Warning Pagdating ko sa kwarto ay agad kong isinara ang pinto at sumandal sa likod nito. Mariin akong napapikit at muling naalala ang imahe niya. "Laurese, you're here!" Napamulat ako nang marinig ang tinig ni Halsey. Kalalabas niya lang sa bathroom at halatang bagong ligo. Kumunot ang noo niya nang tinignan ako. "Kaninong... t-shirt 'yan?" she slowly uttered. "Uh.." nakagat ko ang labi at pinamulahan dahil sa biglaang naramdaman na hiya. Yumuko ako at nagsimulang maglakad patungo sa bathroom. Napansin kong sumunod siya. Kinuha ko ang nakahandang pamalit ko sa ibabaw ng kama. "Laurese?" she asked again. Nilingon ko siya at pilit na ginawang normal ang ekspresyon. "Kay Sir A. Nakuha kasi ni Ysmael ang dress ko kaya wala akong magamit na pampatong sa katawan ko. I was shivering and

