LEIGH’S POV:
Habang papasok ako ng campus ay alam kong pinagtitinginan ako ng ilang mga estudyante. Ang iba ay nagbubulungan pa na akala mo’y may nagawa akong mabigat na kasalanan. Napahinto ako sa gitna ng hallway at humarap sa apat na babaeng nagtatawanan habang nakatingin sa’kin. Nilapitan ko sila at tiningnan pa sila mula ulo hanggang paa.
“Do you have any problem?” Mataray kong tanong sa kanila.
Lumapit sa’kin ang isang babaeng may katangkaran at balingkinitan ang katawan at pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso. Ngumisi pa siya sa’kin at ginantihan din ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Hindi mo rin pala seseryosohin si Maxx pero bakit mo pa nilandi?” Umikot ang mata ko sa ere at bahagyang natawa sa sinabi niya.
“So, nakarating na pala sa inyo ang balita. Ang masasabi ko lang, wala kayong pakialam. Kung gusto niyo siya e ‘di landiin niyo rin. Ang tagal niyo na rito pero bakit hindi niyo pa rin siya makuha?” Akmang sasampalin niya ako nang pigilan siya ng kasama niya.
May ininguso siya sa bandang kaliwa niya at napatingin na rin ako roon. Nakita kong paparating si Maxx at may kaakbay na babae. Nangunot ang noo ko dahil kilala ko ang babaeng iyon. Siya ‘yong humarang sa’kin noong minsan at ang pagkakaalam ko ay naging ka-fling din ni Maxx.
Samo’t-sari ang naririnig kong bulungan sa paligid at hindi ko maiwasang mainis dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko masisisi si Maxx dahil alam kong nasaktan ko siya at hindi madali sa’kin ang naging desisyon ko.
Huminga na lang ako ng malalim at hindi ko na lang sila pinansin. Maglalakad na sana ako ng biglang magsalita ang babaeng kasama ni Maxx. Katabi ko na siya at deretso lang ang aking tingin.
“Hi Leigh. Siya nga pala boyfriend ko, si Maxx,” malanding saad niya pa.
Lihim akong napakuyom ng aking palad at binalingan siya nang tingin. Dumako pa ang tingin ko kay Maxx pero parang hindi niya ako nakikita at ang tingin niya ay nasa babaeng kasama niya. Hindi ko puwedeng ipakita sa kaniya na apektado ako dahil pagtatawanan ako ng mga taong nakapaligid sa’kin.
“Good, congrats dahil sa wakas naagaw mo na ulit ang atensyon niya,” nakangisi kong sabi.
Tumingin sa’kin si Maxx at para bang hindi siya sang-ayon sa kaniyang narinig.
“Hindi ko na kailangang magpapansin pa dahil siya na mismo ang lumapit sa’kin para maging girlfriend niya”
Ewan ko ba, pero parang may kumurot sa puso ko pagkasabi niyang ‘yon. It’s been days nang tapusin ko na ang relasyon namin dahil ayokong madamay siya sa gulong kinakaharap ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na magpapakasal na ako at si Prof. Kiefer ang pakakasalan ko. Maigi na rin ito hangga’t hindi pa naman gano’n kalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.
“How I wish na ikaw ang laman ng puso at isipan niya ngayon.” Sandali kong tiningnan si Maxx at pagkuwan ay binalingan kong muli ang girlfriend niya.
Nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha at mukhang aambahan niya ako. Simple akong napangiti at saka ko sila tinalikuran. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa handbag ko at halos magdugo na ang ibabang labi ko dahil sa mariing pagkakakagat ko doon.
Pabagsak akong naupo sa upuan ko pagkarating ko ng classroom at malakas na nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Naalala kong bigla na mamaya ay may dinner kami nila daddy at makikilala ko ang mga magulang ni Prof. Kiefer. I want to escape in this mess but I can’t.
Hindi ko namalayang katabi ko na ang dalawa kong kaibigan at matamang nakatingin lang sa’kin. Alam kong nag-aalala sila sa’kin at nabigla sa mabilis na pangyayari.
“b***h, okay ka lang?” may pag-aalalang saad ni Thea.
Mapait akong ngumiti sa kaniya at marahang tumango.
“How about Maxx, Leigh? Have you ever heard about his, aaahm you know,” may pag-aalinlangan namang tanong ni Rein sa kabilang gilid ko.
I know that’s his way to annoy me.
Ilang sandali pa ay dumating na si Prof. Kiefer at tumayo sa harapan ng kaniyang lamesa. Inililis niya ang suot niyang white long sleeve sa bandang siko at pagkatapos ay inilagay ang isang kamay niya sa bulsa ng kaniyang itim na pantalon. Bagsak ang kaniyang buhok na abot sa kaniyang kilay at tulad ng dati ay suot pa rin niya ang kaniyang eyeglasses.
“Class, I just want to tell you that this is my last day of teaching. And I hope na may natutunan kayo sa ilang buwan kong pagtuturo sa inyo.” Tumaas ang isang kilay ko dahil sa narinig.
Nagprotesta naman ang ilang estudyante at ang iba ay malungkot na nagtanong sa kaniya. Pero ako? Parang gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa wakas ay makakahinga na ako ng matiwasay.
“Sir, bakit kayo magreresign? Wala na tuloy kaming inspirasyon niyan”
“Tatamarin na kaming pumasok niyan Prof. Kiefer”
I just rolled my eyes after hearing some stupid words to my classmates. Mabuti naman at naisipan na niyang umalis dito, sana noon niya pa ginawa para hindi ako ang pinepeste niya.
“I’m getting married,” walang paligoy-ligoy niyang sagot.
Napatingin ako sa kaniya at nakatuon din ang tingin niya sa’kin. Humakbang pa siya at pumwesto sa bandang gitna na ang tingin ay tila inaasar ako.
“Hala Prof. bakit biglaan naman?! Huwag ka muna magpakasal hintayin mo ‘ko”
Kung gusto mo ikaw na lang magpakasal pwede naman eh, hindi ako magtyatyaga sa katulad niya!
Salitang gusto kong isigaw sa kaniya.
“Iyan ba ‘yong nakita naming nagpunta dito Prof? Ang galing mong pumili prof ah!” Sabay kantyaw pa ng mga estudyante sa kaniya.
“She’s not I’m going to marry,” saad niya at pasimple pang tumingin sa’kin.
Nagyuko ako ng aking ulo at mariing napalunok. Don’t tell me ipagsasabi niya kung sino ang pakakasalan niya? May lakas na siya ng loob sabihin ‘yon dahil magreresign na siya.
Napakuyom na lang ako ng aking palad at hinintay na lang ang susunod niya pang sasabihin.
“She’s better than her and a good kisser.” Mabilis akong nag-angat nang tingin at ngumisi pa siya sa’kin ng nakataas ang isang kilay. “And because I like her fierce look that makes her attractive”
Nagsigawan naman ang mga kaklase ko na nagdulot ng ingay dito sa loob ng classroom. Masama ko siyang tinitigan pero ngisi lang ang iginanti niya sa’kin.
Buong klase niya ay wala na ako sa mood at hanggang sa matapos ‘yon ay nakabusangot ako. Alas-tres ng hapon ng matapos ang huling klase ko at naghiwalay na rin kami nila Rein at Thea sa parking lot. Malapit na ako sa sasakyan ko ng may humila sa’kin at dinala ako sa tagong lugar. Nang isandal niya ako sa pader ay nagulat akong si Maxx ‘yon at mas ikinagulat ko pa ng bigla niya akong halikan. Mapusok ang mga halik niya at nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Pilit ko siyang tinutulak pero hindi ako makawala at dumako pa ang mga labi niya sa aking leeg. Wala akong nagawa dahil hawak niya ang dalawang braso ko at napaiyak na lang ako. Doon na lang siya tumigil at unti-unting lumayo sa’kin.
“I-I’m sorry.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. “Hindi mo ba talaga ‘ko kayang mahalin? Kahit konti lang Leigh?” Hindi ko magawang makapagsalita at nakatuon lang ang tingin ko sa kaniya.
Tinanggal ko ang kamay niya sa aking pisngi at lalagpasan na sana siya nang mahigpit niyang hawakan ang braso ko. Tiningala ko siya pero nasa baba ang kaniyang tingin. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso at naglakad na palayo. Ayoko ng magpaliwanag pa sa kaniya dahil ayoko siyang umasa pa. Ang naging relasyon namin ay para lang kay Maxine at dahil lang ‘yon sa kaniya. Pero mas inaalala ko siya kapag nalaman niyang hindi ko tinupad ang pangakong hindi ko iiwan ang kuya niya. Pero lahat ng bagay ay may mabigat na dahilan.
Saktong alas-syete nang dumating kami sa restaurant ni daddy at naabutan namin si Prof. Kiefer at ang mga magulang niya na naghihintay. Umupo ako sa katapat ni Prof. Kiefer at nakaramdam ako ng pagkailang dahil simula nang dumating kami ay parang sa akin lang siya nakatingin. Hindi ko na lang siya pinansin at ininom na lang ang alak na sinalinan ng waiter.
“We’re so glad to meet you hija. Napaka ganda mo pala sa personal,” paunang bati sa’kin ng ina ni Prof. Kiefer.
Tipid lang akong ngumiti sa kaniya. At kahit hindi ko tingnan si Prof. Kiefer ay alam kong sa akin pa rin siya nakatingin.
Anong problema ng nerd na ‘to? Lagpas ba ‘yong lipstick ko? Masyado bang makapal ‘yong foundation ko? O baka naman hindi pantay ‘yong pagkakalagay ko ng blush on?
Magpapaalam sana ako para pumunta ng banyo nang magulat ako kung sino ang nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin. Na-estatwa ako sa kinauupuan ko at binalingan niya pa ako nang tingin ng makaupo na siya sa tabi ko.
“Siya nga pala si Sanya, ang asawa ko at mommy ni Leigh,” pakilala ni daddy sa mga magulang ni Professor Kiefer.
Mabilis akong napatingin sa aking ama at naikuyom ko na lang ang isang palad ko na nakapatong sa lamesa. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili at ang daming tanong na pumapasok sa aking isipan. After so many years ay ngayon lang ulit siya nagpakita at ni minsan ay hindi man lang niya ako nadalaw para kumustahin. And then she appeared as if nothing happened.
“Kaya naman pala ang ganda ni Leigh kasi may pinagkunan pala ng ganda,” puri pa ng ina ni Prof. Kiefer
Muling nagsalin ng wine ang waiter at kaagad ko ulit iyon ininom. Nang maihain na ang pagkain at kahit na nagugutom na ako ay hindi ako makakain dahil katabi ko ang babaeng iniwan kami at bigla na lang susulpot.
Nilagyan niya pa ako sa plato ko ng hipon at wala na itong balat. Naalala ko pa noon na parati niya akong pinagluluto ng mga paborito ko lalo na ang hipon kahit na tamad akong magbalat ay matyaga naman niya akong pinagbabalat noon.
Inilagay ko ang hipon sa plato niya at taka naman niya akong pinagmasdan.
“Hindi ba paborito mo ito, anak?” malumanay niyang saad.
“Not anymore. Nasusuka na ‘ko kapag nakakakain ako niyan”
“Leigh,” mahinang saway sa’kin ni daddy.
Napahinga na lang ako ng malalim at magsasalin pa sana ako ng wine sa baso ko ng kunin ito ni Prof. Kiefer. Nagsalin siya sa baso niya at konti na lang din pala ang laman noon. Mukhang ako yata ang nakaubos no’n dahil ako lang naman ang umiinom.
“Siya nga pala Kiefer, nakapag resign ka na ba?” tanong ni daddy sa kaniya.
“Yes po”
“Good, at makakabalik ka na ulit sa kumpanya niyo.”
Mabilis akong napalingon kay daddy at kunot ang noo kong nakamasid sa kaniya. What does he mean? May sarili silang kumpanya?
“Napabilib mo ‘ko Kiefer, dahil sa murang edad mo noon ay naibangon mo ang kumpanya niyo na muntik ng malugi. Kita mo naman ngayon pangatlo na kayo sa pinaka sikat na kumpanya rito sa Pilipinas.” Muntikan na akong masamid ng sarili kong laway pagkarinig sa sinabi ng aking ama.
It means hindi talaga siya Professor?! E anong ginagawa niya sa University at paano siyang nakapasok do’n? Oh, well I forgot, is it because of my dad at walang imposible sa kaniya. Pero anong dahilan niya at bakit pa siya nagpanggap na isang Professor?
“Maraming salamat sa tulong mo Mr. Estefan, dahil sa inyo ay nakita naming muli si Kiefer. Utang na loob namin sa’yo ang lahat.” Sa ama naman ni Prof. Kiefer napabaling ang tingin ko.
Papalit-palit ang tingin ko sa kanila at hinihintay ang kanilang paliwanag. Mukhang nahalata ni daddy ang pagkalito ko at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa at marahang pinisil ‘yon.
“Anak, nakilala ko si Kiefer sa bahay ampunan noong sampung taong gulang pa lang siya.” Napatingin ako kay Prof. Kiefer na matamang nakatingin din sa’kin. “Nagchacharity kami noon ng mommy mo kung natatandaan mo pa at palagi ka naming isinasama sa bahay ampunan. Nangako ako sa kaniya na hahanapin ko ang mga magulang niya at makalipas nga ang mahigit isang taon ay natagpuan ko sila. Hindi ko akalain na ang mga magulang niya ay business associates ko rin,” mahabang paliwanag ng aking ama.
“Hiniling sa amin ng daddy mo na kapag dumating ang tamang panahon ay ipapakasal namin kayo ni Kiefer,” tinig naman ng kaniyang ama.
Hinila ko ang kamay ko na hawak ni daddy at maluha-luha ko siyang pinagmasdan. I really can’t believe that my dad will do such ridiculous thing. Naisip kong bigla na dahil siguro ay successful siya at mayaman kaya niya ako pinagkasundo sa kaniya.
“So, now I know the reason behind all this,” garalgal kong wika.
Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa banyo. Humarap ako sa salamin at pansin ko ang pamumula ng mga mata ko. Kumuha ako ng tissue at binura ang pulang lipstick ko. Mariin ko ‘yon pinunasan at hindi ko namalayang nasugatan ko na pala ang ibabang labi ko.
Ilang sandali pa akong naglagi sa banyo at nagpasya na rin akong lumabas. Muntikan pa akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Professor Kiefer na nakatayo sa gilid ng women’s comfort room at nakapamulsa. Marahan niya akong nilapitan at namalayang kong napasandal na lang ang likod ko sa malamig na pader dahil sa pag-iwas ko sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at walang sabi-sabi niya akong hinalikan. Napatulala na lang ako sa bilis ng kilos niya at mas lalo kong ikinagulat nang sipsipin niya ang ibabang labi ko. Tinulak ko siya palayo sa’kin at pinunasan ang labi ko.
“What the f**k are you doing Prof. Kiefer?” may diing saad ko.
Hinapit niya ako sa aking bewang na ikinasinghap ko at inilapit naman niya ang bibig niya sa aking tainga.
“I hate it when you called me Professor. I’m no longer your professor so you don’t have to call me that.” Lumayo na siya sa’kin pero nakahawak pa rin siya sa aking baywang. “There’s blood on your lips so I wipe it off.” Nanlaki ang mga mata ko at kaagad siyang tinulak.
Pinunasan ko pa ang labi ko gamit ang mga daliri ko at sinamaan pa siya nang tingin.
“Okay fine Mr. Pervert.” Nginisian lang niya ako at nagyuko pa para magpantay kami.
“If you’re asking me why I always looking at you, it’s because I can’t help it.” Bumaba pa ang tingin niya sa aking mga labi kaya tinakpan ko ito ng isang palad ko.
Natigagal ako nang halikan niya ang palad ko at saka lamang siya lumayo sa’kin. Kung kay Maxx ay bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing lalapit siya, sa isang ito naman ay aatakihin yata ako at pakiramdam ko ay ano mang oras ay malalagutan ako ng hininga.
“Mr. Pervert bwisit ka!” inis kong sambit sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ako sa aking batok at mabilis na inilapit sa kaniya. Halos magdikit na ang mga labi namin sa sobrang lapit at mariin na lang akong napalunok.
“Call me that once again and I’ll make you suffer in nine months, you want that?” Hindi ako nakapagsalita dahil alam ko ang ibig niyang sabihin. “Ako na ang maghahatid sa’yo after this, my little wife.” Mapang-asar niya pa akong nginitian at saka siya tumalikod.
Naiwan naman akong nagngingitngit sa inis at mabigat akong napabuga sa hangin.
“Sabi ko na nga ba hindi talaga siya Professor dahil sa walang modo niyang ugali,” galit kong saad sa aking sarili.