Picture
After that day, it feels like I have something to look forward. Hindi ko rin maintindihan ang sarili. Marami na akong nakitang gwapong lalake, lalo na sa paaralan na 'to. Karamihan ay anak ng mga mayayaman. But it feels like I was drawn to him. Maybe I was amazed by his out of this world beauty.
We will meet him thrice a week. May isang araw pagitan sa bawat meetings na 'yon. But not bad. The first time was just a short introduction. Hindi niya na kami pinakilala isa-isa dahil wala ng oras. They had urgent faculty meeting. So, my amazed self was upset.
"Bago ang teacher na 'yon dito!" I heard one of the girls whisper then giggled after.
"Grabe, sobrang gwapo niya. I mean there's a lot of gwapo na teacher here, but his face? Do you think he's open about, you know..." hindi ko na narinig ang kasunod.
Napabuntong-hininga ako nang malalim. Obviously, it is not only me. Tila nabuhayan ang lahat ng babae sa klase na 'to. And they are all looking forward to meet him again. Nakahihiya man at nakapagtatakha, ako rin. I don't want to admit it fully because I feel stupid with this feeling. Ayoko na ganito, na biglang interesado ako sa isang tao dahil lang sa sobrang gwapo niya. I am more than this!
Paano kung masama pala ugali? Right! That's right. So Laurelia Therese, calm yourself.
Ipinasok ko 'yon sa isip sa buong panahon na hindi ko pa siya nakikita bago siya muli magklase sa amin. Ngunit ng pangalawang araw namin siyang mameet, I was really disappointed with myself. Habang tuwid na nakaupo, nakasandal ang likod sa upuan, ay titig na titig ako sa kaniya.
Why did I call his beauty as out of this world? His hair is kind of brownish. When someone has a brown hair, you expect them to have a softer feature. But not on him. His golden eyes are cold. Kapag nakatingin siya sayo ay tila wala siyang iniisip o emosyon. Basta't nakatingin lang. It is defined by his thick brows and lashes. Matangos ang kaniyang ilong. Ang labi naman niyang napakapula ay laging nakatikom. His face structure is so perfect. He's indeed a masterpiece. Ibang-iba at pakiramdam ko ay siya lang ang may ganito kagandang hitsura sa buong mundo. It is not just his face. There is something about his aura that I can't explain.
I sighed and shook my head. Is he even real? Ang kulay ng mata niya ay bukod-tangi sa lahat. Kaya sinong hindi mapapatitig sa kaniya? O baka naman contact lense lamang iyon. Pero posible na may iba lamang siyang lahi. Kung ganoon ay napakalakas ng dugong iyon.
"Pst! Ikaw na," marahan akong siniko ng aking katabi. Napakurap-kurap ako at natauhan. I felt myself blush when I saw my classmates staring at me.
"A-ano 'yon?" mahinang tanong ko.
"Ipakilala mo sarili mo," mariin na bulong ng Ysmael. Lalo akong nakaramdam ng hiya. I saw Sir A glance at his watch. Kumunot ang noo niya bago ako tinignan. He looks bored as his eyes landed on me.
Hiyang-hiya akong tumayo.
"I'm—"
"Here in front," seryosong saad niya. Agad-agad akong tumango at lumakad patungo sa harap.
I want to slap myself. Because of daydreaming, I'm facing this kind of embarrassment.
"Good morning everyone, I'm Laurelia Therese Bernardino. 17 years old, uhh—" I stuttered when I don't know what to say anymore.
I saw Ysmael whispering something. Napatango-tango ako nang makuha ang ibig niyang sabihin.
"And I—"
"That will happen when you are not listening. Sit down," malamig niyang turan.
Hiyang-hiya akong bumalik sa upuan. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang magpalamon sa lupa. I'm so upset with myself. This is the first time I experienced this. Mula noon, lagi akong nakikinig. I'm always attentive that's why I am always able to follow the teacher's instruction. Last sem na ng grade 12, ngayon pa ako nagkaganito?
"Anong nangyayari sayo?" natatawang tanong ni Ysmael na katabi ko. I just shook my head and sat. Napabuntong-hininga ako.
Pinilit ko na magconcentrate. But I can't stop my unnecessary stares. Parang awtomatikong pinagmamasdan ng mata ko ang bawat kilos niya. It's just the second time that I meet him, ngunit alam ko na ang mannerisms niya.
He often pinch the bridge of his nose. Kapag mag-iisip din siya o tulala, he would unconsciously lick his lips. Ngayon na may pinapagawa siya sa amin at nakaupo siya, his hand is tapping on the top of table, in a pleasant beat and rhythm.
I sighed once again and shook my head. What is really happening on me?
Napatuwid ako ng upo nang madaanan ako ng tingin niya habang tulala ako sa kaniya. Napayuko ako at naramdaman ang pag-init ng pisngi. This is too much! Pasimple akong sumulyap sa kaniya at nakita na tumingin siya sa kaniyang relo.
"You have 30 minutes for a break. And after that, you'll be back and we are going to check your activity," saad niya. Lumibot muli ang tingin niya at nang tumigil sa akin ay labis akong kinabahan,"Miss, collect their papers."
Napaturo ako sa sarili. Tumaas ang kilay niya at tumango. I heard Ysmael chuckled. Napayuko ako sa pagkakapahiya muli at ginawa na ang iniutos niya. Lumapit sa akin ang mga kaklase at inabot ang kanilang mga papel. Ngunit habang inaayos iyon ay abala ang utak ko sa pag-iisip kung ano ang susunod na gagawin.
"Nandito na lahat?" I asked.
"Wait lang, ito pa!" habol ng isang kaklase ko.
Nang masigurado na wala na ay naglakad ako palapit sa table ni Sir A. Mahina akong napatikhim. Patungo na ako sa gilid niya nang malakas akong nabangga ng kaklase ko. I fell on the ground with my face on the cemented floor. I heard gasped and 'aww'. Halong sakit ng mukha, dibdib at pagkakapahiya ang naramdaman ko. Nagkalat din ang mga papel na hawak ko. Iniisip ko tuloy kung tatayo pa ba ako rito?
Magkakasunod na sipol ang narinig ko. Lalo akong napahiya nang maramdaman ang lamig sa aking hita. Bahagya kong inangat ang sarili at nasulyapan ang likod ko. The hem of my skirt is already on my back, exposing my black short shorts. Pandoble lang talaga ito. Hiyang-hiya akong inayos iyon at pinilit ang sarili na tumayo.
"That was a really nice ass," I heard a guy's voice whispered.
"Matagal ko na sinasabi sa inyo, she's a bomb. Just conservative kaya hindi halata."
Something inside of me chilled. Nag-init ang aking mata. Bigla ay nagpanic ang kalooban ko nang may dumaan na alaala sa aking isipan.
"Come here," seryosong saad ng isang boses. I looked up and Sir A's face welcomed my vision.
Kunot ang kaniyang noo. His jaw clenched as he help me to stand. Ang mga kaklase ko na nakaupo sa harap ay nagtulungan na sa pagpulot ng mga papel na nabitawan ko. Hiyang-hiya akong yumuko at pinagpag ang tuhod. Ysmal walked towards me. Marahan niyang tinanggal ang alikabok sa aking pisngi.
"Monumento, Albis, what did you say?" biglang saad ni Sir A matapos akong tulungan. Humakbang siya papunta sa gitna ng classroom, palapit sa mga lalake sa likod.
His presence is well-defined. Angat ang tangkad niya sa lahat pati na rin ang kaniyang tayo. His presence demands authority. There is regality on it.
"Ano 'yon..." I whispered.
"Sila 'yung nagsalita kanina tungkol sayo. Ako sana reresbak, kaso hindi ko alam kung sino nagsalita. Buti alam agad ni Sir A kung sino," kunot ang noo na saad ni Ysmael habang tinutulungan ako na mag-ayos ng sarili.
"Kapag may nakita kayong gano'n, you're not required, obliged, and you have no right to talk about it. Huwag kayong bastos. Hindi porke't nakita niyo 'yon ay kailangan niyo magsalita nang gano'n," malamig na saad ni Sir A.
