Visiting Lola Perla Chapter 47 Ashton Philip Pov. MATAPOS naming marating ang puntod ni lola perla. Doon ko lang halos natanggap na wala na ito. Mahigit anim na taon ng lumipas simula ng magkita kami, ang mga araw na iyon ay hindi ko makakalimutan dahil iyong araw na 'yon ang mas nagpapatunay na sinusuportahan niya kaming dalawa. Malinis ang puntod ni lola kung saan makikita mong may lusaw pa na kandila doon. Nasabi ni winter kanina kay trixie na araw-araw nagtutungo dito si tito henry at tita elena. Ngunit nabanggit rin ni winter na mula ng makauwi siya ay ngayon lang din niya halos nabisita si lola. "Pasensya na po, lola. Ngayon na lamang ako nakadalaw sa inyo." iyon ang siyang sinabi ni winter habang pinupulot ang ilang dahon na tumatabon sa pangalan ni lola. "Me too, lola perla.

