MAKALIPAS ang isang linggo ay nag-anunsiyo ang kaibiga niyang si Michelle na ikakasal na siya sa pangalawang pagkakataon. Wala silang nagawang magkakaibigan kung hindi ang suportahan ito. Masaya sila para dito dahil natagpuan din nito ang wagas na pag-ibig subalit iyon pa lang ang simula ng kanilang pakikipagsapalaran.
ISANG UMAGA, nasa loob sila ng Root Valley Library upang alamin ang simbolo ng katanang nakaukit sa mga tsuka. May mga librong nakapatong sa mahabang mesa na binubuklat nilang magkakaibigan upang malaman na rin nila ang mga lihim ng society na mayroon ang mga nilalang na ito.
"Tulad sa lipunan na kinabibilangan natin ay may sinusunod din silang batas. We need to study their rules," Po said.
"Tama si Po. Kailangan natin malaman ang batas nila lalo na sa mga mortal na tulad natin. Kung kailan nila maaaring gamitin ang kanilang kakayahan at kung anong kaakibat na kaparusahan. They can use their spell as long as it's necessary," dugtong ni Anna.
"Ang sabi sa atin ni Aphrodite, ang mga nakaukit sa tsuka ay lengguahe ng ancient greek. Palaisipan sa akin kung bakit napili ang sandatang ito na nagmula pa sa bansang hapon samantalang hindi naman gumagamit ang mga ito," binubuklat ni Jingky ang bawat pahina ng libro.
"Baka nagkataon lang. Narito ang lumang mga greek alphabet. Hanapin na natin dito," inilapag ni Lea ang hawak na libro.
Nagkumpulan sila sa mesa upang makita ang mga sinaunang alphabet ng mga griyego. Isa-isa rin inilabas nila ang kanilang mga tsuka at inilapag sa mesa.
"Nakapadaming makalumang salita! Mukhang mawewendang ang mga utak natin dito," aniya.
"Ako na ang magbabasa," pagboboluntaryo ni Jho.
Kakarating lang nito mula sa kabilang book shelves kasama si Khorie. Ang dalawang kaibigan na matagal ng naririto at napag-aralan na rin ang tungkol sa tsuka, sa mga nakaukit na salita at iba pang bagay na konektado rito.
"Sakto at nandiyan na kayo. Paano ba sabihin ito? Para mabasa na namin kung kanino nakapangalan ang aming hawak na tsuka," wika ni Sam.
"Ganito iyan." Pumagitna si Jho. "Here's the ancient greek alphabet that contains twenty four letters including the lower cases. Kinuha ang mga alpabetong ito sa mga phoenician, phoenician naman from proto-sinaitic and then proto-sinaitic from egyptian heiroglyphs. Kaya mahirap basahin ang alphabet nila."
"Kung sinaunang sibilisasyon ang pag-uusapan, dudugo talaga ang mga utak natin. Biruin niyo, diyan pa nga pinangalan ang mga sorority sa greek name tulad ng Alpha, Beta, Gamma at kung ano-ano. Sumasakit na ang sentido ko talaga," reklamo niya. Pati ba naman iyan ay pag-aaralan namin? History nga ng Pilipinas ay hindi ko na matandaan dahil sa madaming mga sinaunang kultura nito. Ito pa kaya? Lord, help us!
"Ang sabihin mo sabog na talaga ang utak mo!" dugtong ni Jingky. Dinaan na naman nito sa biro ang lahat.
"Matagal na," aminado naman siya.
Si Jho naman ay kumuha ng isang katana na kulay pula. "Kanino ito?"
"That's mine. Pero alam ko na kung para kanino iyan," sagot ni Po.
Si Po ang computer geek friend nila na maraming alam pagdating sa teknolohiya. Maaaring nakapag-research na ito tungkol sa nakaukit sa tsuka nito.
"Okay. Pero sasabihin ko na rin sa kanila kung para kanino ito."
"Go ahead, Jho."
Sinipat namanni Jho ang katana kung saan nakaukit ang pangalan ng nagmamay-ari nito. "Subukan natin ito. Ang letrang ito ay nagsisimula sa letter A-R-E-S or Ares. Ibig sabihin ang imortal na si Vincent Ares ang pagbibigyan mo niyan."
"Yeah. I know right," dismayado si Po.
"Oh? Bakit tila hindi mo gustong siya ang pagbibigyan mo, Po?" tanong niya. Mukhang ramdam niyang hindi gusto ng kaibigan ang lalaking iyon.
"Hindi ko alam! Pakiramdam ko ay may kakaiba sa lalaking iyon na hindi ko gusto. Sa aura niya pa lang ay wala na siyang pinagkaiba sa Ares ng Olympus na halos digmaan ang nasa isipan," tila nag-iinit na naman si Po.
Natawa siya pati ang iba pa. Hindi niya lubos akalain na sa ganitong sitwasyon ay magbabago ang kabilang bahagi ng kaibigan niya. Kilala ito sa pagiging clingy sa lahat ngunit pagdating sa mga bagay na hindi nito gusto ay mabilis na itong naiinis.
Kumuha pa si Jho ng isa pa. "Relax lang. Si Ares lang iyon, okay. Next? Kanino ito?"
"Akin iyan," tugon ni Sam.
"Ito naman ay para kay A-P-O-L-L-O or Apollo."
"Apollo?" tanong ni Sam sabay napakunot-noo rin ito.
"Siya iyong best friend ni Hephaestus. Sa dami kasi nila hindi ko na matandaan. Those weird greek names. Ang paniniwala ng ibang tao ay myths lang ang kasaysayan nila pero ngayon totoo na. Gusto ko sanang pag-aralan ang mitolohiya na iyan kaso sa ibang araw na lang." Umiiwas na rin si Lea.
"Ako rin. Kaya lang parang umurong na ang utak ko. Mabuti pa tapusin mo na iyang pagbabasa, Jho. Gutom na ako. Saka dapat sila ang mag-research niyan para sa atin at hindi tayo. Kapag ako nainis ay lalayasan ko sila rito!" pagngingitngit ni Anna.
"Kalma ka lang, Anna. Heto, tingnan niyo." Sabay inilapag ni Jingky ang isang libro. "Dimensional world daw. Ibig sabihin ay may mga dimensional world sila na hindi natin alam." Binuklat na rin ito para makita ng iba.
"Maraming dimensional room sa loob ng mansiyon na ito. May training ground din sila na minsan na naming napasukan," paliwanag ni Jho.
Napansin naman ni Sam ang kakaibang naroon at tinuro ang nakasulat sa libro na binuklat ng kaibigang si Jingky. "Wait." Binasa nito ang laman ng libro. "Mga mundong hindi dapat pinupuntahan. Dark World, Under World at Nobis."
"Basahin mo nga Sam at mukhang interesante ang bagay na iyan," napangusong wikani Khale.
"Sige. Dark World. Isang mundo na kanlungan ng mga may sakim sa kapangyarihan tulad ng mga Dark Gods noon. Binubuo rin dito ang kanilang imperyo kabilang na ang mga Dark Caster o mga nilalang na kayang gumamit ng itim na mahika. Under World. Sinaunang nakasulat sa mitolohiya at kanlungan ng mga titans tulad ni kronos. Ngunit ipinasara na ito ng lumikha at hindi na nabuksan pa. Nobis. Ang mundong ito ay ginagamit din ng mga Dark Gods upang dito magtago at magpalakas. Walang sinumang nakakarating dito maliban sa kanila."
Napahimas siya sa mga braso niyang nagsitayuan ang mga balahibo. "Nakakatakot naman pala iyan. Ang mga Dark Gods ay mga imortal din na nasa dark side, tama?"
"Depende. Rival sila ng mga imortal na nandito. May dalawang klaseng society sila, white and dark society. Dark Gods ang namumuno sa Dark Society at White Gods naman sa White Society," tugon ulit ni Jho.
"Sa susunod na natin ito pag-usapan. Hindi na kaya ng utak ko," sabay tiniklop na ni Jingky ang libro.
"Tama. Mabuti pa," sang-ayon ni Sam.
"Ituloy ko na muna ang pagbabasa sa pagbibigyan ng iba," tukoy ni Jho sa mga hindi pa nito nabasang mga nakaukit na pangalan.
Matapos basahin iyon ng kaibigan ay tuluyan na rin silang lumabas ng library. Alam niyang hindi lamang siya ang sumakit ang ulo. Iniisip niya ang masayang pagliliwaliw roon ngunit ngayon ay hindi na iyon mangyayari.
Sumakit na ang sentido ko sa mga nalaman namin. Mas matindi pa sa misyon ito kung pagpapanggap lang ang gagawin at kukuha ng mga mahahalagang impormasyon. Naalala niya ang binatang pag-aalalayan niya ng kanyang tsuka. Anchises! Ang weird ng pangalan mo. Nalaman din niya sa huli na ang binata ang pag-aalalayan niya ng tsuka.
ISANG HAPON, napatitig si Jona sa isang magandang halaman na naroon sa garden ng Root Valley. Mag-isa lamang siya roon at bumalik na sa loob si Jingky na kasama niya kanina. Iniisip niya ang lahat ng mga nangyari sa kanila sa loob ng ilang linggong pananatili sa lugar at hanggang matapos ang kasal ng kaibigan nilang si Mitch kay Hephaestus. Nakilala na rin nila si Sifu na namumuno sa White Society at ang sinaunang Sorceress na si Miss Andromeda. Nakasalamuha na rin niya ang binatang pagbibigyan niya ng tsuka niya ngunit hindi pa niya ito nakakausap ng matagal.
Nakakawendang ang mga pangyayari sa lugar na ito. Kung hindi mga weird ang mga tao ay mga kung anong tadhanang sinusunod. Mukhang mabuburo na ata kami sa pananatili rito. Paano na kami ni Jiro? Nalungkot siya sa bahaging iyon. May boyfriend siyang nasa ibang bansa rin at maaaring magkagulo ang lahat oras na malaman nito ay sinapit niya kasama ng iba.
"Bulaga!"
"Ay, kabayo!" gulat na gulat siya. Napasulyap din siya sa kung sinong gumulat sa kanya sa likuran niya. Anchises?
Napapangiti ito habang hinila nito ang isang bakanteng upuan malapit sa kanya. "Ang lalim ng iniisip mo."
Iniwas niya ang tingin sa binata.“Puputok na ang mga litid ko sa katawan sa pambibigla mo!”
“I’m sorry. You’re thinking a lot things here.”
“Yeah. Alam mo naman na simula noong napadpad kami rito sa kaharian niyo ay marami na ang kakaibang nangyari. Sana lang ay matapos na ang lahat ng ito at para magkaroon na tayong lahat ng peace of mind,” sabay bumuntong-hininga siya.
“Enjoy life. Kung iisipin mo iyan araw-araw ay mas lalo ka lang mahihirapang umusad. By the way, I’m here to give you this.”
Noon lang niya ito sinulyapan. Iniabot nito ang isang puting sobre. “Ano iyan?”
“Open it.”
Kinuha naman niya ito at marahang binuksan. “Ito iyong—” Hindi siya makapagsalita. Tumambad sa kanya ang isang white card na madalas nakikita niya sa ibang mga kaibigan. Napag-alaman niya rin na isa iyong debit card na ginagamit ng mga member lang ng lahi ng mga may kakaibang kakayahan na nasa mataas na antas sa kanilang lipunan. Halos ang mga gumagamit din niyon ay doon lang din nakatira.
“Yeah. Required na ibigay namin iyan para may access kayo sa lahat ng amenities dito sa lugar namin.”
“Huh?” gulat din siya sa isa pang nakita. “Bank book?”
“Required din iyan. Ang ate ko pa ang naghanda niyan upang maibigay sa’yo.”
“Ate? Sino?”
“Dione Aphrodite,” sumilay na naman ang ngiti sa labi ng binata.
“Huh?! Kapatid mo si Dione Aphrodite?” nabigla siya sa nalaman niya. Sinipat niyang mabuti ang mukha ng binata kung mayroon itong pagkakahawig sa dalagang namumuno ng kanilang organisasyon.
“We’re siblings. We are not much look alike but she’s my sister. She’s the eldest and Demeter was my cousin too.”
“I see.” Kinuha rin niya ang bank book sa sobre at interesado siyang makita kung may laman. Nakita rin niya ang pangalan niya nang buksan ito saka tumabad din sa kanya ang malaking halagang naroon. “My god! Ang laking pera nito!”
“That’s your last salary and benefits from G&A. Starting today, you’ll not be part of that company anymore and you need to focus in our training. Itago mo iyan para sa family mo at iyong card na ibinigay ko sa’yo, bahala ka na.”
“Thanks.” Muli niyang ibinalik ang mga ito sa sobre. “Hindi na talaga kami makakabalik sa normal naming buhay. I mean—sa pagiging normal na ginagalawang mundo. Ang mga kaibigan ko rin ba ay may ganito?”
“Yeah. Iyong iba hindi pa naibibigay dahil abala pa sila. Isipin mo na lang na bunsong kapatid ka namin ni Ate Aphrodite at kailangan mo ng allowance,” napangiti itong muli.
“Sira!” natawa siya.
“Okay, I’ll go ahead. Marami pa akong gagawin. Alam mo na—business!”
“Okay. Salamat dito. Mamaya ay bibili na ako ng bahay at lupa sa white card na ito!” biro niya.
Tumayo na ito. “No problem!” isang malalim na ngiti lang ang iniwan nito sa kanya saka ito tumalikod na.
Nasundan na lamang niya ng tingin ang binatang papalayo. Muling ibinalik niya ang atensiyon sa sobreng iniabot nito. Nagpapasalamat siya dahil hindi naman sila pinababayaan ng mga naroon lalo na ang binata. Mula noong nalaman din nito na siya ang carrier na mag-aabot sa kanya ng isang mahiwagang bagay ay naging close agad nila ang isa’t isa. Naramdaman niya rin dito naat ease siya mula sa ugali at pakikisama ng binata. Halos katulad din nito ang ugali ng isa niyang kaibigan na si Jingky. Palabiro, sweet, maalalahanin, friendly, at iba pang mga positive traits. Ni hindi nga niya makita rito ang negatibo nitong ugali dahil doon. Isa iyon sa mga ugaling hinahanap ng isang babae sa isang lalaki.
Masuwerte ang babaeng pakakasalan ng mokong na iyon! Napapailing siya saka tumayo na rin upang bumalik na sa loob ng mansiyon.