(Announcement)
Winter Pov.
Matapos dumating ni dean martinez, pinatawag na nga muna nila kami sa likuran kung saan naroon ang backstage. Kinausap niya sila ashong at calix kung ano ba ang problema nila sa isa't isa, kasama na rin sa napagsabihan si giovanni, apollo at stanlee na naki-awat lang naman kanina sa pagitan nila calix at ashong.
Dahil panauhin ngayon namin ang isang monteclaro na nagbibigay donation minsan dito sa fatima. Hindi gaanong naging mahaba ang pananatili namin doon, inutusan rin agad kami ng dean na tumungo at manatili na sa pwesto namin. Hinatid pa ako ni ashong sa upuan ko na hindi ko na sana nais gawin niya, ngunit wala akong nagawa dahil nagpumilit lamang itong akayin ako.
"Im sorry about what happen, mag-usap na lang tayo mamaya after our practice.” tipid na ngumiti ako kay ashong bago marahang tumango.
”Pumunta ka na sa pwesto mo.”
Hindi ito nagbigay reaksyon, nakatingin lang siya sakin bago bumuntong hininga. Kalaunan ay tumango siya at tuluyan ng umalis sa pwesto ko. Nasa apat na kurso kami dito sa buong gymnasium kung kaya't halos mapuno ang buong espasyo. Pinagsabay ang aming practice maging ang graduation na gaganapin sa susunod na buwan.
Ngunit hindi mawala sa isip ko kung bakit narito ngayon ang magulang ni ashong. Alam ko naman na mayaman sila at panigurado lang din na may share rin sila sa unibersidad na 'to. Nakapaninibago lamang na makita silang narito gayung hindi naman sila madalas bumibisita.
Bago umpisahan ang ensayo, nagsalita muna ang dean bago ang isang headteacher na siyang nangunguna sa lahat. Matapos ay ipinakilala niya si samuel Monteclaro na tila kilala naman na sa buong fatima, ngumiti ang ginoo bago ipasa sa kanya ang mike upang magsalita.
”The graduation day is not yet coming, but i would glad to congratulate all of the student here. You finally made to catch the end of being student, i want to offer my hotels who willing to work after your graduation, if you just want to be part of Monteclaro empire..” nagpalakpakan ang karamihan sa mga bussiness student, kabilang na roon si ashong habang diretso ang tingin sa harapan.
Balita ko nga na maganda ang kumpanya ng mga monteclaro, maaaring mag-umpisang magtrabaho doon si ashong kung nanaisin niya. Ngunit biglang sumagi sa isip ko ang kanilang kumpanya, tiyak na si ashong pa rin naman ang siyang hahawak nito sa bandang huli dahil siya lamang ang bukod tanging nag-iisang anak.
May sinabi pa si Mr Monteclaro about sa salary at schedule ng pagpasok. Marami ang natuwa at ninais makapasok roon, matapos maupo ni mr samuel, sumunod na tumayo si mrs angelina na ngayo'y maganda ang ngiti sa kabuuan ng studyante. Ngunit sa kabila ng maganda niyang ngiti, hindi mo maitatago kung gaano siya kabagsik tingnan. Kahit hindi pa man ito nagsasalita, malalaman mo ng masungit siya at supistikadang babae.
”Goodmorning, graduating student.” ngumiti siyang muli. Wala ni anong naging reaksyon ang mga studyante dahil maging sila ay kapareho ko lamang mag-isip. ”Like Mr monteclaro said, we offer our company for your oppurtunity to work with us. The Design Of Art is needed more employees for the new building here at manila.” nagbulong-bulungan ang ilang studyante, siguradong marami magkaka-interest sa mga may kursong find arts sa kanilang kumpanya.
”My only son will be the next CEO of our company, he's studying bussiness and sooner he will tried to focus on arts. Maybe you know him already, he's ashton Philip Falcon. And his fiancee is studying in bussiness too, she's Erica Patria. Her family owns a lot of museum in europe and thailand, they all succesful..”
Tila ba tinutop na lang ako sa pwesto ko matapos sabihin iyon ni mrs angelina. Lahat ng studyante ay tumingin sa akin habang nasa harapan ang tingin ko, binalingan ako ng tingin ni mrs angelina. Matalim ang titig nito sa akin na may bahid na pangungutya, para ba akong kinakain ngayon na sakit, hiya at pagkaawa sa aking sarili. Kinagat ko ang labi, naninikip ang dibdib ko ngunit bigla na lang may kamay na humawak sa pulsuhan ko at agad ng hinili ako paalis doon.
Hindi ko namalayan na may luhang bumagsak sa aking mata. Lahat ng studyanteng nalalagpasan namin ay nakatingin sa amin hangga sa makalabas kami ng gym. Malalaki ang hakbang ng lalakeng may hawak sa kamay ko at sobrang bilis ng lakad niya, nawawalan ako ng imik at hindi makaapila hangga sa marating namin ang parkinglot. Binuksan nito ang pinto ng kotse niya at sapilitan ako nitong isinakay sa loob.
Salubong ang kilay nito maging ng umupo siya sa driverseat, binuhay nito ang makina ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay upang pigilan siya.
”C-calix...” nilingon ako nito, masama ang tingin dahil tiyak na hindi niya nagustuhan ang nangyari sa loob. ”S-saan tayo p-pupunta?”
”Were going to leave here, wen! You don't need to participate on this day practice, makapagmamartsa ka naman!”
”P-pero calix...”
”What winter! Bakit hindi ka nagsasabi na ganon pala sayo ang mommy ni philip! Bakit kailangan mong magtiis kung hindi ka rin naman kayang ipaglaban ng gag/ong lalakeng 'yon!”
”P-pinaglalaban ako ni ashong, cal. Sa relasyon namin siya kampi, hindi lang namin inaasahan na mangyayari ito.”
”Then why he didn't do anything earlier to announce that the issue isn't real? Na hindi naman totoong fiancee niya si erica!”
Natigilan ako, hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam kung anong naging reaksyon ni ashong kanina. Hindi ko na ito natingnan dahil sa nangyari, pero ang eksenang iyon ay tila ba karayom na biglang bumaon sa dibdib ko.
Para akong sinagasaan at tuluyang dinurog.
Sobrang sakit, ngunit kahit ganoon kasakit ang nangyari. Hindi ko maisip na bitawan si ashong, mahal ko siya. Hindi ko kayang sumuko, hinding hindi.
”Your not going back inside to face them again, sa susunod na araw ka na lang pumunta dito kung gusto mong magkaroon ng attendance, but now. We need to out of here..” tuluyan na ngang binuhay muli ni calix ang makina ng kotse, ngunit bago ito umalis. Biglang humarang si ashong sa harapan, hinawakan nito ang harap ng kotse dahilan upang matigilan si calix. Kinalampag niya iyon hangga sa tumungo siya sa bintana malapit sa kinauupuan ko.
May sinasabi siya ngunit hindi ko ito naririnig, ngunit alam kong nakikita niya ako. Alam niyang nasa loob ako ng kotse kung kaya't walang tigil ito sa pagkalampag ng salamin.
”Tsk, sorry to him.” iyon ang sinabi ni calix bago tuluyang paandarin ang kotse. Mabilis ang pagpapatakbo nito hangga sa makalabas kami, ngunit nakikita ko pa rin si ashong na hinahabol ang kotse sa rear mirror. Napalunok ako, lalong nanikip ang aking dibdib ng bumilis pa ang pagmamaneho ni calix. Ngunit hindi ko na kaya, hindi ko kinaya ang eksena ng tuluyang mawala si ashong sa salamin, hindi ko matiis na hawakan ng mahigpit ang kamay ni calix upang patigilin siya sa pagmamaneho, naiiyak na ako dahil bigla akong nakaramdam ng awa kay ashong. Alam ko naman na hindi niya ginusto ang nangyari, hindi nito inaasahang sasabihin iyon ng mommy niya at wala siyang kasalanan.
“C-calix, k-kailangan kong b-bumaba.” inihinto ni calix ang kotse, kunot pa rin ang noo nito habang nakatingin siya sakin. ”B-babalikan k-ko si ashong, p-pasensya na...” tuluyan na nga akong naluha, lahat ng pagpipigil ko ay hindi ko na kinaya. Hindi ko siya kayang talikuran ng ganon ganon lang lalo na't alam kong nasasaktan rin ito. Kaya ko naman ng tanggapin ang lahat, papatunayan ko sa magulang niya na kahit anong gawin nila ay hindi ko iiwan ang kanilang anak.
”You really love him, huh? You can't leave him even your hurting, why are you like that? Your so kind.”
”M-mahal ko si ashong, cal. Alam kong m-magiging maayos rin ang l-lahat..”
Bumuntong hininga siya, mataman ang tingin nito sa akin ngunit tipid na lamang akong ngumiti bago hawakan ang pintuan ng kotse. Pinihit ko iyon pabukas na walang naganap na pagtutol niya, hinayaan niya akong lumabas kung saan agad ng tumakbo ako upang balikan si ashong.
Halos pagpawisan ako bago ko matanawan muli si ashong na nakayuko sa kalsada, ang dalawang palad nito ay nakakuyom habang nasa semento ng daan, nakayuko siya roon ng may paghihingal na paghinga. Lumakad ako upang tuluyang lumapit sa kanya, sa paa ko ito napatingin ng huminto ako mismo sa harapan niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin bago ito mapamaang habang nakatingin sa 'kin, napangiti siya kalaunan. Mabilis itong tumayo upang hawakan ang magkabila kong pisngi, bigla ako nitong hinalikan na siyang nagpapikit sa aking mga mata.
Ilang segundo lang din iyon ng tuluyan niyang pakawalan ang aking labi, niyakap niya ako ng mahigpit na para bang aalis pa ako sa oras na bitawan niya ako.
”A-akala ko talaga aalis ka, winter...” umiling ako, nananatili siyang nakayakap sakin na hindi man lang lumuluwang ang pagkakayap nito sa katawan ko. ”I-im sorry about what happen, n-nasaktan na naman kita...” sa pagkakataong ito'y humiwalay na siya, tumingin ito sa aking mga mata na puno ng sensiridad.
