Chapter 45 Samantha "Sabihin na natin sa kanila?" pabulong na tanong sa akin ni Gian nang makarating kami sa bahay mula sa beach resort. "Ikaw." nangingiti kong sagot. "Ano ba 'yang pinagbubulungan niyo diyan? Kung magliligawan kayo dito sa loob ng bahay ‘wag diyan sa gate." nakakunot noong sita sa amin ni Papa na nasa maindoor na. Nagbungisngisan kami ni Gian. Lumakad na kami papasok ni Gian habang bitbit niya ang mga gamit ko. "Eh, Papa i mean Tito hindi na po ako manliligaw sa anak niyo." ani Gian na mas ikinakunot noo pa ng ama ko. "Bakit ka titigil sa panliligaw? Ibig sabihin ba niyan hindi ka seryoso sa anak ko?" kastigo ni Papa kay Gian. "Seryoso po ako. Ang totoo po willing pa rin po akong ligawan siya araw-araw pero hindi na bilang manliligaw niya kundi bilang boyfriend na

