CLAIM 1: R🔞🥵💦

1028 Words
TANOD'S P.O.V: TINAPON ko ang upos ng sigarilyo habang nasa harapan ako ng tindahan at pinatay ang sindi niyon sa lupa gamit ang aking paa. Gabi na ngunit heto at nasa kalsada pa rin ako na para bang isang palaboy ngunit ito na ang buhay ko. Panibagong araw na naman ng buhay ko bilang isang simpleng mamamayan ng Baryo Xaria. "Oy, wala ka bang ronda ngayon?" sita sa akin ni Aleng Irene na siyang bantay ng tindahan at tulad ko ay may hipak rin ito ng sigarilyo sa kanyang bibig. Malaki siyang babae, nakasuot ng daster at may rolling curler ito sa buhok na para bang lagi siyang may pupuntahan na bulwagan gayong nasa bahay lang naman siya at nagbabantay ng kanyang munting tindahan. Kupas na t-shirt, pantalong at tsineles lamang ang suot ko na lagi kong get-up araw-araw. Kulang na lang ay magdala ako ng sako, papasa na ako bilang palaboy. "Mukha po ba akong kasapi ng baranggay?" mapaklang wika ko at saka kumuha ng barya sa bulsa ko. "Isang candy na nga lang po, Aleng Irene." "Kuh, hindi ba't tanod ka? Dapat pinapanindigan mo ang pagpoprotekta sa baranggay natin para naman masiguro ang katahimikan ng lugar." Sermon pa niya sa akin at saka binigay ang candy na binibili ko na agad ko namang kinuha at binuksan bago isubo iyon sa bibig ko. "Aleng Irene, Tanod lang ho ang pangalan ko ngunit hindi ibig sabihin niyon ay kasapi na ako ng baranggay na siyang magpoprotekta sa ating lugar. Kaunti na lang talaga malapit na akong mag-apply at mag-ronda na lang sa buong baranggay natin." "O bakit hindi mo gawin? Wala ka namang trabaho, hindi ba? At least iyon ay may pagkakakitaan ka kahit papaano. Ang tagal-tagal mo na rito sa lugar natin, wala man lang akong nababalitaan na may trabaho ka. Saan ka ba kumukuha ng pera? Nagnanakaw ka siguro no?" "Makapagbintang ka naman, Aleng Irene. Alam ni'yo bang masama ho iyan?" "O, eh saan ka nga kumukuha ng pera kung wala ka namang trabaho at nakukuhang mo pang magbisyo?" Napangiwi na lamang sa kanyang paratang at nilaro ng aking dila ang candy sa loob ng bibig ko. "Aleng Irene, may pinagkukunan naman ho akong matinong pera at hindi ho iyon galing sa iligal na gawain. Nagka-kargador kaya ako sa palengke minsan." "Sus, palusot mo. Umuwi ka na nga at lumalalim na ang gabi." Pangtataboy pa nito sa akin na para bang naaalibadbaran siya sa mukha ko. Customer kaya ako. "Hmp! Isipin ni'yo na nga ang gusto ninyong isipin basta wala ho akong ginagawang masama na ikasisira ng sarili ko." "Siya, oo na. Lumayas ka na." Sumenyas pa ito na tinataboy na niya ako kaya nagkibit-balikat na lamang ako at saka napapabuga ng hangin bago ako naglakad palayo mula sa tindahan ni Aleng Irene at tinahak ang daan patungo sa bayan. Alas nuebe pa lang naman ng gabi ngunit heto ako at pagala-gala lamang sa kalsada. May sariling bahay naman ako ngunit mas gusto kong maging palaboy sa lugar na ito at sanay na ako na abutin sa kalsada hanggang sa sumapit ang Haring araw. Wala nga akong matinong trabaho kaya puro gala na lang sa labas ang ginagawa ko. Kung minsan ay nag-eextra rin ako sa palengke at minsan ay tambay ako sa isang bar, tulad ngayon. "Hi, Tanod," salubong sa akin ni Maxine na isa sa mga dancer ng club nang makita niya akong mag-isang naglalakad. "Papasok ka ba?" dugtong pa nito at bahagyang pinasadahan ng kanyang daliri ang dibdib ko na tila nang-aakit. "Ano bang pakulo ninyo sa loob ng bar?" tanong ko na tila ba ay interesado ako ngunit ang totoo ay gusto ko lamang magpalipas oras. "Hmm, may mga bago kaming ani na tiyak akong magugustuhan mo. Gusto mong sumama sa akin sa loob?" may pang-aakit na wika niya pa kaya umigkas ang isa kong kilay at tinignan siya at sa pintuan ng bar ngunit isang pagtango lamang ang binigay ko sa kanya bilang sagot sa tanong niya. Niyakap ni Maxine ang kanyang kamay sa braso ko at ramdam ko ang lambot ng kanyang dibdib sa balat ko ngunit iwinaksi ko na lamang ang lumot na namumuo sa isip ko. Hinila ako ni Maxine papasok ng bar at sa b****a pa lamang ng pintuan ay amoy na amoy na agad ang alak at sigarilyo kaya hindi ko mapigilang kamutin ang ilong ko hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob. Bumulaga sa akin ang mga lalaki at babae na mga lasing na na nagsasayaw sa gitna ng bar, may mga naghahalikan, nag-uusap at higit sa lahat ay ang lantarang pakikipag-s*x sa loob ng club. Dinala ako ni Maxine sa isang mesa na pangdalawahan lamang at umupo siya sa hita ko at iniyakap ang isa niyang braso sa balikat ko. "Akala ko ba may bago kayong inilabas, bakit nakaupo ka agad sa hita ko?" tanong ko kay Maxine. At dahil malakas ang tunog ng musika, kailangan niyang ilapit ang labi niya sa aking tainga upang marinig ko ang sasabihin niya. "Mayroon nga ngunit ayaw mo ba ang serbisyo ko?" aniya at bahagya pang hinipan ang tainga ko dahilan para manikip ang suot kong pantalon. Ugh! Little tanod, kumalma ka! Tandaan mong virgin ka pa rin hanggang ngayon! "Barya lang ang mayroon ako, Maxine. Nandito ako para manuod lang sa gagawin ng mga alaga ninyo." Napanguso si Maxine at dahan-dahan siyang umalis sa hita ko at naupo sa bakanteng sila na nasa harapan ko. "Hmp! Ang kuripot mo talaga. Kailan ba kita madidiligan, ha?" pagmamaktol ni Maxine sa akin na siyang ikinaigkas ng kilay ko. "Wala pa sa isip ko ang magkama ng babae kaya tigilan mo ako, Maxine." "Sa gwapo mong 'yan na halos pagkaguluhan ka ng mga babae rito at ang katawan mo na nakakapanglaway, gusto ko, ako ang unang titikim sa'yo." Kagat-labing wika pa niya at pilit ako nitong inaakit. Malakas din naman ang dating ni Maxine. Maganda. Sexy. Hot ang katawan. Ngunit wala pa talaga sa isip ko ang kumuha ng babae kaya puro aliw lang talaga ang ginagawa ko. "Pasensya na ngunit hindi ikaw ang unang makakatikim sa akin kaya kung ako sa'yo maghanap ka na lang ng ibang prospect."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD