Chapter 67 Samantha "Baby galit ka ba?" pangungulit na tanong sa akin ni Gian habang nakatalukbong pa rin ako ng kumot at hindi pinapansin ang mga tanong niya kung bakit daw ako nagkakaganito? Panay din ang hatak niya sa kumot. Tsk. Sa nakakainis, eh. Hindi pa nagpopropose! Samantalang naiannounced na niya kina Tita Lia na ako ang magiging asawa niya. "Ewan ko sa'yo." pagmamaktol ko pa. "Ewan mo sa'kin? Bakit nga? Tinotopak ka na naman." palatak niya. Nainis naman ako sa sinabi niya kaya tinanggal ko na ang pagkakatalukbong ko ng kumot at hinarap siya. "Ako pa talaga ‘yong may topak? Sino kaya ang mas may topak sa'tin? Mas kulang-kulang ka nga, eh, kahit hindi ka naman Pebrero ipinanganak." ganti ko. "Mas may topak ka. Kanina lang nakikipagtukaan ka sa'kin tapos bigla ka na lang