"Hindi naman kam—"
"And never lie to me. I know what I heard and saw. Huwag na huwag kayong mambabastos ng kahit sino. Know when to have a respect," he said and turned his back. Lumakad siya palapit at kinuha ang isang folder sa table. Akma siyang aalis kaya agad akong lumapit.
"Sir, thank you." I said. He only nodded and left.
Sinulyapan ko si Ysmael na ngayon ay nakikipagsukatan ng tingin sa mga kaklase kong lalake sa dulo. I sighed and held his arms. Hinila ko siya palabas ng classroom.
"Ang lampa mo naman," saad niya.
"Huwag mo na papatulan ang mga 'yon, ha?" saad ko.
"Mga bastos kasi. Malapit na ang mga 'yon sa akin. Kung hindi sila nanonood ng p**n, pinag-uusapan naman nila ang mga katawan ng babae. Tsk, lalo na ikaw," iritable niyang saad.
"Ano bang gustong-gusto nila sa mga gano'ng gawain.." bulong ko.
"Mga manyak kasi," inis na saad niya. I smiled at him. Natahimik siya at kumunot ang noo.
"H'wag ka na mastress. Kumain na tayo. At baka maabutan pa natin si Halsey," saad ko.
Nagmadali kami papunta sa canteen. Pinagbuksan ako ng pinto ni Ysmael. It is a closed area. May iilang nagkalat na aircon kaya hindi rito mainit kahit pa dumugin ng estudyante. Sa ngayon ay iilan pa lamang dahil hindi pa naman talaga lunch time. Depende lang kung ang iba ay binigyan din ng break ng kanilang teacher.
"Laurese!" narinig kong may tumawag sa akin. Luminga ako at nakita si Halsey na nakaupo sa gilid. Sa harap niya ay laptop. May mga kasama siyang kaklase niya.
Naglakad kami palapit ni Ysmael. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang bahagyang umusog palayo sa mga kagrupo niya.
"Wala pa kayong klase?" tanong ko. Hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya.
"Wala pa. 15 minutes pa kaya we're doing the powerpoint fastly na. You're with Ysmael pala. Hi, Ysmael! Where is your sister ba? She's so tagal talaga, kainis!" sunod-sunod niyang saad. Kinunotan ako ng noo ni Ysmael. Napangiti ako.
"Alien talaga 'tong bestfriend mo," bulong ni Ysmael.
"What did you sabi?" mataray na tanong ni Halsey. Ysmael made a face.
"Halsey, I'm late. I'm sorry!" hinihingal pa na saad ng kadarating lang na kapatid ni Ysmael.
"Wala ng new, Ysabel," umirap si Halsey. Ysabel pouted and fixed her glass. Kumaway siya sa akin at nakipagfist-bump sa kapatid.
"Kakain na kami," saad ni Ysmael at hinila ako palayo.
"Ingatan mo bestfriend ko Ysmael!" Halsey said. Itinaas lang ni Ysmael ang kamay at nagpatuloy sa paglalakad. Kinawayan ko sila at nagpatianod na lang sa kasama.
"Ano gusto mo?" tanong ni Ysmael habang tumitingin kami sa mga pagkain.
"Ako magbabayad ng akin, ha. Ito ang bayad ko, ito sa akin," saad ko saka itinuro ang pasta.
"Tsk," I heard him and accepted my money. Napangiti ako at pinagmasdan siya.
Si Halsey ang dahilan kung bakit naging kaibigan ko si Ysmael. Matagal na kasi silang magkaibigan tatlo, kasama si Ysabel. And when Halsey learned that we are classmates, pinatignan-tignan na niya ako kay Ysmael kahit hindi naman kailangan. But still, I'm thankful because I gained friends. Mahirap para sa akin dahil malayo ang estado ko sa karamihan sa estudyante dito. And almost all of them choose friends based on status. At masaya ako dahil nagkaroon ako ng totoong kaibigan.
Matapos kumain ay naglakad na kami pabalik sa room. Nadaanan namin ang boundary ng college at senior high. My eyes widened when I saw a familiar face. It is Zeus, a college student na lagi akong kinakausap. And he's climbing the boundary! Nagsalubong ang tingin namin. His face lit up.
"Therese!" he shouted. Kinindatan niya ako at ngumisi. Patalon na siya nang may humila sa kaniya pababa.
"Bilisan na natin!" Inis na saad ni Ysmael.
"Therese!" napalingon muli ako nang makita si Zeus na nakakapit sa gate na bakal. Sa likod niya ay isang prof na napapailing-iling.
"Sa labas ang panliligaw Alarte!" saad nito at piningot si Zeus.
"Uy, si Therese!" sigaw ng isa pang college student sa loob.
"Nakung mga college na 'to! Senior high pa ang gusto. Miss Therese, kilang-kilala ka na dito sa college department. H'wag ka na muna dumaan ulit dito kasi parang mga lion na gustong kumawala sa kulungan mga college student na lalake pag nakikita ka!"
I nodded shyly and let Ysmael pull me. Kunot ang noo nito at tahimik habang naglalakad kami pabalik.
"Aware ka naman ba sa karisma mo sa mga estudyante dito?" saad ni Ysmael. Ngumuso ako, hindi alam ang sasabihin.
"Hindi ko maintindihan kung bakit interesado sila sa akin. I heard some of them talking about my body kaya I always cover it well—"
"Huwag mong isipin na kasalanan mo kapag mabastos ka. Nasa isip ng mambabastos ang mali. At hindi lang iyon ang dahilan bakit ka nila gusto," saad niya. I sighed. Ang dapat na hanggang taas ng tuhod na standard na haba ng palda ay ginawa kong hanggang tuhod. Sinadya ko rin na hindi masyadong fitted ang pantaas.
"Ano pa?" tanong ko.
He just stared at me like he can't believe what I just said. Umiling-iling siya at pumasok na sa classroom. Sumunod ako at umupo sa tabi niya. Noon ko napagtanto na kasunod lamang pala namin si Sir A. Inilibot niya ang tingin sa classroom bago muling nagsimula.
Sa mga sumunod na meetings pa ay mas naging maingat na ako. Pinipilit ko rin ang sarili na magfocus at wag tumitig kay Sir A. Nasisira ang konsentrasyon ko dahil sa presensiya niya. Kailan pa ba ako masasanay?
Some of my classmates shamelessly showed their interest to our teacher. Lalo na si Allison, ang pinakamatanda sa amin. She's already 20 years old. Kahit ang pananamit at kilos niya. Ngunit propesyunal naman si Sir A at walang pakialam sa mga ginagawa niyang pagpapapansin. I don't know why my inside celebrates whenever she's ignored.
Vacant ang unang subject kaya napagpasyahan ko na maglakad-lakad. Everyone loves this school. Hindi lang dahil sa maayos ang sistema, dahil na rin sa paligid nito. Trees are everywhere, giving us fresh air to breath. Hindi ka rin papawisan kahit naglalakad ka sa ilalim ng matarik na araw, dahil nariyan ang mga puno. Some people don't know the importance of the tree, ngunit sa paaralan na 'to ay nadepina iyon.
Akma akong uupo sa isang bleacher ngunit may humila sa akin at tumakbo. Nanlamig ang kalooban ko nang may memoryang nanaig sa isip ko. Pinilit ko na agawin ang braso mula sa kaniyang pagkakahawak ngunit nagtagumpay siya na dalhin ako sa likod ng isang building.
"P-pakawalan mo ako," nanginginig ang tinig na saad ko.
"Hey, relax. This is me," anang isang pamilyar na tinig. Nag-angat ako ng tingin at napagtanto na si Zeus iyon.
His familiar smirk plastered on his face. Bahagya akong nakahinga nang maluwag at lumayo sa kaniya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" pinilit kong maging mahinahon.
"Sorry. Did I scare you?"
Bumuntong hininga ako at muling umatras. Napatingin siya sa paghakbang ng paa ko. Nanatili siya sa kaniyang pwesto at hinayaan ako na bahagyang lumayo.
"Bakit ka narito sa senior high area? Alam mong bawal kayo rito kapag wala naman mahalagang gagawin,."
