Again
Days on my life are getting better. I am having the education that I need, Maella and I have a very good house to stay. May maayos na damit, pagkain at environment. She's also getting her medical attention. But my night is not good. Every night, the nightmare of my past keep on bugging me. It is like a recorded video, replaying on my mind. Malinaw na malinaw, at detalyado.
I remember the bad guys who got my money. Ramdam ko ang pagsugat ng nakatutok niyang kutsilyo sa aking leeg. Sunod ay ang nadatnan ko sa aming munting tahanan pag-uwi. The image of my aunt, bathing on her own blood. How my uncle attacked me and stabbed me on my chest. How the old man that I trusted, tried to violate me and almost succeed. And at the end, the pair of red eyes will flash. Ipinapaalala sa akin na wala na dapat ako, kung hindi dahil sa nilalang na iyon.
Then I will be awaken, catching my breath and sweating.
I never had a peaceful night. Laging ganito. Kaya mas gusto ko na lang ng umaga. Mas gusto ko ng marami ang ginagawa. Kaysa sa ganito. And what's hard about this is, tila mas nagiging malinaw ang lahat ng pangyayari. Kaya pakiramdam ko ay naroon ako muli. Ang pakiramdam at emosyon ay buhay na buhay sa akin. Ang hirap na kailangan ko 'yon pagdaanan lagi, tuwing gabi. Kailangan ko ulit maranasan kahit gustong-gusto ko na kalimutan.
I wiped away the beads of sweat on my forehead. Kahit gumagana ang aircon ay pinagpawisan pa rin ako. Tumagilid ako at pinagmasdan ang mahimbing na tulog ni Maella. Umusog ako palapit sa kaniya at niyakap siya.
I feel so alone, Maella. If only I have someone to talk with. Hindi maari si Halsey. Ayokong magpanic siya at mag-alala nang sobra dahil sa akin. Sobra-sobra na ang tulong niya at ng kaniyang pamilya sa akin. Sa bata ko naman na pinsan ay hindi pwede. She's not in a good state. At kahit maayos pa siya ay mas pipiliin ko na wala siyang alam sa mga naranasan ko. Tama na iyon. Sobra-sobra na ang nakita niyang pagpatay sa kaniyang ina. So I have no choice but to keep it on myself and endure it every night.
The morning came so fast. Sa bawat gabi ay mabibilang lamang sa daliri sa isang kamay ang tulog ko dahil na rin sa mga alaala. Inasikaso ko si Maella at ang sarili bago bumaba. Handa na ang pagkain sa mahabang mesa nang dumating kami. Naroon si Halsey na abala sa kaniyang cellphone. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.
"Good morning, Laurese. Good morning, Maella!" she energetically greeted. I smiled back as I let Maella sit on her usual spot.
"Good morning, Halsey," saad ko.
Ilang minuto pa ay dumating na ang Daddy niya. Nagtakha ako nang hindi makita ang Mommy ni Halsey. She also noticed it and asked his Dad.
"She's in her room. Puyat iyon dahil hindi makatulog kagabi. Hayaan na natin, para makabawi siya," sagot ni Sir Harry sa anak.
We ate silently. May iilang tanong ang ama ni Halsey sa amin na sinasagot ko naman. He is really kind to me and Maella. Madalas nga lang siya wala sa buong araw dahil abala sa kaniyang trabaho bilang governor. And I can see kung paano siya bumabawi sa kaniyang mag-ina kapag libre ang kaniyang oras.
Naunang umalis si Sir Harry. Sumunod na si Halsey na sobrang nagmamadali dahil nakalimutan niya na maaga pala siya dapat dahil may presentation sila. Ako naman ay inasikaso muna si Maella at tumulong sa pagligpit bago umalis.
I am really thankful to everyone on this mansion. Lahat ay mababait at naiintindihan ang sitwasyon ko. Ang mayordoma na si Nanay Rosana ang nag-aasikaso kay Maella kapag nasa paaralan ako. Ang kailangan lang naman ay pakainin ito at patulugin dahil nga sa estado nito ngayon. Ngunit nakahihiya pa rin dahil abala ito sa iba niyang gawain. But she is very okay with it. Kaya nga kapag tapos ng klase ko kahit pa walang trabaho sa araw na 'yon, ay wala sa isip ko ang gumala. Dahil ayoko maging abusado sa kanila. I will put my free time on helping and doing some chores in this mansion.
Hinahatid ako papasok, at sinusundo na rin sa pag-uwi. Pilitin ko man na mag commute ay hindi pumapayag sila Halsey at Sir Harry. Mahihirapan din daw ako kung sakali dahil malayo ang masasakyan mula sa labas ng village na kinatitirikan ng mansiyon na 'to.
Kuya Ariel smiled at me as he open the door of the car for me. Tipid akong ngumiti pabalik. As he drive, he asks question and sometimes tell some story. I can sense that people on the mansion are growing fond of me. But I can't stop myself from being stiff.
The car stopped in front of the university. Lumabas agad si kuya Ariel at pinagbuksan ako ng pinto kahit 'di na kailangan. Lumabas ako at nagpaalam na sa kaniya. Napalunok ako nang tapikin niya ako sa balikat. My body almost flinched but I stopped myself.
Ikinalma ko ang sarili at pinanood ang pag-alis ng kotse. As much as I want to be close with them, I can't. Sa kalooban ko ay natatakot ako magtiwala nang sobra. But I really do appreciate them. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila. But I just can't, especially to men. I sighed and entered the school.
My day went normal. Mayroon biglang excitement akong naramdaman nang makita si Sir A sa canteen noong lunch time. Wala kaming klase sa kaniya sa araw na 'to. Bukas pa ulit. I watched him listening on his co-teachers. Madalas ay tango at tipid na ngiti ang sinasagot niya.
Napanguso ako nang mapansin ang kaniyang mga kasama na guro. Halos mga kaedaran lang niya. And obviously, some of them likes him. Hindi ko alam kung aware ba siya roon. But maybe, he knows. But he's so professional. Mukhang wala siyang pakialam sa mga kakaibang kilos sa paligid niya.
I silently gasped when he caught me watching him. Napababa ako ng tingin at tumutok sa pagkain. I felt myself blushing. Ilang beses na ba niya akong nahuhuli? Baka isipin na niya na crush ko siya. But no! I don't have a crush on him. Ni hindi ko alam ang pakiramdam ng pagkakaroon ng crush. At isa pa, may boundary lagi ang pakiramdam ko sa mga lalake. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako sa kaniya pero baka curious lang ako. Lalo na at mukha siyang misteryoso. Mysterious stuff attracts curiousity.
Pasimple akong tumingin sa kaniya muli at naabutan ko siyang nakangiti habang nagke-kwento si Ma'am Alyza. Napanguso ako muli ngunit nawala iyon nang mapansin ko na nakataas ang kilay ni Ysmael sa harap ko habang nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng hiya nang lumingon siya sa likod. He looked at me like he knew what I'm doing. Kumunot ang noo niya at napailing.
Ysmael was silent for the whole day. Nang matapos ang klase ay marahan lang niyang hinawakan ang ulo ko at umalis na. I watched him vanished at my vision. Mukha siyang may problema.
Lumabas na ako ng university at umupo sa may waiting shed sa labas. I will just wait for kuya Ariel. I glanced at my watch. He'll arrive at 5:00.
Pinanood ko ang paglabas ng mga estudyante. Some noticed me and talk to me for a while. Karamihan ay lalake. I don't know why girls don't like me. Mas maraming gusto akong maging kaibigan sa mga lalake. But to girls? It is like I have something that they don't like. O baka nakikita lang nila na hindi ako pasok sa mga trip nila.
I remember how Allison mocked me because of my style. She told me that I'm poor, old-fashion and a kid. Halos isampal niya sa akin ang mga mamahalin niyang gamit. Her branded bag and shoes. Her luxurious bracelet and other jewelries. And some of my girl classmates agreed. Karamihan kasi talaga sa mga estudyante rito ay mayayaman. So it's normal for them to have something branded and luxury. At kakaiba naman ang tulad ko na ang meron lang ay normal na sapatos, bag, relo at panali ng buhok. Ang dahilan lang daw kaya mukha akong nabibilang sa paaralan na 'to ay ang uniform na nirelease ng school.
At lahat ng iyon ay ayos lamang sa akin. Bilang isang estudyante, ang responsibilidad ko lang ay mag-aral nang mabuti. Hindi ko kailangan makapasok sa pamantayan na ginawa nila. So, what if I don't have those kind of things? I respect them, though. Kung gusto nila 'yon kahit 'di makatutulong sa pag-aaral. Afford nila eh. But they can't respect me. At hindi ko na 'yon ipipilit. Ang mahalaga lang sa akin ay mayroon akong oportunidad mag-aral. At pahahalagahan ko 'yon nang sobra.
I glanced at my watch and it's already 6:25 pm. Minsan talaga ay nali-late sa pagsundo sa akin ngunit hindi pa umabot ng ganito. Madalas ay minuto lamang. Napabuntong-hininga ako at pinagmasdan ang paligid. Wala ng tao banda rito. Uwian na ng college kani-kanina pa ngunit sa kabilang banda ang kanilang gate for exit. Napatingin ako sa gate na nilabasan ko kanina at isinara na iyon dahil sa mga oras na 'to, siguradong wala ng mga senior high student sa loob.
Ilan pang minuto ang hinintay ko ngunit wala pa rin. Kaya naisipan ko na maglakad papunta sa sakayan. Magcocommute na lang ako. Di baleng mahaba ang lalakarin ko patungo sa gate ng village dahil ligtas naman papunta roon. Mas delikado pa kung magpapagabi ako rito.
Umihip ang malakas na hangin. Ang mga lamp post sa tabi ay nagbibigay ng liwanag sa madilim na daan. Ngunit ang iba ay sira na. I look back at the university. Palayo na ako nang palayo. May munting takot sa puso ko. Nag-iisip kung tama ba na umalis na ako. This is my first time to commute since I lived on the mansion and studied here. But then I remember my younger self walking the long distance from my old school to our home. Walang takot at pagod ko 'yon na nilalakad.
Huminga ako nang malalim. This is okay. No one will harm me this time.
Malalaki ang hakbang ko habang naglalakad palayo. Ilang metro na lang ay mapupunta na ako sa kalsada at matatapos na sa tila walang katapusan na mga eskinita. May mga bahay ngunit marami ding bakanteng lote. I tried to sing on my mind to distract myself from the cold feeling inside me.
Npakurap ako nang may pumatak sa mukha ko. Tiningala ko ang madilim ng langit. Malapit na kasi mag December kaya mabilis ng dumilim. Ibinuka ko ang palad at sunod-sunod na pumatak ang ulan. I slightly panic when I remembered that I didn't bring my umbrella. Panatag kasi ang loob ko na masusundo ako at hindi ko 'yon kailangan. Nagsimula akong tumakbo habang mahina pa. Ngunit pinaglalaruan yata talaga ako dahil ilang segundo lang ay lumakas na iyon.
I want to continue running. Sa kaisipan na malakas ang ulan at mananatili ako sa tahimik at madilim na lugar na 'to ay nakakapagpakaba sa akin. Ngunit nilabanan ko 'yon. Dapat akong maging matapang. Walang mangyayaring masama sa akin. Napilitan na tuloy akong huminto at sumilong.
Dapat pala umikot na lamang ako sa may east wing, kung saan ang entrance at exit ng mga elementary at kindergarten. May sakayan kasi roon ng mga tricycle, baka sakali na meron sasakyan patungo sa village na uuwian ko. But then, naisip ko rin kasi na baka makasalubong ko ang susundo sa akin. Kawawa naman siya kung maghihintay siya roon habang ako ay nakaalis na. Ngayon, aasa na lamang ako na makasalubong ko ang kotse na minamaneho ni kuya Ariel.
Gumuhit sa kalangitan ang kidlat. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa tenga. Kasunod nga noon ay ang pagdagundong ng malakas na kulog. Bahagya akong nanginig sa halong lamig na gawa ng bahagya kong pagkabasa at dahil sa takot. I hugged myself tight.
Tahimik na tahimik ang paligid. Tanging mga patak ng ulan ang maririnig. Sa kabila noon ay tila nabibingi ako sa ingay ng paligid, at sariling paghinga na lamang ang naririnig.
Napansin ko na may tatlong lalake sa harap na bahay ng pinagsisilungan ko. Katulad ko ay naghihintay yata ito ng pagtila ng ulan. Napaatras ako, umiiwas na makita nila. The rain pour heavier. Ang lamig ng paligid at kalooban ko ay lumala. Lalo na nang makita ako ng isa sa kanila. He talked shortly, and now, the three of them are staring of me.
I am not a judgemental. Noon, bago magsalita o manghusga ay pinag-iisipan ko muna nang mabuti ang sitwasyon nila. Pero matapos ang mga naranasan, naitutulak paalis ng takot ang kakayahan ko mag-isip. Mabilis na akong lukubin ng takot at paghisterya.
Pinilit kong ayusin ang paghinga. Ngunit tila nahulog ang puso ko nang makita na tatawid sila patungo sa sinisilungan ko. Sinuong nila ang malakas na ulan, para lamang makapunta sa pwesto ko. At ano ang dapat kong isipin doon? Maayos ang pagkakasilong nila, ngunit lilipat sila rito? Para saan?
My mind went blank. Ilang hakbang na lang ay malapit na sila sa akin. Wala na akong naisip kung hindi ay tumakbo. Nanlalamig ang loob ng aking dibdib. I gasped for air and wiped away the drops of rain on my face, to see my way. Malalalim ang paghinga, at bahagyang nanginginig, pinilit kong tinatagan ang sarili. Sumulyap ako sa likod at nakita na hinahabol nila ako. Binitawan ko na ang bag upang mas maging komportable sa pagtakbo.
I heard their laugh. They are laughing manically. Ang takot sa kalooban ko ay lumalala dahil sa pagsabay ng kulog at kidlat. It is like I'm on a horror movie, chased by serial killers. I want to cry but I just can't. I tried to shout for help, but it was hushed by the heavy rain. Hindi ko na alam kung saan tatakbo nang makita na dead end na ang mapupuntahan ko kung didiretso pa. Kaya kahit wala ng ideya kung saan mapupunta, lumiko ako sa kung saan-saan.
I press the doorbell of a house I passed by. Balak ko man hintayin at magbaka-sakali na pagbuksan ay hindi ko na nagawa dahil nakita ko na silang paparating. So I continue running. Ang daming tanong sa isip ko, kung bakit tila paborito ako ng tadhana sa ganitong pangyayari ngunit ayoko ng isipin. What important is, I need to find a way to be safe.
Nagpalinga-linga ako at hindi ko na alam kung nasaan na ako. I'm not familiar to the place. Ang alam ko lang ay ang dinaraanan ng kotse kapag papasok at pauwi ako. Ngunit hindi ko na 'yon nasunod dahil sa sobrang takot. Lumiko ako sa isang eskinita na agad kong pinagsisihan dahil isa pang dead end. Natigilan ako nang mapagtanto na wala ng oras para lumabas muli. Pinulot ko ang kahoy na nakita at sumiksik sa sulok.
Noon lang tuluyang rumihestro sa akin ang mga nangyayari. My lips quiver because of the coldness. Basang-basa na ang buong katawan ko. Ilang ulit na malalim na paghinga ang ginawa ko upang ikalma ang sarili. I stared on my tight grip on the solid wood.
Kaya mong protektahan ang sarili mo, Laurelia. You can do this. Malalampasan mo 'to. Lagi mong malalampasan.
I tried to cheer up myself. Because who else will?
Nakita ko ang mga anino nila. Lalo ako nagsumiksik. Halos pigilan ko ang paghinga, natatakot na baka pati iyon ay marinig nila at mahuli nila ako.
"Miss, nasaan ka na?" I heard one of them asked. Sunod ay ang mga nakaloloko nilang tawa. Lalong nanlamig ang kalooban ko.
"Maglalaro lang naman tayo," saad pa ng isa.
I closed my eyes tightly when I heard their footsteps. Then a long silence stretched. Naisip ko ang mga nababasa noon na kaya pala tahimik na dahil bibiglain nila ang kanilang biktima.
