Weird
I was able to pass through the assessment. Isa ako sa tatlong napili. Halos wala ako sa sarili sa buong proseso but I still manage to pass it. Maam Melendez congratulated me. Naroon siya at nanood sa performance ko. Ang dalawa pang ibang napili ay galing sa ibang section. After that, I felt the exhaustion.
Hindi ko na alam kung kumusta si Allison, tanging ang katotohanan na hindi siya nakasali sa assessment pati na rin ang mga kaibigan niya ang alam ko.
Halsey and Ysabel congratulated me too. Tuwang-tuwa sila at agad nagplano para sa akin sa mangyayaring pageant sa January. Puro preparation kami this month and the two of them promised that they will help me with the things that I need.
"Ni hindi ako kinabahan para sayo because I was so sure," Ysabel beamed at me. Pilit kong itinago ang pagod ko sa isang ngiti.
"Yes, Laurese is a complete package. Let's watch how she'll make cry her mga kalaban sa January. I'm so excited," Halsey giggled.
"Congrats," Ysmael smiled upon his arrival.
"Thank you. Hindi ko rin malalampasan 'yon kung wala ang tulong at support niyo," saad ko.
"Simula pa lang naman 'to and we will be on full support," Ysabel answered.
Mabilis na kumalat ang balita na isa ako sa tatlong panlaban ng aming departamento. At gaya nga ng inaasahan ay maraming nabigla. Because they know that it is not my thing. I have joined contest, ngunit hindi katulad ng ngayon. At hindi lamang iyon ang kumakalat.
"Itinulak ni Bernardino si Allison. Kaya hindi na rin kami nakasali because Aly was bleeding. Sinadya niya 'yon dahil alam niya na kung naroon kami ay hindi siya makakapasok sa tatlong representative ng HUMSS department," napahinto ako sa gilid ng pintuan at hindi dumiretso sa pagpasok.
"Parang malabo naman 'yon, Lorraine. Malabo sa nakikita kong Laurelia. Tahimik siya. Sorry pero, mas naiisip ko pang sinugod siya ni Allison kaya-"
"Then don't believe me! Hindi namin kelangan ang isang tulad mo. Maniwala kayo sa platikadang babae na 'yon. Kunwari mabait at mahinhin. Kalat na rin sa buong campus ang nangyari," saad ni Lorraine.
Noon ako humakbang papasok. Nagulat ako nang makita na nasa kasulok-sulukan pala sila ng classroom ngunit ayon sa pagkakarinig ko ay tila malapit lamang sila. Inaasahan ko na nasa may bungad lang sila.
Lahat sila ay napatingin sa akin. Ang mga kaibigan ni Allison ay tumaas ang kilay pagtingin sa akin. Ang ibang kaklase ko na naroon ay nagsitayuan at bumalik sa mga tunay nilang pwesto. Hindi ko na lamang sila pinansin at dumiretso sa upuan ko.
"Feel na feel niya siguro ngayon," narinig kong tinig.
Kumunot ang noo ko at napatingin muli sa may dulo.
"For sure," sagot ng isa.
I saw how their mouth opened. Tila bulong lamang ang ginawa nila ngunit rinig na rinig ko. Napatingin sila sa akin at agad na umismid. Umiwas ako ng tingin at napailing. Baka nasobrahan ako sa paglinis ng tenga. Hindi naman siguro masama ang araw-araw kong paglinis nito at gamit ko naman ay tela. Baka may natamaan ako at imbis na humina ang pandinig ay baliktad ang nangyari.
"Congrats, Therese. 'Di namin inexpect na sasali ka roon, pero hindi na kami nabigla na nakapasok ka," saad ng isa sa kaklase kong lalake na nakakumpol sa may likod ko.
"Salamat," sagot ko.
"Isusupport ka namin. Gagawa kami ng banner at dadalhin sa laban mo," saad ng isa.
"Tsaka ano ba gagawin mong talent no'n? Si Jimuel, dancer 'to. Kung sakali kailangan mo ng kapartner," the other one suggested. Napangiti naman ako sa mga sinasabi nila.
