LEIGH’S POV:
Masaya kaming nagkukuwentuhan nina Rein at Thea sa cafeteria nang bigla namang dumating si Arlene. Umupo siya sa may harapan ko na nakabusangot at saka humaba ang nguso nito. Napasandal na lang ako sa aking upuan at pinagkrus ang aking mga braso at nakatitig sa kaniya.
“Do you have any problem?” tamad kong tanong sa kaniya.
“Naku b***h may nasaganp sigurong tsismis ‘yan kaya siya ganiyan.” Umikot pa ang mata ni Thea pagkasabi niyang iyon.
Naalala ko na. May deal nga pala kami ni Arlene at alam ko na kung ano ang pakay niya. Lumipas na ang ilang buwan at akala ko ay hindi na niya ako kukulitin tungkol do’n.
“Wala ka ba talagang nararamdaman kay Maxx kahit konti lang?” Ako naman ang napaikot ang mata at mahinang napabuntong hininga.
“What do you think? Sa tingin mo ba makikipaghiwalay ako sa kaniya kung may nararamdaman ako?”
Pabagsak siyang sumandal at masama ang tingin sa’kin. Isipin na niyang masama ako pero para lang ito sa kapakanan niya. Ayokong balang araw ay pagsisihan ko ang maling desisiyon ko at mas maigi na rin ito ang maghiwalay kami habang maaga pa.
“Hoy Arlene, tuparin mo ang usapan niyo ni Leigh dahil natalo ka na naman niya. Kala mo makakaligtas ka,” saad naman ni Rein na katabi niya sa upuan.
Padabog na tumayo si Arlene at akala ko ay aalis na siya pero nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko kaya naman doon ko na siya tiningala. Nakatingin siya sa bandang likuran ko na tila gulat na gulat at napalingon na rin kami nila Thea at Rein. Natigagal ako nang makita si Maxx na nakatayo at walang emosyon ang itsura nitong nakatingin sa’kin. Marahan akong tumayo at hindi naman ako makatingin ng deretso sa kaniya.
“Are you really that heartless?” Umiwas ako nang tingin kay Maxx at kinuha na ang bag ko na nakapatong sa lamesa.
Lalagpasan ko na sana siya nang hilahin naman niya akong bigla. Hinila niya ako palabas ng cafeteria at ng nasa labas na kami ay saka naman niya ako binitawan.
“So, it’s because of the deal?” Pagak pa siyang natawa at pansin ko ang panunubig ng kaniyang mga mata. “Kung sa bagay may usapan din naman pala tayo at wala akong karapatang kuwestyonin ka”
“I’m sorry,” tanging nasabi ko na lang.
“Don’t be. In the first place it’s my fault. It's my fault that I forced myself on you." Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na niya ako.
Masakit ang makita siyang nasasaktan ng dahil sa’kin. Pero mas masakit na hindi ko nasabi sa kaniya na gusto ko siya. It’s better to keep my feelings for him because I’m getting married after graduation.
Pagod akong bumaba ng sasakyan ko at mabigat ang hakbang kong naglakad papasok sa bahay. Nagpalinga-linga pa ako sa gitna ng sala namin dahil para akong nabingi sa sobrang tahimik. Sa totoo lang sanay na naman ako at wala ng bago rito. Palaging wala si daddy dahil kadalasan ay nasa business trip siya at matagal bago siya makauwi.
Paakyat na sana ako ng hagdan ng makarinig ako ng boses at tila nagtatalo ito. Nanggagaling ito sa library ni daddy at hindi naman ako nag-atubiling magtungo roon. Medyo nakaawang ang pintuan at hahawakan ko sana ang seradura noon ng marinig ko ang boses ng aking ina.
“Bakit kailangan mo pang gawin iyon, Rodrigo?! Walang kasalanan si Maxx.” Nangunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ni Maxx mula kay mommy. “Ako ang parusahan mo at huwag si Maxx”
“Mas importante pa ba ang anak ng lalaki mo kaysa sa sarili mong anak?! Hindi mo anak ‘yon, Sanya. He’s an illegitimate child at mas gusto mo pang magpaka-nanay sa kaniya.” Napaatras ako sa sinabi ni daddy at parang hindi magsink-in sa utak ko ang ibig niyang sabihin.
Napatutop na lang ako sa aking bibig at nakita kong umiiyak si mommy habang nakaupo ito sa gilid at nakaharap naman si daddy sa may bintana. Ngayon ko lang nakitang umiyak si mommy dahil sa ibang tao. Noong iwan niya kami ay ni isang patak ng luha ay wala akong nakita sa kaniya. Bakit? Sa lahat ng tao bakit si Maxx pa?
“Mabuti na lang at nalaman ko ang lahat. Ayokong magdusa si Leigh na kapag nalaman niya na stepmother pala ni Maxx ang sarili niyang ina ano sa tingin mo ang mararamdaman niya? Saktan mo na ako Sanya huwag lang ang anak ko!”
“Kaya ba ginagawa mo rin ang lahat para saktan si Maxx gano’n ba? Pinilit mong ipakasal ang anak natin kay Kiefer dahil gano’n din ang ginawa mo sa’kin! Ginipit mo ‘ko kaya napilitan akong magpakasal sa’yo.” Mas nagulat ako sa isiniwalat ni mommy at hindi ko na kaya pang marinig ang iba pa niyang sasabihin kaya mabilis akong umalis.
