bc

The Stolen Lover

book_age18+
137
FOLLOW
1.6K
READ
forbidden
love-triangle
boss
heir/heiress
drama
bxg
tricky
affair
like
intro-logo
Blurb

DEADLY SINS SERIES: SIN OF ENVY

BLURB:

Si Lyndzy Agatha Callejo ay nagpakasal sa lalaking tila nagpakita sa kanya kung gaano kaganda ang mundo at kakulay ang mabuhay. She thought that marrying that man was the best choice of her life.

Until…reality hits her—and he does, too.

Tila gumuho ang mala-panaginip na buhay ni Lyndzy nang simulan siyang saktan ng kanyang asawa at pagbuhatan ng kamay. She became a battered wife, without any power to impede her husband.

Sa tuwing nalalasing o nagkakaroon ng problema ang kanyang asawa, sinasaktan siya nito at wala siyang magawa kung hindi tiisin ang lahat.

She tried to tell her parents about the abuse, pero hindi siya pinakinggan. Tila bingi ang lahat ng tao sa kanya at pinupuring mabuting asawa ang lalaki.

Walang nakinig sa kanya. Walang tumulong sa kanya.

She tried to run away and break-free from her abusive husband, but she failed. Sa huli ay siya pa ang sinisi na wala itong kwenta dahil sa pagtatangkang kumawala.

Nang malaman niya na may ibang mga babae ang asawa, that was the last straw. She tried to seek help, kahit kanino. Gusto niyang magdusa ang asawa. Gusto niyang iparamdam dito ang sakit—mas masakit sa naranasan niya.

She met Rouge Acheres Ricalde, ang bunsong tagapagmana ng Ricalde Aviation.

He offered to help her. Unfortunately, her misery didn’t end there, because slowly, she developed feelings for the last man she should have been infatuated with.

Betrayal and forbidden love.

Lyndzy fell in love with Rouge Ricalde, her brother-in-law and the half-brother of her husband.

She may have broken free from her abusive husband, but how can she escape the playful fate that ties and chains her to Rouge—the very man who helped her and who, turns out, has long wanted to steal her from his half-brother.

Warning: This is a dark billionaire romance. It may contain themes that are disturbing and not suitable for some readers and young audiences. Reader discretion is highly advised.

chap-preview
Free preview
SIMULA
ISANG malakas na sampal ang aking natanggap nang makauwi ako ng bahay. Sumabog sa aking mukha ang aking buhok at hindi kaagad nakagalaw. I was expecting him to hit me, pero masakit pa rin pala. My cheek stang. Sobrang lakas ng kanyang pagkakasampal sa akin na halos mamanhid ang aking pisngi. Huminga ako nang malalim at hinarap ang aking asawa. Hindi ko ipinakita sa kanya na may pagsisisi ako o iiyak ako dahil sa ginawa niya. I had had enough. “How f*****g dare you?!” sigaw niya sa akin. “Alam mo ba kung anong ginawa mo sa akin doon? Right in front of my parents?!” Napasabunot siya sa kanyang buhok. Nararamdaman ko ang matindi niyang prustasyon. Nagsisisi ba ako sa ginawa ko kanina? Hindi. Kung may isang bagay man akong pinagsisisihan, iyon ay ang pinakasalanan ko siya at sinayang ang buhay ko sa kanya. Malapit nang matapos iyon. Makakawala rin ako rito. “Hindi ko kasalanan iyon! Sinong sumuntok sa akin sa parte ng katawan ko kung saan makikita nila ang pasang iniwan ng ginawa mo? Ako ba, Richmond?! Kung hindi mo ako sinuntok kagabi dahil lang may nabasag ako, sana walang sugat sa katawan ko na makikita nila—” Sinampal niya ulit ako kaya hindi ko natapos ang aking sinasabi. Mariin kong kinagat ang aking labi dahil sa ginawa niya. Gusto ko rin siyang saktan! Pero hindi ko ginawa dahil hindi ako bayolenteng tao. Hindi ako kagaya niya. “Alam na alam mo na nagpapalakas ako sa kanila, lalo na sa asawa ni Papa!” Hindi ako nagpatalo sa pagsigaw niya. Sawang-sawa na ako na hinahayaan kong kawawain niya ako. Hindi na ako natatakot sa kanya. “Anong gusto mong gawin ko? Mag-sweatshirt ako o mag-jacket para lang maitago ang sugat ko sa braso?! Napakainit ng panahon. Ako ba ang mag-a-adjust ganoong ikaw ang may kasalanan?!” Akmang sasampalin niya ulit ako. Hindi ko ipinakita na natatakot ako. His hand stopped midair hanggang sa ikinuyom niya iyon at ibinaba sa kanyang gilid. “Kailangan kong makuha ang loob nila, para ma-recognize nila ako bilang isang Ricalde! Ikaw, you need to wear your mask and pretend like a good f*****g wife kahit alam naman nating wala kang kwenta!” Mahina niyang tinapik ang aking pisngi like it’s a warning. Iniiwas ko sa kanya ang aking mukha. Tinalikuran niya ako at umakyat sa kuwarto. Naririnig ko pa rin ang mga sinasabi niya dulot ng iritasyon. Nagpunta kasi kami sa bahay ng dad niya. Sinabi niya sa akin na itago ko ang sugat na natamo ko sa pagsuntok niya sa akin kagabi. Ginawa ko naman. Nagsuot ako ng blazer at sa loob nito ay isang sleeveless blouse. Ngunit nang nakain na kami, nagpanggap ako na naiinitan at tinanggal ang blazer, showing everyone my bruise. Tinanong ni Tita Annette, ang tunay na asawa ng dad ng asawa ko, kung anong nangyari sa akin. I was about to answer her when Richmond went into his defensive mode at nagbigay ng excuses. Hindi ko man sinagot na sinuntok ako ng asawa ko, I know that they got suspicious dahil naging awkward ang atmosphere sa hapagkainan matapos iyon. Kagaya ng sinabi ni Richmond, nagpapalakas siya sa sarili niyang pamilya. He’s an illegitimate son. Hindi siya ganoong tanggap ng pamilya, except sa kanyang ama. Okay naman ang samahan nilang magkakapatid, but it’s casual. Tita Annette, on the other hand, doesn’t acknowledge him. Iyon ang gusto niyang makuha, ang kilalanin din siya nito. Pinili ni Ramiro Ricalde, ang ama nina Richmond, ang tunay na pamilya at nagbigay sustento na lamang kina Richmond. Ngunit ngayon na may sakit ito, gusto nina Richmond na magkaroon ng hati sa kayamanan ng mga Ricalde kaya’t sinusuyo niya ang mga ito. Aniya’y may karapatan din siya dahil anak. Pumunta na rin ako sa kuwarto matapos kong dumaan sa kitchen para kumuha ng ice pack at lapatan ang namumula kong pisngi. Pagpasok ko sa kuwarto, nasa loob ng bathroom ang lalaki. Nagtungo ako sa closet at nakita ang mga regalo ni Richmond sa akin kanina bago kami umalis. Ganito siya sa tuwing may ginagawa siyang hindi maganda sa akin, nilalambing niya ako at binibigyan ng mga regalo. Akala niya ba ay nahuhulog pa ako roon? Minsan na akong naging tanga, tapos na ako sa phase na iyon. Nagpalit ako ng damit at bago umalis ay napadaan sa isang safe. Sumilip ako sa labas at napansin na wala pa rin si Richmond. Lumapit ako sa safe at binuksan iyon. Ako lamang ang nakakaalam ng combination nito, kaya kahit sunugin ito ng asawa ko, hindi niya malalaman kung anong nasa loob. Kinuha ko ang mga papeles. Naandito lahat ng ebidensya ko sa mga ginawang katarantaduhan ng asawa. Sa ilalim nito, mayroong ilang dokumento. Ang isa ay may titulong: Petition For Annulment of Marriage. Huminga ako nang malalim. Malapit na. I will file this petition at sisiguraduhin ko na ako ang papaboran ng korte. Kung sana ay may divorce sa bansa, mas mabilis sana. Richmond doesn’t know this yet. Hindi ko pa sinasabi sa kanya. Malalaman niya na lang kapag may summons na kami para magpakita sa korte. Itinago ko ulit ang mga papeles at nagpunta sa kuwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na may text doon. Meet me. Ayon ang nakalagay sa text message na ipinadala niya. Tiningnan ko si Richmond na nasa loob pa rin ng bathroom. Lumabas siya kaya’t ibinaba ko sa gilid ang kamay ko. Nagkatinginan kami at nilabanan ko iyon. Unang nag-iwas si Richmond at pumasok sa loob ng walk-in closet. Mabilis lang ang naging pagbibihis ni Richmond at pumunta na sa may pinto. “I’ll be out with the boys tonight. Baka gabihin ako. Huwag mo na akong hintayin.” Hindi ako nagsalita. Alam ko naman kung saan siya talaga pupunta at wala akong pakealam sa kung anong gagawin niya. Matagal na. Nagtungo ako sa balcony ng kuwarto kung saan ay matatanaw mo ang pag-alis ng sasakyan ni Richmond. Pinanood ko iyon na lumabas ng gate. Humugot ako nang malalim na paghinga bago magtipa ng ire-reply sa nagpadala ng mensahe. Me: Saan? Magbibihis lang ako. Papunta na sana ako sa closet nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Nakita ko na may reply kaagad siya sa akin. Is your husband around? Napakunot ang aking noo. Why is he texting me like this? Kung may ibang makakakita ay iisipin pa na may iba akong lalaki at hinihintay lamang namin na umalis ang asawa ko para makapagkita. I don’t have a lover. Hindi ako ganoong klase ng babae. Me: Umalis siya. Bakit? Mabilis ang kanyang naging pagre-reply. I’ll be there in a minute. Napatingin ako sa gate nang may matanaw na isang McLaren na sasakyan. Nanlaki ang aking mga mata dahil alam ko kaagad kung kanino ang kotse na iyon. “Tsk! Anong ginagawa niya rito?” Mabilis akong kumuha ang robe dahil naka pantulog na ako. Lumabas ako ng kuwarto at sinalubong ko ang bisita. Bumukas ang front door at nakita ko siya. His strides are powerful and dominant. Alam mo kaagad na he’s someone you shouldn’t mess with. “Hello…” pagbati niya sa akin. Mabilis akong lumapit sa kanya. Magkasalubong ang kilay ko. “Anong ginagawa mo rito? Wala kang rason para pumunta rito?! Paano kung malaman ni Rich?” Tumaas ang kanyang kilay sa sinabi ko. “And? Do I give a f*****g f**k about him?” I groaned. Naiinis ako na naririto siya. “Ano bang kailangan mo?” Nagpunta ako sa living room at naupo. Sumunod siya sa akin. “I just want to congratulate you for exposing your husband earlier. Mom was furious. Kung ano-anong sinabi niya. She concluded that your husband was hitting you. Jackpot!” Pinagmasdan ko siya at nakangisi ang loko. Naupo siya sa tabi ko. “I don’t need your congratulatory remark, Rouge.” Rouge Ricalde, my husband’s half-brother and also my accomplice in my revenge towards him. Si Rouge ang tumutulong sa akin upang dahan-dahan ay magantihan ko ang asawa sa lahat ng ginawa niya sa akin. “Come on now. It was perfect—” Hinawakan ni Rouge ang baba ko at ibinaling ang mukha ko sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya at alam ko kaagad kung anong nakita niya. His eyes darkened with anger. “Did the motherfucker slapped you again?” Hindi ako nagsalita. Iniiwas ko na lamang sa kanya ang mukha ko. “That son of a b***h!” Umiling ako. “Hayaan mo na.” Kaya ko pang magtiis. Kaunting sandali na lang, iiwan ko na rin ang hayop. “Kung wala ka nang gagawin dito, mas mabuti pang umalis ka na, Rouge.” Ayokong may isipin ang ibang tao sa amin kung makikita kami dahil wala kaming relasyon ni Rouge at ayoko rin na humantong ang lahat sa puntong malalaman ni Rich ang tungkol sa annulment. Baka mabulilyaso pa ang mga plano ko. Papaalis na sana ako roon nang hawakan ni Rouge ang batok ko at hilahin ako papalapit sa kanya. Ikinagulat ko iyon. “Are you sure you’re going to leave him?” Sobrang lapit namin sa isa’t isa. Pinipilit kong itulak siya papalayo. “Or are you chickening out?” Gusto kong tawanan ang sinabi niya. “Who? Me?” Tumaas lang ang kilay ni Rouge sa akin. Tinulak ko siya with all my might, dahil hindi tama na ganoon kami kalapit sa isa’t isa. “Of course not!” Hindi nagsalita si Rouge pero nakita ko ang paninitig niya sa akin. Mabilis kong niyakap ang sarili para protektahan ang katawan ko sa kanyang mga mata. “Umalis ka na, Rouge.” Naglakad siya papalapit sa akin. Umatras ako nang umatras pero patuloy ito sa paglapit hanggang sa mapasandal na ako sa pader, and he cornered me. “Are you afraid, Zy?” tanong nito sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko pero tinabig ko iyon. “Are you afraid that you’re falling for—” Nasampal ko si Rouge. “Shut the hell up! Hindi mo alam ang sinasabi mo, Rouge! Mangilabot ka nga! You’re my brother-in-law and I am married!” “For now, but not when you nullify your marriage with that bastard.” Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Tinulak ko ulit siya nang malakas bago pa niya magawa ang binabalak sa akin. “I am married, Rouge! You can’t do things like that!” Mabilis ang pahinga ko at pinipigilan ang sarili na sampalin siya ulit. Itinaas niya ang kamay niya, tila sumusuko. “Alright. But my brother is cheating on you. Why can’t you—” Para bang napigtal ang natitirang pasensya ko. “That doesn’t mean I’ll do the same, Rouge! Hindi dahil nangaliwa ang asawa ko, mangangaliwa rin ako. I am not that kind of person! Cheating will never be an option and I will never commit such thing!” Ngumiti si Rouge, tila natuwa sa sinabi ko. He tilted his head. “That’s why I like you, Lyndzy, and I am just testing you. Chill, I am not going to make a move…” He licked his lower lip. “This makes me want to own you when you’re finally…free. I want my woman to be loyal and faithful, as I’ll be doing the same. Marriage is a commitment and sacred. Those who cannot be contented with the person they married should be burned in hell, right?” Hindi ko na alam kung anong isasagot sa kanya. Minsan ay hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip ni Rouge. “Umalis ka na. Magpapahinga na ako.” Naglakad na ako papaalis at patungo sa may hagdanan nang muli siyang magsalita. “You should hurry and start the annulment procedure, Zy. My patience is running thin, and I am not a very patient man when it comes to you.” Natigilan ako at nilingon siya dahil naguguluhan ako sa sinabi niya. “I should be seeing ‘single’ in your marital status very soon. If not, allow me the honor of helping you and making you a widow…” Lalong lumaki ang ngisi niya. “Once I f*****g kill your husband.” Ikinagulat ko ang sinabi niya. Nagtindigan ang aking balahibo dahil doon. Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil mabilis akong tumakbo papunta sa kuwarto at nagkulong doon. I know Rouge was crazy for telling me he liked me before and was willing to wait for me until I annulled my marriage, but I guess he was more than that for threatening the life of my husband just so he could have me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook