Chapter 5 - The Training

1884 Words
MAAGA silang bumangon para sa call time ng training nila ilang araw makalipas ang naganap na kasalan nina Mitch at Hephaestus. Naghihikab pa siya habang kaharap nila ang mga binatang magsasagawa ng training nila. Naalala na naman niya ang training noon bago sila pumasok sa delikadong trabaho nila sa kompanya ng mga ito. "Okay, ladies! Today is your first training. You need to follow and know the rules. The first thing to be done, you should always be on time. You will undergo one on one training. Men, do the rest." Wika ni Zeus sabay senyas sa iba. "Your receiver will train you, ladies. And I will not miss the chance to train the tough woman." Lumapit ito sa kinaroroonan ng kaibigan niyang si Jho. Inirapan lang ito ng dalagang si Jho.  Hindi nakaligtas sa paningin ng mga naroon ang eksenang iyon at gumuhit sa mga labi ng mga ito ang ngiti. Nakahanap din ng katapat ang kaibigan niyang pinaglihi kay Gabriella Silang ang katapangan. Lovers nga naman. Bakit pa kasi kailangang itago ang mga damdamin. Hindi niya napigilang magkomento sa pagitang ng dalawa. Maya-maya pa ay nagulat na lamang sila na biglang naglaho sina Apollo at Sam sa kanang bahagi niya. Ipinagtataka din iyon ng iba lalo na siya. Anong nangyari sa dalawa? There's a sudden thing that needs to keep in secret. Huh? Nagulat siya nang may kumausap sa isipan niya. Alam niyang boses iyon ng binatang si Anchises. Anchises? Naroon na ito sa harapan niya at nakangiti. Let's go? S-saan? Sa training facility. Tayo na lang ang naiwan. Huh? Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala na nga ang mga kaibigan roon. Nasaan sila? They left us. Ikaw kasi—ang dami mong iniisip. Tapos nakikibasa ka? Bakit ba kayo ganyan? Napahalukipkip siya sa sarili. I need to do that to know everything about your thoughts. Then—I don't have any privacy? Ganern? I'll give you your privacy, of course! We have restrictions in reading others' minds. So? Tara na? Ano pa nga ba? Okay. Come here. Huh? Saan? Come closer. Closer? Humakbang siya palapit dito ngunit halos mayayakap na rin niya ang binata. Ganito ka-close? Yeah and let me embrace you. Huh? Anong— Sorry, I need to do this. Mabilis na hinapit siya sa bewang ng binata saka ito ngumiti sa kanyang muli. Ilang segundo pa ang lumipas at bigla silang naglaho na parang bula. Nag-divert sila sa isang lugar na tinatawag nitong training facility. "Huh!" halos hindi siya makahinga sa mahigpit nitong yakap sa kanya. "We are here!" "O-okay. N-nahilo ako sa ginawa mo." Umiikot nga ang paningin niya sa mabilis nilang galaw. "It's natural. Masasanay ka rin." Marahang humiwalay sa kanya ang binata sa pagkakahapit ng bewang niya. "Ito na ang training facility?" inilibot niya ang buong paningin sa malawak na kulay puting facility. "Yeah. Welcome to my facility!" paglalahad ng binata kasabay ng isang kamay nito. "Is this yours?" "Yeah. Are we indifferent world?" muli niyang inilibot ang paningin subalit nalalayo ito sa paligid ng Green Valley. "We are in the Royal Palace. Isa sa pintuan nito ay nakatayo ang lugar na ito. Nasa loob ng facility ang lahat ng mga weapons na ginagamit namin lalo na ang pagbuo ng makabagong technology," paliwanag ng binata. "Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ang Director ng Technology ng G&A. Ikaw ang nag-iisip ng mga kakaibang technology ng buong society niyo at sa kinabilalangan ko?" "Well, most of all. My sister Aphrodite helps me to develop some of them. Let's go inside?" "S-sige." Naglakad na sila papasok sa loob. Isang malawak na facility ito sa loob at maraming mga empleyado roon na nasa mababang uri bilang mga imortal. Ayon sa binata ay nagsasagawa sila ng maraming sandata na ibenebenta sa ibang dimension na may mga malalakas na kapangyarihan subalit gagamitin lamang ito sa tamang pamamaraan. Nasulyapan din niya ang paggawa ng mga kakaibang gadgets na halos ginagamit nila noon bilang undercover. "Teka—ito iyong—" Lumapit siya sa isang lalaking gumagawa ng high technology microscope lens. "Sir, can I have that one?" Lumingon lang sa kanya ang lalaki saka ngumiti. Ibinigay din sa kanya ang microscopic lens. "Thank you," aniya. "Ako ang nag-modified niyan two years ago," anang binata na nakalapit na sa kanya. "Ginagamit namin ito lalo na kapag sa pinakamaliit na bahagi ng isang bagay. Isa rin ito sa ginagamit ko lalo na sa camera dahil kahit malayo ay kitang-kita nito ang zoom in. You're brilliant." Humahanga na naman siya rito. "Thanks. Our IIA are using that too." "IIA?" "Immortal Intelligent Angels. That's what we called to our angels like you as an undercover too." "I see," inilapag niyang muli sa mesa ang bagay na iyon. "Let's go over there. We will start our hologram training." "Okay." Nagtungo naman sila sa isang kwartong halos puti lamang ang nakikita sa buong paligid. Bahagya pa siyang napaiwas ng tingin dahil sa nakakasilaw na mga ilaw. Maya-maya pa ay nagbago ang anyo ng paligid at naging kaaya-ayang tanawin. Isang malawak na kapaligiran at maaliwalas sa paningin niya kaya muli siyang napatingin sa dako pa roon. Isa iyong hologram na kayang magpalit ng iba't ibang dimension. "We will start here. Sa paligid na ito ay maraming mga Dark casters ang nakapalibot. Lilitaw lang sila kung gugustuhin nila. Kahit hologram lang sila ay huwag mong hahayaan masugatan ka. They will kill you and you need to be careful on that. Here," sabay inihagis nito ang isang katana sa kanya. "Huh?" nabigla siya ngunit nasalo naman niya iyon. Wala siyang hawak nito kanina, ah. Magic? Yes, it's magic again! Huh? Muli siyang napatitig dito. Muli rin niyang nasulyapan ang malalim nitong pagkakangiti sa kanya sabay kinindatan siya. Anong— Nawala din ito bigla sa paningin niya. Huh? Saan siya nagpunta? I'll be watching you here. Good luck! Anchises! Hindi mo naman ako pababayaan 'di ba? Of course! You can do it. I trust you! Sana nga. Muli siyang humarap sa paligid at inihanda ang sarili. Isa siyang matapang na babae na wala rin inuurungan kaya gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya tulad ng mga naging training nila noon. Kaya ko ito! Kaya ko ito! Kaya ko ito! Paulit-ulit na sambit niya sa isipan. Marahan siyang naglakad sa malawak na kapatagan. Mabuti na lang at maliwanag kaya makikita niya agad ang mga susugod na halimaw subalit nabigla siya nang may lumitaw sa kaliwang bahagi niya na isang lalaking balot sa itim na kasuotan na tanging mata lang ang nakikita na pulang-pula at may dalang katana. Naalarma siya. "Huh!" inihanda niya ang kanyang hawak na katana. Nagbanggaan ang kanilang mga hawak na sandata at naririnig niya ang pagtangis ng kanilang mga talim. Kumilos siya upang buong puwersang itulak ito ngunit malakas din ang kalaban. Parehas silang nagtagisan ng lakas hanggang sa nagkalayo sila. Napahigpit ang hawak niya sa katana saka parehas silang muling sumugod sa isa't isa. Iwinasiwas niya rin ito ayon sa tamang paggamit at sa bawat direksiyong ipinapatama ng kalaban nito ang talim ng sandata ay sinasalubong niya. "Hah!" hiyaw niya. Malakas siya! Malamang may kahinaan din ang isang ito! Kagyat na naalala niya ang mga nakalaban noon ni Mitch na nakita nila sa cctv camera. Tama! Doon nga! Muli siyang sumugod ngunit sa pagkakataong ito ay ginawa niyang taktika ang sipain ito. Napaangat siya sa ere na siyang dahilan upang magkaroon siya ng tiyansang mapatamaan ito sa batok. Isang wasiwas niya sa kanyang katana saka ito tinamaan sa parteng iyon. Napaigik ang lalaki saka ito biglang sumabog sa kawalan. Tama ang hinala ko! Muli siyang nakaapak sa lupa kasabay