(Angelina's plan)
Winter Pov.
Matapos ng practice namin, agaran akong pinuntahan ni ashong sa pwesto ko. Hindi pa man nangangalahati ang mga studyanteng lumalabas ngunit nakisiksikan na ito upang malapitan lang ako sa aking kinatatayuan.
Normal na sa akin ang makarinig ng bulung-bulungan, ang ilang sa mga studyante ay nakatingin lang sa amin ngunit wala naman ng sinasabi, ang hindi lang makaget-over ay yung mga babaeng may gusto pa rin kay ashong hangga ngayon.
”Sabay na tayo.” aniyang sabi sakin at walang tanong tanong na kinuha ang aking bag. Hindi ako umapila dahil isinabit na rin niya ito sa balikat niya, hinawakan niya ang pulsuhan ko at gaya ng ginawa nito kanina. Nakipagsiksikan kami para lang makalabas ng gym, hindi nito binibitawan ang kamay ko hangga sa marating namin ang oval, huminto siya at humarap sa akin. "Gusto ko ng matapos ang pag-aaral ko dito, ayoko na sa mga toxic na studyanteng nakapalibot satin.” nakasimangot siya bago mag-iwas ng tingin, panigurado lang na narinig niya ang pag-uusap ng ilang classmate ko kanina dahil malakas ang pandinig ng lalakeng 'to.
”Two weeks na lang naman, ashong. Makapagtatapos na tayo.” bumuntong hininga siya habang nakatingin sa akin.
”Im sorry if i can't do something about them, pero gusto ko silang saktang lahat!”
"Hindi naman 'yon ang solusyon, hindi dinadaan sa dahas lahat ng bagay. Ang mas mabuti, hayaan mo na lang sila. Masasayang lang ang oras mo.” mataman na nakatingin siya sakin at sigurado lang na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko, ngunit wala din naman siyang magagawa kung iyon na ang siyang naging pasya ko. Ayoko lang talaga ng gulo, mananahimik rin sila at magsasawa.
”As usuall, your still choosing to be patience. Sayo ko yata matutunan kung paano balewalain ang hindi dapat pagtuunan ng pansin, maybe your right. Were just going to waste our time, dapat yung sa atin na lang ang isipin natin, hayaan na lang natin ang ibang tao..”
Tumango ako, nakangiti. Masaya ako na naunawan ni ashong ang nais kong sabihin. Medyo hindi na ako nahihirapang kumbinsihin siya dahil kung hindi ko gagawin 'yon, masasaktan talaga ang mga babaeng umaapi sa akin lalo na ang nagbibigay negatibong komento sa aming relasyon.
ALAS SAIS ng maihatid ako ni ashong sa bahay, may dinaan pa muna kasi kami bago umuwi. Nasa sala si lola kaya't agad niyang nakita ang pagdating namin, naroon na rin ang buyer ng bahay kung saan magkaharap silang nakaupo sa sala.
"Magandang gabi po.” bumati ako sa mag-asawa, nginitian nila ako bago sumenyas ang ginang na maupo muna ako saglit sa tabi ni lola. Sinunod ko ang nais nito, naupo ako roon habang nasa likuran ko na ngayon si ashong.
"Ibibigay na namin lahat ng kulang ngayon, para wala na kaming iisipin pa at mailipat na sa amin ang titulo ng lupa.” hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya, nakatitig lang ako rito bago ko lingunin si lola na nakatingin sa akin. Ngumiti siya, hindi ko talaga alam kung ayos lang ba talaga kay lola ang ipagbili itong bahay na ito, biglaan kasi ang desisyon niya. At baka iniisip lang nito ang gastusin sa bahay bago kami umuwi, ngayong araw kasi ay nagpadala si papa. Ang kaso lang, limang libo lang 'yon. Magbabayad kami ng ilaw at tubig na halos mahigit dalawang libo, at yung sobra ay ang siyang magiging budget ko. Hindi naman na din ako magastod, sa totoo lang. Nakakatipid ako dahil kay ashong, may natitira pa akong allowance dito at aabot pa iyon ng katapusan.
”Sa ikalawang linggo pa po ang graduation ko, baka this february po ay magtatake pa muna ako ng board exam bago kami umalis dito sa manila.” tumango ang ginang maging ang asawa niya.
"Wala namang problema sa amin iyon, hija. Atsaka. Yung pera namin ay sa marso pa darating, hindi pa agad namin maipagagawa ang shop, ayos lang kung pumarito kayo hangga sa katapusan ng pebrero..”
Nakahinga ako ng maluwang, tumango na lang din ako dahil hindi ko rin naman na mapipigilan si lola sa desisyon niyang ito, ilang beses ko na ba siyang kinumbinsi na huwag ng ibenta ang bahay at hintayin na lang niya akong makapaghanap ng trabaho, ngunit umayaw siya. Ang sabi nito ay nais niyang makakuha ng sariling pera upang sa ipapatayo niyang bakery, hindi na lang ako umangal. Sinuportahan ko na lang si lola sa nais niya hangga ngayon.
"Ipapapirma ko lang sana ito, naisend ko na ang pera sa account mo. Eto ang resibo.” naglahad siya ng kasulatan sa mesa, at dahil ako na ang pinapirma ni lola. Ako na rin ang gumawa nito ngayon, binasa ko ang papel at nalaman na isa iyong kasulatan na nagmula sa brgy. May pinapirma pa ito tungkol sa perang tinanggap ko ngayon, matapos ng kaonting pag-uusap. Nagpaalam na rin ang mag-asawa na siyang naging dahilan kung bakit sinakop kami ng katahimikan.
Nalulungkot talaga ako sa katotohanang mawawala itong bahay sa amin, magigiba lang ang lahat ng alaalang nabuo dito noong bata pa ako. Ngunit ganon na lang din siguro ang buhay, may mga alaalang mananatili na lang sa nakaraan na minsan hindi muna mababalikan. Ang magagawa mo na lang ay sariwain iyon sa isip mo.
"Sasamahan na kita.” nagprisinta si ashong na ipagmaneho ako upang i-check ang perang nasend nila sa aking account. Ang kaso lang, alas siete pasado na. Iniisip ko kasi na baka hanapin na siya ni mrs angelina, ayokong ako na naman ang magiging rason kung bakit mag-aaway sila. Kaya't umiling ako na siyang nagpakunot ng noo niya.
”Huwag na, umuwi ka na at magpahinga. Alam kong pagod ka.” makailang beses itong umiling sa sinabi ko.
”Hahayaan ba kitang lumakad ng ganitong oras? Hindi rin naman ako makapagpapahinga habang iniisip kita kung nakauwi ka na ba, kaya mas mabuting huwag ka na lang tumanggi pa.”
”Baka kasi hinahanap ka na sa bahay, maaga pa naman. Kaya ko ang sarili ko.”
"Tsk, ang kulit!” masama na ang awra niya dahil sa pamimilit kong umuwi na siya. ”Kung iniisip mo si mommy, ako na ang bahala sa kanya. And beside, were not still okay. Ayokong umuwi ng maaga dahil baka magkita na naman kami.”
”Lalo lang kayong mag-aaway, ashong. Baka hindi na kayo tuluyang magkasundo dahil sa ginagawa mong ito.” bumuntong hininga siya.
”Siya naman ang rason kung bakit nagkakaganito kami, kung hindi niya kayang tanggapin ang relasyon natin. Mas mabuti lumayo na lang ako, mas gugustuhin ko iyon.” ako ngayon ang walang maisagot dahil sa sinabi niya. Hindi ko sana nais humantong sa ganito ngunit sumusobra nga naman na si mrs angelina, bakit napakahirap para sa kanya na tanggapin ako? Dahil ba anak ako ng ex niya? Dahil ba mahirap lang kami?
Hindi ko na alam kung saang bagay pa na humuhugot ng hinanakit ang nanay ni ashong. Tila ba mas importante sa kanya ang pusisyon, pera at karangyaan. Hindi na nito iniisip ang kaligayahan na kahit anong bagay ay hindi matutumbasan.
”I just want to help you, winter. Masyadong delikado kung lalabas ka pa ng ganito kadilim, paano kung ang masakyan mong taxi o tricycle ay masamang tao? Paano ka?”
Tumango ako, pinaparating na sumusuko na ako at nais ko ng samahan na niya ako.
"Sige na, magpapaalam lang saglit ako kay lola.” malaki ang naging ngiti niya dahil sa sagot ko, tumango siya bago ako tumalikod upang puntahan si lola sa kwarto. Naabutan ko itong nasa kama habang tinatabi na sa kahon ang mga lumang gamit niyang nakadisplay sa side table, karamihan doon ay mga litrato nila ni lolo na talagang kumupas na dahil sa panahon. Napabuntong hininga ako bago tuluyang pumasok sa loob, nag-angat siya ng tingin sa akin habang pinupunasan nito ang frame bago ipaloob sa hindi kalakihang kahon.
