(Meet the Real Buyer) Chapter 28 Third Person Pov. “I-ikaw si isaac?” nangunot ang noo ng binata dahil sa tanong niyang iyon. Hindi nito malaman kung bakit kanina pa nauutal ang dalaga kung kahapon ay parang ang taray niya. “Nakakagulat ba ang pangalan ko?” Natigilan si winter bago mapakurap ng dalawang beses. Hindi niya maitago ang gulat na natamo nito dahil hindi niya inaasahan na ang nakilala nitong si reese at isaac ay iisa lamang. Buong akala pa naman niya ay baka magkapatid sila o mag ama. “H-hindi, h-hindi ko lang inaasahan na ikaw pala ang anak ni mr montelukas..” bahagyang natawa si Reese bago bumaling sa kanyang ama. “Mas gwapo ba ako kay daddy kaya hindi mo inaasahan na anak niya ako?” “W-wala akong sinabing ganon!” tumingin ang dalaga sa senyor na ngayo‘y nakangiti lang