"Oo nga, walang problema. S-sabihan mo lang ako," saad ni Jimuel at napakamot sa ulo saka umiwas ng tingin.
"Salamat. Pinag-iisipan pa namin ng mga kaibigan ko kung ano ang gagawin at-"
"Feel na feel niya talaga ang bagay na inagaw lang naman niya," natigilan ako nang may malakas na boses ang nagsabi no'n. Nilingon ko ito and I saw Allison putting down her bag.
Tinignan ko ang may benda niyang binti. Napatingin ako muli sa kaniya at ngayon ay masama na ang tingin sa akin.
"You planned it, right? Threatened ka na hindi ka makakapasok at mapapahiya kaya sinadya mo ang nangyari. You pushed me to have a wound at madala sa clini-"
"Laureseeee! You forgot your phone!" Dire-diretsong pumasok si Halsey at iniabot sa akin ang cellphone ko. Kapagkuwan ay tinignan niya ang pwesto ni Allison.
"Are you talking to my bestfriend?" she asked energetically.
"Oo, kaso umepal ka," saad ni Allison. Mula sa nakangiti at lantad ang puting-puti na ngipin ni Halsey ay tumikom iyon. Unti-unting tumaas ang kaniyang kilay.
"If there is epal here, your face is the exact definition. H'wag mo 'ko tarayan, you look like nothing but a cheap and trying hard b***h," dire-diretsong saad ni Halsey. Napatayo ako at hinawakan siya sa braso.
"Halsey, tama na. Hayaan mo na, salamat sa pagdala nito," bulong ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti muli.
"Oh, good that you're here, Laurese. My hand is itching to slap someone. May nagi-spread na you sabotage someone. All over the campus. That's why I'm here to warn that someone. Hindi niya magugustuhan ang mangyayari," saad ni Halsey. I caressed her arms.
"It's okay, don't bother," I whispered again.
"I want to see what will happen to that someone," biglang saad ni Allison. Her friends are already on her side.
Halsey pulled me to kiss me on my cheeks and began to step away. Nang nasa harap na siya ni Allison ay tumigil siya at maldita itong tinignan.
"You will not see what will happen. You and your friends will experience it. So chill and don't be too excited," then she left. Allison eyed me. Sinamaan niya ako ng tingin. I sighed and sat.
"Totoo pala ang naririnig ko na palaban talaga ang anak ni Governor," saad ng isa kong kaklase.
"Wala akong pake kahit anak pa siya ng presidente. Bigla siyang e-epal," saad ni Allison.
"Di ba kayo 'yung nagpapakalat no'n, Lorraine?" tanong ni Marvin.
"Shut up!" saad ni Lorraine.
Muli akong napabuntong-hininga. Noon pa man ay may tila hidwaan na si Allison at Halsey. Pareho silang mahilig sumali sa mga beauty contest sa school. Si Allison ang laging nangingialam kay Halsey. Katagalan ay pumatol ang kaibigan ko. It all started when Allison tried to sabotage Halsey's swimsuit. One piece iyon at ginunting ni Allison ang tela na tatakip sa bandang tiyan ni Halsey. So Halsey was left no choice but to cut it nicely and made into a two piece. Na lalo yatang nagpanalo kay Halsey because she was able to make it fashionable. Nagawan niya iyon ng paraan at mas lalo tuloy siyang naging kapansin-pansin. And she won the pageant.
Inaway siya ni Allison at kung anu-ano ang pinagsasabi but Halsey made her cry with just few insulting words. At mula noon ay ako na lagi ang pinag-initan ni Allison dahil hindi siya tuluyang nagtagumpay kay Halsey.
Sa buong klase ay walang ginawa ang grupo nila Allison kung hindi paringgan ako. Na hindi naman talaga ako mapipili kung naroon sila (lalo na si Allison) kaya ginawan ko raw ng paraan. She even cursed me dahil magkakaroon na siya ng peklat dahil sa ginawa ko. Ysmael wants to say something but I stopped him. Ayokong lumala pa ang gulo tapos madamay pa siya.
We had our lunch. At si Ysabel lamang ang naroon.
"Nasaan si Halsey?" I asked. Ysabel looks nervous for a second then smiled at me.
"Ah-eh nakikipag coordinate siya sa ICT students," saad niya.
"Bakit?" tanong ni Ysmael.
"Ah! Project namin 'yon, ipapalabas mamaya sa widescreen sa may field 'yung ginawa naming advertisement. Invite your classmates na pumunta. Baka one minute lang 'yon, saglit lang, after class. Kailangan din kasi ng viewers hehe," mahabang sagot niya. Naningkit ang mata ni Ysmael.
"Bakit?" I asked him when I noticed the look he's giving to his sister.
"Wala," he shook his head.
"Okay, pupunta kami siyempre," saad ko.
Kaya nang matapos nga ang klase ay pumunta kami roon. Ysmael invited our classmates like what his sister told him. May iilan na hindi sumama ngunit halos lahat ay sumama, including Allison's group. I can still feel the dagger looks that they throw on me. Rinig na rinig ko rin ang mga bulong-bulungan nila. Napapaisip tuloy ako kung hindi ba sila napapagod sa ginagawa nila, paulit-ulit lang naman ang mga sinasabi. Kaya nga naiisip ko, bakit ko pa papatulan gayong tila batang kawawa na sila. Pilit akong pinipikun ngunit 'di naman nila magawa.
Maraming nakiusyuso nang makita na may mga estudyanteng naghihintay sa ipapalabas ng widescreen kaya naman nagsilapitan na rin. Maya-maya pa ay bumukas na ito. Una ay magalaw ang kuha, sunod ay tumutok sa mga pamilyar na babae. Halatang patago lang ang pagkuha.
"Yes, that Laurelia sabotage Allison. Is it a good image? 'Di ba hindi? So she's not deserving to be one of the contestant. Magiging face of the school pa naman ang mananalo. Tapos gano'n ugali, nagawang manakit ng kaklase just to have a place. That is scary!" I realized that it was Lorraine.
"I can't believe it. Kasi-"
"Well, you have to believe it. Grabe ang dugo sa binti kahapon ni Allison. Ang laki ng sugat dahil sa pagtulak ng babaeng 'yon," saad naman ni Sandra.
Then the place changed. Ibang tao na naman ang sinasabihan ngunit pareho lang ang mga sinasabi. Nanghihikayat sila na tanggalin ako as one of the contestants.
"Sino ang nagpi-play nito!?" tanong ni Lorraine. Marami ng nakatingin sa grupo nila. And I heard some said that they were persuaded too.
Nagblack ang screen. Then a familiar scene happened. Likod nila Allison at ng kaniyang kaibigan ang nakikita namin. Maya-maya ay naglakad ang nagvivideo at umusog nang kaunti. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na naroon din ako. Iyon 'yung nangyari kahapon habang nakalinya kami para sa screening!
"Sabing mag back-out ka eh!" Allison shout was clearly heard on the video.
Allison gasped, "Patayin niyo 'yan! This is not right!" she shouted.
"Allison, tama na. Ayoko ng gulo," sagot ko sa kaniya at iniwasan siya.
"Mag back out ka," mariin niyang saad.
"Stop the video!" Allison commanded while panicking. Ngunit wala ng pumapansin sa kaniya. Lahat ay nakatutok, nanonood, kuryuso sa susunod na mangyayari. Lumapit siya sa mga dumating na teacher at halos magmakaawa ngunit maging ang mga guro ay napatitig sa video.
Kitang-kita nang marami kung paano ako akmang itutulak ni Allison. Umilag lamang ako kaya dumiretso siya at nasaktan. Ang kumukuha ng video ay bahagyang napasigaw nang masubsob si Allison. Natataranta nitong pinatay ang video at tuluyan namatay ang widescreen.
Nagsimula ng magbulong-bulungan.
"Wala naman palang ginagawa sa kaniya si Therese. Siya ang naninira," rinig kong saad ng isa.