”Pupunta ka na ba ng bayan?” tumango ako, naupo ako sa gilid ng kama habang iniisa-isang tingnan ang mga gamit na iniingatan ni lola.
”Sasamahan po ako ni ashong, may gusto po ba kayong ipabili?”
”Wala naman, mag-iingat kayo.” tumango ako, nagbaba ng tingin si lola at muling nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Sa ilang taong lumipas, tumatanda na si lola at dumarami na ang guhit nito sa mukha. Hindi na rin masyadong maitim ang kanyang buhok kung hindi nakukulayan ng kulay itim. Ngunit gayun pa man, malaki pa rin ang pangarap ko para kay lola, para sa aking pamilya at nais kong bumawi sa oras na makapagtrabaho ako.
”May nais ka bang sabihin?” tipid akong ngumiti.
”Nasabi po ninyo sakin noon na ayaw ng mga magulang niyo kay lolo, pero paano po nila nagawang tanggapin si lolo?” napangiti si lola sa tanong ko, matagal ng panahon nang masabi ito sa akin ni lola. Wala pa akong kamuwang muwang sa pag-ibig ngunit humahanga na ako sa pagmamahalan nilang dalawa ni lolo.
”Ipinakita lang ng lolo mo ang totoong nararamdaman niya para sakin, nagsipag siya. Nagtiyaga itong makuha ang basbas ng mga magulang ko hangga sa tanggapin nila ang lolo mo, walang imposible sa pagmamahalan apo. Kung iniisip mo ang magulang ni philip, may mga ganoong pangyayari talaga na hindi natin kayang kontrolin, ngunit huwag kayong bumitaw sa isa't isa kung tunay na nagmamahalan kayo, ganoon lamang ang ginawa namin ng lolo mo..”
Tipid akong ngumiti sa mahabang sinabi ni lola, mahal ko talaga si ashong. Siya ang unang lalakeng nagparamdam sa akin kung ano nga ba ang totoong pag-ibig, kahit na nagkaroon ako ng pagtingin kay calix noon. Hindi naman ganito halos ang nararamdaman ko, kakaiba ang takbo ng puso ko kay ashong. Pinabibilis niya ito na para bang aktibo lagi pag nasa tabi ko siya, hindi ko maipaliwanag ngunit isa lang ang masasabi ko.
Mahal na mahal ko si ashong...
”Maraming salamat po, hindi ko akalain na iibig ako sa isang anak na naging bahagi ng nakaraan ninyo ni papa. Ngunit alam ko naman po na hindi kami kasali sa usapang iyon, labas po kami kung anong nangyari sa kanila sa nakaraan.” napabuntong hininga si lola.
”Marahil masama pa rin ang loob ni angelina hangga ngayon, siguro nga. Iniisip niyang ikaw ang naging bunga ng pagkakasala nila henry at elena, ngunit tama ka. Labas nga kayo sa nakaraan nila ngunit iba kasi ang nasa isip nila, huwag mo ng isipin iyon apo. Magiging maayos rin ang lahat, ipakita mo lang na totoong mahal mo ang anak nila, na hindi pera talaga ang habol mo sa kanilang pamilya..”
Tumango ako sa sinabi ni lola, kahit kailan ay hindi ko tiningnan ang stado ni ashong sa buhay. Hindi ko iniisip na mayaman siya, na meron siya lahat ng kahit anong hilingin ko. Ang sa akin, minahal ko siya dahil napapasaya niya ako. Gumagaan ang pakiramdam ko at lahat ng gumugulo sa isip ko ay mabilis na nawawala pag kasama siya.
MATAPOS ng pag-uusap namin ni lola, muli kong binalikan si ashong na nasa labas ng bahay. Nakasandal na ito sa kanyang kotse habang magkakrus ang dalawang kamay sa dibdib. Umayos siya ng tayo pagkakita niya sakin, maging ang ekspresyon nito ay biglang umalwalas na para bang nakahinga siya ng maluwang matapos ako nitong makita.
”Nag-usap pa yata kayo ni lola?” tumango ako, pinagbuksan niya ako ng pinto ngunit nakatingin pa rin siya sa akin na para bang naghihintay ng isasagot ko.
”Tungkol lang sa paglipat namin, iyon lang.”
"Sinabi mo ba na sasamahan kita?” muli ay tumango ako.
”Oo, nagpaalam na ako. Tara na?” bumuntong hininga siya at hindi na ako tinanong pa, naupo na kasi ako upang tuluyan ng makapasok sa loob ng kotse. Sumunod na rin naman siya sakin at agarang binuhay ang makina ng sasakyan. Ngunit kanina ko pa napansin na iba ang gamit niyang kotse, hindi sa kanya ito dahil ngayon lang niya ginamit ito. At pamilyar ito sa akin dahil nakikita ko itong nakaparada madalas sa parkinglot ng fatima.
”Kay giovanni ba ang kotseng ito?” nilingon niya ako habang nagmamaneho na, matapos 'non ay tumango siya isang beses.
”Yes, i already give up my car. Para wala ng masabi pa sakin si mommy..”
Napatitig ako kay ashong, isinuko na niya ang kotse niya? Nagtalo ba sila kaninang umaga dahil sa nangyaring interview ni mrs angelina?
”Bakit mo naman ginawa 'yon?”
”Tsk, mas mabuting ganon na ang ginawa ko. Pinipilit kasi ako ni mommy kaninang umaga na magpa-interview kasama si erica, natural na hindi ako pumayag kaya nagalit siya. Ang dami niyang sinabi sakin kaya napuno ako, ayun. Wala na akong kotse..”
Napahinga ako ng malalim dahil sa nalaman ko, gagawa talaga ng paraan si mrs angelina upang tuluyan kaming magkasiraan ng anak niya. Bakit kailangan niyang gawin ito? Sa akin ba siya gumaganti dahil sa ginawa ni papa sa kanya noon?
”Stop thinking about my problem, winter. I already solve my service. May magagamit pa naman akong kotse, marami akong mahihiraman at sa oras na makapagtrabaho ako, makakabili rin ako ng bago..”
Hindi ako sumagot sa sinabi niya, kahit naman anong sabihin ko. May isasagot siya sakin, kahit pilitin ko man itong makipag-ayos sa nanay niya. Hindi rin niya iyon gagawin kundi makipagtatalo pa ito tungkol sa relasyon naming dalawa.
KALAHATING ORAS ng marating namin ang ATM machine kung saan i-checheck ko ang aking account. Nasa gilid lang si ashong habang nagmamasid sa mga sasakyang dumadaan, ilang minuto lang ng makita ko ang resulta at lumabas agad ang resibo. Kaonti lamang ang kinuha ko gaya ng sabi ni lola kanina, may bibilhin daw kasi ito bukas at iyon ang hindi ko alam kung ano.
”Are you done?” tumango ako sa tanong ni ashong, inilagay ko sa wallet ang ATM bago ipasok sa dala kong bag. ”Gusto mo bang kumain muna?”
”Nagugutom ka ba?” pilit itong ngumiti bago tumango, hindi kasi kami nakakain kanina dahil sa pakipag-uusap namin sa buyer, nakalimutan ko rin na hindi pa pala kami naghapunan dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom, ngunit dahil nga sa sinabi ni ashong. Para bang nakunsensya ako bigla.
”Gusto ko lang ng mainit na ramen, malamig ngayong gabi. Masarao humigop ng mainit na sabaw.” tumango ako senyales na sinang-ayunan ko ang sinabi niya, malamig nga ang simoy ng hangin. Tama ang suhestyon nito na ramen ang aming kainin.
”Ikaw na ang bahala kung saan mo gusto, wala akong alam ramehan dito eh.” ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti.
”Ang cute mo, halika na. Doon tayo.” may itinuro siya sa hindi kalayuan, mula sa kinatatayuan namin natatanaw ko nga ang hindi kalakihang restaurant na sa tingin ko ay seafood lahat ng pagkain. Pinagbuksan niyang muli ako ng pinto bago tumungo sa driverseat, dahil malapit lang ang pinuntahan namin ay madali rin kaming nakarating sa parkinglot.
Hinintay ko siyang pagbuksan ako nito ng pinto, iyon kasi ang gusto niya dahil 'yun naman daw ang ginagawa ng isang nobyo. Kaya ng lumabas ako habang hawak niya ang aking kamay ay malaki ang kanyang ngiti, alam ko na ang rason kung kaya't nailing akong nangiti rin sa sobrang gwapo niyang kiligin.
SA TABI ng glass wall kami pumwesto kung saan natatanaw namin ang kalsada, nakapag order na si ashong ng dalawang ramen na pinakamalaki sa menu, nag-order din siya ng iced tea at medium size na tokoyaki. Hindi ako pamilyar sa pagkaing iyon kaya't hindi ko tinikman, mas focus ako sa ramen na halos naiiba ang lasa kesa sa lutong bahay. Para bang espesyal ang pagkaing ito sa sobrang sarap at linamnam ng sabaw.
"Saan ka uuwi ngayong gabi?” tapos na kami sa pagkain, umiinom na lamang kami habang nagpapahinga.
”Tatawagan ko si giovanni, kinuha ko lang kasi itong kotse niya. Tinakas ko lang kanina” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. ”Wala namang problema 'yon kay giovanni, marami siyang kotse. Makikisakay na lang siya kay miguel.”
”Pero hindi tama ang ginawa mo, paano kung mag-away kayo” natawa siya sa sinabi ko.
"That's imposible, winter. Hindi kami mag-aaway sa ganoong bagay. Maliit na bagay lang ito para kay giovanni, and he already leave his key on me. Hindi ko nga lang siya hinintay makalabas.”
Napailing ako, ibang klase din ang lalakeng ito dahil iyon pala ang ginawa niya kanina. Kung sabagay, halatang mas close naman silang dalawa ni giovanni at mukhang nagkakaintindihan sila.
ILANG minuto pa ng matapos kami ng tuluyan, tinawag na ni ashong ang waiter upang kunin ang bill ng kinain namin. Sinabi ko sa kanya na ako ang magbabayad sa kinain ko, kinuha ko na ang ATM ngunit mas nauna niyang nilahad ang kanyang sa waiter.
"Sa aming dalawa.” wala akong nagawa kundi bumuntong hininga, pinanood kong mag-scan ang waiter habang nililigpit na ang mga pinagkainan namin. Ngunit ilang beses ng ginawa ang pag-scan sa ATM ni ashong ngunit wala pa rin nangyayari, hindi ko alam kung may problema ba dahil ibinalik ng waiter ang card ni ashong.
”Sorry sir, your ATM is zero balance. Ilang beses ko na siyang inulit, ayaw talaga.” bahagyang bumuka ang labi ko sa sinabi niya, hindi rin agad nakasagot si ashong dahil maging siya ay nagulat sa nangyari. At bago pa makapagsalita si ashong, inabot ko na ang aking card sa waiter upang ako na ang magbayad sa kinain namin. Isang beses lang na in-scan niya iyon at mabilis na nabayaran ang bill namin. Nginitian ko si ashong bago hawakan ang kanyang kamay, hinila ko na ito palabas dahil tila malalim na ang kanyang naging pag-iisip.
Maging sa paglalakad namin ay tahimik lang siya, ngunit nagawa naman niyang pagbuksan ako ng pinto nang hindi umiimik. Hangga sa maupo siya sa tabi ko ay hindi na siya nagsalita, hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ang braso niya.
”Ayos ka lang ba?” bumuntong hininga siya bago ako nito lingunin.
”My ATM is already gone..” napatitig ako sa sinabi niya. Para bang naisip ko na agad kung ano ang tinutukoy niya, hindi ako nakapagsalita dahil ginawang hakbang muli ng mommy niya. "She'll going to blocked all of my card, tsk. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Sa tingin ba nito babalik ako sa kanya upang lumuhod at magmakaawa na ibalik lahat ng pera ko?”
Matunog siyang ngumisi, kalaunan ay mapait siyang natawa bago umiling. "They can't seperate us, kahit anong gawin nila. Hindi kita iiwan, hindi kita bibitawan at ikaw lang ang pipiliin ko kesa sa pera, kesa sa kanila...”
Alam kong seryoso si ashong sa sinabi niya, ngunit malaking pangamba bigla ang naramdaman ko dahil tiyak na hindi titigil si mrs angelina hangga sa gumapang sa hirap si ashong. Napalunok ako, hindi naman sana mangyari ang nasa isip ko. Baka pag nagkataon na maghirap si ashong, hindi ko iyon kakayanin. Baka sa huli, kahit mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin ay ako mismo ang bibitaw, ako mismo ang susuko at magpaparaya dahil hindi ko kayang mahirapan ang lalakeng mahal ko.
********
to be continued....
Hi guys, ready na ba sa hagupit ni angelina? O hindi pa? Basta support lang niyo ako. Enjoy reading❤️ Lovelotss.?