Madness Naaalala kong ilang beses akong nagising kaya ilang beses din akong pinatulog. At sa muling paggising ko, ang sakit ng ulo ang una kong ininda. Napasapo ako sa ulo at unti-unting nagmulat. Umupo ako mula sa pagkakahiga at napagtanto na nasa kama ako. I adjusted my vision, and slowly, the headache went away. Napababa ang tingin ko sa katawan at nanlaki ang mata nang makita kung ano ang suot ko. I was wearing a very short and thin night dress. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman na may suot akong underwear. Iba ang pakiramdam noon at nang silipin ko ay uminit ang aking pisngi. I never imagined that I'll wear something like this! Iniharang ko ang buhok sa aking dibdib. Then I realized something again. Ang isa kong kamay ay nakaposas sa ulunan ng kama! I look at the surround

