Ang pag iibigan Chapter 46 Third Person Pov. Sa destinasyon ng west kung saan tumapak ang chopper na maghihintay kay philip. Naroon si jacob upang samahan ang driver ng chopper na ihatid ang kaibigan niya sa nasabing probinsya. Ilang minuto din ang kanilang hinintay bago dumating si philip na ngayo'y sakay lamang ng isang taxi. Hindi na nito ginamit ang kanyang kotse dahil maiiwan lang din iyon doon. Alas nuebe na yata ng umaga kaya't nasisiguro na nitong naghihintay na ang mga tao sa simbahan. Ngunit hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin pa, lumapit na siya sa kaibigan kung saan tinulungan siya nitong makaakyat. Hindi rin naman sila makapag-usap dahil maingay ang sinasakyan nila kaya't isinuot na lamang ni philip ang headphone upang hindi masyadong mabingi sa ingay ng sinasakyan.