"Ayon na nga! Mahalaga ang gagawin ko, I want to see you, Therese," he slightly smirk and stared at my face.
Zeus has the typical bad boy image. Madalas mukha siyang maangas dahil sa hilig niya sa pag ngisi. May itim na cross na hikaw sa kaniyang kaliwang tenga. Mahaba ang buhok sa dapat na haba, maraming hibla na tumatakip sa kaniyang noo. Makapal ang kilay at mapanga. All in all, he is good-looking.
"Yari ka kapag may nakakita sayo," saad ko at lumingon sa paligid. "Hindi rin ako komportable na dinala mo ako sa lugar na 'to," I honestly said. Tila napaatras siya sa huli kong sinabi.
"Oh, I'm sorry. Bawal kasi ang pagpunta ko kaya gusto kong magtago at makita ka at the same time. I didn't mean to make you feel uncomfortable," saad niya.
Mahilig siya lumabag sa mga rules at regulation. Madalas niya rin ako biglain. Pero ramdam ko ang respeto niya sa akin.
"Kailangan ko na rin umalis kasi malapit na matapos ang vacant ko," saad ko.
"Therese, I'm really sorry. Hindi ko na uulitin. Pero gusto ko pa rin makita ka at makasama. Lumabas tayo minsan. Ang hirap mo na kasi hagilapin kapag tapos na ang klase mo. Hatid-sundo ka," aniya at napakamot.
"Zeus, wala akong oras para lumabas-labas. May trabaho kasi ako pagkatapos, at inaalagaan ko ang pinsan ko," saad ko. Napatango-tango siya.
"So, kailangan ko muna talaga makontento sa ganito? Patingin-tingin sayo?" malumanay niyang saad. Hindi ako sumagot at tumahimik lamang. Hindi ko maintindihan bakit ako ang pinagkakainteresan niya. "Aware ka naman 'di ba na gusto kita? Gustong-gusto kita, Therese. And I'm just waiting for you to turn 18 before I can go all the way. Itotodo ko 'to kapag tamang edad ka na," saad niya. Napatingin ako sa kaniya.
"Kahit tumuntong ako sa gano'ng edad ay wala pa rin sa isip ko ang gusto mo, Zeus. Masyado pang maaga para sa gano'n," saad ko. Nakagat niya ang labi at napailing. Marahan niyang hinawakan ang aking braso at bahagya akong hinila palapit sa kaniya.
"I'm willing to wait. I swear, I'll wait for you. Just let me—"
"Anong ginagawa ng isang college student sa area na 'to?"
Halos mapatalon ako nang may ibang tinig na narinig. Napalingon ako sa pinagmulan at natagpuan ang seryoso na si Sir A. Bumaba ang tingin niya sa paghawak sa akin ni Zeus at tumaas ang kaniyang kilay. Nagkrus ang kaniyang mga braso at suplado kaming tinignan.
"Oh, I see. Patagong pagtatagpo ng magkasintahan. Sa isang tagong lugar? What will happen next, make out here—"
"S-sir hindi po!" saad ko. Ngayon ay wala ng emosyon ang kaniyang mukha.
"Papaabutin ko ba 'to sa Prefect of Discipline?"
"Hindi kami magtatagpo sa lugar na 'to. Therese is innocent. Hinila ko siya papunta rito—"
"Harassment?" kumunot ang noo ni Sir A. Nanlaki ang mata ko't napailing.
"Let's go now, Miss Laurelia. And you, go back to your campus, bago pa ito makaabot sa kinauukulan," saad niya at tumalikod para maglakad paalis. My feet automatically followed him, like he is the master.
Tinawag ako ni Zeus. Nilingon ko siya at bahagyang nginitian. He sighed and smiled genuinely before waving. Sinagot ko iyon ng kaway. Pagbalik ko ng tingin sa harap ay nakatingin si Sir A habang kunot ang noo. Nanlaki ang mata ko at napayuko. Umiling siya bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Is that your boyfriend, Laurelia?" he asked out of nowhere. Ikinabigla ko iyon ngunit pinilit na ikinalma ang sarili.
