bc

Long-lost Daughter

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Lalaine is his destined love.

Rainheart is her destined fate.

But how can they can have each other if Rainheart's mother didn't like Lalaine at first. She said she would never like the woman who is stupid in love to her son. Anyone who falls in love with Rainheart is a fool in her judgment. She wants a sophisticated woman for her son. But it is a slap to her face to dislike her own daughter for Rainheart's destined fate.

This story is about yesterdays destiny.The melody, rhythm and the meaning of the song itself became the way for them to find each other.

chap-preview
Free preview
Side Mirror
Chapter 1 'Ay naku, Lalaine jusme ubos na ang break time mo. Bilisan mo na ang kilos baka ma over break ka na naman' sermon niyang sabi sa kanyang sarili. Nagsasalitang mag-isa na kinakausap ang sarili. Pilit na minadali ang pag retouch ng make-up sa mukha. Nasa parking lot siya noon ng building kung saan siya pumapasok bilang cashier ng book store. Sa second floor pa siya nakatoka kaya nagmamadali na siyang matapos ang kanyang pagpapaganda. Dahil kung hindi tulad ng madalas na nangyayari ma-over break na naman siya 'Nakakainis naman itong salamin na ito ayaw makisama' Inaayos niya ang pwesto ng side mirror ng kotse kung saan tinitingnan niya ang sarili habang naglalagay ng lipstick sa labi. Gigil na gigil siyang ipaling paling ito pataas baba. Binibilisan niya ang kilos at patakbo na siyang pumunta sa biometric time-in area. "Lalaine, you're almost late again." Buti na lang may natirang isang minuto pa. Kaya hindi na siya nakarinig ng reklamo at kasunod na komento mula sa kanyang supervisor. 'Huh kabubukas pa lang ng counter may pila na kaagad' bulong niya sa isip. "Hi Lalaine!" "How do you know my name?" mataray niyang tanong. "Dyan sa name plate mo," mabilis na sagot sa kanya. Napatingin na lang si Lalaine sa name plate na nakasabit sa kanyang suot na uniporme. Sadyang nagpahuli sa pila ang lalaki para lang makausap siya. "Sino 'yon? Ang guwapo naman noon?" tanong ng kanyang kasamahan na nagpupunas sa mga bookshelves. "Ewan ko, hindi ko kilala!" Tanging naisagot ni Lalaine dahil totoo nga naman hindi niya kilala ang lalaking iyon. Sigurado siyang hindi niya pa ito na meet sa kahit saang lugar man. "Oh eh di si Mr. Stranger hehe. Pero ang guwapo niyang talaga," maharot ding sabi ng kaherang nasa kabilang counter. Malapit na matapos ang araw. Uwian na rin, pagod sa dami ng customer ang dalaga. Laking gulat niya sa tatlong preskong bulaklak na rosas. Nakaipit ito sa padlock ng kanyang locker. "Kanino naman ito galing?" tanong niya sa sarili." Nang buksan niya ang locker may sulat ding naroon sa loob. Halatang isiniksik sa gilid na butas ng pinto. Tiningnan niya ang gawing gilid. Pwede nga pa lang magsiksik ng papel. Kaya alam niya na paano naispasok sa loob ang sulat. Miss Red Lips, "Your lovely red lips and sweet smile catched my attention while you were retouching your make up using the side mirror of my car. Mr. Red Car 'Yay! jusme, may tao pala sa loob ng kotse." Napapangiting mag-isa si Lalaine sa nangyari. Nahihiya siyang isipin na basta lang niya inikot sa kahit anong posisyon ang side mirror ng kotse makapagsalamin lang siya ng maayos. Dahil doon nakaramdam siya ng hiya sa kanyang ginawa. Lingid sa kanyang kaalaman naroon pala ang may-ari sa loob habang nagretouch siya sa kanyang mukha. Palibhasa tinted ang glass ang bintana ng kotse kaya ganoon na lamang siya ka kumportable. Sa susunod hindi niya na gagawin ang ganoon uli. Hanggang sa pag-uwi inaamoy amoy pa niya ang preskong bulaklak. Hawak niya pa rin ang bulaklak hangga't sa pagsakay at pagbaba niya ng jeep. Patawid na siya ng kabilang kalsada nang may biglang kotse biglang pumreno. Muntik na siyang mabundol. "Huh! Ano ba? Papatayin mo ba ako? Ingat ka naman sa pagmamaneho," pasigaw itong sinabi ni Lalaine sa driver. "Sorry!" sabi ng nagmamaneho. Nagulat siya sa mukha ng lalaking kanyang nakita. Nakangisi pa ito na kunwaring wala lang nagawa. Samantalang siya tumalon na ang kanyang puso sa kaba. "O ikaw na naman! Sinusundan mo ba ako?" naiiritang tanong ng dalaga. Si Mr. Stranger lang pala. Ang lalaking guwapo na pumila sa kanyang counter. Bumili ito ng maliit na stationary pad at ballpen. "Can we have a cup of coffee together?" May gana pa itong yayain siya na magkape. Pagkatapos niya magulat at kabahan ng sobra sa nangyari. "No! you are a total stranger to me. So, why would I?" "O--kay some other time." Umandar na ang kotse ng binata. Umabante na ito at nakalayo na kanyang kinatatayuan. "Hindi man lang namilit," nanghinayang niyang sabi. Naalala niya si Mr.Red Car at si Mr. Stranger hanggang sa pagdating niya na bahay. Pakiramdam niya ang ganda niya sa maghapon. Haba ng kanyang buhok sayad sa lupa at hinilahod pa. May dalawang lalaki na biglang sumulpot sa kanyang buhay. Pero bigla ding kirot sa pusong naramdaman si Lalaine. Hindi pa siya move on sa pang-iiwan sa kanya ng kanyang boyfriend. "Oh s**t I hate you Jovan. You are my most hated person in this world." Hindi na nga niya naiwasan ang maluha. Hanggat sa namalayan hindi pa pala siya nakalayo sa tabing kalsada. "Beep! Beep!" bosena ng kotse ang kanyang narinig. "I guess you need to have a cup of coffee with me." nakangiting nagsasalita sa bintana si Mr. Stranger. Napangiti si Lalaine kahit may luha sa kanyang pisngi. Pinahid niya ito upang hindi sana makita. "Ikaw na naman." "Nakita ko na ang mga luha mo, hindi mo na sila maitago. So, what do you think about the cup of coffe with me?" "Okay, pero dyan lang sa isang kanto." Pumayag siya dahil diyan lang sa kasunod na kanto. Hindi niya naisip ang kanyang pagsama. Kung siya ba ay sumama sa masama o mabuting tao. Kaya biglang napatitig si Lalaine kay Mr. Stranger. "Maybe you're thinking that I am a bad guy." "Napatitig lang hindi naman siguro masama," sagot niya kay Mr. Stranger. "So we here are." Naunang bumaba si Mr. Stranger at pinagbuksan si Lalaine ng pinto ng kotse. Nakapatong pa ang kanang palad nito sa kanyang balikat ng sila ay pumasok sa sa coffee shop. "You are so beautiful but you look so full of pain." Isang manipis na ngiti ang pinawalan ng dalaga para kay Mr. Stranger. Maganda naman talaga siya. At hindi niya alam minsan pala dahil pa rin ng malandi ang maganda naagawan siya ng minamahal. "I am Rainheart and you are?" Nagpakilala na rin sa wagas sa kanya si Mr. Stranger. Kasunod na inabot sa kanya ng kanang kamay. Ayaw pa sana niyang sabihin ang kanyang pangalan ngunit naisip kung bakit pa. Sumama na rin naman siya sa tao na mag coffee. "My name is Lalaine." Ramdam niya ang napakalambot na palad ng binata. Halatang may maalwang buhay ito. Kaya iniisip niya na kung ano nga ba ang intensyon nito para maglaan ng panahon na sundan sundan siya. Mabilis tumakbo ang oras na hindi namalayan ni Lalaine. Sinabi niya na kay Rainheart na uuwi na siya dahil gumagabi na. "Baka kabilang ka lang sa mga lalaking pa fall in love ang drama," kinakausap niya ang hitsura ni Rainheart na nasa screen ng kanyang phone. Nakapuwesto na sa higaan si Lalaine. Tinititigan niya ito ng maigi. Lihim niya kasi itong nakuhanan ng picture. Hangga't sa hindi na namalayan ng dalaga ang nakatulog sa sobrang antok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook