Sight
The last week before christmas vacation became so hectic that the past few days got blurry for me. Ang mga guro ay kaniya-kaniyang nagbigay sa amin ng proyekto at activity na gagawin habang bakasyon.
Karamihan ay individual projects maliban kay Sir A. Simple niyang sinabi na ayaw na niya makadagdag sa bigat ng gawain kaya gagawin niya itong project ng buong section.
"You are going to make a story. Lahat kayo ay gagawa at dapat magkaroon ng parte dahil gagawin niyo itong isang libro. It will be a diy or 'do-it-yourself' book," he said. Some grunted because they thought that the project will be very easy.
"Sir A, paano po 'yon? Magkikita-kita pa kami para makagawa noon?" one of my classmate asked. Sir A shook his head.
"You need to make an outline. Ilang araw pa bago ang last day, so you have your time to do it. Distribute it to your classmate before the vacation. 32 kayo sa klase, probably, two person on one chapter. You can easily communicate through messenger, since as I can see, everyone has their own phone," Sir A answered.
"What will be the theme of the story, Sir?" Allison asked.
"Slice of life. I want something that depicts real life story. A story where in a person really experienced it and of course, something that has a moral lesson," sagot niya.
"Madali lang pala."
"You wish! Ang hirap kaya. Papahabain mo 'yon para makagawa ng isang chapter!"
"And one thousand will be the minimum number of words per chapter," mariin na saad ni Sir A kaya lalong nanghina ang mga kaklase ko.
"Pero Sir, kung through messenger lang, paano namin magagawa iyon into a book? We will be still required to meet up," saad ng isa.
"So here it is, there are 32 of you here in class. One of you will be assigned to do it. Iyong marunong at malinis gumawa. Siya rin ang aatasan ko sa ilang details na gusto ko. So this student should be responsible at susundin niyo siya. Once they told you to pass your chapters, do it. You need to follow them. Kumbaga, they will be the leader, she will lead you on what you will do. Hindi na siya gagawa ng chapter niya, siya ang in charge sa paggawa ng book. But of course, mag-aambagan kayo para sa mga gagastusin. The excess one will join the group that will make the last chapter since it will be the longest one," Sir A explained.
Agad silang umayaw maging leader.
"Sir, for sure Bernardino wants to be the leader," Lorraine uttered. Nilingon ko siya at agad naghagikhikan ang iba niyang kaibigan.
Lahat na ay nakatingin sa akin pati na rin si Sir A. I remembered my hectic schedule lalo na at ititrain ako nila Halsey at Ysabel para sa pageant. Sasamahan ko rin si Maella sa kaniyang sessions. I will be working hard para madagdagan ang ipon ko dahil sa mga pangregalo ko sa darating na pasko. Halsey's family will bring us to their one week vacation at Palawan. At marami pang gawain sa ibang subject. Can I do it?
"I didn't hear her say that she wants it," Sir A uttered after few seconds.
"Pwede naman kayo Lorraine," saad ng isa kong kaklase.
"W-what? No!" tanggi agad ng grupo nila.
"Pero Sir, hindi sa ayaw namin sa responsibilidad, kung gugustuhin na maging maganda ang gawa sa project na 'to, Therese will be the best and only choice," Jimuel shyly said and scratched his head. Umugong naman ang panunukso sa kaniya.
"Yes, Sir. Tama po, Therese does not just excel on the recitations and exam. Kapag po may mga ganito, gawa niya ang pinakamaganda at puno ng effort," saad ng isa ko pang kaklase. Sunod-sunod ng sumang-ayon ang mga kaklase ko. Allison rolled her eyes.
"Miss Laurelia, are you okay with it?" Sir A asked me gently.
"Sir, kapag si Therese ang naappoint, I'll help her. Lagi naman ako sa kanila sa bakasyon," biglang saad ni Ysmael. Sir A eyed him with his serious expression. Nagkaroon muli ng mga panunukso. Namula si Ysmael at supladong umiwas ng tingin.
I think no one will take this and they are all pushing me. At mahirap para sa akin ang tumanggi. Kaya naman tinanggap ko ito. I was appointed to be the leader of the project on Sir A's subject.
Sa mga sumunod na araw ay ginawa ko ang outline ng istorya na gagawin. I asked for their opinion about the plot of the story but almost all of them said na ako na ang bahala. Si Ysmael ay hindi na masasali sa isang grupo. Siya na ang kasama ko sa paggawa at pag-design ng libro.
On the last day, I distributed the chapters. Nakasulat na roon kung ano ang eksaktong magiging takbo ng bawat chapter. Napilitan akong gumawa ng f*******: account para gumawa ng group chat at doon nila ipapasa ang nagawa nilang chapter.
"Ysmael, friend mo ba si Sir A sa f*******:?" tanong ko.
"Hindi. Hindi ko nga alam pangalan noon. Just his surname, Renquijo. Bakit?" he asked me.
"Kasi kailangan ko siya i-add for the additional details na maaari kong tanungin," sagot ko.
Sinubukan ko i-search ang kaniyang account gamit ang kaniyang apelyido ngunit wala pa rin akong makita. Ibang tao ang lumalabas. Kaya dali-dali ko siyang pinuntahan noong breaktime kahit nahihiya ako. Last day ng klase ngayon, this is my last chance, kung hindi ay baka mali ang magawa ko sa bakasyon.
Bago pa ako makarating sa faculty ay nakasalubong ko siya. Natigilan ako nang natanaw ko siyang naglalakad patungo sa direksyon ko. His face is emotionless. Napatingin siya sa akin at hindi na niya inalis ang tingin hanggang sa makalapit.
"Miss Laurelia," marahan niyang saad.
I really didn't like my first name since I was a child. Lagi akong inaasar na tunog pang matanda ito kaya naman kapag nagpapakilala ay Therese ang lagi kong sinasambit. But on Sir A's lips, it sounds beautiful and elegant.
"G-good afternoon, Sir. May itatanong lang po ako," saad ko. Iniwasan ko ang titig niya. It was cold but intense at the same time. Very intimidating.
"What is it?" he asked. He licked his lips making it redder. Napakunot ang noo ko saka ako yumuko. Why am I watching his gestures and details so much?
"A-ano po ang f*******: account mo? So I c-can contact you kapag may tanong po ako about sa project," nauutal kong saad.
Sa pag-iwas sa kaniyang titig ay napunta ang paningin ko sa kaniyang katawan. He has a very nice posture. He is lean and muscular at the same time. Ang sleeve ng kaniyang polo ay naka-rolyo sa kaniyang siko. Kapansin-pansin ang kaniyang ugat sa kamay. When did veins on arms became so attractive for me?
"I don't have f*******: account," simpleng saad niya. Nanlaki ang mata ko kapagkuwan ay nag-alala kung paano ko siya makakausap.
"E-mail address na lang po, Si—"
"Give me your phone," saad niya. Awtomatikong kumilos ang kamay ko at dinukot iyon sa bulsa. I opened it before giving it to him.
Marahan niya iyon na tinanggap saka nagtipa. Ilang segundo ay binalik na niya sa akin.
"Have a happy vacation," saad niya bago ako nilampasan. Natulala pa ako dahil sa pagbati niya kapagkuwan ay tinitigan ko ang aking cellphone.
Ngayon ay may panibagong number sa contacts ko. Nasa pinakataas pa ito. It was named 'A'.
Pinindot ko iyon at akmang magtitipa upang dagdagan ng sir ngunit natigilan ako. I sighed and put it back on my pocket.
Days passed so fast. Ilang araw bago ang pasko ay naging sobrang abala para sa akin. Sa umaga ay inigihan ko ang pagtatrabaho sa opisina ng gobernador at pagdating sa gabi ay ginagawa ko ang lahat ng school works. Wala naman problema sa akin kung halos tatlong oras lang ang tulog ko dahil sanay na ako. Mas okay na iyon sa akin para 'di na ako madalaw ng mga masasamang panaginip dahil bago pa man magsimula ay gigising na ako muli.
A:
Print it. Not handwritten. It will be too much for you. Just look for a suitable font. It will be fine.
I stared on his text. It is clean and has proper punctuations. Maayos at malaki ang titik sa simula. Napangiti ako. Of course, he's Sir A. Excellent on everything. Ilang minuto ko pang tinitigan ang kaniyang text. Unang beses ko itong makatanggap galing sa kaniya matapos ko magtanong. It took him 8 hours to reply.
Inayos ko muna ang mga ipinasa nilang chapter. It took me five hours to fix it. Katulad ng inasahan ko ay nagkaroon ng inconsistencies sa mga character. Sinabi ko naman kasi na basahin nila ang mga naunang chapter na sinend sa GC ngunit ang sagot lang nila ay ako na ang bahala na mag-ayos. Inayos ko rin ang grammar at dinagdagan ang mga gawa nila dahil ang iba ay tila gusto lang makapasa. Many of them didn't take it seriously.
It's like I made fifty percent of the fifteen chapters. Ang daming dinagdag, pinalitan at inayos.
Mabuti na lang ay hindi na ako mahihirapan nang sobra pa dahil may printer sila Halsey. Nakabili na rin ako ng mga gagamitin sa national bookstore. I am just going to print it now, at bukas ay gagawin namin ni Ysmael. Ysabel and Halsey are going to help too.
Pinagkasiya ko sa aking oras ang lahat ng gawain. Tinapos ang mas mahihirap projects at ang itinira ay ang madadali. Gagawin ko iyon pagkatapos ng bakasyon sa Palawan. Sinamahan ko rin si Maella sa kaniyang sessions. On December 20, I shopped for the materials I need for gifts. Ginawa ko ang mga iyon sa mga lumipas na gabi. December 24, buong araw akong nagkulong sa kwarto upang ibalot ang mga regalo. Ilang oras bago ang pasko ay nag-ayos na ako ng sarili. Inayusan ko rin si Maella bago kami bumaba.
It was an intimate Christmas celebration. Punong-puno ang hapag ng masasarap na pagkain. Masaya kaming nagsalo-salo. It was only Sir Harry, Maam Julianna, Halsey, our mayordoma, the remaining maids (since some ask for leave to celebrate the christmas with their family) and guards. Kitang-kita kung gaano kabait ang pamilya nila dahil sa pagpapahalaga sa kanilang mga kasambahay at gwardiya. Pati na rin sa amin.
We exchanged gift after the noche buena. Lahat ng kasambahay at mga gwardiya na naroon ay binigyan ng regalo ng mag-asawa pati na rin ang kanilang mga bonus. Meron din silang mga grocery items. Ang mga umuwi ay nauna ng bigyan bago umalis. Maella and I received gift from the governor and his wife. Pati na rin kay Halsey. Nahihiyang binigay ko ang aking mga regalo sa kanila.
Lahat ng regalo ko ay sariling gawa. Lalo na sa pamilya na tumulong sa amin. They can easily buy anything they want so I decided to make something for them. Kay Halsey ay ang bracelet at kwintas. She really love it and squealed in happiness.
"Thank you so much, Laurese. My gosh, I didn't know na may talent ka sa pag make ng ganito. This is so amazing. It is so fashionable," she giggled.
"Masaya ako na nagustuhan mo," saad ko.
"I didn't like it, I love it," saad niya muli.
Lumapit ako sa mag-asawa at nahihiyang inabot ang aking regalo.
"Thank you, Laurese. Nag-abala ka pa. Can we see it now?" Sir Harry asked. I nodded shyly.
Pinunit niya ang balot. Tinulungan siya ni Maam Julianna. Kumabog ang dibdib ko nang makita na nila ang aking regalo. Sir Harry's eyes widened while Maam Julianna's lips parted. Tumakbo palapit si Halsey at namangha rin.
"You have hidden talents, Laurese," saad ni Sir Harry at malaki ang ngiti habang nakatitig sa ginawa ko. Iniharap niya iyon sa mga kasambahay at gwardiya. Masaya naman nilang pinuri ang gawa ko.
I stared on my gift. Sinimulan ko ito gawin pagpasok ng Disyembre. Nakita ko kasi ang family picture nila sa wallet ni Halsey kaya naisipan ko na iburda iyon. Nahirapan ako mag-isip ng ireregalo sa kanila dahil nasa kanila na ang lahat. Bigla ay pumasok sa isip ko na magburda kahit hindi ko pa iyon nagagawa kahit minsan sa buhay ko. I watched tutorial and when I did it, pakiramdam ko ay alam na alam kong gawin ito. And I was satisfied with the result. Inilagay ko iyon sa picture frame.
"You're so amazing!" manghang-mangha na saad ni Halsey.
"I suddenly remember your Mama, honey. She's very good on doing things like these. Lalo na sa pagbuburda," Sir Harry said. Maam Julianna slightly smiled and nodded while staring at my gift.
The maids and guards are happy with my gifts too. Karamihan sa kanila ay mga materyal na pinapangarap nila at kinaya ng budget ko. Katulad na lang ng blender kay nanay Iska at plantsa kay ate Ruby. Sa aming pinakamamahal na mayordoma naman ay ginawan ko siya ng wallet at maliit na money bag dahil lagi siyang gumagamit noon kapag namamalengke.
Pagsapit ng umaga ay umalis ang pamilya at pumunta sa kanilang kamag-anak. I was left with Maella at binuksan ang mga regalo na natanggap. I'm very thankful for the life that we have now. Pakiramdam ko ay maayos na ang lahat. Hindi ko na lang binibigyan ng pansin ang mga kulang.
I received greetings from Ysmael and Ysabel. Agad din akong nagreply sa kanila. I scrolled on my inbox. Maraming mga text galing sa mga numero na wala sa contacts ko. Halos lahat ay pagbati at pangangamusta. I ignored some of their questions and just greeted back.
Napahinto ako nang makita ang numero ni Sir A. Napanguso ako, nag-aalangan kung babatiin ba siya. Okay lang kaya 'yon? Hmm, but it's normal lalo na at Christmas naman. Pinindot ko ang kaniyang pangalan at nagsimulang magtipa. Ilang beses ko rin binura ang mga una kong nagawa. Dapat siguro ay h'wag kong habaan. Simpleng pagbati na lang sa kaniya.
To: A
Merry christmas po, Sir A. :)
Maliit akong napangiti bago pinindot ang send button. Napapikit ako at napatingala. Why I suddenly feel giddy? Magrereply kaya siya?
The reply never came. Inalis ko ang munting lungkot na naramdaman at kinalimutan 'yon. I focused on our trip to Palawan. Pakiramdam ko talaga ay sobra-sobra na ang naibibigay sa akin ng pamilya nila Halsey. Kahit hindi naman kami isama rito ay ayos lang sa akin ngunit isinama talaga kami.
Ang mag-asawa, si Halsey, ang mayordoma at kami ni Maella ang magkakasama. It was my first time to ride a helicopter. Manghang-mangha kong pinagmasdan ang kalupaan habang unti-unting umaangat ang sasakyan. Napangiti ako at sinulyapan si Maella. Kung maayos lang sana siya ngayon ay sabay kaming mamamangha.
Si Halsey naman ay tila sanay na sanay na, gano'n din si Nanay Rosana. Lalo naman siguro ang mag-asawa na si Sir Harry at Maam Julianna. I can't stop myself from amazement. Hindi ko kailanman naisip na makasasakay ako ng ganitong sasakyan. Helicopter is a luxury one. Ayon sa narinig ko ay isa lang ito sa maraming pag-aari ng pamilya ni Maam Julianna. Their family must be really that rich. Nakakalula isipin ang katotohanan na meron din silang private plane at iba pang mamahaling sasakyan na tanging mga sobrang yaman lang ang mayroon.
Lumapag sa helipad ng isang hotel ang helicopter. We were welcomed by Sir Harry's friend na ayon sa narinig ko ay ang may-ari ng hotel. Kinuha ang mga gamit namin para dalhin sa aming magiging kwarto. We ate on a buffet resto.
Magkasama kami ni Nanay Rosana at Maella sa kwarto. It was a luxurious one.
On our first day, kami-kami lang ang pumunta sa iba't ibang magagandang lugar sa Palawan. We also tasted some of their delicacies and cuisines. Sa pangalawang araw ay kasama na namin sila Ysmael at ang kanilang pamilya. Nagcheck out na rin kami sa hotel at lumipat sa isa sa mga resort sa El Nido. Ang resort pala na iyon ay pag-aari ng kapatid ng Daddy ni Ysmael.
If the first and second day was thrilling and tiring, the third and probably the rest will be relaxing and calming.
Napakaganda ng lugar kung saan kami magi-stay for the rest of the week. May mga water cottages na pinaghalong Filipino at contemporary ang architectural style. It also gives a clear view of the blue sky above the bays, the surrounding islands, and limestone cliffs which is perfect for people who want to relax.
"Nag-eenjoy ka ba, Laurese?" Halsey asked out of nowhere.
Kasama namin si Ysabel at Ysmael, samantalang si Maella ay na kay Nanay Rosana. Naisipan namin na maglakad-lakad. Tinanaw ko ang dagat na halong asul at berde ang kulay. Its beautiful color was accentuated by the white fine sand on the shore.
"Oo naman, sobra. Malaki ang pasasalamat ko sa inyo dahil nararanasan ko ang mga ito," saad ko.
"No problem," Halsey winked at me.
"Swimming tayo mamaya. Mga 4 p.m," pag-aaya ni Ysabel.
"Kung kailan mas maraming tao," umismid si Ysmael.
"Why, brother? Takot ka sa crowd?" Ysabel teased her brother.
"Great idea! We'll be wearing two piece except sayo Ysmael but if you want I can lend you my extra two piece!" Halsey energetically said. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang maalala ang sinabi niya no'ng nakaraan. Our eyes met then she smirked, "And yes, Laurese. You'll be wearing one!" she giggled.
"P-pwede bang gabi na lang..." pahabol ko pa. Ysabel and Halsey shook their head with their teasing smiles.
"H'wag niyo pilitin si Therese!" saad ni Ysmael.
"Tumigil ka! She need to practice kasi sa January na ang pageant. This is the right time for her to practice wearing it. So she can be comfortable na," saad ni Halsey.
Pinilit nila ako nang pinilit at wala na akong nagawa lalo na't kasama ko sila Halsey at Ysabel sa kwarto. We had our late lunch on the cottage that is perched on the sea. Bago kami bumaba ay pinasuot na nila sa ilalim ng aking long dress ang kulay itim na two piece. Hindi mawala sa isip ko habang kumakain ng lunch na halos isang oras na lang ay mag-aaya na sila maligo.
Masaya lagi sa tuwing nagsasama-sama kami at ang pamilya nila Ysmael. Mabait ang parents nila at madalas ay kasama ako sa mga tinatanong. I never felt out of place. Inaalala rin nila lagi si Maella. Ang mga nakatatanda na rin mismo ang nagsabi na huwag na ako masyado mag-alala kay Maella at mag-enjoy sa trip na ito. They'll take care of my cousin. And I feel so relieve na maliban kay Nanay Rosana ay nagpepresinta sila na bantayan ang pinsan ko.
"Maya-maya na tayo. The sun is burning my skin. Ang hapdi," saad ni Halsey matapos ilabas ang kamay sa may cottage.
Tumango ako at pinanood ang iilan na masayang naliligo sa dagat. Karamihan ay mga bata pa. I heard Halsey that later, karamihan ay mga kaedad na namin ang naroon. She's very excited about it.
Kalahating oras pa ang lumipas ay hindi na tirik ang araw. Halsey and Ysabel pulled. Halos madapa pa kami sa hagdan pababa sa cottage. They giggled when we got wet because of Halsey's impact after jumping on the sea. Hanggang ilalim ng tuhod namin ang tubig.
"Mom! Dad! We're going to swim na there!" Halsey shouted as she pointed out a certain area. Maam Julianna waved her hand and nodded.
"Take care, guys. Ysmael, you're the one in charge with the girls," saad ng Daddy nila Ysmael.
"Yes, Dad."
Tumakbo na ang dalawa habang hila ako. Si Ysmael ay napapailing na nakatingin sa amin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang naiistorbong mga pino at puting-puti na buhangin. The two girls look for a perfect spot. Matapos noon ay kaniya-kaniyang hinubad nila ang kanilang mga dress at lumantad ang kanilang katawan.
I was amazed by their bodies. Halsey has a nice morena skin. It complemented her white two-piece. Though her chest isn't that big, bumawi naman ang kaniyang pang-upo. Halatang-halata ang kurba sa kaniyang manipis na bewang pababa sa balakang. Mas lalo pang gumanda ang kaniyang pigura dahil sa confidence na pinapakita. Ysabel is also oozing of self-confidence on her green two-piece. Maputi siya at namumula ang ibang bahagi ng kaniyang katawan, partikular ang siko, tuhod at talampakan. Katamtaman ang laki ng kaniyang dibdib at pang-upo. Ngunit napakalaki ng kaniyang balakang at maliit ang bewang. Among us, she's the slightly chubby one.
Binato nila kay Ysmael ang kanilang damit at excited na tumakbo palayo. Nagkatinginan kami at napailing siya. Umupo kami sa upuan na naroon na may malaking umbrella at pinanood ang dalawa na mag tampisaw.
Akala ko ay nakatakas na ako at nakalimutan na nila ang plano. After few minutes, they are running towards our direction.
"You!" pinaningkitan ako ni Halsey. Namumula na agad si Ysabel at si Halsey naman ay bahagya pa lang.
"A-ano?" I stuttered. Hinila nila akong dalawa patayo at nameywang sa harap ko.
"Tatakas ka pa, huh?" Ysabel smirked.
"Strip!" Halsey commanded with her devilish smile. Nanlaki ang mata ko.
"B-bukas na lang kaya—"
"Nope. Now na," mariin na saad ni Halsey.
Napanguso ako at mabagal ang kilos na hinila ang pagkakalaso ng strap ng dress ko. Halsey and Ysabel look so excited. Dahil sa kabagalan ko ay sila na ang nagkalas ng isa at ibinaba ang dress ko. They giggled when they succeed. Kasabay ng paghampas ng hangin sa katawan kong may dalawang kapiranggot na tela na lang ay ang paggapang sa akin ng hiya.
"Gosh! This is an ideal body!" Ysabel said with amazement.
"I told you," Halsey dramatically shook her head.
"Okay lang ba?" nahihiyang saad ko.
"Okay na okay! Kahit kaunting hiya, wala ka dapat maramdaman! Are you really 17?" Ysabel asked.
"Turning 18 na rin naman," nahihiya kong saad.
"Therese is okayyyyyyy, Ysabel is okay, while Halsey is ok, as in just letter o and k," nang-aasar na saad ni Ysmael. Hinampas agad siya ni Halsey at Ysabel.
"Binubully mo na naman si Halsey," saad ni Ysabel sa kaniyang kuya.
"Whatever," Halsey uttered and rolled her eyes. Kapagkuwan ay hinila na ako at si Ysabel. "Be proud on your body! Despite its size and color! All colors and sizes are beautiful. Ang ugly ay ang paningin ng mga person na mahilig mang-judge," she giggled.
"Right!" Ysabel uttered.
Gustong-gusto ko takpan ang sarili habang kinakaladkad nila ako papunta sa may dagat. Naagaw na rin namin ang atensyon ng iba, lalo na ng grupo ng mga halos kaedad lang namin. The thing that I don't want.
Malapit na kami ngunit tumigil si Ysabel at tila may tinatanaw sa malayo.
"Ano ba, girl?" tanong ni Halsey.
"I'm wearing my contact lense, but I think malabo pa rin ang paningin ko. Pero tingin ko kilala ko sila," saad niya at may itinuro.
Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya. It feels like my vision automatically zoom in and became clearer. Nanlaki ang mata ko nang makita na papasok ang grupo ng pamilyar na tao sa may hotel.
"Pamilyar..." saad ni Halsey. "Teachers natin?" dugtong niya.
My lips parted when I saw Maam Alyza. Kinalabit niya ang lalake na nasa harap niya. Nilingon siya nito at nanlaki ang mata ko.
"Oh, that's the famous Sir A. Teacher niyo ni Ysmael. I think, they are the teachers na single pa, I mean wala pang family. Halos lahat sila ay ang mga batang teacher pa sa school natin," Ysabel explained.
"Mommy Cris!" halos mabingi kami sa sigaw ni Halsey, kinukuha ang atensyon ng adviser nila. Tumakbo siya palapit sa grupo na papasok na. Hinila rin ako ni Ysabel at halos gusto ko magwala para makatakas ngunit sunud-sunuran naman ako.
"Ay, ang maganda kong anakshie," bati nito pabalik nang makalapit si Halsey.
Natigilan na sila lahat sa pagpasok. Nanlamig ako sa kaba. Nahihiya ako na sa ganitong pagkakataon ko pa siya makikita muli...
"Vacation din?" saad ni Halsey at nakipagbeso sa kaniyang adviser at bumati sa iba pang guro. Sumunod si Ysabel sa bumati. Ako naman ay napako at halos manindig ang balahibo nang makita ko sa sulok ng aking mata na nakatingin si Sir A sa akin.
Bumati rin ako sa mga teachers. Some of the teacher are trying to recognize me. Hanggang sa mapunta ako sa banda ng mga teacher ng HUMSS department.
"Yes. We, the singles, decided to have a trip here. Relax-relax, gano'n. Games, team building. The governor also offered us to stay here, free na. 'Di ba, tatanggi pa ba?" saad ng guro nila Halsey.
Halos ayaw ko lingunin ang mga teacher ko. Hiyang-hiya talaga ako pero mas nakahihiya kung hindi ko sila papansinin.
"Good afternoon po," bati ko.
"Oh, dear, you're here, nice to see you. Ang sexy naman ng candidate natin," yumakap sa tagiliran ko si Maam Carol.
I awkwardly smiled. Napatingin ako sa pwesto nila Maam Alyza. Nakataas ang kilay niya na nakatitig sa akin, hindi man lang naiilang. Sir A nodded at me and look away.
"Andito lang pala kayo!" I slightly stiffened when I heard a familiar voice. Agad na napatingin sa akin ang kadarating lang na si Sir Sanchez. Agad na tumaas-baba ang titig niya sa katawan ko. And it even remained on my chest. Pasimple kong hinawi ang buhok at itinakip sa aking dibdib. Noon siya tumingin sa akin at ngumisi.
"Andito pala ang ating napakagandang si Miss Therese," bati niya. I nodded just to be polite.
"Mommy Cris, chat me kung saan kayo mamaya or bukas so we can join if pwede. We will swim na ngayon eh, and para makacheck-in na kayo at explore dito," I heard Halsey said.
Nagpaalam na kami sa kanila. Halsey also invited them na sumabay sa amin mamaya para sa dinner. Halos 'di na ako tumingin muli sa pwesto nila habang paalis. Hiyang-hiya ako.
"What a coincidence! Dito rin sila. Dad didn't tell it to me," saad ni Halsey habang naglalakad na kami patungo sa dagat.
"For sure they will drink. Sama tayo," Ysabel giggled.
I shivered when the cold water touched my feet. Inaadjust ko pa ang sarili sa lamig ngunit binasa na ako ng dalawa. Halos hindi kami nagtagal sa paglangoy dahil puro laro ang ginawa namin. Samantalang si Ysmael naman ay nakatanaw lang mula sa malayo.
Nagmamadali na umalis ang dalawa matapos ipatawag ng kanilang magulang. Kasama na dapat ako ngunit nakiusap na papanoorin ko lamang saglit ang sunset. When they left, noon ko narealize na halos wala ng tao. Iilan na lang at malayo ang pagitan sa akin.
Napangiti ako sa katahimikan. Humampas ang malakas na hangin at tinangay ang buhok ko. The loud crashing sound of the wild waves on the shore ironically emphasized the calm moment. Ang ganda panoorin ng paglubog ng araw. The sky looks like someone's canvas. The sun's surrounding was painted with a hint of red, orange, and violet. The touch of soft pink brought an aesthetic vibe on it. Habang pataas ang tingin mo sa kalangitan ay unti-unti ng nagiging madilim ang kulay at ang karagatan ng mga bituin ay lumalatag na.
I slightly shivered because of the coldness brought by the wind. How I wish, life can be this beautiful and simple. Ang gaan-gaan sa pakiramdam na narito ako ngayon.
Ilang saglit pa na pagtitig ay napagpasyahan ko ng tumayo. Saktong pag-ikot ko ay natanaw ko sa malayo ang pamilyar na pigura, malapit sa pwesto kung nasaan ang aking damit. Mas lalo kong naramdaman ang lamig dahil sa kaniyang titig. Yumuko ako at niyakap ang sarili, umaasa na maiibsan nito ang hiyang nararamdaman ko.
Pagdating ko roon ay wala ang aking dress. Malamang ay nadala ito ni Ysmael. Sinulyapan ko ang daan patungo sa building kung saan naroon ang aming kwarto. Maliwanag na banda roon at maraming tao. Nakahihiya isipin na maglalakad ako nang ganito lamang ang suot kahit pa normal lamang iyon. Napalunok ako at napatingin sa aking tabi nang maramdaman na may presensya roon.
"You don't have your towel?" his cold voice ask. Mas lalo yata akong nilamig at kinabahan dahil tila may maliit na tinig ang galit doon.
"Dress lang po sana, kaso nadala nila Ysmael," saad ko.
Tinanaw niya ang daraanan ko bago muling tumingin sa akin. I shivered again. His jaw clenched and shook his head. Nabigla ako nang hinawakan niya ang laylayan ng kaniyang t-shirt at hinubad iyon. Napaatras ako nang tumambad sa akin ang kaniyang katawan.
Napatingala ako sa kaniya nang humakbang siya. My lips parted when I realized what he'll do. Isinuot niya sa akin ang kaniyang t-shirt. I was able to smell his manly scent. I sighed dreamily. Parang bata ako kung alalayan niya sa pagpasok ng aking kamay sa sleeve ng kaniyang shirt. Napatingin ako sa damit nang masuot ko ito nang tuluyan. Umabot sa kalahati ng aking hita ang laylayan ng kaniyang shirt.
"P-paano ka po, Sir A?" tanong ko. Bahagya ng namamaos ang aking boses.
Nakayuko siya habang nakatitig sa akin, ako naman ay nakatingala sa kaniya. I feel so small and fragile, now that his body is almost covering me.
"Don't worry," tanging saad niya, na tila sapat na sagot na iyon sa aking pagtatanong.
Napatango ako at humakbang paatras. Sumulyap ako sa daraanan ko at bumalik sa kaniya ang tingin.
"Babalik na po ako, salamat po rito," saad ko. He nodded and turned his back.
Pinanood ko ang palayo niyang pigura mula sa akin, palapit sa dagat. Umawang ang labi ko nang makita ang bilog na bilog na buwan. Tila nasa harapan lamang niya iyon habang nakaharap siya sa karagatan. I watched his silhoutte gone on my sight as he submerged under the water.
Humakbang na ako paalis ngunit bago tuluyang makalayo ay sumulyap ako muli pabalik. And I will never forget that sight.
Ang dagat ay tila may mga munting kristal sa ibabaw dahil sa liwanag ng buwan na tumatama rito. And from there, Sir A is staring at me, with the beautiful moon on his back.