Wala ako sa sarili kong sumakay ng sasakyan ko at pinaharurot ko ‘yon. Nagpunta ako sa isang bar kung saan madalas kaming magpunta ng mga kaibigan ko para mag-unwind. Pero ngayon ay iba. Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko lalo na ng malaman kong sa iba niya binibigay ang pgmamahal niya bilang isang ina at kay Maxx ‘yon.
Bago pa ako magpunta rito ay tinawagan ko si Thea at Rein dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako. Hindi ko kinaya ang mga nalaman ko at mas nasasaktan ako ngayon.
Hinayaan lang nila akong uminom nang uminom at pinagmamasdan lang nila ang bawat kilos ko. Nang maubos ko ang isang bote ng wine ay umorder pa ulit ako at pilit nila akong pinipigilan pero sinamaan ko lang sila nang tingin at ‘di kalaunan ay wala na rin silang nagawa.
“b***h, ano bang problema? Sabihin mo naman sa’min para matulungan ka namin. Tungkol ba ‘to sa arrange marriage mo kay Professor Kiefer?” Umiling lang ako kay Rein at muli kong nilagok ang alak ko na nasa baso.
“Leigh, tama na ‘yan lasing ka na.” Pigil sa’kin ni Thea at kinuha niya pa ang baso ko.
“I want to escape in this f*****g life,” mahinang saad ko.
Huminga ako nang malalim at pinikit ko ang mga mata ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig ko at makita ang itsura ni mommy habang nagmamakaawa kay daddy. Naramdaman ko ang luha kong tumulo sa aking pisngi at para namang sinasaksak ng ilang patalim ang dibdib ko.
“Tatawagan ko si Tito daddy para sunduin ka na.” Mabilis akong napadilat at pinigilan si Thea na tawagan si daddy.
“Tatawagan ko na lang ‘yong driver namin.” Kinuha ko ang telepono ko at pinilit ko namang idilat ang mga mata ko para idial ang number ng driver namin.
Nang sagutin niya ito ay sinabi ko naman kung nasaan ako at kaagad ko na ring ibinaba ang tawag. Hindi na ako uminom pa nang pigilan ako ni Thea. Hindi na rin nila ako tinanong pa at tiyak akong kinabukasan ay puputaktihin nila ako para malaman ang totoo.
“P-professor?” dinig kong wika ni Rein.
Nakatukod ang kamao ko sa kaliwang sentido ko at nakapikit pero gising ang diwa ko kaya alam ko pa rin ang nangyayari. Umayos ako nang pagkakaupo ko at tiningala ang lalaking nakatayo sa gilid ko. Medyo madilim kaya hindi ko maaninag ang itsura niya.
“How much did you drink?” tanong niya.
Pamilyar ang boses niya o baka nagkakamali lang ako ng dinig? Tumayo ako para kilalanin siya pero muntikan na akong matumba. Naramdaman ko na lang ang braso niya sa aking bewang at hindi ko sinasadyang mapasubsob sa kaniyang dibdib.
“Your scent, looks familiar,” bulong ko.
“I’ll take you home,” dinig ko namang sabi niya.
Tiningala ko siya ng namumungay ang mga mata at nginisian ko pa siya.
“Kamukha mo ‘yong mapapangasawa ko, pero mas guwapo ka do’n kaya sasama ako sa’yo”
“Hoy b***h umayos ka nga!” sigaw pa ni Rein.
Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako at naramdaman ko na lang na isinakay niya ako sa sasakyan. Medyo nahihilo na ‘ko at naka tatlong bote rin ako ng wine. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at ilang sandali pa ay muli niya akong binuhat at lumapat ang likod ko sa malambot na kama. Bahagya kong idinilat ang mga mata ko at lalayo na sana siya sa’kin nang hilahin ko siya pabalik kaya napasubsob siya sa ibabaw ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at kahit na namumungay ang mga mata ko ay alam kong guwapo siya.
“Why so pogi?” Mahinang sambit ko.
“Do you know who am I?”
“You? You look like my pervert professor. I hate him and I’m forever hate him. But you, I like you.” Ngumiti pa ‘ko sa kaniya at pagkuwan ay hinalikan ko siya sa labi.
His lips taste familiar also.
Gumanti rin siya ng halik at bumaba pa ang labi niya sa aking leeg. He sucked in every corner of my neck and I bit my lower lip.
Tumigil siya sa ginagawa niya at pinagmasdan ako.
“I want you,” paos niyang sabi.
“Then take me,” sagot ko naman.
“But you might regret it.” Imbes na sagutin ko siya ay hinila ko siya at muli siyang hinalikan.
I don't know why, but it's like I get more intoxicated by his kisses and every touch he makes on my body. I don't care who I give myself to anymore, it's meaningless anyway. Magsisi man ako ay ‘yon ang pinanganak ako sa mundong ito. My mom doesn’t care at me at all.
He stop what he was doing and then kissed me on my forehead. Hinaplos niya pa ang pisngi ko at ramdam ko ang init ng palad niya.
“Take a rest and we’ll talk tomorrow when you woke up.” Hindi na ako sumagot pa dahil unti-unti na rin akong dinadalaw ng antok.