”A-ayos lang ako, a-ashong...”
”Lagi mo na lang sinasabi iyan, winter. Natatakot na 'ko, sobra na 'kong napapraning na baka iwan muna ako...”
Umiling ako, bahagyang nakangiti. ”Hindi mangyayari 'yon, ashong. Alam ko darating din tayo sa puntong matatanggap ng mommy mo ang relasyon natin, sa ngayon. Hayaan na lang muna natin ang ginagawa niyang ito.” ngumiti ito, bumaba ang kamay niya sa aking kamay upang hawakan iyon ng mahigpit.
”Thankyou for understanding our situation, winter. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na sumuko ka, kaya please. Don't give up on me, h-hindi ko 'yun kaya...”
Nakatitig ako sa mukha niya na binabalot ng lungkot at pangamba, ngunit taliwas ang iniisip niya sa ginagawa ko. Hindi ko ito iiwan, hangga't kaya kong tiisin ang sitwasyon namin. Gagawin ko, ganoon ko siya kamahal.
”Hindi kita iiwan, ashong. Huwag mong isipin ang bagay na 'yon, hindi iyon mangyayari...” huminga siya ng malalim habang nakatingin sa akin, at sa ikalawang pagkakataon ay muli ako nitong niyakap, humingi muli ito ng paumanhin bago namin tuluyang lisanin ang lugar na 'yon.
__________________
”Nagugutom ka ba? Do you want pizza or anyone else?” umiling ako sa sinabi ni ashong, nagmamaneho na ito gamit ang kotse ni giovanni. Hindi na kami bumalik pa doon sa gym upang makisama pa sa ensayo, kung naroon pa man din si mrs angelina, hindi na muna kami paparoon. Sa ngayon, kami na muna ang iiwas. Kung pananatiliin niya kaming paghiwalayin, patuloy naman kaming magiging matatag.
"Hindi ako nagugutom, ashong.” nilingon niya ako panandalian bago muling ibalik ang paningin sa dinadaanan namin. ”Kumain na lang tayo sa bahay.”
”I don't want to go home, baka pwede muna tayong pumunta sa ibang lugar.”
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Iniisip ko kasi na may posibilidad na maglalabas ito ng pera sa lakad naming ito, at sa isiping limitado lang ang perang meron siya. Ayokong pumayag dahil nga sa dahilang iyon, lahat ng ATM cards nito ay wala ng laman, binawi na lahat ni mrs angelina.
“May pera ako, winter. Kung iniisip mo ang gastos, may gagamitin ako..” seryoso itong nakatingin sa daan. Hindi na ako binalingan ng tingin habang kinakagat ko ang labi. ”Hayaan mo naman akong gawin ito, gusto kong bumawi sayo..”
”Hindi mo naman kailangan bumawi, ashong. Hindi ko gusto 'yon, kilala mo ako.” He just sighed and didn't answer me. As if he still can't agree about my decision. ”Ayaw mo bang umuwi sa bahay?”
”Actually no.” diretso ang sagot nito sa tanong ko. ”My mom have an spy everywhere, lalo na sa bahay ninyo. Kaya't sinasama kita sa ibang lugar.” saglit na natigilan ako sa sinabi niya. Kung ganon, may nanonood na sa bawat kilos namin? Totoo ba lahat ng pagbabantang gagawin ni mrs angelina sa oras na hindi ko layuan ang kanyang anak?
Pababagsakin ba talaga niya ang farm?
“May iniisip ka ba?” muli akong natinag sa tanong ni ashong. I clear my throat before i shooked my head.
”W-wala, h-hindi ko lang akalain na kinaaayawan talaga ako ng mama mo..”
Mataman siyang nakatingin sakin habang hinihintay ang mga taong tumatawid sa kabilang kalsada.
”I really hate my mom too, winter. Kung ayaw niya sayo. Pwes ako, gusto kita. Mahal kita at wala siyang magagawa 'don.”
”H-hindi ko gustong kamuhian mo si mrs angelina dahil sakin, siya pa rin ang mama mo.”
Natawa siya bago umiling. ”Siya nga ang nagsilang sakin, winter. Oo utang na loob ko sa kanya ang buhay ko, pero ni minsan. Hindi ko naranasan ang pagiging ina niya sakin, i never experience her care, her love and concern. Lahat ng ginagawa niya para lang sa pera, then now. She's controlling me, hindi na siya patas hindi na anak ang tingin niya sakin..”
Naisara ko ang bibig sa haba ng sinabi niya, mabibigat ang kanyang paghinga at unti-unti ng humihigpit ang hawak nito sa manubela.
....”Hindi ako papayag na ilayo ka niya sakin, handa akong tanggapin lahat ng parusa nila, kahit itakwil nila ako. Tatanggapin ko, kung sayo lang din naman ako sasaya, mas pipiliin kita higit sa kanila...”
Tuluyan na akong hindi nakaimik sa sinabi niyang iyon. Naiintindihan kong may sama ng loob siya sa mga magulang niya, ang hindi ko lang nagugusutuhan ay ang pagkakalayo nila sa isa't isa na ako ang dahilan.
*********
To be continued....