"H-hindi po," sagot ko.
"Your suitor, then?" tanong niya muli.
Hindi ko naman magawang sagutin dahil kahit nilinaw iyon ni Zeus, hindi ko pa rin iyon matanggap. Wala pa talaga sa isip ko 'yon. Mas gugustuhin ko pa magkaroon ng kaibigan, kaysa kasintahan.
"Don't let any man just bring you anywhere. Hindi mo alam ang takbo ng isip nila. Especially you are weak physically," saad niya muli at naunang pumasok sa classroom.
Saglit akong natigilan at pinagmasdan siya mula sa malayo. Hindi ko akalain na makakausap ko siya nang personal. Kahit tungkol sa school stuffs ay hindi ko pa siya nakausap nang kami lang. And now, he talked to me. Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Mukhang kinabahan ako sa presensya niya. My heart is beating so fast.
Pinagawa niya kami ng essay matapos ang lesson. He also required us to use uncommon words, deeper vocabulary. Some of my classmates protested when they heard the minimum word limit. It is one thousand. It is okay for me since I'm used to it. Minsan ay higit pa ang minimum limit. Kapag nasa HUMSS strand ka, isa talaga ito sa madalas gawin. Essays. Kaya dapat palawakin lagi ang isip. At mukhang hindi pa rin sanay ang mga kaklase ko. Binigyan niya kami ng isang oras. Almost all of them are frustrated. And when the time is up, groans of protest filled the classroom.
But Sir A just seriously stared at us.
"Pass your essays. I won't accept the late papers," he said with finality.
"Ang gwapo-gwapo niya pero ang sungit!" narinig kong bulong ng isa.
Napatitig ako kay Sir A na pinagmamasdan kami. Sa tingin ko ay hindi siya masungit. He's strict and he stick on his words. It is something that I really like. Nangalumbaba ako at pinagmasdan siya.
"Tapos ka na, Therese?" I heard Ysmael asked. I nodded and continue my business.
Nakakunot na ang noo ni Sir A dahil sa ingay ng klase. His jaw clenched and he pinched the bridge of his nose. And I realized it. Kapag naiinis na siya ay ginagawa niya iyon sa kaniyang ilong. And it looks cute.
Napakurap-kurap ako nang maabutan ako ni Sir A na nakatitig sa kaniya. Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha at lumingon na sa iba.
"Hoy!" iritableng saad ni Ysmael. He stared at me then to Sir A. Kumunot ang noo niya. "Lagi kang nakatitig sa kaniya," dagdag niya. I was taken a back and look at him.
"H-hindi naman," sagot ko. Pinanliitan niya ako ng mata bago napailing. Tumayo siya at isinabay ang pagpasa ng papel ko. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na hindi ko pa pala iyon napapasa. Muntik ng hindi matanggap!
"You can have your early lunch. Class dismissed," saad niya.
Nagsitayuan na kami at nauna ng lumabas sa classroom ang iba.
"Anong kakainin mo?" tanong ni Ysmael. Isinabit ko sa balikat ang strap ng bag at nagsimula kaming maglakad.
"Hmm, hindi ko pa alam pero—"
"Miss Laurelia, help me with these papers. Come with me," saad ni Sir A. My eyes widen a bit.
"Sir, sama ako at tutulong!" saad ni Ysmael. Sir A stared at him.
"No, you can go and have your lunch. Miss Laurelia can do it alone," sagot niya at naunang umalis.
Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya. Why did he decline Ysmael's offer of help? Nagkatitigan kami ni Ysmael. Kunot ang noo niya kapagkuwan ay marahan siyang tumango habang seryoso ang mukha. I waved a bit and ran after Sir A.
Nang malapit na ako sa kaniya tumigil na ako at marahan na naglakad. Lumiko siya patungo sa faculty room. He opened the door and waited for me to come in. I greeted the teachers. Halos karamihan sa kanila ay kilala na ako. Sumunod ako kay Sir A na naglakad hanggang sa dulo. Naroon ang cubicle niya.
