa bago nila binigkas ang mahiwagang salita na makakapagpagaling sa kanilang mga galos at pasa sa katawan.
"Cura te ipsum. Cura te ipsum. Cura te ipsum!" nilakasan nila ang huli nilang bigkas.
Maya-maya pa ay ramdam na nila ang kakaibang enerhiya sa paligid. Ang enerhiyang iyon ay bumalot sa kanilang katauhan at ang kanilang mga sugat ay unti-unting naghilom na siyang naging sanhi upang lalong humanga sa mahikang taglay ng salitang iyon. Talagang napatunayan na walang imposible sa mga may kakayahang nilalang.
Totoo nga! Sambit niya sa isipan. Nawala ang mga galos niya sa katawan. Ang malaking sugat lang sa braso ang ginamot ng binata sa kanya.
"Oh my God!" sabay namangha rin ang mga kaibigan niya.
"Naniniwala na ako sa magic! At least hindi na ako magkakapeklat pa," tuwang-tuwa naman si Khale.
"Kailangan lang nating maniwala sa mahika sa lugar na ito. Kung si Michelle ay nananalig sa salitang iyon, tayo pa kaya na wala pa tayong napapatunayan," sambit ni Jho.
"Tama ka." Sang-ayon ni Po. "Nahihirapan man tayong tanggapin ang lahat sa ngayon, mas makabubuting pag-igihan natin ang mga susunod nating pakikipagsapalaran. Our struggle has just started. This will take us to the next lead of our journey.
Tama ang kaibigan niya. Kailangan nilang magpakatatag sa ngayon at maging sandalan nila ang isat't isa upang malagpasin nila ang lahat ng pagsubok. Naalala na naman niya ang binata. Kung itinakda na siya para rito, hindi niya alam kung ano pa ang susunod na kahinatnan. Marami siyang dapat isaalang-alang lalo na ang tungkol sa usaping pampuso at sa namamagitan sa kanila. Lalo na ang banayad na halik na kanilang pinagsaluhan sa training nila kahapon.
Cursed! I hate you, Chi! Iyon na ang tawag niya sa binata ngunit sinarili na lamang muna niya.
KINAGABIHAN, nagtungo sila kasama ang mga kaibigan sa isang sikat na Bistro sa Center Valley. Kailangan nilang magliwaliw pansamantala. Maliwanag ang buong paligid. Maraming ibat' ibang ilaw at palamuting makikita sa bawat sulok. Dahil isa ito sa mga tourist attraction sa buong mundo, tila isang piyesta ang gabing iyon para sa mga turistang tulad nila. Pumasok sila sa loob kung saan marami-rami rin ang mga guests na naroon. Tulad ng inaasahan ay dinagsa rin ito ng mga gustong magliwaliw at makalimot sa riyalidad.
"Dito tayo girls," turo ni Jho malapit sa unahan. Walang nakaukopa sa bahaging iyon.
"Sayang wala si Mitch," si Lea.
"Hayaan niyo na iyon si Michelle na mag-enjoy sa honeymoon nila ni Hephaestus," naupo si Sam.
"Kakatapos lang ng first set ng banda sabi ng pinoy na waiter na nakausap ko kaninang pagpasok. Iyong second set, special number daw iyon. Sino kaya ang singer nila?" tanong ni Jingky.
"Sana tinanong mo din yan sa waiter. Ikaw talaga," saway ni Sam sa kaibigan.
"Mamaya kapag dumaan iyong waiter ay tatanungin ko," tugon nito.
Ilang sandali pa ay puno na ng iba't ibang alak ang kanilang mesa. Anim lang silang naroon kabilang siya. Ang iba niyang mga kaibigan ay hindi na muna sumama at gustong sulitin ang pahingang ibinigay sa kanila ng mga binata.
"Oh, boy bawang. Pulutan," inilapag na naman ni Khorie ang paborito nitong kornik.
"Hanggang dito ba naman sa London may dala ka niyan? Aba! Noong kasal ni Mitch ay may bitbit ka rin niyan. Nagtayo ka na pala ng factory dito ng boy bawang! Kaya ka napapagalitan ng asawa mo,'' sambit ni Sam.
"Naman! All time favorite pulutan ng mga noyping tulad ko," tugon nito.
