Chapter 72 "Hahaha!" utas na hagalpak ni Gian nang madapa ako mula sa pag-a-ice skating ko. "Walanghiya ka!" batok ko sa kanya noong pumwesto siya sa likuran ko at damputin ako mula sa pagkakasalampak sa malamig na flooring. Tsk bukod nga pala sa jowa ko ang luko-lukong ito, kaibigan ko rin. Kaya hindi ko siya masisisi kung matatawa siya kapag nadapa ako. Ewan ko ba sa mga magkakaibigan. Mga abnormal. Nadapa ka na nga wagas pa ang tawa sa'yo! "Para kang palaka! Hahaha! Akala ko ba magaling ka?" pang-aasar niya habang nakapulupot ang braso niya sa tiyan ko para alalayan ako sa pagtayo. "Bwelo lang ‘yon! Ang tagal ko ring hindi nakatapak sa yelo! Ilang buwan na!" pagmamayabang ko pa rin. Nasa isang ice skating rink kami sa loob ng isang sikat na mall. Nagkayayaan lang gumala at magdate