Malaki ang desk niya at organized ang mga gamit. Mayroon ding laptop roon na nakatupi. Halos karamihan ng desk ng teacher ay may mga sticky notes kung nasaan ang mahahalagang notes, samantalang kay Sir A ay wala. Ang tanging naroon ay ang magkakapatong na libro at papel. May lagayan ng ballpen at mga markers.
Inilapag niya ang gamit doon. Kumuha siya ng isa pang upuan at itinabi sa kaniyang upuan. He look at me and pointed the chair. I immediately sit.
"Count the number of words on their essays.
If it reached 800, put it in here," he tapped the space beside his laptop. "If it is not, itabi mo lang. It will be checked later," dagdag niya.
Tumango ako at kumuha na ng isa para magsimula. Binuksan niya ang laptop at nagtipa roon. I focused on my task and started to count. Binibigay ko sa kaniya ang iilan na umabot sa 800 ang salita.
Sa unang sampu na binilangan ko ay dalawa lang ang umabot sa 800. I saw his brow arched up and shook his head. Kinuha niya ang isa roon at sinumulan na basahin. Kumuha siya ng ballpen at nagsimula magbilog at gumuhit sa papel na kaniyang ichinecheck. He also corrected the grammar.
Nakagat ko ang labi nang bahagya kong sinilip ang pagsusulat niya. He has a nice penmanship. Malinis na malinis ito at detalyado ang bawat guhit ng mga letra. Natigil siya sa pagsusulat ngunit nanatiling nakatitig doon. I coughed a bit and went back to my work.
Sa gitna ng ginagawa ay tumayo siya at umalis. Noon lang ako nakahinga nang napakaluwag. I'm a bit tensed because of his presence. Kinuha ko 'yon na pagkakataon para tignan ang ginawa niya. At namangha ako nang makita na matiyaga niya talagang inayos ang mga grammatical error. Inilagay niya kung paano ang tama. And personally, gusto ko ng ganito. 'Yung matatama ang mga pagkakamali ko para alam ko na sa susunod.
Napatingin ako sa sunod kong bibilangin. Napalunok ako nang makita na akin na pala iyon. I don't need to count it because I really made sure that it reached the minimum. Sumobra pa nga nang kaunti.
Napalinga ako at nang makita na wala pa siya ay inilagay ko sa ilalim ng mga ichecheck niya ang akin. Right after that, he came back. Napatuwid ako ng upo at nagfocus muli. Ngunit hindi ko 'yon magawa nang makita na galing sa ilalim ang hinugot niya. I bit my lips when I saw that it is mine. Bahagya akong nakaramdam ng hiya.
Iniwasan kong mapatingin sa pagcheck niya. So far, sa 30 kong nabilangan ay 14 ang umabot sa 800 pataas. At iilan na lang ang natitira.
"I thought that your section is the star section. What is this?" tanong niya.
"P-po?"
"Sayo pa lang ang umabot sa minimum word limit. I thought when it is called star section, the students there are determined to finish their task. Competitive and responsible. Hindi kailangan ng matalinong-matalino roon. Kailangan ng masipag. But it seems like, karamihan ay matalino pero tamad," napailing-iling siya.
Natahimik ako, hindi alam ang sasabihin. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang napansin na umabot na sa 800 ang nabilang ko ngunit marami pang naiwan na salita ang bibilangin. It will reach 1000. Tinignan ko ang pangalan at nakitang kay Ysmael iyon. Napangiti ako.
"Ito pa po, Sir," maligayang saad ko. Napatingin siya sa akin bago sa papel. Kumunot ang noo niya nang madako sa pangalan ang kaniyang tingin. He nodded and started to check it.
Inabot niya sa akin ang papel ko at ipinakita. Napangiti ako nang makita na may iilan na correction. Inintindi ko iyon at napatango-tango.
"Thank you, Sir."
"Observe your grammar. I think na o-oversee mo ang ilan. Tama sa mga nauna ngunit sa bandang baba ay may mali. Consistency," he uttered. I nodded and smiled.
Nagsimula akong magbilang muli. Nasa kalagitnaan na ako nang may marinig na boses.
"Sir A!"
Napatingin ako sa tumawag kay Sir. It is his co-teacher, Ma'm Alyza. She is smiling widely as she walk towards Sir A.