"Kitang-kita na kahit siya ang nanguna, hindi pa rin siya pinatulan."
"Tsaka kasalanan niya pala kaya nagkagano'n siya."
Napatingin ako kay Allison na galit na galit sa akin at susugod na. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nalinis ang pangalan ko, sa unang araw pa lamang nilang paninira sa akin. Ngunit hindi ko rin mapigilan maawa kay Allison ngayon. She look so helpless and I know that feeling. Pakiramdam ko tuloy ay kailangan ko siyang yakapin ngayon upang mabawasan ang mga nararamdaman niya.
Bago pa siya makalapit sa akin ay nasa harap ko na si Halsey.
"Dati pa 'yang kabaliwan mo! You're too much. Now this happened, matuto ka na! And stop bothering me, especially Laurese. You're so insecure!" Halsey uttered.
Hindi siya sumagot at diretsong sinabunutan si Halsey. Napatili si Halsey at agad na lumaban. Agad akong lumapit pati na rin si Ysabel at Ysmael para awatin sila ngunit nahirapan kami nang mapahiga sila sa damuhan. Una ay si Halsey ang nasa ibabaw, ngunit kalaunan ay si Allison na.
Akmang ilalayo ni Ysmael si Allison ngunit tinulak siya nito at kinalmot pa. The teachers came. I saw Sir A jogged towards the two. Pumunta siya sa likod ni Allison at kinuha ito. Walang kahirap-hirap niya itong nabuhat palayo. Ngunit bago iyon ay nakalmot siya ni Halsey sa may kamay. It immediately bleed. But Sir A didn't flinch like it's nothing. Pumapalag pa si Allison at gustong kumawala ngunit sa simpleng hawak sa kaniya ni Sir A sa braso ay hindi na siya makawala.
Itinayo namin si Halsey at hinawakan siya, pinigilan sa pagsugod pa kay Allison. Kahit morena siya ay kitang-kita ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa galit.
"Tama na," I whispered. She gritted her teeth. Sinamaan niya ng tingin si Allison.
"Walang class! Taking this fight into violence, huh? Well, I'll stoop down for a while, mapatulan ka lang!" Halsey shouted.
"Bruha ka! Ikaw may gawa nito 'no? Pinahiya mo 'ko, this is too much! b***h!" Allison answered.
"Enough!" Maam Melendez shouted.
The two end up at the prefect of discipline. Nasa labas kaming tatlo nila Ysmael at Ysabel, hinihintay na matapos ang pakikipag-usap sa dalawa.
"Kasalanan ko 'to," malungkot kong saad.
"No, it's not. Kitang-kita naman na si Allison ang pinagmulan ng lahat. Pumatol lang si Halsey. At ang dahilan ng physical fight nila, si Allison pa rin," saad ni Ysabel.
"At alam natin na noon pa may ginawang masama si Allison kay Halsey," saad ni Ysmael.
Then I remember what Halsey told us after the Miss Intrams. That one wrong move from Allison, papatulan niya na talaga ito nang tuluyan. At tinotoo nga niya ngayon. Ngunit ako naman ang inaway ni Allison, hindi siya.
"Hindi rin naman kasi talaga kami makakapayag na sinisiraan ka, Laurese. Lalo na si Halsey. She'll protect you at all cost. Baby ang tingin niya sayo at alam niyang puro pasensya ka lang at pag-intindi. Kung hinayaan niya 'to, magpapatuloy sila hanggang sa magtagumpay sila na maalis ka sa pageant," saad ni Ysabel.
"Pero hindi naman ganoon kahalaga ang pageant na 'to para sa akin para ipaglaban nang ganito ni Halsey," sagot ko.
"Hindi bastang pageant lang ang pinaglaban niya. Ikaw mismo. Wala naman mali talaga sana, it is a video of true event. Hindi gawa-gawa o scripted. Hindi lang natanggap nitong si Allison," Ysabel said.
