(Harsh Word) Chapter 29 Winter Pov. Alam ko‘ng magkikita kami ngayon ni ashong kaya‘t hindi na ako magugulat pa. Ito ang ikalawang beses na pumasok muli ako sa opisina niya, ngunit ngayon. Kasama ko na si reese at si erica, hindi ko man inaasahang narito rin si erica. Pinilit ko na lamang ayusin ang sarili kahit na nakatingin sa akin si ashong na may halong pagtataka. Iniisip niya siguro kung bakit narito na naman ako at anong ginagawa ko sa opisina niya. “Winter?” kunot ang noo ni erica matapos niyang banggitin ang pangalan ko. Ngumiti ako bago sila yukuan. “Magandang umaga..” “Wait are you Mr Isaac secretary?” pumaling ang ulo ko dahil sa tanong niyang iyon. Secretary? Ako? “Yes, she‘s my new secretary...” si reese na ang sumagot na naging dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