"Lunch na tayo," saad nito. I watch Sir A smiled a bit and shook his head. It is my first time to see him smile.
"I'm still doing something. At magpapahatid ako. Kayo na muna," saad ni Sir. Ma'am Alyza didn't hide her disappointment. She pouted and tapped Sir A's shoulder. Napakunot ang noo ko at tumingin sa papel na binibilang ko.
Ilan na nga ba iyon? Tsk. I need to start counting again!
"How sad. Next time ha," saad nito. Sir A nodded and smiled a bit again. Nakagat ko ang labi at napanguso.
Marami ng nag-alisan na teacher. Kunot ang noo ko habang nagbibilang. Pinipilit na magconcentrate. Naaalala ko kasi 'yung pag ngiti niya. Kunsabagay, katrabaho niya iyon.
"Are you hungry?" he asked.
Napatingin ako sa kaniya. Kumunot ang noo niya nang makita ang expression ko. I calmed myself and smile. Tumaas ang kilay niya and he seems amused now.
"Mukhang gutom ka na nga. Wait, ichecheck ko 'yung inorder ko kanina," saad niya at muling umalis.
I sighed. Nangalumbaba ako at ikinalma ang sarili. I stared on his books. More on academic book ang narito. Halos makakapal. Kinuha ko ang pinakamakapal. I am amazed on its heaviness and thickness. Napakasipag siguro ni Sir A magbasa at mag-aral. For sure, with these books, he knows a lot. Napangiti ako nang maalala ang paraan niya ng pag-explain sa room kapag may discussion. He's intelligent, very smart.
Binuklat ko ang libro at inamoy ito. I really love the smell of books. Ibabalik ko na sana nang may mahulog. Pinulot ko 'yon at napatitig. My lips parted when I saw Sir A, smiling. Hindi bahagyang ngiti, kung hindi, ngiting-ngiti. A genuine smile.
Gano'n na gano'n pa rin ang hitsura niya. Pero sa kalidad ng picture ay mukhang ilang taon na ito no'ng kinuha. Halata rin na mas bata pa siya rito dahil mas payat siya rito, kumpara ngayon. He's lean and muscular now. Iyon lang ang indikasyon dahil ang mukha ay gano'n na gano'n pa rin. Medyo mahaba pa ang buhok niya dito. Ngayon kasi ay clean cut, which is very attractive. Nadako ang tingin ko sa babaeng akbay niya. It is a very beautiful girl.
Ang ganda-ganda ng babae. Napakaputi ng balat. Maputi ako ngunit sa tingin ko ay mas maputla ang akin. Namumula-mula ang pisngi ng babae. Her hair is golden brown. Ang mga mata ay bilugan, inosenteng-inosente. She's so gorgeous that she can be called goddess. Ang mga mata ni Sir A ay puno ng emosyon habang nakatingin sa kaniya at nakangiti nang tunay. The girl is looking innocent at the camera, tila nagtatakha kung ano ang nakatutok sa kaniya.
I flipped the picture and I saw his familiar penmanship.
"Maybe his girlfriend..." I uttered. Mabigat ang loob na ibinalik ko 'yon. Itinabi ko ang libro at kunot ang noo na tumitig sa mga papel.
He is full of emotion on that picture. Ngayon ay hindi. Malayong-malayo. At napakaganda ng babae.
Dumating siya, may dalang pagkain. Inilapag niya ang isa sa harap ko. I smell the fragrance of the food. Agad naman kumalam ang tiyan ko. Ngunit may mabigat pa rin sa kalooban ko.
"Eat. Then you can leave after. Iilan na lamang iyan, ako na ang bahala," saad niya.
"Thank you, Sir." Matamlay kong saad. Napalingon siya sa akin, kunot ang noo. Ngunit wala siyang sinabi at bumalik sa ginagawa.
"Mamaya na ako kakain. Kumain ka na," saad niya.
I ate half-heartedly. Ngunit inubos ko 'yon, there's no way that I will waste a food. Napakunot muli ang noo ko nang maalala ang nakasulat.
A x Isha
Sino si Isha?