Kanina ay kasama ako sa nasa loob ngunit matapos malaman ang side ko ay pinalabas na ako. Pinakita na rin sa counsilor na wala talaga akong kasalanan. Hanggang sa naungkat na ang dati nilang issue kaya dinismiss na ako dahil sa kanila na ito nakatutok ngayon lalo na at sila ang nag-away kanina. I can't help but to be worried. Ano kayang mangyayari kay Halsey?
Bumukas ang pinto at lumabas si Sir A. Napatayo ako at humakbang nang nasa harap ko siya. Huminto siya sa harap namin.
"Malapit na sila matapos," saad niya.
"Kumusta po si Halsey?" tanong ko.
He stared at me with a serious face, "She's fine. Mas magaan ang nagawa niyang kasalanan. They are just settling it now. Bukas ay ipapatawag ang parents nila," sagot niya. Napatango ako at napayuko.
Makakaabot pa 'to kay Sir Harry at Maam Julianna. Mariin akong napapikit at nakaramdam na ng hiya. Hindi ko mapigilan na isipin na may kasalanan talaga ako. Pagmulat ko ay napatingin ako sa may kamay ni Sir A. Kumunot ang noo ko nang wala roong bakas ng kalmot. But I am sure that Halsey accidentally scratched him.
"Sir, nakalmot ka po kanina 'di ba?" tanong ko. Agad niyang itinago ang kamay sa likod. I stared at his face. Kinabahan ako nang makita ang walang emosyon niyang mukha.
"Mauuna na ako," saad niya at umalis.
Sinundan ko siya ng tingin. The image of his scaratched hand flashed on my mind. Dumugo nga iyon dahil sa lalim ng kalmot ng mahabang kuko ni Halsey. And now, it is gone. Malinis at wala man lang bakas. Namalikmata lang ba ako?
Naunang lumabas si Halsey. Tahimik siya habang naglalakad kami, at kahit pa nagpaalam na sa magkapatid. Nang nasa kotse na ay napapadyak siya. I stared on her frustrated face.
"I'm sorry, Halsey," saad ko. Tinignan niya ako at inismiran.
"Wala kang kasalanan," she uttered. "Wala rin akong regrets. It is just that, I have a record now and it might make Mom and Dad upset. Pupunta pa sila bukas! Kainis talaga ang babae na 'yon. Since then until now! I hate her," she hissed.
Hinawakan ko ang kamay niya at napansin ang iilang kalmot niya sa braso.
"I'm sorry you got these. Gamutin natin mamaya pag-uwi," saad ko.
"Stop apologizing. Wala kang kasalanan, as in. Even a little. Noon pa ako annoyed sa babaeng 'yon," she said. And she continued ranting until we arrived at their mansion. Wala naman akong ginawa kung hindi pakinggan siya.
Kahit pa habang ginagamot ko siya ay kinwento niya sa akin ang frustration niya.
"Pati sa pag play ko in public ng videos, mali raw because I can just show it to them daw, to the guidance and prefect of discipline. Why not!? Dapat lang makita mismo ng students 'yon so they are aware that those bitches are ruining your image. But well, mine is lighter than her. Physical fight and public playing of the video that shows the truth. And duh, hindi naman talaga ako mananakit. I just protected myself. While her, paninira sa co-student, physical fight and so on. Pati na rin friends niya," litanya niya.
"Salamat sa lahat, Halsey," saad ko. She sighed then smiled at me.
"No problem. It is hitting two bird with one stone naman din. And I'll always protect you in ways that I can," saad niya.
Nang dumating ang Mom at Dad niya ay nag-usap sila. Si Halsey at Sir Harry lamang ang nagsasalita at tahimik si Maam Julianna. Napangiti ako dahil pinakinggan nila si Halsey. Kinwento niya ito at sa huli ay hindi naman nagalit. Nasa sulok ako at naghihintay na mapagalitan ngunit hindi iyon dumating.
"So Halsey is not bad here. She did the right thing. Inilabas niya ang totoo, hon. Don't worry, now," pag-aalo ni Sir Harry kay Maam Julianna na bagaman ay hindi nakakapagsalita, halata ang pag-aalala sa mukha.
