Chapter 5
"Hi Lalaine."
Hindi maipinta ang mukha ng kanyang supervisor. Parang biyernes santo sa kakungkutan. Closing time na ng trabaho. May dala itong papel. Nahuhulaan niya na kung ano man ito.
"Pirmahan mo ito," utos nitong sabi.
"Okay po sir."
Nakakalungkot dahil hindi ka nakasali sa mga mareregular."
Mabilis niyang inabot ang ballpen upang pirmahan ang end of contract document. Matulin ang mga araw na lumipas. Last day na ni Lalaine sa trabaho dahil isang 6 mos. contract lang naman niya trabaho ang pagiging kahera sa W@E Booshoppe. At tama siya sa kanyang palagay na hindi maging regular sa empleyado. Matamlay siyang naglakad papunta sa kanyang locker.
"Kanino galing 'yang mga rosas na iyan at may loveletter pa yatang kasama," ani ng lalaking nakatayo harap ng katabi niyang locker. Nagseselos pa yata ang lalaki. At maging dahilan pa 'yong rosas sa away.
"Hindi ko alam," sagot ni Hilda.
Walang maisagot si Hilada sa kanyang asawa. Siya 'yong kahera sa grocery department na nasa baba. Mag-asawa silang isang buwan pa lang na kasal.
Miss Red Lips,
I will be missing you my love.
Mr. Red Car
Napangiti si Lalaine sa narinig. Binabasa ni Hilda ang nilalaman ng nakalakip ng papel. Nakasabit ang mga rosas samantalang halatang ipinilit na ipasok sa locker ang maliit na papel. Alam niyang naligaw ang mga rosas na iyon. Siguro hindi na natandaan ni Red Car ang kanyang locker.
"Can I take you home?" sabi ng isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran.
Hindi nga siya nagkamalisa boses na narinig. Si Mr. Stranger noong una na naging si Rainheart. Hindi niya maintindihan kung ano ang motibo sa kanya ng lalaking ito. Unti-unti na niya itong nagugustuhan sa mga pinakikta nito sa kanya. Pero pakiramdam niya ay naghihintay siya sa wala. Hindi iyon ang unang beses na ihahatid siya sa bahay galing siya sa trabaho. Kung sakaling papayag, pangalawang beses na itong mangyari.
"Huwag na. Paniguradong sobrang trapik na naman. Nakakahiya masyado ka pang maaabala."
"I know today is your last day at work. Kaya pagbigyan mo ako."
Lihim siyang kinikilig. Ayaw niyang mahuli sa tingin kaya kunwaring may tinitingnan pa rin siya sa loob ng kanyang locker.
"Okay, bahala ka. Basta alam mong ma trapik."
Hindi nga nagkamali si Lalaine. Napakahaba ng mga sasakyang nakapila sa kalsada. Hindi na gumagalaw ang mga ito. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga nauuna. Nang napansin niyang lumiko sa kanan sila. Iniisip niyang naghanap si Rainheart ng mas mabilis na daan kaya hindi pa rin siya nagtanong. Ngunit huminto ito sa isang tabi at pinatay ang makina.
"Dito muna tayo nakakainip maghintay kung kailan lumuwag ang kalsada."
Sobrang nagkakasiksikan ang mga sasakyan. Hindi nga halatang naghihirap ang pinoy. Nagtangka pa siya tananawin ang bandang labasan. Pero hindi na ito abot ng kanyang paningin Madilim at naghihingalo ang nag-iisang street light. Hindi niya alam kung ano ang unang sabihin upang mabasag ang katahimikan nilang dalawa kaya minabuti niyang pumipindot na lang sa kanyang phone. Nang napansin niyang humawak na ito sa kanyang kaliwang kamay. Para siyang tuod na walang naging reaksiyon. Lalong naging mapangahas ang kamay ni Rainheart. Hindi niya ito napipigil. Pumasok pa ito sa loob ng kanyang blusa at umakyat na kanyang bulubunduking bahagi ng kanyang dibdib. Hindi na siya nabigla nang sinunggaban pa siya ng halik. Natangay siya sa init ng mga sandaling iyon, tumugon siya ng halik. Nakalimutan niyang hindi naman niya kasintahan ang lalaking basta na lang siya hinalikan. Hindi rin ito pormal na nanligaw. Binitawan na lang siyang bigla at pinaandar ang makina ng sasakyan. Isang kabig na liko sa kanan ay nasa motel na sila. Natauhan ang tangang diwa ni Lalaine. Ano nga ba ang gagawin ng isang babae at lalaki kung papasok sa motel. Kaya napapadyak siya ng malakas bago pa man huminto si Rainheart.
"Sorry sir pero hindi ako sasama sa iyo dyan sa loob."
"Okay, sorry."
Nagmaneobra na rin ito kaagad palabas ng pabalik. Nakiusap siyang ihatid sa pilahan ng jeep dahil ayaw niya ng magpahatid. Batid niyang napahiya din si Rainheart. Maari ngang sandalin siyang nakalimot pero hindi niya basta isuko ang kanyang p********e ng ganoon na lamang. Nagkahiwalay sila ni Jovan dahil ayaw niya ang pre-marital s*x. Matagal na silang mag nobyo pero hindi niya ito pinagbigyan.
"Ihahatid kita. Please forgive me."
"Okay lang ako na sasakay na lang pauwi."
"I insist. Iisipin ko pang hindi mo ako mapatawad kung hindi ka magpahatid."
Hindi na niya nagawang magdahilan ng kung anu-ano. Basta natahimik siyang mahigpit ang pagkakasipit sa kili-kili ang kanyang bag. Dahan-dahang tumubo ang pagkakayamot niya sa binata. Naiinis soyang isipin na para siyang pinagplanuhan. Sinadya malamang na sa isang gilid sila tumambay kung saan isang liko na lang din pala ay motel na. Ang lalaki nga naman talaga nadismaya siya sa nangyari at nahiya sa sarili. Nanliliit siya sa sarili na maalala ang pagtugon niya sa halik. Guwapo at maputi si Rainheart. Napakapino ang kutis nito halatang sa aircon lumaki. Maputi din naman siya pero lamang pa rin ang kaputian ng binata sa kanya. Aminin niya sa sarili na may pagtingin na siya sa binata. Pero alam niyang hanggang doon lang wala ng mas higit pa. Anak ng may-ari ang binata. At siya ay hamak na empleyado lamang. Langit at lupa ang pagitan. Ganun pa man bumaba ang pagkakakilala niya sa lalaking dati ay boss na boss niya kung ituring. Mabuti na lang last day niya na sa trabaho. Hindi na uli mag cross ang kanilang landas sa susunod pang mga araw kaya wala na siyang alalahanin pa.
"Salamat po sa paghatid sir."
Napansin niyang huminto na nga pala ang makina. Lumingon siya kay Rainheart at nagpasalamat bago pihitin ang pinto upang bumukas.
"Puwede pa naman siguro akong tumawag o kaya pumunta rito sa inyo, di ba Lalaine?"
Napatitig siya kung gaano kaseryoso ang binata. Wala naman sigurong masama kung umuoo siya. Hindi rin niya alam kung totoo ngang pupunta pa ito uli sa kanila.
"Oo naman."
Hilaw na ngiti ang pilit niyang ipakita sa boss. Hindi na importanteng magkita man sila o hindi.