Goodbye, Sir! The preliminary examination days came. They were calm and relaxing days for me. Hindi na ako nahirapan masyado dahil nagreview naman ako. Kung ano naman ang itinuro ay iyon ang lumalabas sa exam kaya walang problema. Mahirap kung 'yong lalabas ay wala sa itinuro. But the system of our school is good. Matapos ang examination ay naging abala na ako. Hindi na ako nakapagtrabaho sa opisina ni Sir Harry dahil halos araw-araw ay may practice para sa pageant. Masyado iyon na pinaghahandaan kaya kaming mga candidate ay busy masyado. Kahit nga sila Halsey at Ysabel ay abala na rin dahil may katungkulan sila pareho, kaya sila ang mamumuno sa magiging flow ng program. Pagdating naman sa gabi ay ite-train ako ni Halsey. Ang lakad ko, ang facial expressions, posture at talent portion na

