Live Inihatid ako sa hospital na pinagdalhan sa kaniya. Buong biyahe ay tulala ako habang naninikip ang dibdib. Hindi ako makahinga nang maayos. Hindi ko kakayanin. Hindi totoo ang lahat ng 'to. Maella, huwag ganito. Huwag mo ako iiwan. Sumalubong sa akin si Halsey. Her nose is red and her eyes are puffy. Inilingan ko siya nang magkita kami. Hinila niya ako at tumakbo kami patungo sa kung saan. Hanggang sa tumigil kami sa harap ng kwarto. Binuksan niya ang pinto para sa akin. Mariin akong pumikit. Ang madadatnan ko ay ang nakangiting si Maella. She'll congratulate me with her sign language. We'll celebrate my achievement. Humakbang ako papasok. Isang doctor at dalawang nurse ang naroon. Si Sir Harry at Maam Julianna ay nasa gilid, bakas ang luha sa mata ng ina ni Halsey. They look at

