Chapter 3 - Behind the truth

2020 Words
Muling natahimik ang grupo nila. Tama ito at hindi dapat pinag-uusapan ang bagay na iyon sa public place at baka may makarinig. "I guess, sila ang undercover agent natin sa Pilipinas. Am I right, girls?" tanong ng magandang binibini at tanging nag-iisang babae sa grupo ng mga ito. Marahang tumango silang lahat maliban kina Jho at Khorie. "So, ikaw si Miss A ng G&A?" tanong ni Po rito. Tila nagkukunwari rin ang kaibigan niya na hindi ito kilala. "Yeah. Ako ang nagdala kay Michelle dito. And she's at the Root Valley right now. Kung gusto niyo, doon na muna kayo manatili pansamantala. Don't worry, it's free." Hinintay nilang mag-react ang mga kasama ni Miss A or Aphrodite ngunit nanahimik lang sila. Napag-alaman na rin nila noong nasa Pilipinas pa sila kung sino ang contact nina Miss Jow at Miss NC sa main base ng London at walang iba kung hindi ang babaeng nasa harapan nila. Nakakapagtaka naman na hindi nila pinatira si Michelle sa hotel? Oh, dahil kailangan lang siyang ingatan at baka nasa paligid lang ang mga nakakaalam ng hawak niyang misyon. Well, let's see. Sa huli, napagkasunduan ng kanyang grupo na manatili kung saan naroroon si Michelle habang sina Khorie at Jho naman ay susunod na lang. Napansin din niya ang closeness sa pagitan nina Khorie at Jho sa mga boss nila ngunit hindi na lamang niya pinansin at baka may napag-usapan lang.   BUMUNGADsa kanila ang napakalaking mansion na kulay puti ang pintura saka sila isa-isang pumasok sa loob. Itinuro rin ni Aphrodite ang magiging kwarto nilang lahat. Inilapag muna nila ang mga gamit sa loob ng kwarto saka sila sinabihan ng magandang dalagang nilang boss na bumaba sa sala sa second floor upang hintayin si Michelle. Pagkababa naman nila sa sala ay iniwan na sila roon upang makapag-usap na rin. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa ang kaibigang halos dalawang buwan na rin nilang hindi nakikita. Hindi na naman sila magkamayaw na salubungin at yakapin ito.  "Kamusta ka na? Ano na nangyari sayo dito? Bakit dito ka nakatira sa mukhang mala-palasyo na ata ito sa laki?" sunod-sunod na tanong ni Khale sa kanya. "Ah, isa-isa lang! Mahina ang kalaban," tugon nito. Umupo muna sila sa malawak na sofa at doon ipinagpatuloy ang interogasyon. Ngayon, nagtagpo na ang landas nila sa isang kaibigan, malalaman na nila ang totoong nangyari dito at mapagdugtong-dugtong na rin ang katotohanan kung bakit hindi pa ito nakakauwi ng Pilipinas. "Okay naman ako. Kayo? Anong ginagawa niyo rito?" tanong nito sa kanila. "Ang totoo niyan ay ipinadala kami ni Miss Jow rito upang imbestigahan ang nangyari sa'yo. Hindi siya kumbinsido na ipinasa na lang basta-basta sa iba ang misyon mo kahit pa buong-buo pa rin ang ibinayad sa'yo rito. Akala namin may kung anong nangyaring masama sa'yo," tugon naman ni Sam. "Ganoon ba." "Ano ba talagang nangyari, Michelle? Tutal, nandito na rin lang naman tayong lahat e 'di sabihin na natin ang mga nalalaman natin. Tulad nitong sina Jho at Khorie na parang kabute kung makasulpot sa eksena," saad ni Po. "Slight lang. Siguro nga tadhana na natin ang pagtagpuin tayo rito. Pero mas maiging si Michelle na ang magsalaysay ng mga naranasan niya sa mahiwagang lugar na ito," si Jho. "Mahiwaga? Tulad ng mga nakalaban mo noong pinasok ka sa tinutuluyan mo? Sorry, nakita kasi namin ang cctv footage na hinack ni Po noong gabing salakayin ka. Those weird black guys! Sumabog na lamang sila noong tamaan mo sa batok," salaysay ni Sam. "Nakita niyo pala iyon," may halong kalungkutan ang boses ng kaibigan. "Oh? Why? Is there something wrong?" tanong din ni Anna rito. "Sabihin mo na," tudyo ni Khorie upang isiwalat ni Michelle ang nangyari. Nagpakawala ito ng mahinang buntong-hininga saka ito nagsalita. "Ganito ang totoong nangyari. Naalala niyo ba ang mga tsuka na ibinigay ni Khorie sa atin as souvenir?" "Tsuka?" napakunot-noo siya. "Oo, Jona. Ang tsuka ay salitang hapon na ang ibig sabihin ay handle ngunit walang blade. Nabili iyon ni Khorie sa Quiapo at ibinigay sa atin bilang souvenir mga dalawang taon na ang nakalilipas. At ang tsuka na iyon ang nagdala sa aming tatlo sa tunay na tadhana na magiging kapalaran niyo na rin. Tayo ang napiling mga carrier nito at kailangan nating ilabas ang alab nito sa takdang panahon. Ang magiging receiver nito ay ang mga kalalakihang iyon namga may-ari ng G&A. Mga diyos sila na may kakaibang kakayahan. "Ang mga tsuka na ito ay nagmula pa sa sinaunang ancient history ng mga naunang diyos milyong taon na ang  nakararaan. Mga mandirigmang babae ang naunang carrier at bigo silang ihatid ito sa mga receiver kaya magliliyab lang ang mga tsuka oras na mahanap na nitong muli ang mga panibagong may hawak. At tayo iyon. May nakapaloob din dito na mga casting soul. Sila rin ang mga mandirigma noon na namamahala nito bago pa man tuluyang nawasak ang mundo nila. At oras na kumpleto na ang alab ng mga ito ay kasabay tayong maglalaho. Ngunit gumagawa naman ang mga reincarnated Gods na kinabibilangan ng mga boss natin ng paraan upang hindi mangyari iyon." "Reincarnated Gods?" tanong ni Lea. "Sila ang mga diyos ng Olympus noon na may kakayahan at ngayon ay na-reincarnate sa ibang mga katauhan. Ngunit hindi nila inihahalintulad ang kanilang nakaraang buhay dahil may kapalaran silang sinusunod sa ngayon. Nakalalungkot man isipin ngunit iyon ang katotohanan sa likod ng ating kapalaran. Kasabay ng mga casting soul ang panandaliang buhay na ipinahiram sa atin ng lumikha. Kaya ako natagalan dito at ang sumugod sa akin sa Villa noon na nakita niyo sa cctv ay mga Dark casters. Mga masasamang nilalang," pagpapatuloy ni Michelle. Napatulala ang lahat sa ibinunyag ni Michelle sa kanila at halos walang nakapagsalita. Pinakikiramdaman ang bawat isa kung sino ang magre-react ngunit naunang nagsalita rin ang isa kanila. "It means—sasapitin din namin ang nangyari sa'yo dito?" hindi makapaniwalang sambit ni Lea. "Siguro, Lea. Alam kong gumawa ng paraan ang tadhana natin na makarating kayo rito. Pero hindi ko rin naman si Khorie masisisi dahil pati siya ay biktima rin," paliwanag ni Michelle. "Pasensiya na, girls. It's my fault. Hindi ko talaga alam na ganito ang mangyayari sa atin. Malay ko ba? Sino ba namang mag-aakala na may mga magic ek ek sila?" bahagyang nalungkot din si Khorie sa puntong iyon. "Ako? Gusto ko ang magic pero hindi ko kakayaning maglaho na lang. At saka imposible. Sa mga movies lang nangyayari ang ganitong eksena," wika ni Jingky. "Sounds interesting, Michelle. Pero paano kung tanggihan namin ang tadhana namin? Ibibigay na lang namin ang aming tsuka sa mga diyos na tinutukoy mo. And speaking of them, nakilala namin sila kanina ng personal. Hindi namin lubos akalain na sila ay may kakaibang kakayahan! Siguro alam na nilang patungo kami rito kaya sinalubong kami roon. Siguro sila rin ang dahilan kung bakit nagka-aberya kami sa hotel. Ngayon ko lang napagtanto," napapailing si Anna. "Tama ka, Anna. Iniisip ko na rin iyan kanina." Dugtong ni Sam saka ito bumaling kay Michelle. "Kung reincarnated na sila—ibig sabihin ay hindi na nahahalintulad ang buhay nila noon bilang mga diyos ng Olympus? Pangalan lang pero hindi ang karakter nila, tama ba ako?" "Tama. Tulad ng sinabi ko kanina ay walang kinalaman ang nakaraang buhay nila at ayaw nilang ihalintulad sila noon. Magkaiba na ngayon at may tadhana silang sinusunod sa atin," tugon ni Michelle. "Paano iyan? Hindi namin alam kung paano magpaalab ng isang katana. Dadaan rin ba kami sa pagsubok? Kung tatanggihan natin ito ay makakahanap pa ba sila ng ibang carrier?" tanong naman niya. Ibang misyon pala ang naghihintay sa amin dito. "Iyan ang problema, Jona. Kahit ilibing pa natin ang ating mga sarili sa lupa at mamuhay bilang kamote, susundan pa rin tayo nito. Ilang beses nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin ni Khorie nang dahil diyan," tugon ni Jho. "Kasalanan ko ito. Kung hindi ako nagpapaniwala sa matandang nagbigay sa akin nito sa Quiapo e 'di sana maalwan na ang buhay natin ngayon. Walang mga halimaw at walang magic." "Hindi mo pa rin matatanggihan ang tadhana mo lalo na at kasal kayo ni Hercules," pagbubunyag ni Jho "Ano?! Kasal kayo ni Hercules?!" sabay-sabay nilang bigkas. "Teka—sinong Hercules?" tanong ni Khale. Tumugon naman si Khorie. "Iyong lalaking kausap ko kanina. Siya rin ang namamahala ng foundation ng G&A." Sabi ko na nga ba! Noon lang napagtanto ni Jona at ng iba pa kung bakit malapit ito sa isang lalaki kanina sa hotel at iyon pala ay asawa nito. Ang isa sa Director ng kompanya kung saan sila under nito. "Oo. Kasal kami sa kasamaang palad." May halong kalungkutan pa ang sinabing iyon ni Khorie. "Wow! You're lucky. But, how about LJ? H-hiwalay na kayo?" "That was the worst thing, Sam. I did not tell him that I'm already married. Ang kasal namin ni Hercules ay hindi naman tulad sa isang normal couple. We are married for just a piece of paper. Kontrata lang ang pinaghahawakan namin. Nothing else. Isa pa, isa rin ito sa dahilan kung bakit tumiwalag ako sa grupo dahil sa kasunduan namin. Si Jho naman ay may dahilan din dahil sa katana na iyan." Inilagay ni Sam ang mga braso sa dibdib. "It's a worst thing nga. Kaya pala bigla na lang kayong nag-resign na hindi man lang nagpaalam sa amin ng personal. So? Natuklasan na natin ang mga bagay-bagay, what's the next plan?" "We have no choice but to face the reality. Kung tatalikuran natin ito baka mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat. Somehow, we are the choosen as the carrier of the blades," wika ni Po. "M-may isa pa akong aaminin." "Ano iyon, Mitch?" tanong niya. Madaming sekreto rin itong kaibigan namin. "Kasal na ako kay Hephaestus," pagsisiwalat ni Mitch sa kanila. "Ano?!" muling sabay nilang bigkas. Hindi sila makapaniwala sa pangalawang ibinunyag ni Michelle sa kanila. Kanina lang ay nagkukuwento pa ito tungkol sa mahiwagang mga bagay na iyon at ngayon ay ikinasal na siya sa isa mga ito. Napamulagat siya ng kanyang mga mata. "Seryoso ka ba?" "Oo. Seryoso ako. Hindi ko lang maipakita ang wedding ring ko dahil naiwan ko ito sa bahay ng asawa ko." "Anak ng tipaklong naman! Halos dalawang buwan kang hindi nakabalik tapos nagkukuwento ka ng kakaiba at ikinasal ka na pala. Si Khorie ay kasal na din. Kalerkey!" napapailing si Anna. "Totoong ikinasal ka na talaga. Sino naman ang malas na diyos ang pinakasalan mo?" tanong ni Jingky. "Makamalas naman ito! Si Hephaestus. Ang pag-aalayan niya ng katana ay mismong asawa na niya ngayon." Pagbibigay ng detalye ni Jho. "Ikinasal na siya three weeks ago sa Switzerland at nandoon kami ni Khorie para maging saksi. Hindi na muna ipinaalam ito dahil nga delikado. Iisang judge lang din ang nagkasal sa kanila at kina Khorie noon." "Hindi rin ako nagkamali. Hindi ka na magugutom kapag naging asawa mo ang Chef na si Maverick Hephaestus. Tama ba ako?" "Oo nga. Naalala ko ang sinabi mo sa akin noon, Po." "Anyway, kung kasal ka na pala ay tuloy-tuloy na ang pananatili mo rito?" "Ganoon na nga, Sam. At sana hindi niyo ako tatalikuran na ipaglaban natin ang ating mga tadhana dito. Sana ay samahan niyo pa rin ako," may bahid na pag-aalala ang boses ni Michelle. "Okay lang sa akin. Gusto ko ang adventure," sambit ni Jho. "Nandito na rin ang buhay ko kasama ang asawa ko," dugtong naman ni Khorie. "Ano pa nga ba? Dahil kasama kami sa nabigyan ng katana ay mananatili na rin kami dito pero hindi ibig sabihin na tinanggap na namin ang aming tadhana." Si Po na ang huling nagdesisyon para sa kanila. Sang-ayon naman siya at ng iba pa kaya minabuti na lamang muna nilang isantabi ito pansamantala at saka na lamang muling isipin kapag nakaharap na nilang muli ang mga lalaking pag-aalalayan nila ng bagay na iyon. Hindi naman sila nabigong makakilala ang mga ito nang ipatawag din sila ng namamahala upang pormal na magkakakilala. Doon niya lubusang nakilala si Anchises. Isang binatang sang-ayon din naman sa tadhanang kakaharapin nila at handa naman itong tumulong upang gabayan siya sa lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD