Chapter 46 "Ma'am Samantha. May naghahanap po sa inyo." anang isang crew sa'kin habang abala ako sa pag-o-audit sa office. "Sino?" tanong ko at tumunghay. Pinamamahalaan ko na kasi ang fast food chain na pag-aari ng pamilya namin. Malapit lang naman ito sa bahay. Tamang-tama naman na nagresign na ang dating manager dahil nagmigrate na ito sa Canada kaya timing ang pagpasok ko para pamahalaan ito. Wala namang dahilan na para bumalik pa ako sa America lalo pa at nandito si Gian. "Si Sir Vince po." sagot nito kaya naman napasimangot ako. Ano kayang kailangan ng ugok na iyon? "Bakit daw?" "Hindi ko po alam, eh." kakamot-kamot sa batok na anito. "Sige na Cindy balik ka na sa work mo. Lalabas na ko." sagot ko na lang kaya lumabas na ito. Ilang saglit lang lumabas na rin ako para harapi

