(Pagbabanta)
Third Person Pov.
Tulala si winter sa kisame ng kanyang kwarto habang inaalala ang nangyari kagabi. Hindi siya halos pinatulog nito dahil sa kakaisip kung hindi nga ba umuwi si philip, nasabi kasi ng binata na tutungo muna siya sa bahay nila giovanni ngayong gabi. Hindi niya ito nakausap pagkauwi dahil hindi na rin naman tumawag si philip, hindi rin naman na nagtext si winter dahil baka nais ng binata na magpahinga na.
Napabuntong hininga siya habang unti-unting nawawala ang ilaw ng mga glow in the dark na stars sa itaas ng kanyang kisame, hudyat lang iyon na alas sais na ng umaga. Ngunit kahit umaga na, wala pa rin siya sa kundisyong tumayo. Tila ba nanlalambot siya at bigla na lang nawalan ng gana, nag-aalala kasi ito kay philip dahil iniisip niya kung paano na ngayon ang pamumuhay ng binata.
Sa kalagitnaan ng katahimikan sa kanyang silid ay tumunog ang kanyang cellphone. Nasa side table iyon at nakacharge lamang, dahan-dahan siyang umupo upang silipin kung sino ang tumatawag. Medyo nangunot ang noo nito ng makitang unknown number ang nasa screen niya. Tuluyan na nga itong bumangon sa kama at naupo sa gilid, sinagot niya ang tawag at madaling inalis ang pagkakasaksak. Iniisip niya na baka ang mga magulang niya ito, o hindi kaya naman ay si calix. Sila lang naman ang nakakaalam sa numero ng dalaga kaya sinagot niya iyon.
”Goodmorning, villapania.” natigilan siya sa tinig na narinig, nakatingin ito sa pintuan ng kanyang silid habang binobosesan ang babaeng nagsalita sa kabilang linya. ”How are you my darling? Are you enjoying your moment with my son?” marahan na napalunok ang dalaga sa sinabing iyon ni angelina.
Nabosesan niya agad ito dahil sa mataray niyang tinig, hindi kaaya-aya ang pagkakasabi nito at para bang inaakusahan niya ang dalaga na kasama niya ngayon ang kanyang anak.
”What do you think of you, villapania? Don't you think he can live without money? Sa tingin mo ba hindi ka rin iiwan ng anak ko at babalik din siya dito?”
”Pasensya na po, mrs falcon. Ngunit wala dito si philip kung iyon ang iniisip niyo. At tungkol sa perang tinutukoy niyo, kayang kumita ni philip at hindi na siya aasa pa sa pera ninyo...” dinig ni winter ang matunog niyang paghalakhak, wala siyang ideya kung paano nakuha ng ginang ang numero niya. Ngunit napag-isip rin nito na marami palang paraan ang isang falcon para malaman lahat ng inpormasyon niya.
“Your really good in answering without manners, uh? Hindi mo na yata tinitingnan kung sino ang kausap mo ngayon? Ako lang naman ang nanay ng lalakeng hindi mo tinitigilan, bakit ba ayaw mo siyang layuan? Bibigyan naman kita ng kapalit! Kung anong gusto mo, ibibigay ko sa'yo!”
”Hindi ho ako interesado sa pera niyo, totoong mahal ko po ang anak niyo. Nagmamahalan po kami, pasensya na po....”
Sandaling katahimikan ang bumalot sa dalawa matapos sabihin iyon ni winter. Ngunit ang nararamdaman ng ginang ay sukdalan na sa sobrang galit, may rason naman siya kung bakit ayaw nito kay winter. Hindi niya nais magkaroon muli ng koneksyon sa mga villapania dahil parte ito ng mapait niyang nakaraan. Nakapag-move on naman na si angelina, ngunit habang nakikita nito si winter na kapiling ang anak niya. Hindi siya matatahimik, ginugulo ito ng kaisipan na baka maulit sa anak niya ang nangyari noon sa kanya. Higit na kakamuhian niya ang kanyang sarili sa oras na mangyari iyon sa nag-iisa niyang anak.
”Huwag mong hintayin na kumilos ako para lang layuan mo ang anak ko, marami akong kayang gawin, winter. Kayang kaya kong
pabagsakin ang negosyo ninyo, magagawan kong tanggalan ng karapatang makapagtrabaho si henry lalo na ang anak ko. Kung hindi mo nais ng masalamuot na buhay, lubayan mo ang anak ko. Habang maaga pa, dahil sa oras na manatili ka sa tabi niya, ngayon pa lang ay makakamtan mo na ang totoong impyer/no..”
Naunang binaba ni angelina ang tawag habang kumukuyom ang kamao. Kung hindi susundin ni winter ang sinabi ng ginang, totoong gagawin niya iyon. Totoong gagawa siya ng hakbang upang pabagsakin ang pamilyang villapania. Muli siyang nagtipa sa screen upang tumawag ng tauhan, nakaupo ito sa sala ng bahay kung saan iniisip niya kung nasaan talaga ang anak niyang si philip. Kahapon pa ay binlock na nito lahat ng ATM ni philip, maging ang condo nito at lahat ng bank accounts niya. Wala na siyang kahit anong perang mapagkukuhanan at inaasahan ng ginang na sa loob ng isang buwan ay muling babalik sa kanya ang anak upang magmakaawa.
”Hanapin niyo ang anak ko, magbigay kayo ng inpormasyon kung nasaan siya ngayon. Manmanan niyo rin ang kilos ng dalagang villapania, nais kong malaman lahat kung anong ginagawa nila...” iyon ang siyang inutos ng ginang sa tauhan nito, nais niyang malaman kung makipagkikita pa rin ba si winter sa anak niya matapos nitong magbitaw ng banta. Sa oras na malaman niyang nagkikita pa rin sila, doon na siya gagawa ng hakbang upang gawing misirable ang buhay ng dalaga.
SA MANSYON NG MGA MARTINEZ naroon si philip kung saan kasabay nitong kumakain ng almusal si giovanni maging ang lolo nitong si rodolfo, ang dean ng fatima na pinapasukan nila. Tinawagan ni philip ang kaibigan kagabi, sinagot iyon ni giovanni habang nasa bar ito. Medyo maingay kaya hindi sila agad nagkaintindihan, at dahil nasa bar pa si giovanni ng maihatid ni philip si winter, nauna na siyang tumungo sa bahay ng mga martinez.
Nakita siya ni yaya glor na katiwala sa mansyong iyon, pinapasok niya ang binata at sinabing wala pa rin si giovanni ng oras na 'yon. Tumango si philip at sinabing hihintayin na lamang ang kaibigan, ala una na yata ng umuwi si giovanni kaya halos sa sala na natulog si philip dahil lamang sa paghihintay niya sa kaibigan. At dahil lasing na umuwi si giovanni, ngayong umaga lang sila nagkita.
"Sa susunod kasi, huwag ka ng maglasing pa! Anong oras ka ba umuwi kagabi at hindi mo man lang nalaman na may bisita ka!” nakayuko si giovanni dahil sa panenermon ng kanyang lolo, dahil maagang natulog ang matanda hindi na rin niya nalaman ang pagdating bigla ni philip.
”Were just having a party last night, lo..” giovanni answered without looking at his grandfather, napasinghal ang matanda.
”Party again! Panay na lang yata party ang nasa utak mo! Wala ka ng inatupag kundi ang paglalakwatsa! Nais mo bang gumaya sa mga magulang at tiyuhin mo!”
”Ofcourse not, lo. I already finished my study, graduation na sa susunod na linggo. Pagbigyan niyo na ako...”
”Tsk, pagbigyan! Nababalitaan ko na panay ang pagdadala mo ng babae sa condo mo! Baka magkasakit ka niyan dahil sa ginagawa mo!”
”What the he/ll lo!” kinuha ng matanda ang tungkod nito at mabilis ng pinalo sa ulo ng apo.
"Nagmumura ka pa! Hindi ka pa man nagiging engineer gumaganyan ka na! Bigyan mo na lang ako ng apo! Matutuwa pa ako sayo!” himas himas ni giovanni ang ulo habang nakangiwi.
"Im not going to married, lo. Sakit lang 'yon sa ulo, maraming babae ang manlolo/ko lang sa paligid, ayokong machambahan..”
"Aba't ang batang 'to! Hindi mo alam kung gaano kasarap sa pakiramdam ang umibig! Sa oras na maranasan mo ito, paniguradong magsisisi ka na hindi mo sinubukan ng maaga pa, hindi ba philip?” mabilis na tumango si philip sa tanong ng matanda, sanay naman siya sa dalawa at madalas talagang magtalo ang maglolo dahil sa ugali ni giovanni, hindi na bago ito kay philip.
”Im already inlove, lolo rodolfo. She's an future teacher, maganda ho siya. Masipag at maintindihin...” tumango tango ang matanda.
"Look at your friend, giovanni! Paniguradong mauuna pang magkaroon ng anak sayo si philip!”
”Tsk, bakit ba ako na naman ang nakita niyo lo?”
”Ano! Gusto mo na naman bang ihampas ko sayo ang tungkod na 'to!” napakamot sa batok si giovanni, umagang umaga ay senesermonan siya ng matanda. Hindi tuloy niya matapos-tapos ang almusal na kinakain niya.
”Nga pala, sino ba iyang babaeng napupusuan mo philip? Baka kilala ko, studyante ba siya ng fatima?” philip nodded while drinking, inubos niya ang tubig bago ngumiti.
”She's winter villapania..”
”Villapania? Yung dean lister ngayong taon?” tumango si philip. ”Hindi ba iyon yung babaeng nakasama mo noong mareport kayo?”
”Yes lo, yun yung babaeng binubully ni philip noon..” sinamaan ng tingin ni philip si giovanni, kinagat ng binata ang pang-ibabang labi habang nagpipigil ng tawa.
”Wala namang problema kung paano kayo nag-umpisa, ang importante. Nalaman mong mahalaga pala sayo ang babaeng 'yon, kesa naman sayo na kahit pulubi lang sa kalsada ay wala kang ipinapakilala sakin!” napapikit na naman si giovanni dahil siya na naman ang nakita ng matanda, pinagtawanan siya ngayon ni philip dahil sa sitwasyon nito. Ngunit totoong walang plano si giovanni na mahulog ang loob nito kahit kanino, hindi kasi siya nagtitiwala sa mga babae dahil sa nararanasan niya ngayon sa kanyang pamilya.
”So, lumayas ka na talaga?” philip sighed while fixing his uniform, marami naman uniform si giovanni kaya kumuha na lang siya roon. Marami din itong extrang damit kaya't hindi na poproblemahin ni philip ang susuotin.
”That's a better decisions i made today, to be free on my mother who always want to obey her. Nakakasawa ng maging anak nila, wala akong kalayaan sa kanila. Ultimong relasyon ko kay winter ay pinakekelaman na nila!”
”Then, your going to live with me? Ayos lang naman sakin. But how about you and winter? Sa tingin mo ba palalagpasin lang ito ng mommy mo? Tsk, i know tita angelina. Hindi iyon titigil hangga't hindi kayo naghihiwalay ni winter.”
Salubong ang kilay ni philip bago maupo ng kama, nakabihis na si giovanni. Siya na lamang ang hinihintay nito habang nagsasapatos na.
”Kung mapaghihiwalay niya kami, matatag ang relasyon namin ni winter. Alam kong hindi niya ako susukuan, hindi rin naman ako bibitaw kahit anong gawin pa ni mommy! Kung gusto niya akong itakwil, then fine. Kailan ba sila naging totoong magulang sa akin?”
Napabuntong hininga si giovanni. ”Bakit masyado kayong problemado sa love life niyo? Si jacob ay huminto na sa pag-aaral dahil kay shaira, sinayang lang niya ang panahon, tsk. Kaya ayaw na ayaw ko sa pag-ibig na yan, sisirain lang niya ang ulo mo.” biglang may dumapong unan sa mukha ni giovanni dahil binato siya ni philip, natawa si giovanni habang nakatingin sa kaibigan. "Bakit ba? Totoo naman ang sinasabi ko? Pero susuportahan naman kita sa pagkabal/iw mo kay winter, gusto mo doon muna kayo ni winter sa condo ko habang galit ang mommy mo, ibibigay ko rin sayo ang isang card ko.”
”Your really my friend, uh? But im going to use it until next month. Ibabalik ko rin pag nakapag-apply na 'ko.”
”Saan ka magtatrabaho?”
"Kahit saan, marami akong mapupuntahan.”
Natawa si giovanni. ”For the sake of love, im doing everything to protect my relationship on winter, amen..” babatuhin pa sana ni philip si giovanni ngunit napailing na lang siya, inaasar pa siya ng kaibigan habang pababa sila ng hagdan. Gaya ng sabi ni giovanni, tutulungan nito si philip hangga sa makapagtrabaho siya. Mananatili muna sa condo niya si philip dahil sigurado lang na mas nais ng binata ang pumaroon dahil hindi niya gustong ipaalam sa mga magulang niya kung saan ito nakatira, nahihiya rin naman siya sa lolo ni giovanni kaya mas mabuting manatili muna ito sa condo ni giovanni.
SEPERADONG kotse ang ginamit ni philip at hindi ito nakisabay kay giovanni, tatlo ang kotse ni giovanni. Yung isa ay galing kay jacob na nakuha nito sa pustahan, iyon ang gamit ni giovanni samantalang yung kay philip ay itim na kotse, madilim ang salamin nito at hindi makikita kung sino ang nakasakay. Pagka-alis nila philip, doon din biglang sumulpot ang isa sa mga tauhan ni angelina at agad ng inireport kung nasaan ang anak nito. Walang kamalay-malay si philip na may nagbabantay na sa kanila, maging sa mga ikinikilos ni winter hangga sa makarating ito ng fatima ay may nakasunod rito, ngunit dahil na rin malakas ang kutob ng dalaga. Agad nitong naramdaman na may sumusunod sa kanya, ngunit hindi ito nagpahalata. Dumiretso siya sa loob ng fatima at nagtago sa isang malaking puno, mula doon. Tinanaw niya ang kotseng itim na nakasunod sa kanya kanina, may lalakeng bumaba roon na kinuha ang kanyang cellphone.
May naiisip na si winter kung sino ang taong iyon, kung anong pakay nito sa kanya dahil nga sa nobyo nitong si philip.
"Hey, what are you doing here?” nagulat siya sa lalakeng nagsalita sa likuran nito, hindi niya inaasahang makikita niya si calix na ngayo'y nagtataka kung bakit nasa lilim siya ng puno.
"Ikaw pala, cal.”
”Long time no see, wen. Kumusta ka na?” tipid na ngumiti ang dalaga.
”Maayos naman na, ikaw ang tagal mong hindi nagparamdam. Hinahanap ka ni lola.”
"Talaga ba? Hinahanap pa rin niya ba ako kahit may nobyo ka na?”
”Tsk, ano ngayon kung may nobyo ako? Hindi ba pwedeng mamiss ka ni lola?” napangiti si calix sa sinabi ni winter.
"Naging busy lang kasi ako sa training, hindi ako nagkakaroon ng free time. Pagkatapos ng graduation sunod-sunod na training ulit ang gagawin ko, medyo nakaka-stress.”
”Kaya mo naman 'yan, pangarap mong maging pulis eh. Medyo mahirap talaga sa una, pero pag nakuha mo na ang goal. Magiging mahusay na pulis ka balang araw.” tipid na nangiti si calix.
"I hope so, wen. I want to find my child with deborah, hindi ko man lang alam kung babae o lalake siya. Siguradong nanganak na ito, pero wala pa rin akong nagagawa..” naisara ni winter ang bibig dahil sa sinabi ni calix, kahit iyon ang naging rason nang paghihiwalay nila. Hindi na iyon iniisip ni winter, siguro nga na mas ayos lang na nangyari iyon. Dahil natagpuan nito ang totoong pagmamahal sa piling ni ashong.
”Wag kang mag-alala, calix. Magkikita rin kayo ng anak mo, huwag kang mawalan ng pag-asa...” huminga ng malalim ang binata, kalaunan ay tumango siya bago tipid na ngumiti.
"Sana nga, sana hindi galit sakin si deborah. Sana hindi ako kakamuhian ng anak ko...”
Nakaramdam agad ng awa si winter sa sinabing iyon ni calix, alam niyang lumayo na talaga si deborah upang tuluyang ilayo ang anak nila. Kahit sinabi niyang nakunan ito noon, hindi siya naniniwala.
SABAY silang naglakad patungong gym, napag-usapan nilang dalawa ang tungkol sa relasyon nila ni philip at walang ibang sinabi ang dalaga kundi maayos lang ang relasyon nila, na mabuti ang pagtrato sa kanya ni philip at talagang nagbago na ang binata.
”Until now, i can't imagine that you and philip have a relationship. Dati kasi, babaero ang lalakeng 'yon, madalas sa gulo kasama si giovanni...” napanguso si winter habang tinatahak nila ang hallway patungong gym. Marami silang studyanteng nakakasabay na talaga namang pinagbubulungan sila.
”Bakit magkasama silang dalawa?”
"Hiwalay na ba sila ni philip?”
”Hindi mo ba narinig ang balita? Engage na si philil kay erica, wala pa lang schedule ang kasal..”
”Oh my god, kung ganon. Nagkabalikan silang dalawa ni calix?”
Napapikit si winter habang nilalagpasan ang mga salitang naririnig, napalingon sa kanya si calix na medyo walang naiintindihan sa nangyari.
"What's the meaning of that, winter? Engage na si philip sa ibang babae?” bumuntong hininga si winter, diretso pa rin ang lakad nito bago umiling.
"Medyo mahabang kwento, calix.”
”Akala ko ba ayos lang kayo? Mukhang may problemang nangyayari pero hindi mo man lang sinasabi sakin?”
"Ayos lang naman talaga kami, calix. Wala kaming problema.” huminto si calix na nagin sanhi upang matigilan din si winter sa paglalakad.
"Hindi ako naniniwala, kilala kita. Kahit may problema na, sasabihin mong ayos lang. Pero sa loob mo mismo nahihirapan ka na, sabay tayong lumaki winter. Kahit titigan pa lang kita sa mata alam ko ng may bumabagabag sa isip mo..” nag-iwas ng tingin ang dalaga, alam niyang mababasa talaga ni calix kung anong nasa isip nito. Ganoon siya kakilala ng binata dahil sabay nga naman silang lumaki at halos matagal na nagsama.
Ngunit mula sa hindi kalayuan, naroon na si philip na paparating sa kinatatayuan nila. Agad nitong nakita si calix at winter na magkaharap habang pinagtitinginan ng mga studyante. Hinawakan ni giovanni ang kamay nito dahil sa tingin niya ay gagawa ng eksena ang kaibigan niya.
”Don't start the chaos, philip. Graduation na natin next week, kumalma ka lang...”
Huminga ng malalim si philip. "Bakit nandito na naman ang montemayor na 'yan!”
”Ofcourse, he belongs here. Ano sa tingin mo ang ginagawa niya dito?”
"I don't care if why he's here!” lumapit si philip sa kanila, at saktong narinig nito ang sinabi ni calix na siyang mas lalong nagpainit ng ulo niya.
”We don't have a problem, calix! Kung may problema man kami, malulusutan namin 'yon!” ngumisi si calix habang nakatingin kay winter na nasa likuran na ni philip.
"Then what is the news that i heard about your fiance? Pinag-uusapan nila si winter dito pero wala ka man lang ginagawa?” mabilis na sinakop ni philip ang kwelyo ni calix, dahil badtrip ito sa ginawa ng kanyang ina. Literal na mainit ang ulo nito, idagdag mo pa na nakita niyang magkausap silang dalawa ni calix. Kahit sabihin nitong ayos lang na mag-usap sila, hindi pa rin niya mapigilan ang selos na nararamdaman.
”Don't you think that i want this? Maling balita lang naman ang narinig mo! Wala akong fiance at si winter lang ang nobya ko!” tinulak ni calix si philip dahilan upang mabitawan siya nito.
"Ipinaubaya ko si winter sayo dahil alam kong masaya siya sa'yo! Pero kung masasaktan lang din naman siya dahil sa pamilya mo mas mabuting hiwalayan mo na lang siya!” akmang lulusob si philip ng hawakan siya ni giovanni, sumulpot na rin si apollo at stanlee na pinalibutan si calix na namumula rin dahil sa galit.
”What's going on here?” natigilan silang lahat sa boses ni dean martinez, ang lolo ni giovanni na ngayo'y masama ng nakatingin sa kanilang lima. Sa tabi nito, naroon ang magulang ni philip at ama ni jacob na magbibigay announcement sa gaganaping practice nila.
"We have visitors here today, pero wala pa kayo sa loob ng gym at narito kayo habang nanggugulo!” napalunok si giovanni na tumama ang mata ng lolo nito sa kanya. Kakaiba rin ang tensyon sa pagitan ni philip at winter habang iniisip nila kung anong ginagawa ng magulang niya dito.
”Sumama kayong lahat sakin sa backstage, pag-uusapan natin kung tungkol saan ang pinag-aawayan niyo!” umambang aalis si stanlee ng sigawan siya ng dean.
"Where are you going salvador!”
Tamad na lumingon si stanlee sa kanya. "Im not with them, napadaan lang ako...”
”No! Sumama ka rin sakin ngayon din!”
Nauna ng lumakad ang dean kasunod ng ilang bisita, kasabay nito ang sekretarya niya maging si samuel monteclaro. Ngunit ang magulang ni philip at huminto pa muna sa kanilang harapan, walang imik si angelina ngunit ang daddy nitong si richard ay napabuntong hininga.
”What did you do this time, ashton? Patapos na lang ang school year gagawa ka pa ng kasiraan sa pangalan natin. And your with winter, magkasama ba kayo sa gulong ito?”
”Were not having any trouble here, dad. I don't need to explain what happen here if you already have conclusion..”
Kumuyom ang kamao ni angelina dahil sa sinabi niya. ”Your still proving that you can stand alone? Then fine! Tingnan natin kung hangga saan ka aabot..” nilingon ni angelina ang asawa bago niya ito senyasang lumakad na. Napabuntong hininga ang ama ni philip bago tuluyang umalis.
"Tsk, i didn't expect this, winter. Bakit kailangan mong magtiis? Your free to leave in your relationship with him if his parents against on you..”
Walang natanggap na sagot si calix mula sa dalaga, at kung hindi lang hinahawakan ni giovanni si philip at tiyak na tuluyang magkakagulo sa kinatatayuan nila.
*******
To be continued....
Ano kaya ang mangyayari sa susunod? Mananatili pa rin ba si winter sa piling ni ashong? Anong ginagawa ng magulang ni ashong sa fatima?
Paano na mapoprotektahan ni ashong si winter kung lahat ng meron siya ay unti-unti ng nawala. ?