Intense Sa mga natirang buwan sa pagiging grade 12 student ay hindi ko na siya muling nakita pa. Honestly, I waited for him. I anticipated for his presence. Pumapasok ako lagi at umaasa na papasok siyang muli sa dapat na subject niya. Ngunit bigo ako sa tuwing hindi siya ang papasok sa pinto ng classroom. Hanggang sa natanggap ko na at umasa na lamang na darating ang araw na makita ko pa siya muli. Even a glimpse of him. Hindi mawala sa akin ang paninisi sa sarili. Dahil sa akin kaya gano'n ang nangyari sa kaniya. He lost his job and was terminated. Nabahiran pa ng dumi ang mataas na tingin sa kaniya ng mga guro at iba pang opisyal sa paaralan na 'to. Sir Sanchez was jailed because of the fact that he attempted to r**e and kill me. Hindi niya binawi kailanman ang sinabi na mag kasabwat