Dahan-dahan akong nagmulat at tumayo. I gripped on the wood tighter. I saw a shadow nearing me. Hinanda ko ang sarili para sa gagawing paghampas. Ngunit bago pa iyon humampas sa kaniyang katawan ay nahawakan na niya iyon at napigilan. Tinapon iyon palayo. Then I was caged between a body and an arm. I tried to push it away, ngunit umaatras lang siya at nadadala ako.
Napatingin ako sa gilid at nakita ang tatlong katawan na nakahandusay sa semento. Nanigas ako sa kinatatayuan. Noon ko napagtanto na iba ang nasa harap ko. I slowly look up. I want to see the face of the person in front of me. Ngunit madilim ang kaniyang kinatatayuan. Binitawan niya ako, at agad akong napaatras. Humakbang siya palapit sa akin and in a split second, I saw something red. At wala akong ibang naisip kung hindi ay ang pamilyar na pulang mata.
My lips parted when I remembered something. The memories of that night flashbacked. The mythical creature who resurrected me.
Humakbang ako palapit at nanatili siya sa dilim. Itinaas ko ang kamay at hinaplos ang kamay. Normal na balat lamang ito, ngunit malamig. I traced his features, from his jaw to his cheeks and nose. Pababa iyon sa kaniyang labi ngunit pinigilan niya ang aking kamay. Napalunok ako nang maramdaman ang malamig niyang haplos. Ngunit tila may init na dala sa puso ko.
"Go home," his husky voice uttered.
And for the first time since the tragedy happend, a tear fell from my eyes. Agad ko 'yon pinalis at pinigil ang panibagong luha.
"L-ligtas na ba ako?" nanghihina kong tanong.
"Yes. So go home. I'll watch you," he reassured. And it was the most comforting word that I ever heard.
Tila may sariling buhay ang paa at nagsimula itong lumakad paalis. Tumigil na rin ang ulan kaya nadepina ang lamig na nararamdaman ko. Ilang hakbang pa lang ay sinulyapan ko ang pinagmulan ko. Ngunit wala na siya roon. But I believe on what he said. Babantayan niya ako.
Sinulyapan ko ang tatlong lalake na nakahandusay. Napalunok ako nang malalim. I badly want to hurt them for the fear that they caused. I stood there for seconds, staring at their unconscious body. Napaatras ako nang magsimulang gumalaw ang isa. I'm near on panicking, when a blinding light attacked my vision. Napapikit ako at napaatras. I felt someone hugged me so tight and heard soft sobs. I opened my eyes and saw Halsey. Kasunod niya ay ang mga pulis.
"I'm sorry! It is all my fault!" she cried like a baby. So I reassured her that I'm fine.
Dala ng isang pulis ang bag ko. Mabuti na lamang at hindi nabasa ang loob noon dahil na rin sa leather iyon. It was handed to them by a mysterious guy. Hindi na nila nakilala dahil tumanggi ito at agad na umalis.
May lakad pala si Halsey at si kuya Ariel ang naging driver niya. At dahil sa pagiging abala ay nakalimutan niya magpatawag ng ibang driver kaya walang dumating sa akin. And when she realized it, they immediately went here to look for me. Sakto rin na may mga pulis na nagronda dahil nahagip sa ilang cctv ang pagtakbo ko at paghabol sa akin.
Dinakip nila ang tatlo. Pumunta kami sa police station. Halsey pushed to give them a lesson. Tinawagan niya ang Daddy niya at dumating ito, alalang-alala. Ilang tanong sa akin ay pinauwi na rin ako. Naiwan si Sir Harry at inaalam ang maaaring maging aksyon sa insidente.
Hiyang-hiya ako sa abala na idinulot. And I doubt it, kung may aksyon bang magaganap. Hindi nila ako nagawang saktan. Hinabol lang nila ako. Noon nga na sinaktan ako ng pisikal at sinubukan na pagsamantalahan ay walang nangyari, ngayon pa kaya?
"I feel so guilty. Fault ko 'to," saad ni Halsey.
Niyakap niya ako nang mahigpit. Nasa kotse kami pauwi. Mayroon ng kumot na nakabalot sa akin. Marahan kong hinaplos ang likod niya.
"Wala kang kasalanan, Halsey. Hindi mo 'to ginusto," saad ko. She looked up and stared at me. Umiling-iling siya at napailing, naluluha pa rin.
"Pero cause ako," malungkot niyang bulong. I keep on reassuring her that I'm fine.
Pagdating sa mansion ay agad akong sinalubong ni Nanay Rosana. Naghanda siya sa tub sa kwarto namin ni Maella ng warm bath. And I really appreciate it. Si Halsey na ang sumagot sa iba niyang katanungan dahil dumiretso na ako sa kwarto upang maligo. Lamig na lamig na ang katawan ko.
I removed all of my clothes and dip myself on the bath tub. Agad na nanuot sa katawan ko ang ginhawa ng maligamgam na tubig. Pumikit ako nang mariin at humiga habang nananatiling nakaangat ang mukha.
I shivered when I remembered what just happened. Bakit lapitin ako sa ganitong mga pangyayari? I will not be shocked if one of these days, I'll be killed.
I sighed and opened my eyes. Inipon ko ang mga bula patungo sa aking dibdib. My mind began to wander about that mysterious guy. After almost 2 years, we met again. Walang kasiguraduhan na iisa lamang sila, ngunit nagtitiwala ako sa gut feeling ko. My inside says that it is him. Tila kilala na siya ng sistema ko, at agad na komportable sa kaniya.
Mabuti na lamang naroon siya. Ngunit paano siya napunta roon?
And it is confirmed. He is real. Noon ay naiisip ko na baka imahinasyon ko siya. Kahit pa may mahiwagang nangyari sa akin. Na nabuhay ako kahit pinagsasaksak na ako sa dibdib. And my scars on my chest are the most concrete evidence. Totoo ang mga saksak na iyon. Totoo na mamamatay na dapat ako. Totoo na may misteryosong nilalang at binuhay ako. At ngayon ay iniligtas niya akong muli.
Bakit palagay na palagay ang loob ko sa kaniya? After almost two years since the tragedy happened, a tear fell from my eye just because of his few words. Hindi man iyon tuluyan na pag-iyak, but it is something that is already rare for me. Iniwasan ko na ang pag-iyak, kahit pa noong nawala ang aking tiyahin at sa iba ko pang naranasan. Dahil sa isip ko ay walang puwang ang emosyonal na kahinaan. But then, that mysterious guy pulled the trigger inside me.
Magkikita kaya kami muli? Kailan?
Tumagal ako roon at nakatulog. Nagising na lang ako sa marahan na tapik sa aking mukha. Nanay Rosana's face blocked my vision. Alalang-alala ang kaniyang mukha. I tried to smile.
"Ayos lang po ako," paos kong saad.
"Naku, nakatulog ka na riyan. At may sinat ka na. Sige na at umahon ka na. Nariyan na ang pagkain mo at may gamot ng nakahanda. Huwag mo na alalahanin si Maella dahil pinakain ko na at nilinisan ng katawan. Hinihintay na lang no'n ang init ng katawan mo para makatulog nang tuluyan," litanya niya. Iniabot niya sa akin ang towel.
"Maraming salamat po, Nanay," saad ko.
"Walang anuman. Magpagaling ka ha," saad niya. Nagsabi pa siya ng ilang paalala bago tuluyan na umalis.
I dried myself and wore my clothes. Paglabas ko ay naroon nga ang pagkain. May kasama iyon na soup at gamot. Napangiti ako at nagsimulang kumain. Matapos noon ay nagsipilyo at tumabi na kay Maella. I stared on her and caressed her face.
"Palagi kong pipilitin na maging ligtas, Maella. Hindi pwedeng maiwan ka mag-isa. Iyon na lang ang dahilan ko kaya nagpapatuloy ako," mahina kong bulong at hinagkan siya sa noo.
Tinitigan ko siya muli at nanlaki ang mata ko nang sunod-sunod ang naging pagkurap niya. Maya-maya ay tumitig siya sa akin. I felt my heart warmed. Napangiti ako at niyakap siya nang mahigpit.
"Magiging maayos din ang lahat, Maella. Hinihintay ka lang ni ate," I hugged her tighter.
