Chapter 41 "Bakit ganyan ang suot mo?" kunot noong tanong niya at humakbang papasok saka niya pasimpleng isinara ang pintuan. Napalunok ako. "O-Okay naman, ah! ‘Wag ka nga!" katwiran ko. "Eh, kung tinatalupan kaya kita ngayon para diretso na?" nakangising tanong niya. "Manyak!" sigaw ko at mabilisang tumakbo sa likuran niya saka dire-diretsong lumabas ng cottage. Hinabol naman niya ako. Nakarating kami sa buhanginan malapit sa dagat. "Yari ka sa'kin baby kapag nahuli kita! Tatalupan talaga kita!" pagbibiro niya kaya hindi ko tuloy malaman kung matatawa ako o kikilabutan. "Gian!" napatigil kami sa kahahabulan nang marinig ang pagtawag. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Charlot iyon. Lalo na sa suot niya! Nakatwo piece ang higad! Litaw na litaw ang hulma ng malaking dibd

