Chapter 66 "H-Hindi ko po alam. Sa pagkakatanda ko po, hindi pa siya nagpopropose." nakaramdam ng panlulumong sabi ko. "Ano? Iniannounced na niya sa'min pero hindi pa pala nakakapagpropose sa’yo? Batang ‘yon talaga. Kung minsan nauuna muna ang gawa bago salita." naiiling na sabi nito. "Hayaan mo na baka naman tumatiming lang. Parang Daddy niya. Ang galing tuming. Anyway ready ka na bang maging Misis Fortaleza? Kasi ‘yong anak ko handang-handa na siya. Mahal na mahal ka no’n." nangingiting tanong pa ni Tita. Bahagya akong napalunok at alanganing napangiti. "Medyo kabado po. Pero sigurado po talaga ako kay Gian. Mahal na mahal ko rin po siya." Napangiti si Tita Lia sa naging sagot ko. "Alam mo, mabuti nga ikaw marunong ka na kaagad sa kusina bago kayo ikasal ni Gian, samantalang ako