Agad siyang nakatulog dahil sa yakap ko. Ilang beses na ito sinasabi ni Nanay Rosana na hirap patulugin si Maella kaya naiiwan itong nakaupo at tulala. Tila hinahanap daw nito lagi ang init ko at sa akin lang makatutulog.
Pagkagising ko ay mabigat ang pakiramdam ko, pero kaya ko naman kaya nag-asikaso na ako para sa pagpasok. Inasikaso ko na rin si Maella. Halsey told me not to attend class today. But I insist since I'm still capable. Nag-aalala rin siya na baka natrauma daw ako. Pwede naman ako magpahinga. But I know, I'm perfectly fine.
"Here. Mommy said to tita Larry to buy you a phone. Isa rin sa cause daw kagabi ay no communication eh," saad ni Halsey at inabot sa akin ang box ng latest model ng phone. My eyes widen a bit when I saw the apple as its logo.
"Halsey, sobra na 'to. May ipon na ako at malapit na ako makabili ng android—"
"No, accept it. Mommy will be sad if you'll not accept it," saad niya.
Tulala kong tinitigan ang box. Napatingin ako kay Halsey at kita sa mukha niya na hindi siya papayag na hindi ko ito tanggapin.
"Mommy and tita Larry are exclusively shopping now. Pinabukas nila ang mall at agad na binili 'yan tapos pinadala sa driver here to give agad sayo," dagdag pa niya. Napalunok ako at napatango.
"Wala pa ang Mommy mo?" I asked. She nodded and smiled. I mentally noted to thank her when I see her.
Isa man lang ang tinitirahan namin ngunit minsan ko lang siya makita. Mailap ito sa ibang tao. Masyadong mahiyain at introverted, ayon kay Halsey.
Wala akong nagawa. Buong biyahe ay nakatitig ako sa box. I opened it and touch the phone. Alam ko ang halaga nito at tila wala lamang iyon kila Halsey. Alam kong napakayaman nila, pero sobra-sobra na 'to. But I can't do anything but to accept it. Lalo ko na lang sisipagan sa pag-aaral, pagtatrabaho at paggawa ng chores sa bahay. Someday, I will make it up to them. Hindi lang dahil sa utang na loob. Sobrang kabaitan na ang ipinapakita sa akin ng pamilya na ito. Sa amin ni Maella.
Inasikaso ni Ysmael ang phone ko. Alam na alam niya ang mga gagawin lalo na at gano'n din ang phone niya.
No one knows what happened last night. Pinanatiling private ni Sir Harry ang nangyari pati na rin ang aksyon na ginawa. Wala pa akong balita. Pero wala na talaga sa isip ko 'yon dahil pakiramdam ko ay hindi ako papanigan lagi ng hustisya. I don't know but I'm getting used to the cruelty on my surroundings.
Sir A entered the class. I don't want to assume but it's like he's looking for me. Nang makita ako ay kumunot ang noo niya at seryosong tumitig sa akin. The class went on and I tried hard to listen carefully. Kung hindi sa pag-iisip tungkol sa misteryosong lalake ay kay Sir A naman ako napapatitig. He looks passionate on teaching. Maayos na maayos ang pagpapaliwanag niya. Halatang alam na alam niya ito. He is so smart. And it is so nice to stare at him. It is like, something is pulling you. Malinis na malinis ang hitsura niya kaya lalong nadepina ang kaniyang kagwapuhan.
Hindi ko namalayan na tapos na ang oras niya. I sighed and fixed my things.
"Okay na. Inilagay ko na rin ang number ko sa phone mo. Good to know that you have that now. Atleast the communication with you is easier," Ysmael smiled.
"Thank you so much, Ysmael," sagot ko.
Palabas na kami ng classroom. Sir A is busy fixing his things but he stopped when I passed in front of me.
"Miss Laurelia," he called me. Natigilan ako pati na rin si Ysmael na nasa may pinto na.
"S-sir?" nabibigla kong saad. I am embarrased because I stuttered!
"How are you? Are you okay, now?" seryoso niyang tanong.
Kumunot ang noo ko.
"What do you mean, Sir?" naguguluhan kong tanong.
Tumikhim siya at mariin na naglapat ang mga labi. Then he shooked his head and carried his things.
"Nevermind," he said and left.
And I was left dumbfounded. What's that for?