Chapter 71 Samantha "Congrats!" sabay-sabay na bati sa amin nina Tita Lia nang makabalik kami ni Gian sa table pagkatapos magproposed sa akin ni Gian at palakpakan kami ng angkan niya. "Ipinaalam niya muna sa'min at kaagad naman kaming pumayag ng Nanay mo." ani Papa ng yakapin nila ako ni Nanay. Isinet up pala talaga ako ng mga ito. Kaya pala tinanong ako ng kambal kanina kung handa na raw ba ko? Tapos noong tanungin ko naman kung bakit mga hindi naman nagsisagot. Iyon pala ito na iyon. "S-Salamat po." nahihiya kong sagot habang nakahapit pa sa bewang ko si Gian na ang lawak ng ngiting nakapaskil sa gwapo niyang mukha. "So kailan ang kasal?" excited na tanong nila. "Sa lalong madaling panahon po para makarami kami." nakangisi at malokong sagot ni Gian na ikinatawa ng lahat. Pasimpl

