Visitors Nakita ko sa mismong harap ko kung paano gumuho ang mundo ng mag-asawa. Panibagong kabiguan para sa inaasam na pagtagpo sa kanilang anak. Dinaluhan ni Halsey ang kaniyang lumuluha na ina. Sir Harry comforted Maam Julianna. Kumirot ang puso ko sa sakit para sa kanilang kabiguan. "Laurelia.." Azriel whispered and squeezed my hand. Naluluha ko siyang nilingon. Tumulo ang luha ko nang marinig ang pagpalahaw ng iyak ni Maam Julianna. "A-anak ko! Nasaan pala ang anak ko?" Agad na tinuyo ni Azriel ang aking luha. I tried to smile and look away again. I thought I found my true family already. Paunti-unti pa lang akong nag-aadjust at heto na naman. "U-umalis na tayo, please.." I whispered. "Pero kapatid—" Agad ko siyang pinigilan sa sasabihin at inilingan. "That's the least of h