''Speaking of your husband, mabuti at pinayagan ka niyang uminom ngayon. Alam mo naman iyong asawa mo ay malaman lang na nag-iinom ka ay nagsasalubong na agad ang kilay," tanong ni Sam saka kumuha ng kornik sa mangkok.
''He's not at home. Alam niyo namang may out of town sila ngayon. Si Rusky naman ay ikinulong ko muna,'' tugon nito.
''Oo nga pala. Dapat kasi ay hindi ka hinihigpitan," wikang muli ni Sam.
''Pwede naman ang uminom pero hinay-hinay lang. Paano kasi itong si Khorie ay— tomador. Papagalitan ka talaga ng asawa mo," singit niya.
"Huwag na natin siyang pag-usapan at baka bigla iyon bumulaga rito at kaladkarin ako palabas ng Bistro. Inom na lang nati iyan," tugon nito sa kanya.
''Oo nga naman. Inom na lang natin iyan,'' saad naman ni Jingky.
"Girls, magbabanyo lang ako!" nilakasan ni Sam ang boses nito dahil maingay sa paligid.
Tumango lang sila habang may kanya-kanyang hawak na cellphone. Binuksan niya ang w******p account niya at sunod-sunod ang mga mensahe ng nobyong si Jiro sa kanya. Noon siya biglang kinabahan lalo na at may nabasa siyang huling mensahe nito.
I'm here at the Green Valley. Meet me here at the restaurant.
Shit! Mura niya sa isipan. Ni-replayan niya ito. Nasaan ka ngayon? Saang restaurant?
I'm heading to your way. Iyon ang sagot ng binata.
Lalo lang siyang nakaramdam ng kaba dahil mukhang seryoso ang nobyo. H-hindi maaari! Paanong—naku! Problema ito!
"May we join you, ladies?"
Nagulat sila sabay napaangat ang tingin nilang lahat nang may nakatayong tatlong nagugwapuhang lalaki. Mas lalong tumindi ang kaba niya nang masilayan ang mukha ng nobyong si Jiro. Kasama nito sina LJ at Harris na dating nobyo ng kaibigan niyang si Khorie at nobyo ni Jingky.
"Anong—" Hindi rin makapagsalita si Lea ng diritso sa nakita nito.
"Surprise?" ngumiti si LJ.
"Let's go outside. Masyadong maingay dito at hindi tayo magkakarinigan," sabay sulyap ni Jiro sa kanya.
"J-jiro—" Napamaang din siya.
Nagkatinginan pa sila bago tumayo sa kanilang kinauupuan. Si Harris na ang kumausap sa waiter at nagbayad ng kanilang mga inorder. Lumabas sila sa maingay na Bistrong iyon at naabutan ang kaibigang si Sam kasama nito ang nobyong si Chester.
"Nandito rin kayo?" napamaang si Sam nang makita ang mga kasama nila.
"Hi, Sam. How are you?" bati ni Jiro dito.
"Mukhang na-sorpresa namin ang bawat isa sa inyo. Actually, noong tumawag ako kay Khorie ay pinagplanuhan na namin ang pagtungo rito. Hindi niya sinabi ang lugar na ito at na-track ko na lang sa GPS," wika naman ni LJ.
"Na-sorpresa talaga," dugtong naman ni Jho na kasama ng iba pa.
"Let's have our a dinner. They are waiting on us at the restaurant," yaya ni Harris.
"Sinong tinutukoy mo? Nandito ang iba pa?" tanong ni Jingky.
"Yeah." Sabay inakbayan ito ng nobyong si Harris. "Let's go."
Nagpatiunang naglakad ang dalawang sina Sam at Chester habang pasimpleng nagkatinginan sila ng mga kaibigan niya. Hindi nila inaasahan na ganoon kadali ang pagtatagpo ng bawat isa. Ang akala nilang masayang gabi ay mukhang mauuwi sa hindi pagkakaunawaan. Hindi rin siya nakakapagsalita dahil sa pagkabigla subalit nakahawak naman ang kamay ng nobyo niya sa kanya.
NAGTAGPO ang grupo nila at ang grupo ng mga nobyo nitong napapabilang din sa lipunan. Mga business tycoon na kilalang-kilala sa mga larangan ng negosyo ang mga ito. Sa isang exclusive na restaurant humantong ang lahat. Naka-reserve ang close door na bahagi ng establishment na para lang sa mga may importanteng meetings ngunit nakikita naman nila ang ibang bahagi ng loob. Halos salamin lang ang nakapaloob sa pinasukan nila.
"Kumain lang kayo." Napatitig si Kenzo sa nobyang si Khale. "Parang hindi kayo pinapakain dito. Look at you, you are thin and you look pale."
"Ganito na talaga ang kutis ko," tugon ni Khale.
"What? You need to eat more." Saka nito dinamihan ang pagkain sa plato ng dalaga. "It's okay with me if you gain weight."
"Mawawala talaga ako sa diet kapag kasama kita," irap ni Khale sabay ngumiti sa nobyo.
Mamaya-maya pa ay sumimple ng bulong sa kanya ang nobyo. "You're serious. You're not happy to see me here?"
Noon lang niya ito tiningnan. "Ahm, nabigla ako. A-akala ko kasi—nakalimutan mo na ako. Ilang linggo mo rin akong hindi chinachat," nakahanap siya ng lusot.
"I'm sorry. I'm busy. Don't worry, I'm here now." on her massive looked to her.
"Okay," napayuko lang siya at seryosong kumakain.
MATAPOS silang kumain ay dinala sila ng mga nobyo sa Valley Hotel kung saan pansamantalang nakacheck-in ang mga ito. Isang malaking penthouse room ang inuukopa ng mga ito at naroon silang tahimik na nakikiramdam. Natahimik na rin ang mga nobyo nilang seryosong nakatitig sa kanila.
"When I call your friend Khorie, she told me that you have to tell us something important. I hope that this important thing won't affect our good relationship," said LJ to everyone.
"Okay, girls. Tell us everything. Sabihin niyo rin sa amin kung bakit kayo naririto sa Green Valley," dugtong ni Rovi.
"Ako na ang magsasabi. Once and for all." Pangunguna ni Jho. "Ganito ang umpisa ng lahat at sana ay lawakan niyo ang pang-unawa niyo sa ipapaliwanag ko."
Walang sinayang na sandali si Jho upang ipaliwanag sa mga binatang naroon ang katotohanan sa likod ng kanilang tadhana. Mula umpisa hanggang sa katana at pagpapaliyab nito, hanggang sa mga imortal at hanggang sa kaliit-liitang detalye ay isinawalat ng kaibigan niya. Habang nakikinig siya rito ay damang-dama niya ang mabigat na aura sa paligid. Tahimik ang lahat wari'y nag-iisip sa narinig.
"So, that's the real important thing we want you to know," pagtatapos ni Jho sa sinabi.
Ang ilan sa mga binata ay napahilamos sa mukha at napapailing. Hindi makapaniwala ang mga ito sa narinig.
"I can't say yes. Hindi ako papayag sa gustong mangyari ng mga sinasabi niyong mga diyos. That's bullshit!" Mariin ang huling pagkakasabi ng nobyo ni Po na si Kenshin. "That's their immortal fate and prophecy. Wala tayong kinalaman sa mga tadhanang mayroon sila. At ano? They dumped us like a trash? Aagawan ng mga mahal sa buhay?"
"Kenshin is right. Hindi rin ako papayag. Anna and I are getting married soon. Or else, tatanggihan niya ako at sumama sa mga iyon," napatingin ito kay Anna.
"Rovi." Tumayo si Anna. "Hindi naman sa ganoon. Naiipit lang kami sa sitwasyon na ito dahil maraming mga nilalang na tulad nila ang magsasakripisyo. We don't want to hurt your feelings too. Kung may paraan lang talaga."
Lumapit si Rovi sa kinaroroonan ng nobyang si Anna. "Maiintindihan ko kung misyon niyo ito sa trabaho niyo pero dahil buhay niyo ang nakasalalay dito ay hindi kami makakapayag na makuha nila kayo."
"Aalis kayo dito sa lalong madaling panahon. We want to meet them tomorrow morning. Kilala namin ang mga lalaking tinutukoy niyo dahil business rival namin sila. At hindi kami natatakot sa kung anong kakayahan na mayroon sila," matatag na wika ng boyfriend ni Sam na si Chester.
Tinapos na nila ang mainit na usapang iyong sa pagitan ng kanilang grupo. Nalulungkot siya at dama rin iyon ng kanyang mga kaibigan habang papalabas ng hotel. Hindi na nagsasalita ang mga ito at nanahimik na lang habang sina Khorie at Jho naman ay nagpaiwan sa loob.