"Dad, I'm sorry that you have to go there tomorrow. It's the first time and it kinda feels like I'm disgrace to you and to Mom," malungkot na saad ni Halsey at nangingilid na ang luha.
"Oh, our baby," Sir Harry pulled Halsey and made her sit in between of them. He hugged her and kissed her head. "Don't worry, it's not like that. Naiintindihan namin and it's not a disgrace. Nakatutuwa nga dahil ginawan mo talaga ng paraan para makalabas ang katotohanan," he added. Halsey pouted and hugged her parents. Napangiti ako muli ngunit hindi ko mapigilan makaramdam ng inggit. Ngunit pinilit ko 'yon iisantabi.
"Thank you po," Halsey uttered.
"Nga pala, good to know that you're going out on your shell, Laurese. Just go on and discover all of your weakness and strength so you can be the better version of yourself as day goes by. I'm happy to see you growing," Sir Harry said and smiled at me genuinely. Si Maam Julianna ay tumango habang may tipid na ngiti sa kaniyang labi.
I smiled back and nodded. Maswerte talaga ako sa kanila. Hindi lang ako financially supported, pati na rin sa mga ganitong bagay.
"Maraming salamat din po. Kayo po ang dahilan kung bakit may mga oppurtunity na ganito na dumarating sa akin," saad ko.
"No problem. Kapag may kailangan ka, don't hesitate to tell us. Basta girls, keep going and always protect each other," he answered. Halsey giggled.
"Of course, Dad!" she energetically said.
The night went on and they had a bonding. Maaga rin ako nagpaalam na matulog para masolo nilang pamilya ang oras. Sa tuwing nakikita ko ang buo nilang pamilya ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot at inggit. Ngunit mabilis ko 'yon na tinutulak paalis. Bakit ko pa hahanapin ang wala? I should appreciate what I have. Mananatili akong malungkot palagi kung hindi ako makokontento at hahanapin ang wala sa akin.
The days went on. Naging maayos na ang mga sumunod na araw. Allison and her friends never bothered me again but I can still see their hate because of the way they look at me. Ngunit ang mahalaga ay tahimik na muli ang mga araw ko sa classroom.
Lumalamig na rin ang klima habang papalapit ang pasko. The school was decorated with christmas designs and decoration. Nag-uusap pa ang officers sa classroom kung magkakaroon pa ba ng christmas party o wala na. Para sa akin naman ay kahit h'wag na. Mababawasan lang ang ipon ko bilang pangregalo lalo na at mataas na naman ang gift cost nito dahil karamihan ay mayayaman ang kaklase ko.
"Anong gusto mong regalo?" Ysmael whispered while Sir A is lecturing. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na h'wag maingay.
"Sige na kasi. Ano? Hindi kita nabigyan last year, so I'll make sure that this christmas, I'll give something to you," bulong niya muli.
"Later," I whispered back just for him to shut up.
"Ako Mr. Ysmael, won't you ask me what gift do I want?"
Napaigtad ako nang nasa harap na namin si Sir A. Nakataas ang kilay nito at supladong nakatingin kay Ysmael. My friend looks shock then apologized later on. Sir A continued on his lesson. Nang magbigay na siya ng break at umalis, kinalabit ako ni Ysmael.
"Why?" I asked.
"Isn't it weird? Narinig ako ni Sir A, bulong lang ang ginawa ko. Nasa gitna siya, tayo nasa pinakagilid kaya parang imposible," saad niya. Napaisip ako kapagkuwan ay hinarap siya.
"Tahimik masyado ang klase kapag si Sir A ang nagtuturo, kaya narinig niya," sagot ko.
"No, ang maaari niyang marinig lang ay ang ugong ng bulong ko. Magiging aware lang siya na may bumubulong. But he clearly heard it. And it's weird," mariin niyang saad.
Napanguso ako at naisip ang naranasan noong nakaraan. Pinag-uusapan ako nila Lorraine noon. Inakala ko pa nga na nasa bungad lang sila ngunit nasa sulok pala sila ng classroom.
"Ako rin, gano'n noong nakaraan. Baka normal 'yon na nagiging sobrang talas ng pandinig," saad ko. Tumaas ang kilay ni Ysmael.
"Hindi ko naranasan and wala rin ako narinig na iba na may ganiyan na experience. Ikaw pa lang," saad niya.
"So, ano pala 'yon kung hindi normal, 'di ba?" napanguso ako muli. Gumagana na naman yata ang imagination ni Ysmael.
"Vampire si Sir A. And you're turning into one since sinabi mo na nakaranas ka ng gano'n," saad niya. Bahagyang nanlaki ang mata ko. "But then, Sir A has a fair skin pero mamula-mula. Samantalang ikaw, sobrang puti, ang putla-putla ng balat mo," dagdag niya.
Natulala ako sa sinabi niya. Pair of red eyes flashed on my mind. Muling bumalik sa akin ang gabing iyon kung saan nabuhay ako muli, pati na rin noong hinabol ako ng mga lalake sa ilalim ng malakas na ulan at niligtas ako ng misteryosong nilalang na 'yon. I remember how I cringed on the smell of blood and how it made me feel thirsty.
"Hoy!" Ysmael laughed loudly. Napakurap-kurap ako at napatitig sa kaniyang nakahawak sa tiyang habang tawa nang tawa. "Your face, it looks so scared. I was just kidding and -" he laughed again.
"Ysmael, stop," saad ko at mahina siyang tinulak. He tried his best to stop but he just laughed more.
Hinintay ko siya matapos tumawa at naghahabol na siya sa paghinga. Narinig ko pa ang pigil niyang hagikhik. Napanguso ako muli at kinuha na lang ang cellphone.
"I'm sorry, Therese. I was just kidding. Natawa kasi ako sa reaction mo. I'm just joking at parang paniwalang-paniwala ka. Vampires are not even true so turning into one is beyond impossible," nakangiti niyang saad.
I want to say that vampire is true. Ngunit sino bang maniniwala sa akin. Para sa mga tao, isa lamang silang alamat. Ngunit para sa akin ay totoo sila. I encountered one and he ressurected me. He helped me twice. Or even thrice. Malakas ang pakiramdam ko na siya ang tumulong sa akin noon no'ng naholdap ako.
"Tara na, lunch na tayo," saad ni Ysmael at hinila ako patayo.
Nagpatianod lamang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa canteen. Naroon na si Ysabel at Halsey.
"Laurese, listen to me. Narito na ang mga important details ng pageant," Halsey excitedly said. Umalis si Ysabel at Ysmael para umorder ng pagkain namin.
"Okay," saad ko. Inilapag niya sa harap ko ang index card na may sulat. Nakabullets ang mga detalye.
"So meron kayong opening dance. Hindi naman as in dance talaga. More on hand gestures at kembot with poise. Then next is introduction. By the way, hindi sa mismong day ng pageant ang talent. It's prior to that day. Then next is the swimsuit which is two piece-"
"Two piece? As in, bikini?" nanlalaki ang mata na tanong ko. Halsey smiled widely and nodded. "Halsey, hindi ko ata kaya-"
"Opps, no backing out. Pinaglaban natin 'to. And come on, basic na lang sayo 'to. Ako nga na flat, game na game ikaw pa kaya?"
"But, Halsey, you have a sexy body. Samantalang ako, ni hindi ko alam ang size ng bust, bewang and hips ko at pangit ang-" she cut me off again.
"Susukatin natin mamaya. And ano ba kinakahiya mo? Surely you have a beautiful body and flaunt it!" saad niya.
Naalala ko ang peklat ko sa may dibdib. I have many scars on that area because of the stab that I got from my uncle. Hindi maganda tignan. Hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag kay Halsey. Kapag sinabi ko ang problema ko na 'yon, aalamin niya na rin kung saan ko nakuha iyon.
Hindi na ako umimik at pinakinggan siya. Sunod ng swimsuit ay ang gown and last is the question and answer portion.
"Like the screening, nababawasan kayo as the pageant goes by. Ang makaka-enter na lang sa q and a ay four. And I'm sure who will win! Of course it's you," Halsey giggled.
