bc

The Love Between Us

book_age16+
21
FOLLOW
1K
READ
brave
princess
gxg
lighthearted
magical world
superpower
supernatural
ancient
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Dalawang magkaibang lahi, isang makapangyarihan at walang kapangyarihan, immortal at mortal.

Hindi maaaring magkaroon ng ugnayan.

Ngunit pinagtagpo pa rin ng tadhana.

Makakaya kaya nila ang mga pagsubok na kanilang kakaharapin?

Sa pag-ibig, ang babae ay para lamang ba sa lalaki?

Ano ang naghihintay na kapalaran ng dalawang taong nagmamahalan ng parehong kasarian na pilit hinahadlangan?

May pag-asa ba na maging sila habang buhay at mamuhay ng mapayapa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Ang Simula
Ang lahat ng mga immortal at mortal ay nasa palasyo ni Haring Cepheus at Reyna Andromeda. Sila ay masaya sa pagdiriwang ng Paz Unidad, na ang ibig sabihin ay kapayapaan at pagkakaisa ng apat na kaharian. Lahat ng mga immortal rito ay nakasuot ng maganda at makikinang na kasuotan ang mga lalaking immortal ay nasa malawak na mesa kung saan naroroon ang mga mortal. Ang mga Diyosa at Prinsesa ay nag-uusap sa isang malawak na mesa, na may ibat-ibang putahe na nakalagay sa mga gintong plato. Nang biglang lumapit sa kanila si Prince Beroque, "mga mahal kong mga Diyosa at Prinsesa, paumanhin kung naabala ko kayo, maari bang malaman ang inyong pinag-uusapan?" Masayang tanong ni Prinsipe Beroque. "Oo, naman, ikinagagalak namin na makilala ka Prince Beroque". Nakangiting sagot ni Princess Cassiopeia. Tumagal ang pag-uusap ng mga ito at maslalong naging masaya ang pagdiriwang sa araw ng Paz Unidad. Dahil sa pagsasalong ito nakita ni Prince Beroque ang kagandang taglay ni Princess Cassiopeia at siya ay umibig sa Prinsesa. Matapos ang salu-salo masayang umuwi ang lahat sa kanikanilang tirahan, agad na nagtungo si Princess Cassiopeia sa kaniyang kaharian. "Malalim na ang gabi, ang lahat ay tulog na sa oras na ito, habang ako ay nananatiling naka-upo sa taas ng aking palasyo habang nakatingin sa mga bituin na nag niningning sa ganda, dito ay makikita ko ang boung imahe ng aking kaharian. At sa hindi kalayuan ay naroroon naman ang tirahan ng mga mortal, matagal na panahon na akong nangangarap na makapunta at makita ang Earth na mundo ng mga mortal ngunit alam ko na ito ay ipinagbabawal." Pabulong na sabi ni Princess Cassiopeia habang kausap nito ang kaniyang sarili. Hanggang sa nakatulog siya ng hindi niya namamalayan. "Good morning", malumanay na sabi ng alaga ni Princess Cassiopeia na si Mequervax. Agad na nagising si Princess Cassiopeia nang marinig ang sinabi Mequervax at hinanap si Diyosa Lyra, nakita niya si Diyosa Lyra na kasama si Diyosa Phoenix sa Verthuaqx ang ika-apat na buwan. "Magandang umaga mga kaibigan kong Diyosa," bati ni Princess Cassiopeia sabay tanong ng,"maari ba tayong magusap-usap?" Sabay na sumagot ang dalawang Diyosa ng, "oo." Ang tatlong Diyosa na ito ay iisa ang hangarin, ang makapunta at makita ang kaharian ng mga mortal. Plano nilang tatlo na magtungo sa mundo ng mga mortal, kaya nagtungo sila agad sa Earth. Ngunit hindi naging madali para sa kanila ang makapasok, dahil sa mga Juertx na nakabantay sa daan, hindi nila maaring gamitin ang kanilang kapangyarihan sa mga ito, dahil sa takot na baka malaman ng mga ito ang kanilang pakay. Kaya agad silang nag-isip ng iba pang paraan at ito ay ang paghingi ng tulong kay Mequervax, nag-anyong katulong ito, saka niya binigyan ng pagkain ang mga Juertx, gutom na ang mga Juertx sa oras na iyon kaya agad nila itong kinain, hindi alam ng mga ito na may nilagay pala si Mequervax na pampatulog sa pagkain. Napakasaya ng tatlo ng makapasok sa kaharian ng mga mortal, at malapit ng dumilin. Sa oras na iyon ay kailangan ng bumalik ni Princess Cassiopeia sa kalawakan upang mapaningning ang mga bituin kaya nagmamadali silang naglakad sa Earth, sa kanilang pagmamadali ay hindi nila inaasahan na nahulog ni Prinsesa Cassiopeia ang kaniyang mahiwagang singsing, masyadong maluwang ang singsing na ito kaya nahulog ng hindi niya inaasahan, dahil ito ay pagmamay-ari ng kaniyang inang si Reyna Adromeda noong wala pa si Prinsesa Cassiopeia at ibinigay ito sa kaniya ng malaman ng kaniyang mga magulang na kaya na niyang pamunuan ang kalawakan. Mahalaga ang bagay na ito dahil ito ang isa sa mga sangkap na kailangan niya upang magningning ang mga bituin. "Ano ang gagawin ko baka hindi magningning ang mga bituin sa kalawakan ngayon at kapag nangyari iyon siguradong magkakagulo ang mga Elf na nakatira sa limang buwan, at higit sa lahat malalaman ito ng aking ama at ina, siguradong ako ay paparusahan." Ang sinabi ni Princess Cassiopeia sa dalawang Diyosa at siya ay kinakabahan. "Huwag kang mag-alala tutulungan ka namin, mahahanap rin natin ang mahiwaga mong singsing gagamitin namin ang aming mga kapangyarihan," ang sagot ni Prinsesa Phoenix. "Kapag ginamit natin ang ating mga kapangyarihan ay siguradong makikita tayo ng mga lalaking immortal na naririto sa mundo ng mga mortal." Pabulong sa sagot ni Prinsesa Lyra. Agad na nag-isip ng paraan ang Dalawang Diyosa at si Prinsesa Cassiopeia. "Wala na tayong ibang pagpipilian kailangan na nating gamitin ang ating mga kapangyarihan habang hindi pa huli ang lahat," ang sabi ni Mequervax na kanina pa natatakot sa magiging kinalabasan ng kanilang nagawa. Ginamit nga nila ang kanilang mga kapangyarihan, binalikan nila ang mga lugar na kanilang pinuntahan, ngunit wala silang nakita. Malungkot na bumalik sa kalawakan si Prinsesa Cassiopeia upang ayusin ang naging problema, ang dalawang diyosa ay nagtungo sa palasyo para mabigyan ng paliwanag ang kanilang ginawa sa Hari at Reyna at para humingi ng payo kung ano ang dapat nilang gawin upang hindi mag-away ang mga Elf na nakatira sa limang buwan. Bago pa makarating si Prinsesa Cassiopeia sa kalawakan ay huli na ang lahat. Ang mga Elf sa limang buwan ay nagkakagulo na dahil isang kulay lamang ang nakikita nilang makulay sa kalangitan at ito ay ang kulay itim. Nawalan na ng ningning ang apat na kulay dahil nawala ang singsing ni Prinsesa Cassiopeia. Hindi sapat ang kapangyarihan ni Prinsesa Cassiopeia para mapanatili ang pagkakapantay na kulay ng limang buwan upang magawa ito kailangan ang pinagsamang kapangyarihan ni Prinsesa Cassiopeia at mahiwagang singsing. Hindi alam ni Prinsesa Cassiopeia ang kaniyang gagawin dahil alam niyang hindi na niya matatagpuan ang mahiwagang singsing. Kung ang nakapulot rito ay isang masamang mortal at kapag ito ay nangyari, tuluyan nang masisira ang pagkakaisa at kapayapaan ng mga kaharian, alam niyang hindi siya mapapatawad ng kaniyang amang hari at inang reyna sa kaniyang nagawa at siya ay mabibigyan ng parusa. Inakala ni Prinsesa Cassiopeia na magiging niyang makapunta at makita ang kaharian ng mga mortal ay nangyari nga. Ngunit ito ay nagdulot ng kapahamakan at malaking suliranin sa kaniya at sa mga kaharian ng Planetang Éarthus. Nang makarating ang Dalawang Diyosa sa Palasyo ay agad nilang hinanap si Haring Cepheus.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
196.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.2K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
290.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook