Unconditional Love Chapter 48 Warning : SPG Third Person Pov. Hindi mapangalan ni winter kung gaano kabilis ang t***k ng puso niya ngayon. Alam rin nito na nararamdaman iyon ni philip habang naglalabanan sila ng titig. Kaliligo lamang niya ngunit parang pinagpapawisan na siyang muli. Hindi pa siya halos makabawi sa sinabi ni philip kanina ngunit heto na naman ang binata na ngayo'y nasa ibabaw niya. "Promise it will be better now. Wala ng masasaktan, wala ng mananakit." hindi makapag-bigay ng tugon si winter habang nakatingin sa binata. Ngunit natutuwa siya sa narinig, hindi nito lubos akalain na hahantong muli sila sa ganito. Buong akala niya ay hindi na sila magiging maayos pa. "Paano kung masyado pa ring kumplikado, ashong? Paano kung wala na talagang pag-asa." "Hindi ba't mahal m