Dumating ang magkapatid at kinwento na agad ni Halsey ang mangyayari. Pinag-usapan na nila agad ang plano. Kasama dapat ako roon ngunit hindi ko maiwasan ang mag space out dahil sa pag-iisip sa peklat sa may dibdib ko. Kapag nalaman ito ni Halsey, malaki ang posibilidad na maungkat ang nangyari noon. At imposibleng may maniwala sa akin kung sakaling sabihin ko ang totoo. Baka isipin pa nila na baliw ako.
Pag-uwi namin ay sinukatan agad ako ni Halsey. Nahihiya nga ako dahil umaarte siyang umiiyak nang sinukat niya ang dibdib ko at kunwari ay disappointed na titingin sa dibdib niya. Sunod ay sa bewang at hips.
"My gosh, naintimidate naman ako," saad ni Halsey habang tinitignan ang pinaglistahan niya ng mga sukat ko. "36, 25, 35!" she said.
"Ano ibig sabihin no'n? Okay na ba 'yon?" tanong ko. She dramatically rolled her eyes.
"Of course! It is an almost glass hour figure! Kung ang waist mo ay 23 katulad sa akin, that will be perfect! Sobra ka nang kaunti sa bewang, ako naman kulang sa bust! My gosh," she hysterically said.
"Oh, okay," saad ko, hindi alam ang sasabihin.
"Are you really seventeen years old? This is a body to die for! I'm 19 and yet, you have a more mature body."
"I'm turning eighteen," saad ko. Napapaypay siya sa sarili gamit ang kamay.
"Kailangan lang i-tone up ka nang little since may mga baby fats ka sa may waist and stomach. Bawas din sa legs at braso mo nang kaunti, then you can be one of the Victoria's Secret Angel na. Deym, you can have the crown of the pageant effortlessly," she dramatically said again.
Umalis siya saglit at pagbalik ay may dala-dala ng maraming two piece.
"Ayan, I bought it for you lalo na we will have a trip again. May one piece riyan so you can slowly get ready for more reaveling swimsuit. Try one tonight and look at yourself at the mirror until you're comfortable. And you are required to be confident because you'll wear one sa Palawan pag christmas vacation natin so you can practice your confidence," she said.
Tinignan ko iyon isa-isa at napapangiwi ako sa mga hitsura. Ang pinaka-covered ay ang dalawang one piece. Pero malayo pa rin sa pagiging balot. It will cover my chest. Tapos kita ang kanan kong tagiliran. It is so daring. Exposed na exposed ang hita ko pati ang pisngi ng pwet kapag sinuot ko 'to. Ngunit mas lalo na ang ibang natira dahil two piece na talaga iyon. Halos lahat ay kulay pula, itim, at asul. I never imagined myself on these kind of clothes.
Bago matulog ay napagpasyahan kong sundin ang sinabi ni Halsey. I chose the red two-piece. Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili. Napanguso ako. Mas lalong nadepina ang kulay ng balat ko dahil sa kulay pula na two piece. Lantad na lantad ang mahaba kong hita. Kinurot ko ang tiyan at napangiti nang makita ang munting baby fats doon. Ngayon ko lang napansin nang ganito ang katawan ko dahil noon naman ay wala sa isip ko ang aking figure.
Tumaas pa ang paningin ko at unti-unting natulala nang mapatingin sa bandang dibdib. I raised my hand and slowly touch that area. Napalunok ako nang malinis iyon at katulad ng dati ay makinis. Walang bahid ng kahit ano.
Napakurap-kurap ako. Marahan kong sinampal ang sarili, sinusubukan gumising dahil baka panaginip lang ito. Ngunit sa muli kong pagmulat ay ganoon pa rin. Imbes na matuwa ay biglang napuno ng tanong, kaba at takot ang isip ko.
Anong nangyayari sa akin? Imahinasyon ko lamang ba ang lahat ng ito?
Nasaan na ang mga peklat ng saksak na meron ako sa dibdib ko?
Everything is getting weird.