TANOD'S P.O.V:
Bukod kasi sa mukha ko na pwedeng ibalandra, mahirap lang ako at tanging kupas na checkered polo, puting t-shirt, kupas na maong na pantalon at tsinelas na niluma na ng panahon ang suot ko.
Kumbaga, walang maayos na direksyon ang buhay ko at hindi ako nababagay sa kahit sinong babae rito.
"Hmp! Ang kill joy mo talaga. Anyway, nabalitaan mo na ba yung tungkol sa mansyon?" pag-iiba niya sa usapan naming dalawa kaya muli kong naituon ang atensyon ko kay Maxine.
"Yung mansyon ng mga Xaria, anong mayroon?" balik na tanong ko sa kanya.
Ang mansyon na nakatayo sa maliit na burol na nasasakupan ng Hacienda Xaria at ng baranggay. Luma na iyon ngunit maganda pa ring tignan dahil sa pangangalaga ng mga taong naninirahan doon.
Ni minsan ay hindi pa ako nakakapasok sa bahay na iyon at tulad ni Maxine ay atat akong malaman kung ano ang mayroon sa bahay na iyon at sa mga taong naninirahan doon.
"Balita ko ay umuwi raw ang babaeng tagapagmana ng mansyon at kasalukuyan itong nananatili doon. Nakita mo na ba siya sa pagiging gala mo?"
"Hindi pa. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyan at mukhang napakainteresante ng balita mo sa akin."
"Ayon nga sa mga kasambahay na nagtatrabaho doon ay magandang babae raw ang anak ng Don at Donya ngunit walang buhay ang mga mata nito."
"Bakit naman?" tanong ko.
Ngayon lang kasi nagkaroon ng balita na umuwi ang may-ari ng mansyon at sa pagkakaalam ko ay sa Espanya sila nanatili.
"Hindi ko alam. Iyon lang ang kinuwento sa akin."
Napangiwi ako. "Magkukwento ka na lang hindi pa buo?"
"Bwisit ka! Nakiki-chismis ka na nga lang. Diyan ka na nga!"
Bigla akong nilayasan ni Maxine at natawa na lamang ako sa aking sarili dahil asar talo na naman siya.
Tumayo na lang din ako mula sa kinauupuan ko at saka ako naglakad palabas ng bar. Mamayang hating-gabi pa naman ilalabas ang mga babaeng bagong ani nila. Babalik na lang siguro ako para bigyan ng aliw ang sarili ko.
Nilisan ko ang lugar na iyon at bumalik ako sa aming baryo at nasa dulo pa ang mansyon na kinuwento ni Maxine sa akin.
Habang naglalakad ako sa malubak na kalsada, nakakasalubong ko pa ang ilang kabataan na wala yatang balak na umuwi sa kanila gayong dis oras na ng gabi.
"Kuya Tanod, saan ang punta?" tanong sa akin ni Miko na labing anim na taong gulang lamang.
"Hmm, wala. Naglalakad-lakad lang ako. Kayo ba, bakit hindi pa kayo umuuwi?" wika ko at hinarap sila.
Lima silang magkakasama. Si Miko, Alfred, Jordan, Rico at Kristoff.
"Hindi naman uso sa amin ang matulog, Kuya," tatawa-tawang wika pa ni Rico sa akin.
"Baka gumagawa kayo ng kalokohan, ha? Malalagot talaga kayo sa akin."
"Good boy kami, Kuya. Tatambay lang talaga kami sa bayan tapos mamayang alas tres ay uuwi rin kami," sagot naman ni Kristoff.
"Siya, bahala kayo. Hindi naman ako ang mapapagalitan ng mga magulang ninyo," pagsuko ko na lamang dahil matitigas talaga ang kanilang mga ulo.
Sadyang kampante lang silang gumala sa gabi dahil tahimik ang lugar na ito na kahit abutin ka ng madaling araw ay walang mananakit sayo.
"Eh ikaw ba, Kuya, saan ang punta mo?" tanong ni Jordan sa akin at nilingon ko ang mansyon na kitang-kita ang kabuuan nito dahil nakatayo ito sa maliit na burol na para bang ito ang nagsisilbing sentro ng baryo.
"Hmm, sisilipin ko lang kung anong mayroon sa mansyon. Balita ko ay dumating ang may-ari ng bahay."
"Naikuwento nga sa akin ni Nanay na may dumating raw na magandang babae sa mansyon kaninang hapon ngunit isang beses lang nila itong nasilayan," sagot naman ni Alfred.
Isa kasi sa mga kasambahay ang kanyang ina kaya hindi rin malabo na maikuwento sa kanya ang tungkol doon.
"Interesado ka ba Kuya sa may-ari ng mansyon?" pang-aasar naman ni Jordan.
"Hindi, curious lang ako," palusot ko na lamang.
"Sus, single ka naman, Kuya. Okay lang 'yan. Maiwan ka na namin."
"Sige, huwag kayong gagawa ng kalokohan ah."
"Oo, Kuya, good boy kaya kami."
Tinanaw ko na lamang ng tingin ang limang binatilyo at saka ako muling nagpatuloy sa paglalakad.
Alas onse na ngunit heto ako at nasa labas pa rin hanggang sa namalayan ko na lamang ang sarili ko na nasa labas ng mansyon at nang mapatingala ako sa bahay, nagulat ako nang makita ang isang babae.
Nakatayo ito sa marangyang balkonahe, suot ang manipis na tela na kitang-kita ang hubog na katawan nito at ang dibdib nito maging ang pribadong parte ng katawan niya. Wala siyang ibang suot bukod sa pantulog at halos mapalunok ako habang nakatitig sa kanya
Nasisinagan siya ng bilog na buwan at tila nagliliwanag ang balat nitong sobrang puti na para bang pinangliligo nito ang gatas araw-araw.
White lady ba ito?
Pero imposible naman na ganito kaganda ang isang white lady na nasa harapan ko?
Kaso nakasuot din siya ng puti na nililipad na ng hangin kasabay ng kanyang mahabang buhok na abot yata hanggang sa itaas ng kanyang pwet ngunit nang dumako ang tingin ko sa kanyang mukha, may bahid iyon ng lungkot.
Siya ba ang babaeng tinutukoy ni Maxine na may-ari ng bahay?
"Sino kaya siya?" wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Nagtago na lamang ako sa likod ng matayog na puno bago niya pa ako makita at nang muli ko siyang tinignan bigla itong nawala.
"Gagu, imahinasyon ko ba iyon?"
Bumalik na lamang ako sa bar at saktong pagdating ko ay may sumasayaw nang babae sa gitna ng entablado na halos wala nang damit at tuwang-tuwa naman ang mga animal na nanunuod sa ginagawa nilang pagsayaw sa harapan namin.
Mga lalaki na lamang ang nandito at hindi pa nga ako natatagalan mula sa pag-alis ko ay marami na agad ang lasing.
Bahay-aliwan kung tawagin ito sa gabi at normal na restaurant lang ito sa umaga. Hindi naman ito maipasara dahil protektado ang asawa ni Maxine sa negosyong ito.
"Oh, akala ko umalis ka na?" sita sa akin ni Maxine nang makita akong muli sa loob ng bar niya habang may dala siyang tray na nilalagyan ng mga paorder.
"Bigyan mo na lang ako ng alak," wika ko ngunit ngumiwi lang si Maxine sa akin.
"Anong trip mo at gusto mo ng alak? May problema ka?"
Umigkas ang isang kilay ko sa kanya. "Kapag iinom ng alak may problema agad? Hindi ba pwedeng pampatulog ko lang?"
"O relax, ang puso mo," tatawa-tawang wika niya at nakataas pa ang dalawang kamay niya bilang hudyat na dapat akong kumalma. "Ang hirap mo namang pasayahin. Bigyan na lang kita ng isa sa mga alaga ko?"
"Ayoko. Alak ang gusto ko."
"Psh, bading ka talaga. Sayang ang lahi mo kung hindi mo ipagkakalat. Sandali nga at kukuha ako. Libre ko na ito."
Gumuhit ang magandang ngiti sa aking labi. "Kaya mahal na mahal kita dahil ang bilis mo akong ilibre. Sa akin ka na lang kaya magpakasal?"
"Ulul! May asawa na akong tao."
"Willing naman akong maging kabit mo. Sa kanya ka sa umaga, akin ka gabi."
"Gagu!"
Tuluyan na akong natawa dahil sa lutong ng mura niya at tinanaw ko na lamang siya ng tingin nang umalis siya sa harapan ko at pumunta siya sa bar counter para kunin ang alak na gusto ko.
Naibaling ko na lamang sa harapan ng entablado ang paningin ko at halos mapalunok ako ng aking laway dahil tila may bumara sa aking lalamunan nang makita ang katawan ng babae.
Bumalik sa aking isipan ang nakita ko kanina at sigurado ako na totoo siya. Ang ganda ng katawan niya na para bang ngayon ko lamang nakita sa buong buhay ko kahit na may nakatabing naman na manipis na tela na yumayakap sa katawan niya.
At yung dibdib niya na sobrang lusog na para bang kasya iyon sa mga kamay ko at ang hita niya na bilogan ay parang nararamdaman ko iyon na nakayakap sa aking baywang habang bumabayo ako sa kanyang ibabaw- okay Quade Tanod Quillan, tama na iyan!
Nabalik lamang ako sa huwisyo nang makabalik si Maxine dala ang alak na gusto ko.
"O ayan, magpakalasing ka hanggang gusto mo at libre ko na ito sa'yo," aniya matapos ilatag ang bote ng alak kasama na ang yelo at pulutan.
"Sigurado ka ba? Hindi ba masama ang loob mo na mababawasan ka na naman ng alak dahil sa akin?"
"Masama nga ang loob ko pero naiintindihan ko naman na wala kang pera kaya kung sakaling magkaroon ka man ay ililista ko muna ang mga alak na kinukuha mo."
Natawa ako. "Akala mo naman talaga ay hampas lupa ako?"
"Yang mukha mo na lang ang panglaban kaya huwag ka nang magsalita at uminom na lang."
Tinawanan ko na lamang si Maxine at sinimulan kong abutin ang bote ng alak at binuksan iyon bago ako bumuhos ng likod niyon sa baso na binigay ni Maxine sa akin.
Nanatili sa aking tainga ang malamyos na musika kasabay ang mapang-akit na tanawin ngunit ang namayani sa aking isipan ay ang babaw na nakita ko sa mansyon.
Totoo ba siya o kathang isip ko lamang?