naman ng pag-atake ng isa pang Dark caster na hindi na rin niya naagapaan. Hindi! Sinangga niya ang hawak nitong sandata subalit tumilapon ang hawak niya. Nawalan siya ng kontrol dahil sa biglaan nitong pagsulpot at sa sandaling iyon ay napahandusay pa siya. s**t! "Wala ka ng magagawa! Talunan!" wika ng lalaking may dobleng boses. Isang nakakatakot na boses. Sumpain ka! Naunahan mo lang ako! Napasulyap siya sa kanyang katanang tumilapon at nakatusok sa malayo. Halos sampung metro ang layo ng katana ko sa posisyon ko. Katapusan ko na ata! "Katapusan mo na! Mortal!" iniangat nito ang hawak na sandata at akmang itutusok sa kanya. Mariin napapikit si Jona habang hinihintay nitong matusok sa katawan niya ang bagay na iyon. Wala na siyang pag-asang makalaban dito. Ayaw man niyang isipin iyon subalit wala na siyang nakikitang tiyansa. Ilang segundo pa ang lumipas ay narinig na lamang niyang may sumabog. Alam niyang iyon ang tunog ng pagsabog sa naunang tinamaan niya kanina. Nagmulat siya ng kanyang mga mata at kitang-kita niya ang isang lalaking nakatayo malapit sa kanya. Anchises?! Gulat siyang naroon na ang binata. Hawak na nito ang katanang tumilapon kanina. Dinaluhan siya nito. "Are you hurt?" bahagya itong umupo. "A-ayos lang ako," napatitig siya sa mukha nitong naging seryoso. "You're not." "H-hindi—I mean—ouch!" napasulyap siya sa kaliwang braso saka mabilis napahawak roon. "I told you. You're not okay. Leave it to me." Inalalayan siya nitong makaupo ng maayos habang maingat nitong inalis ang kamay niya at hinawakan nito ang parteng may sugat. Naramdaman na niya ang pagdaloy ng dugo niya sa braso ngunit panandaliang hapdi lamang. Alam niyang imortal ito at kayang pagalingin ang sugat niya. Habang ginagawa iyon ng binata sa kanya ay hindi niya naiwasang masamyo ang mabango nitong hininga at ang masculine scent na gamit nito. Ang pagkakalapit ng kanilang mukha ang siyang lalong nagpapaligalig ng kanyang sutil na puso. "I told you, be careful. Kung saan-saan sila sumusulpot kaya dapat ay alerto ka. But, it's okay. I know this is your first time. You will learn how to manage your inra and know the people around you." Sumulyap ito sa kanya na siyang nagtama ang kanilang paningin. Kasabay niyon ay ang malakas na pag-ihip ng hangin sa paligid. Hologram pa rin ang kinaroroonan nila kaya pati ang weather sa paligid ay nararamdaman niya. Halos isang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha nila at hindi niya naiwasang itago ang kabado niyang dibdib. Mas lalo lang siyang kinabahan nang ilapit pa nito ang mukha sa kanya. Naisin man niyang iwasan iyon ngunit huli na. Unti-unti na rin nawalan ng pagitan  sa kanila. Marahang inilapat nito ang mga labi sa kanyang mga labi. Ginawaran siya ng banayad na halik ng binata at kusa naman niyang tinanggap iyon. Hindi niya alam kung bakit hindi siya umiwas bagkus ay nais niyang tugunin ito. Ang nagrambulan niyang kaba sa dibdib kanina ay napawi pati na rin ang emosyon niyang nais ng kumawala. Napalitan na iyon ng nakakaalwang pakiramdam. Hindi niya alam kung ilang segundo ang halik na iyon at muling inilayo nito ang mga labi sa kanya. "That's—the thing I know how to ease your thud emotions. I hope you feel better now," on her serious glance through her. "Anchises..." "I already treated your wound. Okay na ang braso mo." Inalis nito ang kamay sa braso niya. Napasulyap siya sa braso niya. "Thanks. W-wala na nga. A-amazing!" sambit niya kahit medyo ilang siya lalo na sa nangyaring halik kanina. "Your training is done. Ihahatid na kita sa Root Valley." "O-okay." Tinulungan siya nitong makatayo saka nagbago na rin ang hologram sa paligid at bumalik na sa dati nitong anyo. Muli silang nag-divert patungong Root Valley. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD