Kinabukasan, matapos makapag-almusal ay tumulak na sila patungong Green Valley. Sakay ng puting van ay maglalakbay sila ng tatlong oras bago makarating dito. Pasado alas dose na rin ng tanghali nang sa wakas ay naroon na sila ngunit nadismaya sila sa biglaang pagsama ng panahon sa buong lugar na halos wala na silang makita.
Green Valley is one of the most amazing places in the Kingdom of Valley, England. People are spending their money just to be relaxed here while enjoying the amenities they have. Some of these amenities are the park and clubs, resorts, golf courses, and many more. Lahat ng ito ay mga katangian ng lugar kaya naman dinadagsa ito ng maraming tao mula sa sa iba't ibang panig ng mundo. Ang naturang lugar ay nasa Eastern part ng England kaya naman bago makarating dito ay kailangan bumiyahe pa ng tatlong oras mula sa London city. May private jetplane din naman sumusundo sa mga guests ngunit mas pinili nila ang mag-travel by land. Tinaguriang 'top wonders of the world' na ang lugar kaya naman kahit siya ay excited rin na makatuntong dito.
"We are here, ladies. Welcome to Green Valley!"
Nagising si Jona mula sa malalim na pagkakaidlip nang maulinigan niya ang boses ng driver ng shuttle na sinasakyan nila patungong Green Valley at inanunsiyo nitong naroon na sila. Kanya-kanya na silang kumilos upang bumaba sa sasakyan. Pagkababa naman nila ay tumambad naman sa kanila ang isang hotel na kahalintulad sa ganda kung saan sila nanatili kagabi. Sinalubong naman sila ng staff ng hotel upang alalayan sa kanilang mga dala-dalang gamit. Pagpasok sa loob ay siya namang biglang pagkulog na may kasamang kidlat.
"Ibang klase ang pagsalubong ng panahon sa atin. Hindi man lang nakikisama," dismayadong wika niya. Kakagising lang din niya.
"Oo nga. Hindi man lang tayo pinatikim na makapag-selfie sa labas," wika naman ni Khale.
Kanya-kanyang kuro-kuro ang mga kaibigan niya na halos hindi makapaniwala sa biglang pag-iiba ng panahon.
Bakit nga ba? Strange! Maganda naman ang panahon sa weather forecast kanina. Kapag minamalas nga naman.
Napapailing siya. Ilang saglit pa ay narinig na lang niya na sumisigaw na ang kaibigan niyang si Po sa frontdesk ng reception. Ito ang nakakaalam sa itinerary nila at bookings. Si Po na rin ang tinuring na team leader ng grupo. Nagkatinginan sila at naalarma dahil hindi pa rin bumaba ang tono ng boses ni Po sa receptionist.
"What? You mean—wala sa system niyo ang ang booking confirmation namin? How can that happen?"
Kaharap nito ang pinay na receptionist at nagsasabing wala roon ang booking reference na sinasabi ni Po. Hindi tuloy makaimik ang receptionist na naroon at kahit ito ay nagtataka rin kung bakit hindi nito mahanap sa computer ang reservation nila. Ayaw naman sanang magalit ng dalaga subalit pinagdidiinan ng babae na walang naka-record sa system nila. Lumapit ang kaibigan niyang si Sam kasunod ng iba pa upang kumpirmahin ang nangyari. Habang siya ay kasama sina Khale, Jingky at Lea sa couch.
"Problema iyan. Kapag si Po na ang nagagalit ay ayoko ng makisabay. Inaantok pa ako," sabay naghihikab pa siya.
"Ang sarap nga ng tulog mo sa shuttle. Mula pa kagabi ay panay ang tulog mo," sambit naman ni Lea.
"Yeah. I'm really tired. Bumabawi ako ng lakas ngayon. Sakto pa ang biglang buhos ng malakas na ulan," tugon naman niya.
"Hindi na ba natin tutulungan sina Po? Mukhang maghahalo na ang balat sa tinalupan sa inis niya," napanguso si Jingky sa mga kaibigang nasa reception.
"They can handle that. Isa pa, tinatawag na ako ng malambot na kami," halos humiga na si Khale sa sofa.
"Sabagay. Poor beautiful receptionist. Tumanggi kasi siyang wala sa record nila ang booking reference natin. High blood tuloy ang isa," napapailing si Jingky.
"Pagod pa iyan. Hayaan niyo at ipinatawag na nila ang manager ng hotel." Narinig nila ang mga pinag-usapan ng mga kaibigang naroon sa hotel dahil ilang dipa lang naman ito sa couch.
Saglit na naghintay sila sa reception. Mabuti na lang at kaunti lang ang mga tao roon na dumadaan dahil na rin sa kondisyon ng panahon kaya walang masyadong guest. Isa pa, ang haba ng nilakbay nila mula Pilipinas hanggang London at ito lang ang magiging kahinatnan ng lahat.
Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Halatang mayayaman ang may-ari ng lugar na ito dahil hitsura pa lang ay nakakabighani na ang view. Well, kung hindi ako nagkakamali ay ang mga boss namin ay may-ari nito. Mga bilyonaryo nga naman. Humihiga sa maraming pera. Sana all! Napangiti siya huli.
Nanatili pa rin sa reception area ng hotel ang grupo niya habang hinihintay nila ang manager upang makausap ng mga kaibigan. Ilang minuto na silang nakatengga sa lugar at wala pa rin nangyayari kaya naman hindi na rin nila napigilan ang kaibigang si Po na sumabog. Sa unang pagkakataon ay nagwala ang magandang dalaga. Malayo sa karakter nito ang nagagalit at nagwawala pero sadyang ipinaglalaban lang nito ang kanilang karapatan. Hindi pa rin bumababa ang tensiyon ni Po sa pagitan nito at ng kawawang receptionist kaya napatayo silang magkakaibigan. Marahang nilapitan nila ito.
"Where's the manager, Miss? We're running out of time! Malamig sa labas at alangan namang dito lang kami nakaupo hanggang mamaya. My Goodness! Anong klaseng hotel ito at hindi man lang kayo marunong mag-asikaso sa mga guests? What the—"
Hindi na nito naipagpatuloy ang sasabihin nang biglang may isang grupo ng mga nagguguwapuhang lalaki ang dumating sa lobby ng hotel. Kasama nito ang isang napakagandang babaeng foreigner na sa pagkakaalam niya ay ito ang namamahala sa organisasyon nila. Habang pinagmamasdan niya ang mga ito ay naging pamilyar ang ibang mga binata sa kanya. Nakita na nila ito sa profile ng misyon ni Michelle na walang iba kung hindi ang mga may-ari mismo ng G&A Int’l Corporation kung saan sila under nito. Subalit may isang pakiusap si Miss Jow bago pa sila tumulak patungo roon na huwag na huwag nilang sasabihin ang tunay nilang pakay at magkunwaring hindi nila kilala ang mga ito.
The Gods from heaven walked through the aisle from the entrance to the lobby. Napatitig ang mga dalaga sa grupo ng mga binatang papalapit sa direksiyon nila. May kung anong bugso ng tadhana ang nag-adya na pagtagpuin ang kanilang landas sa pagkakataong iyon. Maya-maya pa ay namayani ang katahimikan sa pagitan ng magkabilang panig nang tuluyan na silang magkaharap-harap. Binasag ng isang lalaking kasama sa grupo ang katahimikan ng lahat at base sa napag-aralan nilang profiles ito ang nagngangalang Non Pem Persius Villa Acosta.
"Are you the guests who—"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Persius ng sumingit si Anna. Pinagkrus pa nito ang mga brasosa dibdib at taas noong hinarap ang guwapong lalaki. "Are you the manager?"
"Actually, all of us manage this hotel," the woman said.
"Lahat pala sila kaya full force." Mahinang sambit ni Jingky. "Kayo na ang kumausap at baka dumugo lang ilong ko," pasimpleng nagtago ito sa likuran ni Anna.
Napangiti naman siya na nasa likurang bahagi nang sabihin niyang, "Takot ka pa lang humarap sa mga foreigner."
Saglit lang din siyang natigil sa pagkakangiti nang mabaling ang mga mata niya sa isang lalaking ang lakas din ng dating para sa kanya. Sakto namang nagtama ang kanilang paningin at napako na iyon doon. He has charming eyes and a charming smile. Yes. The man smile at her for a second. At ang ginawa ng binatang iyon sa kanya ang pag-uumpisa ng pagigingmaligalig ng kanyang payapang puso. She loves to take a glance at him with his steel-grey eyes yet, she feels intimidated.
Pinagkrus naman ng isang lalaki na nasa pinakagitna ang mga braso nito saka ito nagtanong. "So, what's the matter?"
"Here." Ipinakita ni Po ang payment details nila at inabot dito. "We want to file a complaint regarding your system error! As you can see, it's not our fault! We already paid for our hotel accommodation but your staff told us that she can't find any record of our reservation! How can that be possible?"
Tiningnan ng mga ito ang papel na ibinigay ng kaibigan niyang si Po. Ilang segundo lang ay bumaling ang mga ito sa grupo nila saka nagsalita ang lalaking pinag-abutan nito.
"Okay. Pwede na kayong makakuha ng room. Ah, Clara—give them the best rooms."
"Yes, Sir Marion."
Nagkatinginan silang magkakaibigan dahil ang lalaking inakala nilang foreigner ay marunong pa lang managalog. Actually, hindi lang marunong kundi matatas pa.
Wow! Marami na pala talagang mga ibang lahi ang natututo sa salita namin. Amazing! Hindi siya makapaniwala. Inalis na rin niya ang tingin sa lalaki dahil hindi na niya nakayanan ang mga titig nito.
Humirit na naman sa tabi niya si Jingky. "Pambihira! Dumugo na nga ang ilong ko kay Po tapos sasagot lang ng tagalog si Sir Pogi. Hanep!"
"Oo nga! Kalokang araw ito,'' dugtong naman ni Khale.
"Tumigil nga kayo at baka marinig nila," mahinang sita ni Anna sa kanila sa likuran.
Kung bakit kasi hindi maiwasang mapangiti lalo na at katabi itong si Jingky. Kung nandito lang si Khorie ay lalong magulo na ang sitwasyon. Nasaan na kaya ang isang iyon? Iniwas na lamang niya ang tingin sa ibang direksiyon dahil uneasy na ang mga titig ng iba pang mga binatang kaharap. Mga kuya, tunaw na tunaw na kami. Kung naging ice cream lang kami ay kanina pa kami natunaw sa mga titig niyo. Don’t worry, hindi po kami mga scammer!
Muli silang naghintay doon nang biglang bumukas ang elevator na sakto namang paglingon niya sa bahaging iyon at iniluwa ang dalawang babaeng pamilyar sa kanya.
"Parang pamilyar ang dalawang iyon." Sabay turo niya sa kinaroroonan ng mga ito. "Jho! Khorie!" Tinawag din niya ang dalawanang masiguro kung sino ang mga ito.
Napalingon naman ang lahat sa kinaroroonan ng dalawa. Mababakas pa sa mukha ng mga ito ang pagkagulat nang makita sila roon sa reception. Marahang naglakad ang dalawa habang sinisipat ang grupo nila.
"Anong ginagawa niyo dito?" nagtataka si Jho sa kanila kung bakit sila naroroon.
Nagpakiramdaman pa sila bago kumilos at nang mapagtanto nila na mga dating member ito ng grupo at matagal na kaibigan ay nilapitan nila ito at nagkayakapan. Halos dalawang taon nang humiwalay sa grupo ang mga ito upang magkaroon ng simpleng buhay. Hindi magkamayaw ang grupo nila sa loob ng hotel sa tagpong iyon at hindi alintana ang mga binatang naroroon lang na nagmamasid at nakikiramdam.
"Ano nga pala ang ginagawa niyo dito?" muling tanong ni Jho sa kanila.
Ibinalik naman ni Sam ang tanong nito. "Kayo na muna. Anong ginagawa ninyo dito?"
"Ang lagay ba ay kami agad ang magsasabi. Kayo itong dayuhan at kararating lang," wika ni Jho na kailanman ay hindi nagpapaisa kahit sa simpleng bagay. Isang karakter na nakadikit na sistema nito kahit noon pa man.
Si Po na ang sumagot. "Inaayos iyong room namin dahil may kaunting aberya lang. Saka nandito kami para magliwaliw. Naiinggit kami kay Michelle kaya kami sumunod dito. Hindi ba nagkita na kayo?" tanong din nito.
Tumugon si Jho. "Oo nga pala. Pero ilang araw na rin hindi namin siya nakita rito. Is she still here? Akala ko nakabalik na siya ng Pilipinas dahil aborted ang misyon niya."
"How did you know about Michelle's mission, Jho? Nabanggit ba ito ni Mitch sa inyo?" tanong din ni Lea.
"Nope! Nakalimutan niyo atang dati rin kami sa trabaho niyo ngayon. Alam namin ang kalakaran ng grupo at alam rin naming may sinusundan siya rito. Si Uzik. Nahuli na ang russian drug syndicate na iyon."
"Kaya nga aborted ang misyon ni Michelle dahil diyan. Ibang grupo na ang humuli kay Uzik. I guess, Michelle is still here," saad naman ni Khorie.
"So, nasaan na siya?" tanong din ni Khale.
"Baka kumakain. Hanapin natin sa mga restaurant dito baka andiyan lang siya at nag-spy sa mga pagkain," biro ni Jingky.
"Grabe ka kay Mitch," natatawang wika ni Lea rito.
Nagkangitian ang mga ito. Alam nilang minsan trip ni Michelle ang kumain at mag-explore pagdating sa pagkain lalo na sa lugar na bago sa paningin nito. Isa pa, bago sila nagtungo sa lugar ay nag-research din sila. Maraming mga amenities sa loob ng Green Valley kaya hindi lang mga mata at tiyan nila ang satisfied.
"Riding in tandem na naman kayong dalawa. Nawala lang kayo sa grupo mukhang may itotokhang na naman kayo," pabirong sambit niya.
"Oo. At ikaw uunahin ko," akma sanang sasakalin siya ni Jho na pakunwari lang.
"Biro lang!" tatawa-tawang sambit niya.
Ganito sila noon na mas lalong maiingay at magugulo kahit sa kabila ng delikadong trabahong pinasok nila. Parte ito ng buhay nila na kahit sa anumang pinagdadaanan ay kailangang manatili pa rin ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
The guy in the center of the group gentle yet obviously orchestrated cough caught their attention. "Excuse me, ladies. This is not a wet market! Confidential files ang tungkol sa kasong iyon. Hindi niyo dapat pag-uusapan iyan dito!" seryoso rin ito at malalim ang mga tingin nito sa kanila.